NAPATAYO si Mario, ng mula sa pinto ay pumasok ang isang magandang babae at humakbang papalapit sa pwesto niya. Pinagmasdan niya ng mabuti ang dalaga. Halos magkasingtaas lang sila. Ngunit sa pangangatawan ay walang-wala siya rito. Napakaganda ng katawan ng babae. At ang suot nitong chiffon dress na hanggang itaas ng tuhod ay humahakab sa magandang hubog ng katawan nito. Kumpara sa kanya ay, huwag na lang palang ikumapara. Mula noong naging sekretarya siya ni Fabio ay napakalaki na ng ipinagbago ng katawan niya. Mula sa petit at cute, to I don't know how to describe my body, na ang peg niya ngayon. From small to large na kasi ang katawan niya. Hindi na talaga niya mapigilan ang paglaki niya. Lalo na ngayon at hindi na rin niya mapigilan ang paglaki ng anak niya sa sinapupunan niya. An

