Chapter 16

1870 Words
"SA TERMINAL NA LANG." Napasulyap si Fabio sa katabing babae sa may passenger seat. Ngunit mabilis din niyang ibinalik ang paningin sa daan. Kahit ilang beses na silang nagkasama ay hindi pa rin talaga niya malaman ang dahilan kung bakit ayaw nitong magpahatid kung saan ito nakatira. At kahit ang buong pangalan ng dalaga, hanggang ngayon clueless pa rin siya. "Why? May magagalit ba?" Hindi na iyon napigilang itanong ni Fabio. Pakiramdam kasi niya masaya si Ria pagmagkasama sila. Kahit sabihing mukhang wala talagang idea si Ria na siya ang lalaking nakasama nito noong gabing iyon. Pero ang hindi niya maintindihan sa dalaga ay iwas pa rin itong malaman niya ang buong pagkatao nito. "Wala naman. Masyado lang kasing strikto iyong landlady ko. Pagnalaman niyang may naghatid sa akin sa apartment ko, or kahit doon lang sa kanto at makarating doon, baka palayasin ako. Ayaw pa naman noon na may ibang tao na bibisita sa mga paupahan niya. Iba na kasi ang panahon ngayon. Kailangan talagang mag-ingat." "Ibang tao pa rin ba ako para sa iyo?" Napalunok naman ng laway si Ria. Syempre hindi na iba sa kanya si Fabio. Sa araw-araw ba niya itong nakakasama, na kahit may pagkamasungit at moody minsan ay masasabi niyang napakabait nitong boss. Kaya lang hindi naman totoo ang sinasabi niya tungkol sa landlady niya. Syempre siya pa rin si Mario na sekretarya nito, kaya kailangan mag-ingat. Sayang din naman kasi ang sasahurin pa niya sa mga susunod na buwan kung maaalis lang siya sa trabaho dahil lang sa malaman nitong babae siya. "Syempre hindi ganoon. Kaya lang gabi na at mahirap na. Siguro some other time. Sige na sa terminal mo na lang ako ibaba." "Hindi ba talaga pwede?" tanong pa niya. Gusto lang talaga niyang malaman kung saan ito nakatira. Siguro iyon ang mas magandang gawing first step, para mas maituon niya ang sariling isipan kay Ria. Kaysa iba pa, na hindi naman pwede at hindi naman talaga. Ngunit napabuntong-hininga na lang si Fabio ng umiling ang dalaga. "Sorry. Maybe next time." Napatango na lang siya. Wala na rin namang nagawa si Fabio, at sinunod na lang niya ang nais ni Ria. Gusto man niyang sundan ang dyip na sinakyan ng dalaga, ngunit ayaw naman niyang mawala ang tiwala nito sa kanya. Pagkauwi ng bahay ay pasalampak na ibinagsak ni Ria ang katawan sa kama. Sa katunayan ay pagod na pagod ang katawang lupa niya. Pero naroon ang satisfaction na nakain niya ang mga pagkaing ikinakalam ng sikmura niya. Napahawak pa siya sa kanyang sinapupunan at matamis na ngumiti. "Busog ka ba baby ko?" tanong niya. Ngunit ang ngiti ni Ria ay kaagad din napawi. "Hindi ko alam kung paano ko iiwasan ang boss ko baby. Mabait siya kahit sabihing nagpapanggap akong lalaking sekretarya niya. Pero mas mabait siya pag ako si Ria. Nararamdaman ko rin na parang may gustong ipahiwatig ang boss ko. Para bang may pagtingin siya kay Ria. Pero ano bang gagawin ko anak? Nagdadalangtao na nga ako sa iyo. Nagsisinungaling pa akong lalaki sa kanya. Hindi ko tuloy malaman kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Lalo na ngayon need ko ng trabaho anak para sa future natin. Higit sa lahat iyong cravings natin, libre nating nakukuha. Di ba panloloko iyong ginagawa ko sa kanya. Hay anak, please enlighten your momma." Napatingala na lang si Ria sa kisame. Kahit anong gawin kasi niya ay hindi niya malaman kung paano ba niya maiitama ang mga mali niyang desisyon sa buhay. Lalo na sa mabait niyang boss na niloloko niya, kahit hindi naman niya intensyon. Pero ang isiping parang may pagtingin sa kanya si Fabio ay ikinakikilig niya. Iyon nga lang, hindi pwede, lalo na at buntis siya sa ibang lalaking hindi niya kilala. "Hay baby. Mababaliw na ako. Bakit kasi ngayon ko lang nakilala ang lalaking iyon? Pero huwag kang magtatampo sa nanay mo ha. Mahal kita syempre anak. At hindi ko pinagsisisihan na nabuo ka. Ikaw lang kasi ang mayroon ako. Iwan man ako ng lahat ng tao. Huwag lang ikaw ang mawala sa akin anak ko." Hinaplos muli ni Ria ang kanyang sinapupunan. Sa paghaplos niya doon ay nararamdaman niyang may karamay siya sa naguguluhan niyang isipan sa kanyang pag-iisa. Bago pa siya tuluyang hilahin ng antok ay bumangon na siya para magtungo sa banyo. Matapos maglinis ng katawan ay umayos na ng higa si Ria. Handa na siyang matulog ng tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Fabio. "I'm sorry hindi na ako nakapagpadala ng mensahe sa iyo. Narito na ako sa bahay at ready na ring matulog. Medyo napagod din talaga ako. At salamat sa libre. Isa pa nga pala, ikaw ba? Nakauwi ka na," aniya. Kahit hindi nakikita ni Ria ang lalaki ay nararamdaman niyang nakangiti ito. Bagay na hindi niya maipaliwanag kung paano nangyari na parang nararamdaman na lang niya ang ekspresyon ng lalaki sa kabilang linya kahit hindi niya nakikita. Siguro ay ganoon din talaga ang pakiramdam pagnahuhulog ka na sa isang tao. Pero dahil sa sitwasyon niya. Mali ang mahulog sa boss niya. Magiging unfair para dito ang lahat. "Yeah, narito na ako sa bahay. Thank you ulit sa oras mo." "Wala 'yon. Syempre gusto ko lang ding sulitin ang mga araw na hindi pa malaki ang---," natigilan si Ria. Natampal pa niya ang sariling bibig dahil sa kadaldalan niya. Matutulog na lang siya, ay bakit pa kasi naisipan niyang sagutin ang tawag ni Fabio. Ngayon naman napadaldal pa siya talaga. "Anong sinasabi mo?" "Ah, ibig kong sabihin sinusulit ko iyong araw na hindi pa ako nagkakaroon ng malaki, ng maraming trabaho. Kasi pag maraming trabaho na natoka sa iyo. Kahit anong bakasyon, chill ang gusto mo. Walang lugar sa pahinga at pagod ang katawan mo. Kaya ngayon susulitin ko muna ang araw na wala pang gaanong workload. Ganoon." "Sabagay," naitugon na lang ni Fabio. Ilang minuto pa silang nagkausap hanggang sa siya na mismo ang nagpaalam kay Fabio. Gusto na talaga niyang matulog. Hindi na talaga kakayanin pa ng katawan niya ang labis na puyat. Ipipikit na sana ni Ria ang mga mata ng tumatawag naman si Fabio kay Mario sa numero ng cellphone niya sa kompanya. Kahit pagod na talaga ang katawan niya ay kailangan talaga niyang sagutin ang tawag ng boss niya. "Sir!" Malaking tinig na sagot niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Napangiti naman si Ria sa pangungumustang iyon ni Fabio kay Mario. Kahit sabihing hindi naman nito obligasyong mangumusta ng ganoon sa empleyado nito. "Sir magpapakatotoo ako sa inyo sa mga oras na ito. Medyo masama pa rin po talaga ang pakiramdam ko. Pero siguro po ay tulog at pahinga lang ang katapat nito." "Di ba umuwi ka na kaagad kanina. Hindi ka ba kaagad umuwi ng bahay para makapagpahinga?" Napakamot na lang si Ria sa ulo. Paano ba niya sasabihin sa boss niya na magkasama lang sila kanina ni Ria, ay si Mario rin iyon. Napabuntonghininga na lang siya. "Boss naglinis pa kasi ako ng bahay. Pasensya na." Dinig na dinig niya ang pagbuntong-hininga ni Fabio. Hindi niya tuloy ngayon masiguradong kung galit ba ito o naiinis sa kanya. Mas mabuti pa kung masaya ito. Dahil nararamdaman niya ang ekspresyon ng mukha nito kahit hindi niya nakikita. "Take your time to rest. Tanghali na ako papasok sa opisina. Kaya maaari ka ring magpatanghali ng pasok para makapahinga ka ng maayos." "Thank you sir," sagot ni Ria at nagpaalam na rin talaga siya kay Fabio. Inilagay niya sa silent mode ang cellphone niya at ang inalis ang alarm. Need niyang makabawi ng pahinga para magkaroon siya ng lakas. Samantala, nakatingin lang si Fabio sa cellphone niya ng maibaba ni Mario ang tawag. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nasabi niya kay Mario na magpahinga muna ito at kahit tanghali na ito pumasok. Walang ganoon at hindi siya ganoon. Napasabunot na lang siya sa sariling buhok. Wala siyang ibang gusto kundi ang mapalapit kay Ria. Pero hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-alala kay Mario. Lalo na ngayong alam niyang masama ang pakiramdam nito. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at tinungo ang kusina. Sa halip na kumuha ng alak ay nagtimpla siya ng kape. "Concern lang ako doon sa tao kasi nga empleyado ko iyon. Higit sa lahat, dahil lalaki siya ay dedicated talaga siya sa trabaho. Hindi katulad nang ibang empleyado na kung babae ang sekretarya ko. Siguradong wala na itong magagawang ibang trabaho, maliban sa abalahin ako mismo." Napabuntong-hininga na lang si Fabio. Matapos niyang ubusin ang tinimpla niyang kape ay bumalik na siya sa kanyang silid. Habang umaasa siya na magiging maayos rin siya at ang kakaibang nararamdaman niya, hatid ng presensya ni Mario. Hindi katulad ng sinabi niya kay Mario ay mas maagap na pumasok sa trabaho si Fabio. Ang mga papeles na nasa ibabaw ng table ni Mario ay kinuha niyang lahat para suriin ang mga iyon. Dinala niya iyong lahat sa loob ng opisina niya. Alas dyis na ng umaga at hindi niya napansin ang oras. Nagulat na lang siya ng makarinig siya ng pagkatok sa pintuan mula sa labas. Tinugon naman niya kung sino ang nasa kabilang bahagi ng pintuan para papasukin ito. "Good morning Sir. Pasensya na kung ngayon lang ako talaga," ani Mario. Nakatingin lang si Fabio sa binata. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Bakit parang namumutla ka pa rin? Nagpatingin ka na ba sa doktor?" "Okay lang ako Sir. Salamat po sa concern. Pero totoong mas maayos na po ako ngayon kaysa kahapon. Kung wala po kayong ipag-uutos magtutungo na ako sa pwesto ko." Tumango na lang si Fabio bilang sagot. Ngunit naroon talaga ang pag-aalala niya kay Mario. Una sa lahat empleyado niya ito. Binuksan ni Fabio ang blind cover ng glass wall. Kitang-kita niya mula sa pwesto niya si Mario. Abala ito sa ginagawa. Kahit maputla ito ay mukhang wala naman itong iniindang sakit. Ipinagkibit balikat na lang niya mga tumatakbo sa isipan niya. Nang oras ng tanghalian ay hindi niya talaga mapababa si Mario sa cafeteria. Ngunit humiling itong matulog na lang sa sofa sa opisina niya kung maaari. Dahil sa nakikita niyang pamumutla ni Mario ay hinayaan na lang niya ito sa gusto nito. Ngunit sinigurado muna niyang nakahiga na ito sa sofa, bago niya ito iwan sa loob ng opisina niya. Pagbalik ni Fabio sa loob ng opisina niya ay natutulog pa rin si Mario sa may sofa. May kung ano sa damdamin niya na gusto na lang niyang hayaan si Mario na magpahinga. Kaya naman tumuloy na lang siya sa maliit na kusina niya para magtimpla ng sariling kape. Pagbalik niya sa may table niya ay narinig niyang tumunog ang cellphone ni Mario na nakapatong sa center table. Napatingin din siya sa orasan na nasa dingding. Oras na pala ulit ng trabaho. At si Mario ay nagising na rin. "Magandang hapon boss. Thank you sa pagpapagamit sa akin ng sofa mo." Napatango na lang si Fabio. "Balik na po ako sa table ko," ani Mario. Bago pa makalabas ng pinto si Mario ay pinigilan ito ni Fabio. "Why Sir? May ipag-uutos ka?" Hindi pa nakakasagot si Fabio ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina na. At mula sa labas ay pumasok si Marinela kasama pa ang mommy at daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD