NAPATAYO naman bigla si Fabio mula sa kanyang kinauupuan ng isa-isang pumasok sa kanyang opisina si Marinela kasama ang mga magulang nila.
Napakuyom na lang siya ng kamao nang mapansin niya si Marinela na wala sa kanya ang atensyon kundi na kay Mario na nakatingin lang sa mga bagong dating.
"What are the all of you doing here? Mommy, daddy, specially you Marinela!" Duro pa niya sa dalaga.
Ngumisi lang naman sa kanya si Marinela bago muling bumaling sa sekretarya niya. "Don't be assuming Fabio. I'm not here because of you. I'm here for Mario."
"What did you say?"
"Are you a deaf?"
"What?"
"Whatever!" ani Marinela at mabilis na nilapitan si Mario sabay abresyete sa braso nito.
"Hi Mario remember me?"
"Yes Ms. Marinela," sagot niya ng biglang itaas ni Marinela ang kamay nito, para salatin ang kanyang noo.
"Are you okay? Bakit namumutla ka? May sakit ka ba?" nag-aalalang saad ni Marinela ng masama nitong tingnan si Fabio.
"How heartless you are?" Dinuro-duro pa nito ang lalaki. "Look mommy, daddy. Hindi na siya naawa sa sekretarya niya. Maputla at mukhang may sakit ang tao, hindi man lang bigyan ng isang iyan ng pahinga. Hindi ba uso ang restday sa kompanya mo?"
Nakatingin lang naman ang mag-asawa kay Marinela at Fabio. Habang minsan ay sumusulyap sa lalaking nasa tabi ni Marinela.
"Huwag ka ngang bentangera. I'm strict but not heartless. Late ko na nga pinapasok si Mario kasi alam kong masama ang pakiramdam niya kahapon. Inuunawa ko ang kalagayan ng mga empleyado ko. Isa pa, kay Mario na mismo nanggaling na okay na daw siya. Mas magmumukha naman akong walang puso kung hahayaan ko siyang magkaroon ng absent without pay, kung gusto naman niyang pumasok talaga sa trabaho. And wait! Why I'm explaining that to you? Wala ka ngang ambag dito sa kompanya ko."
Napahawak na lang sa sentido si Mario. Pakiramdam niya ay sumasakit na rin ang ulo niya sa bangayan ng dalawa.
Sa katunayan ay mas maayos na ang pakiramdam niya ngayon kaysa kahapon. At mas gumaan ang pakiramdam niya ngayon kahit papaano, dahil nakatulog siya ngayong tanghali kahit saglit lang talaga.
"I'm fine Ms. Marinela. No need to worry. Maayos din ang pakikitungo sa akin ni Sir Fabio," aniya. Tapos ay binalingan niya ang mga kasama ni Marinela. "Good afternoon po pala, Sir, Ma'am," bati ni Mario ng magkaroon na siya ng pagkakataong makapagsalita.
"Bakit pala kayo narito talaga?" tanong ni Fabio. Ngunit nakataas na ang palad nito at handa ng takpan ang bibig ni Marinela kung magsasalita pa talaga ito.
"Actually, I want to invite you mamaya. Matagal na rin noong huling beses tayong lumabas para magdinner ng magkakasama. Akala ko nga nang dumating si Marinela ay magkukusa kang umuwi ng bahay para sa family dinner. Pero heto at wala ka man lang pala talagang balak umuwi. Higit sa lahat, nakapagtanong ka pa talaga kung bakit kami narito? Hindi mo man lang naisip ang bagay na iyon?" May halong tampong saad ng mommy niya.
"Oo nga anak, hinihintay ka naming magkusa. Pero hindi ka naman umuuwi. Ganyang-ganyan ka rin noong kayo pa ni---," natigilan ang daddy niya sa pagsasalita. Napabuntong-hininga ito. Alam naman niya ang tinutukoy nito.
Kahit sabihing gusto ng mga magulang niya ang ex-fiancée niya, may pagkakataon pa rin talaga na ramdam niyang gusto lang ng mga ito ang babae dahil walang choice ang mga ito dahil ito ang gusto niya.
Kaya naman ngayon na wala na silang komunikasyon ng ex-fiancée niya, mukhang gusto lang ulit ng mga magulang niya na magbalik sila sa dati. Iyong pag-umuuwi si Marinela may time siya sa mga ito.
Hindi naman kasi niya akalaing mawawala sa isipan niya ang bagay na iyon, dahil lang kay Mario. Wala namang ginagawa ang lalaki sa kanya. Kaya lang ginugulo ng presensya nito ang pagkatao niya.
Muli ay napatingin siya sa mommy at daddy niya. He feel guilty about that. Nakalimutan niya ang bagay na iyon. Hindi na niya naalala na tuwing umuuwi si Marinela ay umuuwi siya sa kanila para magkakasama silang kumain. Sa bahay man o sa labas. Hindi niya talaga naalala ang bagay na iyon, dahil ang isipan niya ay okupado ni Mario.
Hanggang sa muli niyang maalala si Ria. Napangiti siya ng lihim. Alam niya sa sariling lalaki siya, at si Ria talaga ang gusto niya. Ang tungkol kay Mario ay naaawa lang talaga siya dito. Dahil ang lalaki ay maayos magtrabaho at empleyado niya ito.
"I'm sorry mommy, daddy nakalimutan ko talaga. Hindi ako gagawa ng ibang alibi. Dahil ang totoo, nakalimot talaga ako," naitugon na lang niya.
"Okay anak. Pero huwag namang lunurin ang sarili sa trabaho. Huwag mong kadibdibin ang mga nangyari sa inyo ng ex-fiancée mo. May likod ka pa."
Napalunok naman si Mario. Gusto kasi niyang matawa sa sinabi ng mommy ni Fabio. Hindi niya kilala ang mag-asawa. Pero sinabi naman ni Fabio kanina na mommy at daddy niya ito. Kaya lang ang pagkakaalam niya noon si Marinela ang ex-fiancée ni Fabio na sinasabi nito noon. Mukhang nagkamali pala siya ng pagkakakilala sa babae. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ngayon napapansin niyang hindi interesado si Marinela kay Fabio. Ang masakit lang mukhang sa kanya interesado ang babae. Napangiwi tuloy siya.
Napahugot na lang siya ng hangin. Gusto na rin niyang makawala sa pagkakahawak ni Marinela. Pakiramdam niya ay baka mahalata ng babae na babae rin siya. Kaya ngayon pa lang gusto na niyang makalayo dito.
Napatingin naman si Fabio kay Mario nang magsalita ito. Pansin din ni Fabio na pilit na inaalis ni Mario ang kamay ni Marinela na kapit tukong nakahawak sa braso nito. "Sir, sa working area na ako, para masimulan ko na ang trabaho ko na dapat kanina ko pa sinimulan."
"Okay, you may go. Let him go Marinela. Abala ka sa trabaho noong tao."
"Damot!" nakasimangot na saad ni Marinela, bago binitawan ang braso ni Mario.
Humarap naman si Mario sa mag-asawa. "Ma'am, Sir, balik na po ako sa trabaho. Ma'am thank you po pala sa opportunity na matanggap ako rito. Nasabi po sa akin noon sa HR na kayo po ang pumili sa akin para maging sekretarya ni Sir Fabio. Sobrang thankful po ako noong time na iyon, lalo na at kailangan na kailangan ko po talaga ng trabaho. Maraming salamat po talaga."
Nakangiti naman ang mommy ni Fabio kay Mario. Nilapitan nito ang binata. "You're so sweet Mario. Matagal na iyon pero heto at naalala mo pa rin ang bagay na iyon. Hindi ko akalaing magpapasalamat ka ng ganyan dahil lang sa ikaw ang napili ko. At hindi nga ako nagkamali, mabuti kang tao. Higit sa lahat mukhang dedicated ka talaga sa trabaho mo. Kasi kung hindi, first week mo pa lang sure na inalis ka na sa trabaho ng bugnutin kong anak. So your welcome."
"Thank you po ulit Ma'am, Sir. Sir Fabio trabaho na po ulit ako."
Tumango naman si Fabio bilang sagot. Palabas na ng pinto si Mario ng pigilan ito ng daddy ni Fabio. Kaya naman bumalik siya malapit sa mga ito.
"Why Sir?"
"May ilang oras pa naman bago ang uwian. Bakit hindi ka na lang sa sumama sa amin. Mukhang tipo ka nitong dalaga namin para naman mas makilala ka pa namin ng lubos."
Bigla namang napabaling si Mario kay Fabio. Gusto niyang humingi ng tulong dito para hindi siya nito payagang sumama sa kanila. Pasimple pa siyang umiling para naman mapansin ni Fabio ang pag-ayaw niya. She needs a rest. Baka mamaya ay bawian na talaga siya ng katawan niya. Dahil pagod at puyat siya kahapon ay gusto sana niyang magpahinga ngayon. Isa pa ay natatakot siyang baka hindi magustuhan ng baby niya ang mga pagkaing kakainin ng pamilya. Na baka bigla na lang magwala ang sikmura niya. Hindi pa naman siya sanay kumain ng ibang pagkain na hindi niya kilala. Kahit nga masarap ang pagkain sa cafeteria. Tinanaggihan ng baby niya.
Kung anu-ano na kaagad ang pumapasok sa isipan niya. Paano kung malaman pa ng mga ito na hindi talaga siya lalaki. Higit sa lahat, babae na nga siya, buntis pa.
Ngunit ang pasaway na lalaki ay mukhang hindi napansin ang pag-aalinlangan niya. Mukhang natuwa pa ito sa idea na isama siya sa family dinner ng mga ito. "Alright. Mamayang dinner sa amin ka sasabay Mario. I don't need no for an answer. Sige na, magtrabaho ka na."
"Pero Sir family dinner po iyon at sekretarya mo lang ako. Ma'am, Sir nakakahiya naman po kung isasama po ninyo ako," pagtanggi niya.
"Oo nga Mario sumama ka na please," ani Marinela. Lumapit na naman sa kanya ang babae at naglambing pa sa kanya.
Like what the fvck! Lalaki rin naman talaga ang gusto ko. Kaya lang kahit ang totoo ay may nararamdaman siya sa boss niya. Alam niya sa sarili niyang wala iyong patutunguhan kahit magpakilala pa siyang si Maria Angela Arenas Capili. Dahil sa katotohanang hindi na siya dalaga, at dalagang ina na siya.
"Kaya lang po---." Hindi na natapos ni Mario ang sasabihin ng unahan siya ni Fabio.
"Minsan lang mag-aya ang mga magulang ko. Besides mommy likes you. Hindi mo ba siya pagbibigyan. Siya talaga ang dahilan kaya nagtatrabaho ka ngayon dito."
Bagsak ang balikat na tumango si Mario. "Okay po, thank you po ulit," sagot niya na nakangiti.
Masaya naman ang mommy ni Fabio na nakilala na rin niya ang pangalan, si Mrs. Fiona Sandoval at Mr. Arkins Sandoval. Ang mas nakakakaba lang talaga ay ang mga ngiti ni Ms. Marinela na para bang nanalo sa lotto kasi makakasama siya.
Napailing na lang siya. Hindi niya malaman kung paano niya matatakasan ang sitwasyong kakaharapin niya mamaya. Natatakot siyang mabuking na babae siya at paalis siya ni Fabio sa trabaho niya.
Muli ay nagpaalam siya sa mga ito. Nang makalapit siya sa may pinto ay marahan niyang kinabig ang pintuan para mabuksan iyon. Naririnig pa niya ang usapan ng pamilya pero hindi na niya pinakinggan pa. Mabilis niyang kinabig ang pintuan para sumara iyon nang makalabas siya.
Mabilis niyang tinungo ang working area niya. Napapikit na lang siya habang nag-iisip ng kung ano ang pwedeng mangyari mamaya sa dinner. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, kung sakaling mamaya, last day of work na pala niya.