Chapter 15

2180 Words
HINDI malaman ni Fabio kung mapapakamot ba siya ng ulo o mamamangha na lang sa nakikita. Ang nasa isip niya noong una, nang sabihin ni Ria na night market ay para iyong food court sa isang mall, ngunit nagkakamali pala siya. Ang night market na sinasabi ng dalaga ay literal na night market. Para itong palengke talaga, pero sa gabi. Maraming nagtitinda ng kung anu-ano. May mga food cart, may isang parte rin sa lugar na iyon na pwede mong bilihan ng damit, sapatos ko kung anu-ano pa. Pero pagdating ng umaga ay hindi mo makikita na ganoong ka abala ang lugar iyon. "Fabio doon tayo." Hindi na nagawang makapagsalita ni Fabio ng hilahin siya ni Ria. Sumunod na lang siya rito ng walang angal. Hanggang sa makarating sila sa isang food cart na may kung anu-anong prito ang tinitinda. Pinagmasdan na lang niya si Ria ng kumuha ito ng isang plastic cup at tumusok ng kung anu-anong naluto ng pagkain at inilagay sa basong hawak nito. Nang mapuno nito iyon ay nilagyan naman nito ng sa tingin niya ay pinaka sauce. Napangiwi pa si Fabio ng mapansin niyang nilagyan pa iyon ni Ria ng suka na may timpla. Dahil may nakita pa siyang sibuyas, sili at pipino na nakalutang sa suka. Bukod pa doon ang kakaibang kulay nito na sa tingin niya ay dahil sa asin at paminta. "Hawakan mo muna," saad ni Ria. Kaya naman hindi na lang siya nagsalita at hinawakan niya ang plastic cup na pinahahawakan nito sa kanya. Akala niya ay magbabayad na ang dalaga. Iyon pala ay kumuha pa ulit ito ng isa pang baso at nilagyan muli ng katulad ng inilagay nito doon sa nauna. Pagkatapos noon ay pinahawakan ulit iyon sa kanya ni Ria. Napailing na lang si Fabio. Matapos kasi ng una, ikalawa ay may ikatlong baso pa na punong-puno ng mga pritong pagkain na hindi niya alam ang tawag. Kukuha sana siya ng pambayad ng pigilan siya ni Ria. "Why?" naitanong na lang niya. "May one hundred peso bill ka?" Napakunot noo na talaga siya. Ano naman ang kinalaman ng one hundred pesos, kung bakit pinigilan pa siya nitong dukutin ang wallet niya. "I don't think so." "See! Kung sa tingin mo naman ay wala, huwag ka ng dumukot ng wallet. Baka literal na madukutan ka pa. Wala pang one hundred pesos itong nabili ko." Napatango na lang si Fabio. Hinayaan na lang niya si Ria. Manghang-mangha pa siya ng magbayad ito ng sandaang piso ay sinuklian pa ito ng dalawang bente. Hinila na siyang muli ni Ria papalayo sa magtitinda. Hanggang sa makarating sila sa may dulo. May kaunting dilim, pero may upuang sementado. Na habang nakaupo ka ay pwede mo pa ring ipatong ang hawak mong pagkain. Nakatingin lang si Fabio kay Ria habang magana itong kumakain. Iyon ang unang beses na makakilala siya ng babaeng walang arte sa katawan. Iyong tipong kahit saan mo dalahin ay game. Fine dining, bar, fastfood o kahit sa mga turo-turo ay ayos lang. "May amos ba ako sa mukha? Bakit naman kung makatitig ka, daig mo pang labis na nagagandahan sa akin? Okay alam ko namang may kaunti akong ganda. Pero hindi iyong mapapa-head turn ka talaga. O baka makalat akong kumain. Or, pwede rin namang hindi ito ang inaasahan mong pupuntahan natin. Sorry, nawala sa isipan ko. Ikaw nga pala ang nag-aya. Kaya lang wala eh, nagcrave ako sa mga pagkain dito. Matagal na rin akong hindi nakakakain dito eh," ani Ria. Wala naman kaagad naisagot si Fabio. Ang cute lang kasing pagmasdan ng dalaga. Habang nagsasalita kasi ito ay puno ang bibig nito. Okay need ng manners. Pero hindi niya makitang masagwang tingnan ang dalaga sa pagkilos nito. Bagkus ay parang nakalimutan na nga niya ang dahilan, kung bakit nais niya itong makasama kanina. Parang mas nahuhulog siya kay Ria. "You're beautiful Ria." Bigla namang nasamid si Ria. Hindi niya inaasahan ang naging sagot ni Fabio sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilan ang pag-ubo. Lalo na at parang pumasok sa ilong niya ang suka na hinigop niya. Hindi naman malaman ni Fabio ang gagawin. Natataranta siya kung ano ba ang dapat niyang unahin. Kung ang maghanap ng tubig o alalayan si Ria. Hanggang sa may isang lalaking mabilis na lumapit sa kanila at nag-abot ng bottled water sa kanya. Mabilis naman niya iyong binuksan at ipinainom kay Ria. Ilang sandali pa ay naging maayos na ang pakiramdam ng dalaga. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag. Mula sa kanyang bulsa ay kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan niya ng pawis ang mukha ni Ria. Halatang napagod ito sa pag-ubo. "Thank you," ani Ria ng hindi mapigilan ni Fabio na yakapin ang dalaga at halikan sa ulo. Natigilan naman si Ria. Pakiramdam niya ay ligtas siya habang nasa loob ng mga bisig ni Fabio. Napangiti pa siya, lalo na at ang init ng katawan ni Fabio ay nagbibigay ng masarap na pakiramdam sa katawan niya. Bagay na hindi niya maipaliwanag kung bakit parang pamilyar sa kanya. Nang maayos at hindi naman pumalag si Ria sa pagkakayakap ni Fabio ay hinarap na ni Fabio ang lalaking nag-abot sa kanya ng tubig. Nakatalikod na ito sa kanya. Ngunit may dala itong cooler na siyang pinaglalagyan ng mga soft drinks or bottled water na sa tingin niya ay tinda nito. "Boss!" Hindi kasi alam ni Fabio kung paano niya tatawagin ang lalaking magtitinda. Kaya iyon na lang ang sinambit niya. Pasalamat na lang talaga at lumingon ito sa kanya. "Boss!" Balik nitong saad sa kanya. "Iyong tubig ba? Naku, libre ko na iyon. Huwag ka ng mag-alala. Mabuti na lang at napansin ko kayo dito at saktong may tubig akong tinda. Kung hindi baka kung napaano na iyang girlfriend mo. Hirap pa naman sa pakiramdam pag nasasamid," paliwanag nito na hindi niya mapigilan ang mapangiti. Hindi dahil sa concern ito at totoong nagmamalasakit ito sa kapwa nito. Kundi dahil sa sinabi nitong girlfriend niya si Ria. Bakit iba ang saya na dulot ng salitang iyon sa kanya? Bakit parang kay sarap ipagsigawan sa mundo ang bagay na iyon? "Thank you," iyon na lang isinagot niya sa sinabi nito. Ngunit tatalikod na sana ang lalaki ng magsalita siyang muli. "Pwede bang bumili na lang ulit ako ng isa pang tubig?" "Oo naman boss. Ito na ang tubig mo. Kinse lang yan," wika ng lalaki, sabay abot ng bottled water sa kanya. Ibinaba naman ni Fabio iyon sa tabi ni Ria. Ang isa niyang kamay ay nakaalalay pa rin sa dalaga. Maayos na ang pakiramdam nito sa tingin niya, dahil itinuloy na nito ang pagkain ng binili nito. At hinayaan na siyang makipag-usap sa nagtitinda ng tubig na tumulong sa kanila. "Boss wala kang barya? Baka naman may barya ang girlfriend mo. Kinse lang ang tubig eh." Nagkakamot pa ng ulo ang lalaki na ikinangiti ni Fabio. "Keep the change. Kung hindi dahil sa iyo baka kung ano na ang nangyari sa girlfriend ko." "Seryoso ka boss? Malaking tulong ito sa akin. Mahirap kitain sa isang gabi ang isang libo." "Hundred percent sure. Thank you," sagot ni Fabio. Nagulat na lang si Fabio ng abutan pa siya ng lalaki ng dalawang soft drinks at isa pang bottled water. "Way ko naman po iyan ng pasasalamat. Kaya tanggapin mo na boss. Thank you ulit." Hindi na nakakontra pa si Fabio ng mabilis na tumalikod ang lalaki at nagsasalita pa ng pasalamat sa kanya. Hindi rin naman niya maiwasang matuwa. Lalo na at sa maliit na halaga, parang ang laking bagay ang nagawa niya. "Ouch!" Nabaling naman ang tingin ni Fabio kay Ria ng maramdaman niyang kinurot siya nito sa tagiliran. Totoong nasaktan siya. Higit sa lahat nagulat siya. "Why?" Nagtataka niyang tanong. "Why? Hey! Kailan mo pa ako naging girlfriend. Sa pagkakaalam ko nag-aya kang lumabas. Pero hindi ko nabalitaang nanligaw ka. Higit sa lahat wala akong alam na sinagot kita." Napahawak na lang si Fabio sa batok. Akala niya ay hindi iyon napapansin ni Ria at abala ito sa pagkain. Iyon naman pala ay naghihintay lang ito ng pagkakataon kung paano siya nito kakausapin. "Hindi naman ako ang may sabi, iyong magtitinda kaya. Kaysa magpaliwanag pa ako, di sinakyan ko na lang ang sinabi niya." "Daming alam," bulong ni Ria na umabot naman sa pandinig ni Fabio. "Bakit hindi na lang natin totohanin?" Seryosong tanong ni Fabio. Nagkatinginan silang dalawa. Mata sa mata. Ngunit nag-iwas din ng tingin si Ria. "Alam mo Fabio gutom lang yan. Kumain ka na lang," naisagot na lang ni Ria. Alam naman niya sa sarili niyang, mali ang ginagawa niya. Kung totoong nagugustuhan siya ni Fabio ay totoong nahuhulog dinnsiya dito. Kaya lang mali talaga ang nararamdaman niya. Bukod sa nagdadalangtao siya sa anak ng lalaking hindi niya kilala. Ay lihim pa dito ang katotohanang niloloko niya ito, sa pagpapanggap niya bilang Mario. Humugot siya ng hangin. Kailangan muna niyang alisin ang bagay na nagpapagulo sa isipan niya. Sa ngayon kahit saglit, pipiliin muna niyang maging masaya. Kahit hirap na saya lang sa hiram na sandali. Ibinigay ni Ria kay Fabio ang plastic cup na may kung anu-anong laman. Tinitigan lang niya ang laman noon. May bilog na orange, may flat na puti, mayroon ding bilog na puti, at brown na mukhang croissant bread, pero hindi naman. Gusto niyang tanungin si Ria kung ano ang mga pagkaing iyon. Kaya lang ay nakaramdam siya mg hiya, lalo na at naubos na nito ang laman noong isang baso. Habang siya, ay mangha pa rin sa kung anong pagkain ang laman ng baso. Kitang-kita niya ang pagngiti ni Ria na mas nagpabilis sa pagtibok ng puso niya. "Hindi ka pamilyar? Rich kid ka kasi." "Ha?" Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa. Pero ang marinig ang hagikhik ni Ria ay parang idinuduyan siya sa alapaap. Pakiramdam talaga niya ay tinamaan siya sa dalaga. "Iyong orange na bilog, kwek-kwek iyon. Iyong white na bilog na flat, fishball, iyong bilog talaga, squid ball. Tapos iyong isa, kikiam iyon. Huwag kang mag-alala. Kung nakakalason ang pagkain dito, dalawa tayong mamamatay. Kaya kain na, habang edible pa itong mga binili ko." Nailing na lang siya sa pinagsasasabi ni Ria. But to surprise him, masarap ang mga pagkaing ipinatikim sa kanya ni Ria. Kasabay ni Ria ay naubos din niya ang laman ng baso niya. Bagay na hindi niya sana nasubukang kainin. Kung hindi dahil sa dalaga. Hindi pa doon natatapos ang lahat, dahil halos inuli nila ang lahat ng food stand na naroon sa night market. At halos natikman nilang dalawa lahat na mga pagkain doon. "Grabe busog na busog ako," ani Ria at napahimas pa siya sa kanyang tiyan. Hindi man niya inaasahan na gagastos si Fabio para sa pagkaing, hinihingi ng baby niya. Dahil mula ng magbayad siya sa unang food stand na pinuntahan nila, ay ito na ang nagbayad sa sunod na tindahan na binilhan nila, hanggang sa mabusog talaga siya ng sobra at ngayon ay nakaupo na lang sila at nagpapahinga. "Halata nga," sagot ni Fabio. "Kahit naman ako, hindi ko akalaing makakakain ako ng ganoong karami. Not bad for the first timer like me. Pero saan mo ba dinadala ang kinakain mo. Ang liit mong babae, pero parang pag limang katao ang nakain mo. Nagtatanong lang ako. Kasi kung magkasinglaki lang tayo hindi ako magtataka. Kaya lang---." Alam naman ni Ria ang pinupunto ni Fabio. Sobrang taas kasi nito kompara sa kanya. Pero ano bang magagawa niya sa cravings ng paslit? Isa pa hindi naman siya nakakain ng lunch. Kaya bumawi talaga siya ngayon. Higit sa lahat sinulit talaga niya ang libre. "Sa tiyan." Tinapik-tapik pa ni Ria ang tiyan niya na ikinailing ni Fabio. "Bago ang lahat, at bago tayo umuwi. Bakit mo pa ako gustong makita kanina? Iyong dating ng mensahe mo kanina, para kasing problemado ka," tanong ni Ria. Sa totoo lang ay hindi iyon ang dahilan. Dahil mula ng magising siya sa silid ni Fabio sa loob ng opisina nito ay para itong problemado. Hindi naman niya matanong dahil sekretarya lang naman siya nito at hindi sila close na katulad ni Ria ngayon. Kaya kahit papaano ay nagpapakapropesyonal siya. Ang trabaho ay trabaho at hindi dapat haluan ng pagiging tsismosa. Pero dahil si Ria siya ngayon, pwede na siyang magpakatsimosa. Total naman ay babae siya at hindi si Mario. "Hatid na kita." Napakunot noo na lang si Ria. "Galit ka ba? May mali ba akong nasabi?" Una sa lahat ayaw ni Ria na may magtatampo sa kanya. Pakiramdam niya maiiyak siya. Siguro ay dala na rin ng pagbubuntis niya. "Hindi ah, gabi na rin naman. Higit sa lahat thank you kasi pinagbigyan mo akong makasama ka ngayon." Napatango na lang siya sa sagot ni Fabio. Nagulat pa siya ng hawak nito ang kamay niya, at sabay silang naglakad patungo sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Gusto man sana niyang magtanong pa, ngunit pinigilan na lang ni Ria ang sarili. Siguro ay sa susunod na lang. Mukhang okay na rin naman si Fabio ngayon at hindi na katulad kanina. Noong nasa opisina pa sila na parang pasan nito ang mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD