Chapter 14

1572 Words
NAKATINGIN lang sa hawak na cellphone si Fabio. Ilang beses niyang tinawagan ang cellphone ni Ria ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Kahit sa ipinadala niyang mensahe ay hindi man lang ito nagrereply. Hindi tuloy malaman ni Fabio kung ano ang gagawin niya. Gulong-gulo ang isipan niya sa nagawa niya kay Mario. Parang hindi na tuloy niya kilala ang kanyang sarili. Sa kawalang pag-asa na sumagot pa si Ria ay mas itinuon na lang niya ang sarili sa trabaho. Lalo na at hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyari kay Mario. Bakit bigla na lang itong namutla at pinagpawisan kahit malamig naman sa loob ng opisina niya. Patuloy lang siya sa pagbabasa at pagpirma ng mga papeles at hindi niya namalayan ang oras. Nagulat na lang siya ng mapansing nasa harapan na niya si Mario at nakayuko sa kanya. "Sorry Sir!" Mula sa pagbabasa ay tumunghay si Fabio. Ilang beses pa siyang napalunok at tumikhim bago magsalita. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Kaswal niyang tanong. Wala namang makakaalam sa nagawa niya. Lalo na at wala siyang balak amin kahit sa na kanino ang paglapat ng labi niya sa labi ni Mario, habang walang malay ito. "Mas maayos na Sir. Pasensya na po kung nakatulog ako. Ang alam ko po ay nakatulog po ako sa sofa ninyo. Nagulat na lang ako na paggising ko, nasa loob na ako ng silid ninyo. Isa pa, sorry po kung nahimbing ako ng tulog. Pasensya na po talaga. Sana ay hindi maging hudyat para mawalan ako ng trabaho. Dahil sa pagtulog sa trabaho na nagawa ko sa araw na ito." Napabuga na lang ng hangin si Fabio. Wala naman sa kanya kung nakatulog si Mario. Ang hindi niya maipaliwanag sa sarili niya ay ang labis na pag-aalalang naramdaman niya kanina, para dito. "Ano bang naramdaman mo kanina? Bakit hindi ka nagpadala sa clinic? Nakasalubong ko kanina si Rocky at siya ang nagsabi ng kalagayan mo." Sa halip ay sagot niya, at hindi na pinansin ang sinabi ni Mario. Pansin niya ang pag-aalangan sa mukha ni Mario. Napakunot noo pa siya ng mapansing para itong kinakabahan. "May sakit ka ba?" Napatuwid naman ng tayo si Mario. Napa-tsk na lang siya ng mapansin niyang mas kinabahan ito. "Wala Sir!" may diin nitong sagot na ikinailing ni Fabio. "Kung may sakit ka, magpadoktor ka. Baka mamaya kulangin pa itong sinasahod mo dito sa pagpapagamot mo paglumala pa iyan. Isa pa may health insurance naman ang kompanya. Pwede mo iyong magamit." "Wala akong sakit Sir at sigurado po ako doon. Pero may schedule po ako ng check up para sa isang araw. Gawa ng medyo sumasakit ang likod ko. Kaya bago pa lumala, patitingnan ko na sa doktor." Napatango naman si Fabio sa sagot ni Mario. Nakahinga naman ng maluwag si Mario ng sa tingin niya ay tinanggap ni Fabio ang sinabi niya. Totoong may check-up talaga siya sa doktor sa isang araw. Ngunit hindi dahil sa likod niya na sumasakit. Kahit totoong sumasakit nga iyon ay normal lang iyon dahil nangangalay talaga siya. Pero ang pagpapacheck-up niya ay gawa ng monthly check-up niya talaga. Sa totoo lang, hindi malaman ni Ria, kung paano siya makakasurvive sa trabaho ngayon. Kung noong unang mga buwan ay madaling araw siya inaabala ng pagsama ng pakiramdam, ngayon naman ay tuwing tanghali. Isa pa doon ay nagiging antukin talaga siya. Paano siya magpapatuloy sa trabaho kung palaging inaantok siya. "Mabuti kung ganoon. Sabihin mo kaagad sa akin ang resulta ng check-up mo. Bilang boss, gusto kong palaging nasa maayos ang empleyado ko. Lalo na ang kalusugan nila." "Thank you Sir. At pasensya na po kung nakatulog ako. Babawi po ako bukas. Kahit po magkarecord na lang po ako ng half day ngayon. Pasensya na po talaga." "No need. Ayos lang naman. Sige na, umuwi ka na at magpahinga ka," utos ni Fabio. Nagpaalam na rin si Mario sa kanya at nagpasalamat. Nakasunod lang ng tingin si Fabio kay Mario. Hindi pa rin niya makalimutan ang nagawa niya sa binata. Ayaw niyang aminin na may lihim siyang tinatago. Dahil alam niyang lalaki siyang totoo. Kaya lang ano ang ibig sabihin ng halik na nagawa niya kay Mario kanina. Nakaupo na si Mario sa harap ng table nito. Sa tingin ni Fabio ay inaayos na lang ng binata ang mga gamit nito. "Mas mabuting magpahinga na lang siya. Sa tingin ko talaga ay may iniinda siyang karamdaman. Maputla pa rin ng bahagya ang labi niya," aniya sa sarili. Bago binawi ang tingin sa binata. Muli ay itinuon ni Fabio ang tingin cellphone niya. Umaasa siyang magrereply sa kanya si Ria. SAMANTALA, pagkaupo ni Mario sa table niya ay napansin niya ang cellphone niya. Pagbuhay niya doon ay nagulat na lang siya ng mapansin ang napakadaming missed calls at text messages na galing sa boss niya. Ngunit hindi para kay Mario kundi para kay Ria. Isa-isa niyang binasa ang mensahe na iisa lang naman ang laman. Kung maaari ba silang magkita. Nailing na lang si Ria. Sa tingin niya, ay maayos na ang pakiramdam niya at mahabang oras talaga ang naging pahinga niya. Mabilis siyang nagreply dito. Humingi na lang siya ng pasensya sa late na reply. Nagdahilan na lang siyang naiwan niya sa bahay ang cellphone niya, na sa katunayan ay naiwan niya sa table niya at nakatulog talaga siya. Biglang may tumawag sa cellphone niya. Ngayon alam na niya kung bakit, hindi napansin ng boss niya na cellphone niya ang tinatawagan nito. Dahil naka silent ang cellphone niya. Bagay na hindi niya malaman kung paano nalipat sa silent mode ang cellphone niya. Sa tingin niya ay hindi niya sinasadyang napindot kanina. Pero wala siyang balak sagutin ang tawag ng boss niya. Baka mapansin siya nito sa salaming dingding na may kausap siya sa tawag at mahuli pa siya. Sa huli ay nakatanggap siya ng mensahe na nag-aaya itong lumabas. Bigla na lang kumalam ang sikmura niya. Hapon na at hindi pa siya nagtatanghalian. Para tuloy gusto niyang kumain ng street foods. At kahit gabi na ay may alam siyang nagtitinda ng ganoon. Nagreply kaagad siya sa boss niya na magkita na lang sila sa bar. Bago sila pumunta sa lugar na naiisip niya. Mabilis namang sumagot ang boss niya at pumayag kagaad ito. Bagay na ipinagtataka ni Ria. Alam niyang mayaman ang boss niya. Kaya hindi niya akalaing mapapayag niya itong magtungonsa lugar na alam niyang hindi pa napupuntahan ng boss niya. Mabilis na inayos ni Ria ang mga gamit niya. Wala na rin namang trabaho at tapos na ang oras ng trabaho kaya uuwi na muna siya para makapagpalit ng damit. "Boss una na ako," paalam pa niya matapos niyang kumatok sa pintuan. Naabutan pa niya ang boss niyang nakangiti habang nakatingin sa cellphone nito. "Sige, ingat ka. Magpahinga ka na lang muna," sagot nito na hindi man lang tumingin sa kanya. Naiiling siyang isinara ang pintuan. Hindi niya alam kung bakit parang natuwa siya na siya ang dahilan ng pagngiti ni Fabio. Sigurado siya doon. Ang hindi lang niya alam ay kung ano ang magiging reaksyon ng boss niya pag nalaman nitong si Mario at si Ria ay iisa. Na ang totoong pangalan ay Maria Angela Arenas Capili. ISANG oras na si Fabio na naroroon sa harap ng bar, ngunit wala pa rin si Ria. Mas inagahan niya ng kalahating oras, sa usapan nila. Ayaw naman niyang paghintayin si Ria, gayong siya ang lalaki sa kanilang dalawa. Pero kalahating oras na, mula sa oras na sinabi ng dalaga ay wala pa rin ito. Ilang beses na niyang tinawagan ito at ilang mensahe na rin ang naipadala niya, ngunit hindi pa rin sumasagot ang dalaga. Pagkarating na pagkarating nga niya kanina sa bar ay bumili kaagad siya ng peach mango cake. Nalaman niyang katulad niya ay gusto rin ni Ria ang cake na iyon. Kaya maswerte siyang nakabili pa siya ng isang buo sa gabing iyon. Tatawagan na sana muli ni Fabio si Ria ng mapansin niya itong naglalakad papalapit sa kanya. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt at brown trousers at blue polo. Simple lang ang suot nito. Ngunit para kay Fabio ay bagay na bagay sa dalaga ang suot nito. "Kanina ka pa? Sorry, trapik kasi. Hindi ko na napansin na tumatawag ka at may text messages ka. Nakita ko na lang pagkababa ko ng dyip," ani Ria na ikinailing ni Fabio. "Actually, kadarating ko lang. Bali, bumili lang ako sa loob peach mango cake sa loob at kalalabas ko lang din," pagsisinungaling ni Fabio. "Isa pa hindi ako tumatawag. Baka napindot lang habang nasa bulsa ko ang cellphone ko," dagdag pa niya. Tumatangong naiintindihan naman ni Ria. Minsan kasi ay ganoon din ang cellphone niya. May sariling buhay. Nakahiga naman ng maluwag si Fabio ng sa tingin niya ay naniwala si Ria sa sinabi niya. Mabuti na lang at ang laman lang ng messages niya, noong una ay sinabi lang niyang magtext na lang si Ria pag nasa labas na ito ng bar. Tapos ang mga sumunod na ay puro tuldok na lang. Hindi naman masasabing nag-aaksaya siya ng load. May unlimited naman kasi. Iyon nga lang hindi talaga siya gumagamit ng social media. Kaya tamang tawag at padala lang ng mensahe ang nagagawa niya. "Tara na," excited na saad ni Ria na ikinatango ni Fabio. Kitang-kita niya na excited ang dalaga sa pupuntahan nila. Kahit naman siya. Lalo na at unang beses pa lang niyang makakapunta sa ganoong lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD