Chapter 19

1767 Words
NAKAHIGA lang si Ria sa kama habang nakatanaw sa kisame sa loob ng kwarto sa apartment niya. Hindi niya malaman kung tama pa bang ipagpatuloy niya ang pagiging sekretarya ng boss niya. Lalo na sa tingin niya ay katulad lang din naman siya ng mga naging sekretarya na tinanggal nito sa trabaho. Walang pinagkaiba. Maliban sa hindi niya mailabas ang totoong saloobin niya. Dahil, hindi man siya bruskong tingnan. Pero siya pa rin si Mario. Ang ginoo ngunit paraluman. Ano bang magagawa niya? Kung naging pasaway ang puso niya. Kahit lalaki ang tingin sa kanya ng boss niya at ng pamilya nito, ay nagkagusto pa rin siya kay Fabio. Kahit saan daanin ay hindi niya maipagkakaila na totoong nahuhulog na ang loob niya sa boss niya. Lalo na sa pagiging maalaga nito pag nasa totoong katauhan niya siya, bilang si Ria. Ngunit ang katotohanang ding iyon ang nakapagbibigay ng mapait na lasa sa damdamin niya. Kahit alin man sa dalawa ay walang nababagay kay Fabio. Parehong mali at hindi maaari. Si Mario na lalaking-lalaki sa paningin ng lahat sa kabila ng lihim nitong pagnanasa sa boss niya. At si Ria na babaeng-babae nga, ngunit buntis naman sa anak ng lalaking hindi niya kilala. Kahit sino man sa dalawa, hindi pwede kay Fabio. Ayaw din naman niyang ipaako kay Fabio ang anak niya lalo na at hindi naman ito ang nasa tabi niya noong panahong nabuo sa sinapupunan niya ang anak niya. Napasabunot siya sa kanyang humahaba ng buhok. Napabangon tuloy siya. "Bakit ko ba naiisip na ipaako kay Fabio ang anak ko. Bakit gusto ka ba ng gusto mo?" Lalo lang sinabunutan ni Ria ang sarili. "Assuming lang ang peg, Maria Angela Arenas Capili? Hindi dahil may lihim kang pagkagusto sa boss mo, o kay Fabio may gusto na rin s'ya sa iyo!" Tapos ay muli na naman siyang napahiga. Ipinikit ni Ria ang mga mata. Kailangan niya ng sapat na pahinga. Hinawakan niya ang kanyang sinapupunan at doon kumuha ng lakas. "Anak huwag kang mag-alala. Kahit wala kang tatay ako ang magiging nanay at tatay mo. Hindi mo mararamdaman na may kulang sa iyo. Pero okay lang bang ituloy ko ang paglilihi ko sa boss ko? Alam mo bang ang bango-bango ni boss. Mabuti na nga lang hindi niya ako nahuhuli na sinisinghot ko siya. Isa pa ang bango ng opisina niya. Kaamoy niya. Kaya naman mas gusto ko na lang matulog sa tanghali doon kaysa ang kumain. At in fairness anak ang sarap ng luto ng mommy ni boss. Nabusog ka rin di ba?" Hindi pa man niya nararamdaman ang pagkibot ng anak niya sa sinapupunan ay nararamdaman naman niya ang init na hatid nito sa katauhan niya. Nararamdaman niyang mayroon na siyang kasama at hindi na siya nag-iisa. May maiituring na siyang kapamilya. Habang patuloy na kinakausap ang anak ay hindi na rin namalayan ni Ria na nakatulog na pala siya. Mula noong gabing nakasama si Mario sa family dinner ng boss niya ay mas naging madalas na siyang iniimbitahan ng pamilya ni Fabio. Lagi din kasing present si Fabio sa family dinner nila at walang pinapalampas na gabi ang boss niya basta pumayag siya. Hindi naman mahindian ni Ria ang alok ng mga magulang ni Fabio. Lalo na at mula nang magsimula siyang maglihi ay naramdaman niya ang pangangayayat niya dahil sa palaging pagsusuka, makaamoy lang siya ng pagkain. Hindi siya talaga makakain ng ayos. Biskwit at gatas lang siya pag nasa apartment niya. At biskwit at tubig sa opisina. Pero ngayon nagiging magana talaga siya. Lalo na sa pagkaing luto ni Marinela at ng mommy ni Fabio. Mula sa pagkakatutok ni Fabio sa kanyang laptop ay napapatigil siya. Pinagmasdan niya si Mario na nakatayo sa harapan niya na naglapag ng mga folder na dala nito sa table niya. "May kailangan ka pa Sir?" tanong ni Mario. Hindi kasi inaalis ni Fabio ang titig sa kanya. Na-conscious naman siyang bigla. Pero hindi niya pinahalata. "Wala naman. Napansin ko lang na noong mga unang buwan mo dito ay napakapayat mo. Pero ngayon napapansin kong tumataba ka. Bumibilog ang mukha mo." Napaubo siya. Pero mabilis niyang kinalma ang sarili. "Boss, alam mo namang hindi ako makatanggi sa pag-iimbita nina Maam Fiona at Ms. Marinela. Masarap silang magluto kaya napapadami ang kain ko. Alam kong nakakahiya sa inyo dahil lahat ng pag-iimbita nila, hindi ako tumatanggi. Pero sa totoo lang kinausap ako nina Ma'am Fiona at Sir Arkins. Umuuwi ka sa bahay ninyo tuwing iniimbitahan nila ako. Kaya sabi sa akin ni Ma'am Fiona, huwag akong tumanggi. Dahil nakakasama ka nila at buo ang pamilya ninyo pagnaroon ka." Totoo iyon. Kinausap talaga siya ng mag-asawa mula noong unang pag-iimbita ng mga ito sa kanya. Umuuwi si Fabio sa bahay ng mga magulang nito. Kaya mula noon, palagi na siyang iniimbitahan para umuwi ang anak at makasama ng pamilya nito. Pero hindi lang naman iyon ang dahilan kaya pumayag siya. Tuwing nasa bahay kasi siya ng pamilya ni Fabio ay parang nagkaroon din siya ng pamilya sa loob ng ilang oras. Masaya siya at parang anak na rin ang turing sa kanya ng mag-asawa. Medyo naiilang lang siya kay Marinela. Lalo na at mas ipinaparamdam ng dalaga ang pagkagusto nito sa kanya. Pero paano ba niya susuklian ang damdamin ni Marinela kung ang may hawak ng puso niya ay si Fabio. Kahit hindi nito alam ang bagay na iyon. Ang pagpayag niyang magtungo sa bahay ng mga ito, ay isang dahilan pa ay ang makasama si Fabio, hindi bilang boss niya. Kundi kunwari isa silang buong pamilya. Kahit sa hiram na sandali. "Wala sa akin ang bagay na iyon. Masaya rin namang minsan ay umuwi sa bahay," sagot ni Fabio. "Pero hindi talaga iyon ang dahilan. Dahil pag nasa bahay ng mga magulang ko tayo, hindi ko man isatinig ang damdamin ko. Pakiramdam ko ay naiilabas ko ang totoo, ng walang nakakaalam, ng walang nakakahalata," dugtong pa niya sa isipan. Nagpaalam na si Mario ng wala na siyang iuutos. Nasundan na lang ng tingin ni Fabio ang paglalakad ng lalaki habang nakatalikod sa kanya si Mario. Talagang pansin niya ang pananaba nito. Lalo na sa parteng likuran nito. Medyo lumapad ang likod nito. Pero hindi naman pangit tingnan. Parang mas nagugustuhan niya ang pagbabago sa katawan ni Mario, kahit hindi niya iyon nahahawakan. Ipinikit na lang ni Fabio ang mga mata. Totoong inamin na niya sa sarili ang pagkagusto niya kay Mario kahit walang nakakaalam kundi sarili lang niya. At masayang-masaya siya tuwing iniimbitahan ito ng mga magulang niya. Iyon nga lang hindi talaga siya magkaroon ng pagkakataon na makausap ito ng sarilinan. Ayaw kasi talagang magpahatid ni Mario sa tinitirahan nito. Napabuga na lang siya ng hangin. Dahil ang akala niya noon ay mababaling kay Ria ang damdamin niya ay hindi na talaga nangyari. Ilang buwan na rin mula ng hindi makipagkita sa kanya ang babae. Ang huling pagkikita nila ay ilang buwan na ang nakakalipas. Mula sa balingkinitan nitong katawan ay nagkaroon ito ng laman. Na sa tingin niya ay mas lalo siyang nagandahan dito. Handa na rin sana siyang magpakilala dito at aminin ang totoo. Ngunit naudlot ang plano niya ng sabihin sa kanya ni Ria na baka iyon na ang huling beses nilang pagkikita. Dahil magtutungo ito sa isang malayong probinsya. Gusto man niyang malaman kung saan ito pupunta. Pero ngiti lang ang isinagot sa kanya ng dalaga. Halata niyang ayaw nitong sabihin sa kanya. Kaya naman hindi na niya ipinagpilitan pa. Hindi man nawala ang damdamin niya kay Ria. Pero aaminin niyang hindi siya gaanong nasaktan sa pag-alis nito at sa pagputol nito ng komunikasyon sa kanya. Dahil nasolo ni Mario ang atensyon na iyon. Wala man itong alam, at wala man itong ginagawa. Mula sa pagkakaupo ay napatingala siya sa kisame. "Kalokohan talaga itong nararamdaman ko. Aminin ko man o hindi. Parehong mali," aniya at ginulo pa niya ang sariling buhok. Mababaliw na siya. "Dapat ba umamin ako?" tanong pa niya sa sarili. "Bakit niya ako pinapahirapan ay ang pandak-pandak naman niya. Akala mo ay napakalaking tao. Pero iyong pandak na iyon. Iyong hindi naman katangkarang lalaki. Siya iyong gumugulo sa isipan ko ngayon." Naipikit tuloy ni Fabio ang mga mata. Hanggang sa maalala niya ang minsang nagkausap silang dalawa ni Marinela. Kaya ngayon mas mababaliw na siya. "Fabio sa tingin mo magugustuhan ako ni Mario?" Mula sa paghigop ng kape ay napatingin siya kay Marinela. Sinamaan niya ng tingin ang dalaga. "Sa tingin ko ay hindi. Maawa ka naman doon sa tao. Anong kwento ninyo cougar series?" "Napakasama mo talaga. Bakit? Mahahalata ba sa akin na mas matanda ako ng ilang taon kay Mario. Umamin ka nga? Bakit ba ayaw na ayaw mo sa akin para kay Mario? Don't tell me, si Mario na ngayon ang type mo at hindi na Eva na kabaro ko," tukso ni Marinela na ikinaingos niya. Napalunok na lang siya. Alam niyang tama si Marinela sa sinasabi nito. Ngunit kahit anong mangyari ay hinding-hindi siya aamin dito. Kahit na kanino. "Tigilan mo ako. Naaawa lang ako doon sa tao. Kung naghahanap ka ng ibang lalaking makakasama mo sa buhay, at hindi iyong tao ang kinukulit mo." "Si Mario nga kasi ang gusto. Imagine mo pag ako ang naging asawa ni Mario, may maganda siyang trabaho kasi sekretarya mo siya. Kahit hindi na ako magmodelo magiging mabuting may bahay na lang ako at magiging mabuting ina sa aming mga anak. Ang saya di ba? Tapos pwede na akong tawaging Mrs. Marinela Arenas. Ang saya di ba? Hindi ka ba masaya para sa ate mo?" "Oo na lang. Kwento mo rin sa pagong ang love story ninyo." "Ang sama mo. Hindi naman kayo at hindi naman talaga pwedeng maging kayo. Ano ang kwento ninyo BL. Umayos ka ha. Sayang ang lahi. Pero halatang-halata ang pagiging madamot mo ngayon." "Hindi ako madamot. Ang akin lang ate ka na noong tao. Matanda ka pa nga sa akin ng isang buwan." "Dalawang milyon, lalayuan ko si Mario." Seryosong nakatingin si Marinela sa kanya. Tumayo siya at iniwan ang dalaga. Pagbalik niya ay may ibinigay siya kay Marinela. Isang tseke na naglalaman ng dalawang milyon. "Take it." "Wow ha. Joke lang iyon. Pero salamat dito," ani Marinela at iniwan na siya. Narinig pa niya ang pagsigaw nito habang tinatawag ang mommy niya. "Mommy I have two million. Shopping tayo bukas. Bigay ni Fabio!" Nailing na lang siya. Napaayos ng upo si Fabio ng may kumatok sa pintuan. Wala pang ilang segundo ay pumasok ang isang babaeng akala niya ay hindi na niya muling makikita pa. Ngunit ngayon ay nasa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD