“Okay, sir. Inhale, exhale.”
“Inumin mo na ‘tong gamot, ma.”
Blurry.
Iyon ang bumungad sa akin noong unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Napaungol ako noong makaramdam ako ng matinding sakit sa aking ulo’t tagiliran. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at bahagyang sinapo ang masakit sa aking katawan.
Benda?
Napakunot ang noo ko noong maramdaman kong ang mamasa-masa at malambot na bagay. Ano’ng nangyayari? Bakit parang lahat ng katawan ko ay masakit? Para akong binugbog ng ilang tao.
“Uy, nagigising na siya. Tawagin niyo ‘yong doctor!”
Nakarinig ako ng boses mula sa aking gilid. Ilang sandali pa ay may narinig na rin akong tumakbo. Am I in a hospital? Pero bakit parang ang ingay? Unang nabungaran ko ang maputing kisame noong iminulat ko ang aking mga mata.
“Kawawa naman.”
“Siya ba ‘yong patay na dapat?”
Napakunot na ako nang mariin. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila pero pakiramdam ko ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may mga nakahilerang hospital bed sa may kanang parte ko. Ako ang nasa pinaka dulo, malapit sa bintana. Malaki ang silid na iyon at mukhang nasa tigsampung higaan na magkaharap ang nasa silid.
Am I in a public hospital?
Sinubukan kong umupo, ngunit napakabigat pa rin ng aking pakiramdam. Kaya naman ay pinili ko na lang humiga at hintayina ng doctor na sinasabi nila. Kung ano man ang gamot na itinurok sa akin ng lalakeng iyon ay mukhang malakas iyon. Nanunuyot ang lalamunan ko, mukhang ilang araw akong hindi nakainom ng tubig.
“’Toy, kumusta ka?”
Bahagya kong itinagilid ang aking ulo sa kanan ko. May nakaupong babae sa gilid ng kama na katabi ko at mukhang nasa trenta na. Napakunot ang noo ko. Ako ba ang tinatawag niyang ‘toy? Seryoso ba siya? Halata naman sa hitsura niya na mas matanda ako ng ilang taon sa kanya.
“Hintayin mo na lang ‘yong doctor, ha? Tinawag na ng anak ko.”
Tumikhim ako. “N-Nasaan ako?”
Natigilan ako ng ilang sandali noong marinig ko ang boses ko. Tumikhim ako at muli kong sinubukang magsalita. “Hello?” Halos lumuwa na ang aking mga mata. What the h3ll happened to my voice?!
“Nandito ka sa PGH. Na una ka pa nga sa amin eh. Na saan ba ang magulang mo?”
Muli akong tumingin sa babae. Ano’ng sinasabi niya? Sh!t! What the h3ll is going on?! Pinilit ko nang umupo. Napapangiwi pa ako habang inaangat ko ang sarili.
“Teka, ‘toy. H’wag ka munang malikot! Hintayin mo ang doctor,” nag-aalalang sabi ng babae. Lumapit ito sa akin at inalalayan pa akong umupo. “Teka, aayusin ko ang higaan mo.”
Binatawan niya ako at may nilikot siya sa ilalim ng hinihigaan kong kama. Ilang sandali pa ay gumalaw iyon at unti-unting umangat ang itaas na parte ng hinihigaan ko. Nakahinga ako nang maluwag noong paupo na ang posisyon ko ngunit nakasandig pa rin. Muling bumalik ang babae noong makita niyang maayos na ang lagay.
“Ako si Minda. Asawa ko ‘yong naka-confine,” pagpapakilala nito sa akin.
Hinihingal na tinanguan ko lang siya. Magsasalita pa sana ito pero mayroong dumating na staff ng hospital sa silid. Nakakunot lang ang noo ko habang pinapanood sila. Tumigil ang mga ito sa paglalakad noong makalapit na sa akin. May isang babaeng nakasuot ng putting roba na pang doktor. Sa likod nito ay may dalawa pang parehas ng suot nito ngunit mas bata na. May isang nurse na nakatitig sa akin. Lalo akong nagtaka dahil hindi ko naman siya kilala pero kung titigan niya ako ay sobra-sobra ang pag-aalala nito.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong agad ng babaeng doctor.
Tiningnan ko lang siya ng puno nang pagkalito. Sinipat niya ang aking mga sugat. Natigilan ako. Teka? May sugat ako?
“Sinubukan naming puntahan ang address mo pero lola mo lang ang andoon. Sinabi na rin namin sa kanya ang nangyari sa ‘yo.”
“Lola?” puno nang pagtatakang tanong ko sa doctor. Tiningnan lang din ako nito nang nakakunot ang noo.
“O… o? Lola mo. Hindi mo ba kaano-ano ‘yong matanda sa inyo?”
Napangisi na ako. “Miss. Excuse me. Matagal nang patay ang lola ko.”
Tumingin ang doctor sa mga kasama niyang nurse. “Akala ko ba lola niya ‘yon?”
“Ahm, doc. Opo.” Tumingin sa akin ang babaeng nurse na sumagot. “Moymoy, ano bang nangyayari sa ‘yo? Nagka-amnesia ka ba?”
Napako ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Mahaba ang buhok nito at mayroong balingkinitang katawan. Pero mukhang matapang ang mukha at para bang manlalaban. Pinandidilatan pa niya ako. Napangiwi ako noong kumunot muli ang noo ko. Who is this lady? Bakit parang kilala niya ako?
“Okay,” ani ng babaeng doctor. “Hihintayin na lang nating gumaling ang sugat mo. Tapos ay pwede ka nang lumabas. Kaso kailangan mo ng kamag-anak para maayos ang bills mo.” Tumingin ito sa babaeng nurse. “Jamaica, ikaw na ang bahala sa kanya.”
Umalis na ang doctor sa gilid ng kama ko. Na iwan ang babaeng nurse na ang pangalan ay Jamaica. Lumapit pa ito sa aking at sinapo ang noo ko.
“Ano bang nangyayari sa ‘yo? Nagka-amnesia ka ba dahil sa bugbog sa ‘yo nila Joel? Ang kulit-kulit mo kasi! Sinabi ko nang h’wag ka na makipagkaibigan sa mga ‘yon. Tingnan mo nangyari sa ‘yo. Kung hindi ka nakita ng mga tambay sa daan ay sigurado akong pinaglalamayan ka na namin ngayon!”
Napahinga ako nang malalim. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatitig ako sa babaeng nasa harapan ko. What is happening to me? Pakiramdam ko ay malapit siya sa akin pero sigurado ako na ngayon ko lang siya nakita. At lalong hindi ako nakikipaglapit sa mga batang babae. Mahirap nang ma-issue na pedophile.
“Hayaan mo na. Kinausap ko na si Mama para sa bills mo. No’ng isang araw pa nila nilakad ‘yon at wala kang babayaran na kahit ano. Nilakad na namin kay Mayor, sa DSWD, at PCSO ang nangyari sa–”
“Teka,” putol ko sa kanya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Iniikot niya ang kanyang mga mata at tumingin ng diretso sa mga mata ko. “Moymoy, ha? Kapag may amnesia ka pa hahayaan kita rito sa hospital. Ang mahal magpagamot ng may amnesia! Magkano lang sinasahod ko bilang nurse.”
“Ano bang ibig mong sabihin? Sinong Moymoy?”
“Ikaw!”
Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko. Noong wala akong makitang tao roon ay itinuro ko ang sarili ko. “Ako?”
“Hala, siya. Nagka-amnesia na nga!” Tumayo ito at namaywang sa akin. “Sandali! Tatawagin ko ulit si Doc at baka na alog na ang utak mo.”
“Wait!” Inabot ko ang braso niya at pinigilan siyang umalis. Pero kung kanina ay ako ang nagugulat, ngayon ay siya naman ang puno nang pagtataka ang mukha.
“Ano’ng sabi mo?”
Huminga ako nang malalim. “Ako si Moymoy, at nasa PGH ako? It’s a public hospital, right?”
Nasapo na ni Jamaica ang kanyang bibig. Halos lumuwa pa ang mga mata nito habang tinititigan ako. “T-Tatawag na talaga ako ng doctor, Moymoy.” Akma ulit itong aalis pero hindi ko binitawan ang braso niya.
“Hindi ko kailangan ng doctor. F*ck. Let me get this straight, woman. Hindi ako si Moymoy. Ako si Dante Benitez! I f*cking own the biggest company in the country!”
Lalong nanlaki ang mga mata nito. Nakatitig lang din ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin nito. I can’t believe that she is making it looks like I cannot afford to go to hospital. I’m a share holder in the most expensive hospital in the Philippines! Pero makalipas ang ilang sandali ay nagulat ako noong napalitan ng pagkainis ang ekspresyon nito. Halos magsalubong na ang mga kilay nito habang nakatitig sa akin.
“Ikaw Nehemiah Torres h’wag mo akong pinaglolo-loko, ha?! Ilang araw na akong stress dahil muntik kang mamatay!” pagalit na sabi nito. Hinila nito ang braso niya. Napatingin ako sa suot niyang relos sa palapulsuhan. “Hoy! Ano ba?”
Hinila ko braso niya at tiningnan ang repleksyon ko mula sa relo niya. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako dahil sa aking nakita. Isang binatang lalake na humpak ang ang mukha ang nakita ko. Hindi ko rin mai-describe nang maayos ang mukha dahil nangingitim pa ang gilid ng kaliwang mata at marami pang pasa sa mukha. Pero isa lang ang alam ko. Hindi ako iyon.
“What the h3ll?!” Umalingaw-ngaw sa buong silid ang malakas kong sigaw.