Maghapon na hindi bumalik si Luis noong araw na iyon. And so nag-isip si Yumi kung paano makatakas. Maggagabi na naman. Kinakabahan din siya kung ano na ang kalagayan ni Jake. Lalo na pagkatapos ng pagtatalo nila ni Luis. Baka ito na naman ang pagbuntungan ng galit nito sa kanya. Pinihit niya ang door knob ng pinto, naka-lock ito. Naghanap sa paligid kung ano ang pwedeng ipangbukas doon. Kasalukuyan siyang busy sa pag hahalungkat kung saan saang sulok ng kwarto ng biglang bumukas iyon at pumasok doon ang may katandaan nang lalaki. May dala itong pagkain. Pansin niya n medyo balisa ito sa ikinikilos. Natigilan siya at dahan dahan tumayo hawak ang damit na itinali sa leeg para lang maisecure ito sa katawan. Matatandaang hinila iyon ni Luis kaya napunit iyon. Bumalik siya sa kama. “Kumai

