Chapter 33

2016 Words

NATIGILAN si Ria sa narinig. Hindi niya malaman sa sarili kung matutuwa o maiiyak ba siya sa sinabi ni Fabio. Ngunit ang huli ang nangyari. Hindi niya mapigilan ang mga luha niya. Unti-unti na lang itong nagparamdam sa gilid ng kanyang mga mata. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang pag-agos ng mga luha niya sa kanyang pisngi. "R-Ria," ani Fabio at hinawakan pa ang kanyang pisngi. Ihinarap ni Fabio ang mukha ni Ria sa kanya ng mag-iwas ito ng tingin. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Ria. Nakaramdam naman ng pagkataranta si Fabio. Hindi tuloy niya malaman kung tama bang binigla niya si Ria na sabihing siya ang lalaking kasama nito nang gabing iyon. O dapat bang inilihim na lang muna niya. Lalo na sa nakikita niya ngayon kay Ria. Kahit siya ay lubos na naguguluhan sa ikinikilos ng dalaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD