Jimin's Pov
Ipinasyal ko si Erika sa mansyon. Pagkatapos ay dumiretso kaming dalawa sa kwarto ko.
"Masaya ako sa pamamasyal natin. Namiss ko ang mga araw na magkasama tayo. At ang mga bagay na ginagawa natin noon.." Sabi niya at sinimulang lumapit sa akin.
Hinawakan niya ako sa magkabilaang pisngi ko. Dahan-dahan niya akong hinalikan sa labi. Pero walang ganti ang nagmula sa akin.
"May problema ba, jimin?"
Tumingin ako ng derekta sa mga mata niya.
"Bumalik ka ba para sakin? O may ibang dahilan ka pa?"
Tila nabigla siya sa tanong ko.
"W-Wala. Nandito ako dahil mahal kita.. Nagdududa ka ba sa pagbabalik ko sayo?"
"Hindi naman sa ganun.."
"Kung mahal mo ako, wala kang dapat ipag-alala.."
At muli niya akong hinalikan sa labi. Sa huli, gumanti din ako ng halik sa kanya. Tuluyan na kaming nadala sa init ng katawan.
(Bawal sa bata...SPG) hahaha ^_~v
------------------
Lica's POV
Nandito ako sa kwarto ni Lian.
"Lica, umamin ka nga sakin.. May gusto ka ba kay jimin?" Tanong niya sakin.
"O-Oo. Medyo lang. Nagsimula ito ng makita ko ang mukha niya. Na-love at first sight ata ako. Pero siya walang gusto sakin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Masakit pala sa pakiramdam na may ibang gusto ang lalakeng gusto mo. Sa mga oras pang ito, iba ang kasama niya ngayon.."
"Lica?"
" Ngayon ko lang ulit naramdaman ang masaktan at umiyak. Halata na ba sakin ang pagiging mahina?."
"Hindi ka mahina.. Nagmamahal ka lang.."
Ngumiti ako kay Lian at huminga ng malalim.
"Salamat Lian ah. Parang kailan lang nagsasabunutan pa tayo, pero ngayon nandito ka para damayan ako. Ngayon, hahayaan ko na lang siya kay Erika na yon. Pagkagraduate ko dito, lilisanin ko na ang academy at kakalimutan ko na sya. Dahil sino ba ako sa buhay niya para mangealam, diba?"
.
.
.
Kinaumagahan,
Nakita ko si Erika na may kausap sa phone. Tiningnan ko ang paligid para hanapin si Jimin ngunit wala ito.
Lumapit ako sa nakatalikod na Erika. Hindi niya namamalayan ang unti-unting paglapit ko sa kanya dahil busy siya sa kausap nito.
"Oo, kasama ko si Jimin. Gagamitin ko siya para pagselosin ang mayaman kong boyfriend. Para sa huli, aalukin na nya ako ng kasal. And about Jimin, iiwan ko ulit sya. Ganun lang."
Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Erika, na ikinatumba nito sa sahig. Yun ay kagagawan ko.Tiningala niya kung sino ang sumampal sa kanya.
"L-Lica??" Sambit niya sa pangalan ko.
"Ang kapal mo! Bumalik ka pa para paasahin at gamitin ang isang lalaking nagmamahal sayo?! Anong klase kang babae?!" Hindi na ako nakapagpigil ng galit dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.
Nanatiling nakaupo sa sahig si Erika hanggang sa datnan kami ni Jimin.
"Anong nanyayare dito?" Bungad na tanong nito habang tinutulungang itayo si Erika.
"Sinampal nya ako. Ayaw niyang maniwala na nagmamahalan tayo.." Sabi ni Erika at nag iyak-iyakan pa. Habang nakayakap ito ka Jimin. Artistahin pala to e.
Tumingin sakin si Jimin na may pagtataka.
"Totoo ba yon, Lica?" Tanong niya.
Tanong palang ,parang hindi siya naniniwala.
"Pagsinabi kong hindi, maniniwala ka ba? Totoong sinampal ko siya pero may dahilan ako. Sakin ka ba makikinig kapag sinabi ko ang totoo tungkol sa ambisyosang yan? Hindi diba? Dahil sino ba ako sayo?!!"
Muling sumingit si Erika sa usapan naming dalawa.
"Gusto ko ng umuwi.Ayoko na dito." Pabebeng sabi nito.
"Sige, lumayas ka na dito! Manggagamit ka!!!" Sigaw ko.
"Lica, tama na." Pag-awat sakin ni Jimin.
"Isa ka pa! Nagpapaloko ka naman! Magsama kayo!!" Sigaw ko at nauna akong lumabas ng mansyon para maglakad-lakad at makalayo.
Dahil sa galit ko, hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa mansyon. Nagsimulang dumilim ang kalangitan at unti-unting pumatak ang ulan hanggang sa lumakas ito. Nagsisipaglakasan pa ang kidlat kaya di ko maiwasang mapatakbo at tuluyan na akong naligaw.
....................
Jimin's POV
Susundan ko sana si Lica ng biglang pigilan ako ni Erika.
"Hayaan mo na sya. Hindi ka niya Maid Guy para pangalagaan mo pa siya."
Nagsimula ng dumilim at lumakas ang buhos ng ulan.
nakatanaw lang kami ni Erika sa bintana. Hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala ko para kay Lica. Hindi pa siya bumabalik ng mansyon.
"Lalong Lumalakas ang ulan.. Kuwawa naman si Lica. Nasaan na kaya sya, diba Jimin?" Sabi niya.
kumawala ako sa pagkakahawak niya.
"Hahanapin ko muna si Lica. Ibabalik ko siya dito.."
"Hayaan mo na ang babaeng yon!"
"Hindi ko kaya. Nag-aalala ako para sa kanya.."
Lumabas ako ng mansyon sa kalagitnaan ng malakas na ulan.
Kung saan-saan ko na hinanap si Lica, pero hindi ko siya makita..
Inisa-isa ko ang mga punong maaaring pagsilungan niya. Sa malaking puno,nakita kong nakaupo si Lica at tila ginaw na ginaw na.
"Nandito ka lang pala, Lica. Umuwi na tayo" sabi ko.
Inirapan lang niya ako.
"Kaya kong umuwi mag isa! Umalis ka na nga! Magsama kayo dun!" at tinalikuran niya ako.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa katarayan niya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Tila, aabutin ng maghapon ang ulan na ito. Nanginginig na sa lamig si Lica at halata ko iyon.
"Nilalamig ka ba?"
"Hindi! Ang init-init nga--" napahinto siya sa sasabihin nito. Marahil ay napansin nya na tila nanyari na ang ganitong sitwasyon.
Niyakap ko siya kahit ayaw pa niya..
.........
Lica's POV
Naramdaman ko ang init ng pagyakap niya. Nawala bigla ang panlalamig ko. Parang naulit na ito. Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Kaya..
"Bitawan mo nga ako! Wag mo akong yakapin! Kainis!!"
"Halata ko, madalas kang magalit sakin..ano ba ang ikinagagalit mo?"
"Marami! Manhid ka kasi kaya di mo maramdaman!"
"Ano ba ang dapat kong maramdaman...?" At derektang tumitig siya sa mga mata ko.
"Ano..ano kasi e.." Namula ang mukha ko at iniwas ang tingin ko.
"Si Erika ba?" Tanong niya.
Lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Sinabayan pa ng malakas na pagbuhos ng ulan at sinamahan pa ng pagkidlat.
Tumingin ako sa kanya.
"Niloloko ka lang nya.. Hanggang ngayon sila pa rin ng boyfriend nya. Ginagamit ka lang niya.." Sabi ko.
"Alam ko.." Maiksing sagot niya.
Natulala ako sa sinabi niya. Alam daw niya??
"Alam mo naman pala e!! Bakit tuloy ka parin sa relasyon nyo kung alam mo naman palang may Mali?!" Inis na sabi ko.
"Kasi nga mahal ko sya"
"Baliw ka talaga!!!"
"Lahat naman tayo nagiging baliw sa pag-ibig kapag mahal mo ang tao, diba? Pero syempre, darating din ang araw na masasagad ka na at bibitaw sa kanya.."
Tagos sa puso ko ang sinabi niya kaya napahinahon ako..
"Sino ba si Erika sa buhay mo?"
"Kababata ko. Sabay kaming lumaki sa bahay ampunan. Nangako ako na babaguhin ko ang buhay niya. Hinayaan ko siyang makuha ang pangarap niya dahil sa huli magpapakasal kami. Kaso.."
"Naghanap siya ng iba at iniwan ka niya.."
Ngiting bahagya lang ang isinagot niya sakin..
"Hindi ka ba napapagod? Na magbulag-bulagan sa pagmamahal mo kay Erika?"
"Hindi. Hanggang sa dumating ang limitasyon ko.."
Napabuntung hininga na lang ako dahil sa sinabi nya. Nakaramdam ako ng lungkot kaya tumingala na lang ako sa kalangitan.
"Ang swerte naman nya.." Mahinang sambit ko habang nakatingin parin sa kalangitan..
................
Jimin's POV
Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
Rinig ko iyon habang abala siyang nakatingin sa kalangitan.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit napakabilis ng pagtibok ng puso ko.
Muli akong napatingin sa napakagandang niyang mukha. Tahimik ko siyang pinagmasdan.
"Paano kung ako ang una mong nakilala bago si Erika? Posible kayang.. Magkagusto ka sakin..?" Tanong niya.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Kakaiba na to.. Bakit ganito ang tanong niya?
Napansin niya na nakatitig ako sa kanya. Dali-dali siyang tumayo at iniba ang usapan.
"Naku, humina na pala ang ulan. Pwede na tayong umuwi sa mansyon" sabi niya.
Agad siyang tumalikod sakin para simulan ang paghakbang.
Ngunit napahinto siya ng marinig niya ang sinabi ko.
"Sana nga. Sana nga ikaw na lang ang una kong nakilala.."
Nanatiling nakatalikod si Lica. Hindi siya lumingon. Naramdaman na lang niya ang paghawak ko sa kamay niya.
Tumingin siya sakin.
" umuwi na tayo.." Nakangiting sabi ko.
At sabay kaming bumalik sa mansyon..
............
Lica's Pov
Bakit kakaiba ngayon si Jimin? Naiilang tuloy ako. Hawak parin niya ang kamay ko..
Bumalik kami sa mansyon na magkahawak ang kamay. Napatingin ako sa kamay namin. Naninibago talaga ako sa ikinikilos niya e.
Nang makapasok na kami sa loob ng mansyon , nakita ko na paparating si Erika. Agad akong kumalas sa pagkakahawak niya.
Nagkatinginan kaming dalawa. Namula nanaman ang mukha ko.
Napansin ata ni Erika ang tinginan namin ni Jimin. Nilapitan niya si Jimin at hinawakan ito sa braso.
"Sabi ko naman sayo na dumito ka na lang. Ayan tuloy, basang-basa kana" pag-alala ni Erika sabay tjingin ng masama sakin.
Inirapan ko siya bago ko sila talikuran. Sinimulan kong humakbang paalis dahil nakakaramdam nanaman ako ng selos. Oo! SELOS!!!
Pumanik ako sa kwarto ko at agad Naligo. Pagkatapos maligo, pabagsak akong humiga sa kama ko.
Pinagmasdan ko ang lawak ng aking kisame. Muling nanariwa sa isip ko ang mga nangyari habang kasama ko si Jimin sa gubat. Ang mga salitang binitawan niya na nagpapagulo sa isipan ko.
Nakakatanga nga siguro ang pag-ibig. At isa ako sa mga nabiktima niya.
Sinimulang kong ipikit ang mga mata ko para magpahinga nang biglang..
Tok! Tok! Tok!!!
Napabangon ako sa higaan ko at pinagbuksan ng pinto ang tao sa labas.
"Ikaw pala Lian. Bakit naparito ka?" Tanong ko.
"Nagsagawa ang mga teacher ng malaking party para sating mga studyante. Magpaganda ka na at bumaba ka na lang mamaya. Kita na lang tayo doon"
"Ok. Susunod na lang ako. Bye."
Muli kong isinara ang pinto. Namili na rin ako ng susuotin.
"Ok nato. Red dress"
Nag ayos ako ng sarili. Nang matapos na ako,pumunta na ako sa party.
Ang ingay dahil sa naglalakasang tugtugan. Sari-saring masasarap na pagkain ang nakalatag sa isang pahabang mesa. Ganun din ang mga alak.
Hinanap ko si Lian sa paligid pero ang magkasintahang Erika at Jimin ang nahagip ng paningin ko.
Sinasalinan ni Erika ng alak ang baso ni Jimin. Tila napaparami ang bigay nito pero parang wala lang ito kay Jimin. Dumating naman ang kambal para guluhin ang dalawang Lovers. iw!!
"Sige lang. Magpakasweet kayo. Magpapakalasing naman ako. Hmptss, Bagay nga talaga kayo" inis ako.
Kumuha ako ng basong may alak. Unang shot lang, anlakas na ng tama. Dinedma ko lang ang pait at muling kumuha pa ng isa para inumin hanggang sa maparami na ako. Halos matumba-tumba na ako paglalakad dahil sa kalasingan. Isang mayamang kaklase ko ang humawak sakin para alalayan ako.
"Lasing ka na ata, Lica" sabi niya.
"Hindi ako lasing!hik!" Sabi ko pero hilo na ako.
Natawa siya sa sinabi ko.
"Ganun ba? Halika at makipag-inuman ka samin"
"Sure! Hik!"
Tinagayan pa niya ako ng Alak. Malakas talaga ang tama ng alak sakin. Nang diko na kaya ang kalasingan, napayakap ako sa classmate ko.
"Kaya mo pa ba?"
"Hi-hindi na.. Na-nahihilo ako.." Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.
Naramdaman ko ang kamay niya na unti-unting gumalaw mula sa likuran ko, pababa sa bewang hanggang sa hita ko.Pero tinatamad akong gumalaw dahil sa sobrang hilo ko..
..................
Jimin's POV
Nag-iinuman kami ni Erika. At nangungulit naman ang kambal samin.
"Tingnan mo yun Jimin. Minamanyak na si Lica nung guy na yun. Puntahan mo sya." Utos ni Marry.
Napatingin din ako sa dereksyon kung saan nakaturo si Marry. Nakita ko si Lica na yakap ng lalake. Ang kamay nung lalake ay kung saan-saan na napupunta. Binitawan ko ang basong hawak ko. Handa ko ng puntahan si Lica ng biglang hilain ako ni Erika.
"Hayaan mo sya! Parang gusto naman nya e"
Tinanggal ni Marry ang pagkakahawak ni Erika sa akin.
"Kami ang master ni Jimin. Kami ang susundin nya." Ani Marry.
Umalis ako at pinuntahan ko si Lica.
Hinila ko siya mula sa pagkakahawak ng lalake at napayakap siya sakin. Amoy sa kanya ang alak. Lasing na talaga ito..
"Hoy!sino ka ba? Bakit kinuha mo samin si Lica?" Galit na sabi ni lalake.
"Ako ang Maid Guy niya. Kinukuha ko siya dahil baka kung saan na makaabot ang mga kamay niyo" seryosong sagot ko sa kanila.
"Ang yabang mo ah?!" Sabi ni lalake na agad namang inawat ng kasamahan niya.
Tumingin ako ng masama sa kanila.
"Sige na, ikaw na bahala kay Lica. Nasobrahan ata siya." pekeng ngiti nung isa.
Binuhat ko si Lica at hinatid sa kwarto nito. Nang makarating kami, hiniga ko siya sa kama niya. Bago ko siya bitawan, nabigla ako ng hilain niya ang necktie ko. Hinila niya ito hanggang sa halos magkalapit na ang mukha namin.
"Bitawan mo nga ako. Lasing ka ba talaga?" Sabi ko at pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa necktie ko.
"Dito ka lang..hik!" At ayaw pa din niyang bumitaw.
"O-Oo na.. Bitawan mo lang ako! Malapit na akong masakal sa ginagawa mo!"
Binitawan niya ang necktie ko.
Ang dalawang kamay niya ay pumaibabaw sa batok ko at hinila papalapit sa kanya na halos magkalapit na aming mukha.
"Jimin.i..love..you.." Sambit niya.
At naglapat ang mga labi namin na ikinabigla ko ng sobra..
Hindi ako makapaniwala na nagkahalikan kami. Lalo na ng magtapat siya ng nararamdaman nito para sakin. Siya ang naging dahilan kung bakit napakabilis ng pagtibok ng puso ko ngayon. napuno ng pagtataka ang isip ko..
Hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat niya para ilayo ito sa pagkakahalik sakin. Muling nagtama ang aming paningin. Halata ko na nadadala lang ng sobrang kalasingan si Lica kaya kung anu-ano na lang ang nasasabi at nagagawa nito.
Minabuti kong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama niya.
"Lasing ka lang Lica. Magpahinga ka muna.."
"Manhid ka nga talaga kahit sinabi kong mahal kita..hik! Hik!" Sabi niya at nagsimulang umiyak ng parang bata.
Lumapit ako para patahanin siya. pinunasan ko ang mga luha niya. Bigla niya akong niyakap na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa.
Bigla siyang nasuka sa damit niya pati sa damit ko.
"Opss, I'm so sorry.. Hik!"
"Na-naman? -___-"
Pumunta kami sa banyo.
Patuloy na sumusuka si Lica sa toilet bowl. Samantala, sinimulan ko ng tanggalin ang pagkakabutones ng damit ko para haw-hawan ito .
Napatingin siya sakin habang nagtatanggal ako ng damit ko.
Napangiti siya at tila may kalokohan nanamang naiisip.
Binuksan niya ang shower at nabasa ako. Tumingin ako ng masama sa kanya. Siya naman ay tawa ng tawa sa tabi. Sinubukang niyang tumayo para puntahan ako. Pero nadulas siya na agad ko namang naalalayan bago pa tumama ang ulo niya sa sahig.
Napahiga kami sa sahig at muling nagkatinginan habang nababasa kami ng tubig galing sa shower.
Amoy sa hininga niya ang bango ng alak na ininum niya. Pakiramdam ko para na din akong nalalasing sa bango ng alak na nagmumula sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. Pinagmasdan ko naman ang mga mata niya hanggang sa matuon ang atensyon ko sa labi niya . Lumakas muli ang pagkabog ng dibdib ko na di ko mawari kung bakit. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa batok ko at hinalikan ako sa labi ko. Sa pagkataong ito, hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya at gumanti sa pagkakahalik niya. Dahan-dahan ang aming paghalik hanggang sa nadala na kami sa init ng aming katawan at kalasingan..
Naglakbay ang kamay niya sa katawan ko at isa-isang binuksan ang pagkakabutones ng damit ko. Samantala, hawak ko ang bewang niya at naglakbay ang kamay ko sa likuran niya upang ibaba ang pagkaka-zipper ng dress niya.
Patuloy kami sa pagpapalitan ng mga halik at tila wala na kami sa aming mga sarili..
Hanggang sa matapos ang gabi..
............
Lica's POV
Tinanghali ako ng gising .
"Aray ko, ang sakit ng ulo ko"
Tinanggal ko ang kumot ko. Nahinto ako ng mapansin ko na wala akong panloob at tanging manipis na white dress lang ang suot ko.
"Bakit ganito? Saan ang mga damit ko? Anong nangyari sakin kagabi?"
Puno ng pagtataka ang isip ko. Pumunta ako sa banyo para mag hilamos nang mapansin ko ang red dress at mga panloob na damit ko sa isang tabi.
Pinuntuhan ko ito at hinawakan.
"Naligo ba ako kagabi? Grabi kalasingan ko at diko maalala mga ginawa ko." Sabi ko at iniligpit ang basang dress.
Inayos ko ang sarili at pagkatapos ay lumabas na ng silid.
Nakita kong abala ang mga teacher sa pagliligpit ng gamit. May ilang oras pa para mag ayos ng mga gamit.
Naupo ako sa may batuhan at napahawak ako sa balikat ko at sa ibang parte ng katawan ko.
"Ansakit ng katawan ko. Pati ang ulo ko. Parang hihimatayin ata ako ng wala sa oras. Nasobrahan ata ako sa Alak kagabi."
Muli akong tumayo para bumalik sa kwarto ko para makapagligpit na din ng mga gamit na iuuwi ko sa academy. Nakasalubong ko sa daan si Jimin.
Nagkatinginan kaming dalawa at sinabayan pa ng malakas na ihip ng hangin. Nakaramdam ako ng kaba at napahawak sa ako sa dibdib. Agad kong iniwas ang tingin ko.Hindi ko maintindihan kung bakit naiilang ako sa kanya.Muli ko siyang tinitigan.
"Ok ka na ba, Lica...?" Mahinahong tanong niya.
"O-Oo na-naman. Bakit mo naman naitanong yan?"
"Hindi mo ba maalala? Nalasing ka at ako ang bumuhat sayo papuntang kwarto mo.."
"Eh? You mean, nalasing ako ng husto?!"
Tumango lang siya.
"May ginawa ba Ko? Hindi ba ako nagwala o kahit ano?! Bakit wala akong maalala?! T__T"
Ngumiti lang siya ng bahagya dahil sa nakikitang reaksyon mula sakin. Hinawakan nya ako sa balikat ko.
"Maaalala mo din yon.." Sabi niya at nilagpasan na ako.
Maalala ko din yon? Ang ano?
Napakamot na lang ako sa ulo ko.
Muli akong naglakad para bumalik sa kwarto ko.
...........
Jimins pov
Nilingon ko muli si Lica para pagmasdan ito habang papalayo. Napakabilis ng pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya. Napabuntong hininga ako at nasabing...
"Sa tingin ko, nahuhulog na ako sayo.. Lica.."
..........
Bus,
Nagsipag akyatan ang mga studyante. Lumapit si Marr at Marry kay Lica.
"Hi Lica. Tabi ulit tayo sa upuan mamaya ah?" Sabi ni Marry.
"Sure."
"Grabi ang pagkalasing mo kagabi sa party. Hindi mo na nararamdaman na hinihipuan ka na ng mga classmates natin"
"What?! Sino nanghipo sakin?!"
"Ayon sya oh." Sabay turo ni Marry sa kaklase.
Nilapitan ito ni Lica at agad sinampal.
PAK!!!
"Aray ko! Bakit mo ako sinampal?" Sabi ni guy.
"Ang MANYAK MO!! Ang kapal mong hipuan ako sa party!!"
"So-sorry na. Lasing din ako non e. Diko na uulitin" sabi ni lalake.
"Dapat lang!!!" At tinalikuran ni Lica si lalake at pumanik na din sa loob ng bus.
Umupo sya malapit sa bintana.
At ako naman, kaharap ko si Erika para kausapin.
"Erika, tatapatin na kita.. Matagal ko ng alam na ginagamit mo ako para alukin kang magpakasal ng boyfriend mo.."
Tila nabigla siya sa sinabi ko.
"Hah? Alam mo? P-pero bakit ngayon mo lang sinabi to?"
"Dahil mahal kita.. Gusto kong matupad ang mga gusto mo kaya nanatili akong tahimik.."
Natahimik siyaat tila nakonsensya sa ginawa niya.
"Pa-patawad.. Sorry kung ginagamit kita.. Kasi-" naputol ang sasabihin niya ng bigla ko siyang yakapin.
"Naiintindihan ko ang gusto mo. Tapatin mo na ang boyfriend mo sa nais mo..hindi masama ang loob ko.."
"Jimin..?" Sabi niya at pumatak ang mga luha niya.
Pinunasan ko ang mga luha niya at muling tinitigan ito sa mga mata.
"Erika.. Pinapalaya na kita..."
" Ibig bang sabihin nito, may iba ka ng nagugustuhan?"
"Hindi.. Dumating lang ang limitasyon ko.."
Napangiti si Erika at tila tinanggap na ang pagpaparaya ko.
Erika!!!
Sigaw ng isang lalaki sa pangalan niya.
"Edward?" Tanging sambit nito.
"Pinapunta ko sya dito para sunduin ka. Sumama ka na at mabuhay kayo ng masaya"
"Jimin.. Patawad.. At salamat.." Sabi niya at agad sinalubong ang kanyang boyfriend.
Tinalikuran ko na sila para sumakay na din ng bus. Nakita ko si Lica na nakatingin sakin. Inirapan niya ako.
"Hayss,. Bakit ba lagi niya akong iniirapan?" napakamot na lang ako sa ulo ko.
Sumakay nadin ako sa bus at
Nagbyahe na ito pabalik ng academy.
Nang makarating kami, isang lalake ang agad yumakap kay Lica.
"Lica.. Nandito na ako. Hindi na tayo magkakahiwalay pa.."
"Ikaw? Yeol?" Sambit ni Lica..
Nakaramdam ako ng selos ng makita kong yakap ng ibang lalake si Lica..