II

1032 Words
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kompanya. Pumara ang sasakyan sa harap ng building. Unang bumaba si Salvador at ako naman ang sumunod. Ganito palagi ang routine ko araw-araw. Gigising sa umaga, mag-aayos ng sarili, breakfast, at deretso na sa company. Kahit pa galing ako sa business trip ay hindi pa rin nagbabago. Hindi kami kagaya ng ibang mga company na nakahilera na agad ang mga guard or kung sino pa man sa daraanan ng CEO nila. Dito ay mas gusto ko na chill lang. Kilala nila ako at kapag nakikita nila ay agad silang nagba-bow, as a respect. Gano’n lang. Ayoko ng masyadong tensyonado sa buhay. Natapos ang buong araw ko sa kompanya na walang pinagbago. Magbabasa ng mga papeles, pagkatapos ay pipirmahan iyon. Nagkaroon pa ako ng meeting with the board because of the deal I just made. Dahil sa ilang oras ako nawala sa Pinas ay ang dami kong na iwanang trabaho. Kaya naman ay hindi rin ako agad nakapagpahinga. Alas otso na nga noong makalabas ako ng building. “Ayaw mo talagang mag-party?” tanong muli ni Salvador bago ako sumakay ng kotse. “I can get us the youngest and famous girl in the country.” Napangisi na ako at bumuntonghininga. Babae na naman ang nasa isip niya. Kaya iniiwan ng asawa eh. “You know what? Here.” Kinuha ko mula sa aking wallet na nakalagay sa likod ng bulsa ng pantalon ko ang black card ko. Card iyon na kahit saang club, restaurant, o mall na puntahan ko at i-swipe ito ay bayad agad. It’s a limitless credit card. Nagtataka pang tumingin sa akin si Salvador at sa card na inaabot ko sa kanya. “Ano’ng gagawin ko r’yan? Meron din ako niyan.” “I know. But you want a celebration, kaya here. Isama mo na itong tatlo.” Tumikhim ang isa kong bodyguard. “Sir, hindi ka po naming pwedeng iwanan.” Tumawa ako nang kaunti at nilapitan ito. Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Pagkatapos ay kinuha ko ang kamay niya at inilagay roon ang card habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Just for tonight. Mag-chill muna kayo,” aniko at lumapit na sa kotse. Nakita ko pa ang labis pagprotesta nito ngunit tinanguan ko na lamang siya. “Dante, come with us,” sabi ulit ni Salvador. Tumingin lang ako sa kanya at kinindatan ito. Pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse at tinapik ang upuan. “Let’s go. Sa bahay,” aniko sa driver kong si Mang Joel. Hindi ito tumugon at nag-umpisa nang paandarin ang kotse. Isinandig ko ang likod ko sa upuan at ipinikit ang mga mata. I lived alone in my penthouse. Malaki iyon para sa akin, pero mas gusto ko iyon dahil malaya kong nagagawa ang mga gusto ko. At ang kapatid ko lang ang pamilya ko. Na mayroong sariling bahay sa isang subdivision. Pagkarating ko sa building na tinitirahan ko ay pinaalis ko na rin agad si Mang Joel. I also owned this building at ang pinakatuktok nito ay akin lamang. Walang sino man ang pwedeng umakyat doon ng walang permiso mula sa akin. I removed my coat when I entered my home. Huminga ako nang malalim at na upo sa sofa. Nakaharap iyon sa salamin na dingding kaya kitang-kita ko ang nagliliwanang kalakhan ng ka-Maynilaan. Nagliliwanang din ang kalangitan dahil sa mga bituing nagniningning doon. Peace… peace na saka ko lang nararanasan kapag nakaupo na ako sa pwesto kong ito. Inabot ko ang baso na nakapatong sa lamesita sa aking harapan. Sinalinan ko iyon ng whiskey. Inikot-ikot ko muna ang laman na iyon saka ko inamoy at ininom. Dinama ko ang mainit na likidong dumadaloy sa aking lalamunan. Isinandig ko ang aking likod sa sandalan ng upuan at iniunan ko rin doon ang aking ulo. This… this is what I want. All my life I work hard just to have a comfortable life for me, and for my sister. Sadly, hindi na iyon na abutan pa ng mga magulang namin. High school pa lamang ako noong mamatay silang dalawa, kaya naman ay mula noon ako na ang tumayong nanay at tatay sa kapatid kong si Rosalinda. Yeah, from rugs to riches. That is me. Siguro iyon din ang kaibahan ko sa ibang businessman kaya madali lang sa akin ang magtagumpay. I know how it feels when you have nothing. So, I try my best not to lose what I have now. Napakunot ang noo ko nang may maramdaman akong presensya mula sa aking likuran. Agad akong dumilat at nanlaki na lamang ang aking mga mata nang may nakita akong nakatunghaw sa aking lalaking nakamaskara. Tatayo sana ako ngunit bigla ako nitong hinawakan sa may balikat. Napangiwi na lamang ako noong may maramdaman akong matalas na tumurok sa aking braso. “W-What? Sino ka?!” galit na sigaw ko. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at hinarap siya. Noong tingnan ko ang braso ko ay may nakabaon pa roong syringe. Kinuha ko ‘yon at ibinato sa sahig. “Paano ka nakapasok dito?!” sigaw kong muli. Nakatayo lamang ang lalakeng iyon sa likod ng sofa at para bang mayroong hinihintay. Kinuha ko na ang bote ng alak na nasa lamesita ko at akmang ibabato iyon sa lalake. Ngunit bigla na lamang ako nakaramdam ng pamamanhid sa buong braso ko. Nabitawan ko ang bote ng alak at nahulog iyon sa sagid at tuluyang nabasag. Sinapo ko ang aking dibdib noong unti-unti akong kinapos ng hininga. “S-Sino… ka…” Unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata. Ano’ng nangyayari? Sino ang lalakeng ito? Bakit siya nakapasok sa bahay ko? Ang daming tanong na pumapasok sa aking isipan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Bumibigat na ang aking paghinga at bumibigat ang aking ulo. Umikot na ang aking paningin at naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagbagsak ng aking katawan. Ni hindi ko na nga naramdaman noong bumagsak ang aking katawan. Nakita ko na lamang ang paa ng lalakeng nagturok sa akin ng kung anong gamot. Umupo ito sa gilid ko at itinihaya ako. “Sleep well, Dante Benitez,” huli kong narinig sa kanya bago tuluyang dumilim ang aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD