Maingay ang paligid. Maraming tao ang nagtipon tipon sa kasiyahang iyon. Lahat may ngiti sa mga labi. Lahat masaya para kina Jake at Yumi sa araw na iyon. It was the best sunset they've witnessed so far since they've been together. Nag-aagaw ang kulay ng dilaw at kahel sa tila isang kumpol kumpol na mga bulak na nabuo ng mga puting ulap na bahagyang tumatakip sa bughaw na langit. Medyo mahangin din na nagbigay ng mas dramatic atmosphere sa scene na iyon. Nasa buhanginan sila at nakatalikod sa tao. Tanaw nilang dalawa ang puting yate na naghihintay na sa kanilang pag-board. One, two, three…. Sigaw ng mga nandoon na nakapaligid kay Yumi. Pagkatapos ng pagbilang ng mga ito ay ibinato na niya patalikod ang hawak na tropical themed bouquet of flowers sa mga naghihintay na mga kababaiha

