Jimin's Pov
Napatingin ang kambal sakin.
Bakit ganyan sila makatingin?
"Paano yan marry? May karibal pa ata si Jimin naten?" Sabi ni Marr.
"Oo nga. Kahit gwapo yan, parang nasa loob ang kulo nyan. Mahihirapan si Jimin na kalabanin yan.." Malungkot na sabi ni Marry.
Iniwas ko paningin ko. At sinimulang buhatin ang mga gamit nila para dalhin sa kwarto nito.
.................
Lica's POV
Napalingon ako sa dereksyon ni Jimin. Agad akong kumawala sa pagkakayakap ni Yeol. Pinagmasdan din ni Yeol ang dereksyon kung saan ako nakatingin at nakita nyang si Jimin ang tinitignan ko.
"Sya ba ang gusto mo ngayon?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ni Yeol.
"Ah? H-hindi noh.." Ilang na sagot ko.
Ngumiti ng bahagya si Yeol.
"Mahihirapan ba akong kunin ka sa kanya..?"
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa tanong na iyon. Tinitigan niya ako ng seryoso.
"Diko alam ang sinasabi mo! Bakit ka ba nandito?" Inis na sabi ko.
Natawa siya dahil sa inis na reaksyon ko na nakita niya. Hinawakan niya ako sa kaliwang balikat at tinapik-tapik ako.
"Biro lang. Nandito ako para kamustahin ka. Para bisitahin ang pinakamamahal kong fiancé"
"Di mo ako fiancé. Tinanggihan mo kaya ako noon. Kaya walang TAYO."
"Kaya nga ako nandito para suyuin ka at hingin ang kamay mo. Bumalik ako para sayo.."
Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Pero... Sa nakikita ko, mahihirapan ata akong kunin ka sa taong nagmamay-ari ng puso mo ngayon.." Sabi niya at hinawakan ang pisngi ko.
Hindi ko magawang makatingin. Si Yeol ang klase ng lalake na kapag may ginusto, agad niya itong nakukuha. Yan ang tipo ko kaso nabago lang ng makilala ko si Jimin.
"Kukunin kita sa kanya" dugtong pa niya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pisngi ko.
"Sino ba tinutukoy mo?! H'wag mo siyang idadamay kung sinoman siya!"
kinuha ko ang mga gamit ko at umakyat na din sa kwarto ko.
Nakarating ako sa kwarto at napaupo sa kama ko. Nasapo ko ang dibdib ko. tila kinakabahan sa balak gawin ni Yeol.
"H'wag niya sanang idamay si Jimin sa usapan namin.."
Naglakad ako papuntang bintana para buksan ang kurtina nito.
Napansin kong dumidilim ang kalangitan.
"Parang uulan.." Sabi ko at napatingin ako sa baba. Nakita ko si Yeol.
Saan punta non?
Pinagmasdan ko ang dereksyong tinatahak nito. Hanggang sa matanto ko ang balak nitong puntahan.
Hah? Papunta siya sa building ng mga Maid Guy?! Baka pupuntahan niya si Jimin!!!"
Dali-dali akong lumabas ng kwarto para habulin at pigilan ang binabalak gawin ni Yeol.
..............
Jimin's POV
Abala akong naglilinis ng hardin ng mga Maid Guy ng mapansin ko ang unti-unting pagpatak ng ulan.
"Umuulan? Wrong timing talaga.." Sabi ko habang nababasa na ako sa pagbuhos ng ulan.
"Ikaw si Jimin diba?"
Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko.
"Ako nga. Ikaw yung kanina?"
"Ako si Yeol King.. Fiance ni Lica"
Fiancé siya ni Lica? May nakalaan na pala sa kanya..
"Bakit ka naparito?" Tanong ko.
"Naparito ako para makita ang bagong nagugustuhan ng fiance ko. May gusto ka ba kay Lica?"
Tila nahinto ako sa tanong niya at hindi ko magawang makasagot. Yun lang ba ang pinunta niya rito? Ano naman kung gusto ko si Lica? Siya naman ang Fiancé.
"Maaari mo bang tanggalin ang maskara mo?" Sabi niya ulit.
"Pasensya na. Hindi pwede. Pinagbabawal samin ang gawin yun."
Tumawa siya at naglabas ng pera.
"Babayaran kita. Yun naman ang gusto mo diba? Yung may kapalit."
Nagsimula na akong makaramdam ng inis dahil sa kayabangan nito.
"Hindi ako tumatanggap ng pera. Kailangan ko ng umalis, marami pa akong gagawin."
Ikinabigla ko ng ibato niya ang pera sakin na kumalat sa kinatatayuan ko.
"Pera na ang lumalapit sayo, ayaw mo pa?"
Tumingin ako ng masama sa kanya at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Agad kong hinatak ang kwelyo ng damit niya. Handa ko na sana siyang suntukin ng..
"Susuntukin mo ako? Gawin mo, para mapatalsik ka na dito." Sabi niya na may ngiting pang-aasar pa.
"Hindi ako natatakot mapatalsik dito! Ikaw ang humanda sakin!"
Sinuntok ko siya at napaupo siya sa lupa. Bagay siya dun. Mayabang kasi.
Lumapit ako sa kanya.
"Malas ni Lica kapag ikaw ang napangasawa nya.."
Nilampasan ko si Yeol habang nakaupo pa din sa lupa. Padating naman si Lica at papunta samin. Nadulas siya sa kinatatayuan ko at tuluyang nabasa sa ulan matapos tumalsik ang dalang payong nito. Hinawakan ko siya sa magkabilaang braso niya para alalayang tumayo.
...........
Lica's POV
Biglang may nag flash back sa isipan ko. Naalala ko ang ibang pangyayari sa banyo habang kasama ko si Jimin.
"Ayos ka lang?" Tanong niya.
Lumakas ang kaba ng dibdib ko at napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang ako at ang tanging gumugulo sa isipan ko ay ang mga katanungang...
"MAY NANGYARI BA SAMIN NI JIMIN?"
Nakatulala lang ako kay Jimin. Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa party. Nagtataka naman siya kung bakit ganito ko na lang siya tingnan.
"Jimin? Ma--" naputol ang sasabihin ko ng hawakan ako sa braso ni Yeol at hilain palayo mula sa pagkakahawak ni Jimin. Subalit hindi bumitaw si Jimin sa pagkakahawak sakin.
"Bitawan mo si Lica! Wala kang karapatan na hawakan sya!" Galit na sabi ni Yeol at hinihila ako papunta sa kanya.
"Paano kung ayoko?" Sagot ni Jimin at hinila muli ako pabalik sa kanya.
Tila mga bata kung maghilaan ang dalawang to. Na nag-aagawan para sa isang bagay.
"A-aray ko! Bitawan nyo nga ako! Nasasaktan ako sa ginagawa nyo!" Sabi ko.
Bumitaw si jimin sa pagkakahawak nito sakin ng makitang nasasaktan na ako.
"Umalis na tayo,Lica." At agad ako hinila papalayo ni yeol.
.
.
.
Student's building,
"Bitawan mo nga ako!" Kumawala ako sa pagkakahawak ni Yeol.
"Hwag ka ng lalapit pa sa Maid Guy na iyon. Sasaktan ka lang nun. Tignan mo ginawa nya sakin!"
"Kasalanan mo kasi. Kilala kita. Baka may mga sinabi kang masama tungkol sa kanya! Kaya kung pwede, wag mo na siyang guguluhin!"
"Paano ako mananahimik kung may gusto ang fiance ko sa Maid Guy na yon?! Hindi ako manhid, Lica. Alam kong may gusto ka sa kanya! At natatakot ako na baka may gusto din siya sayo at kunin ka niya sàkin!"
Nabigla ako sa mga sinabi ni Yeol. Ngayon ko lang nakitang maging emosyonal ito. Nilapitan ko siya hinawakan sa braso.
"Yeol, wala ka naman dapat ipag-alala e. Kasi.."nahinto ako at napaisip sa sasabihin ko.
"Lica, bumalik ako para sayo dahil seryoso ako sayo.. Sumama ka na sakin at magpakasal na tayo."
"Bigyan mo ako ng panahon na sagutin yan.. May gusto lang akong alamin sa ngayon."
........
Jimin's POV
Ilang oras ang lumipas.,
Natapos din ako sa mga gawain ko. Sumilong muna ako malaking puno at doon nagpahinga. Pinagmasdan ko ang ganda ng mga ulap sa kalangitan.
"Kahit ang panahon, pabago-bago din.." at sinimulang kong ipikit ang mga mata ko para makapagpahinga na.
"Jimin.."
Napatingin ako sa dalagang nakatayo sa harapan ko. Agad akong napabangon.
"Anong ginagawa mo dito? Baka magalit si Yeol kapag nakita niyang magkasama tayo.."
Umupo sa tabi ko si Lica at sumandal din sa puno.
"Hindi siya magagalit.."
"Kung ganun, bakit ka pumunta dito?"
Tumingin si Lica sa mga mata ko.
"Jimin.. May nangyari ba satin nung gabi sa party?" Mahinahong tanong nya.
"Hah?"
"Nung madulas ako kanina, bigla kong naalala yung ibang ginawa ko. Pati yung.." Namula ang mukha niya at hindi magawang maituloy ang sasabihin nito dahil sa hiya.
"Yung ginawa natin.." Dugtong ko sa sinabi niya.
"Talaga bang nagawa natin yon? Nasuko ko ba lahat?"
Malapit ng tumulo ang mga luha niya kaya diko maiwasang mapangiti.
"Ano ba ang naramdaman mo sa katawan mo nung araw na yon? Pakiramdam mo ba may nawala sayo?"tanong ko.
"Naramdaman ko? Masakit lang ang katawan at ulo ko-" naputol ang sasabihin nito ng hawakan siya sa pisngi niya.
"Wala akong kinuha sa pagkatao mo.. Dahil nirerespeto kita.." Sabi ko parang nahiya ako sa sinabi ko.
Muli siyang nagtanong.
"Ano bang nangyare? Bakit iba na ang suot ko non?"
"Nakatulog ka nun. Dahil basa ang damit mo, pinalitan ko."
"Whuatt?!!"
"Walang malisya yon. Nag-alala lang ako sayo.."
Bigla kong naalala ang sinabi ni Yeol. Fiancé daw niya si Lica.
"Lica, may tanong ako sayo."
"Ano yon?"
"Fiancé ka ba talaga ni Yeol? Mahal mo ba siya?"
"Ewan ko.. Magulang ko lang ang may gusto nito. Mahal ko siya noon pero hindi na ngayon. Ikaw? Kamusta na kayo ni Erika?"
"Hiwalay na kami nung sa outing pa bago tayo bumalik dito sa academy."
Natahimik siya ng matagal. Baka inaantok na siya na kausapin ako. Naalala kong may gagawin pa ako.
"Jimin.. " sambit niya at napatitig ako sa kanya.
"Gu-gusto kita.. Nahihirapan na kasi akong itago to e. Ma-May nararamdaman ka din ba para sakin?"
Nagtapat ulit siya ng nararamdaman niya para sakin?
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang sagot ko sa tanong niya.
Pero, nakaramdam ako ng saya dahil don.
Ngumiti ako at lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi nya at pati ang bewang niya para ilapit sakin ng husto. Hinalikan ko siya sa labi tanda ng pagsagot ko sa katanungan niya..
........
Lica's POV
Nabigla ako ng hawakan niya ako sa pisngi ko. At naramdaman kong hawakan niya ang bewang ko para ilapit ng husto sa kanya. at hinalikan niya ako sa labi ko. First kiss ko to. First kiss na matino ang isip ko.
Pagkatapos niya akong halikan, nakatitig lang ako sa mga mata niya. At gumuhit sa labi niya ang isang magandang ngiti bago binitawan ang mga salitang..
"I.. Love.. You., Lica.." Malinaw sa pandinig ko yon. Tagos sa puso ko yon. Hindi ko na namalayan na umagos na pala ang mga luha ko. Ewan ko ba, siguro masaya lang ako. Dahil siguro ay napakatotoo ako sa nararamdaman ko.
Pinunasan niya ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay ko ulit sa bewang ko. Hinawakan ko ang mukha niya para halikan. Napatigil siya at tinanggal ang suot niyang maskara at tumingin sakin. Ngumiti siya sakin.
"Susugal na ako para sayo.." Sabi niya at muli kong naramdamang dumampi sa labi ko ang labi niya.
Pero sa mga oras na iyon, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba..
SA DI KALAYUAN, NAKATANAW ANG BINATANG SI YEOL.
"hindi kita mapapatawad.. Jimin at ikaw rin Lica.."
............
Hinatid ako ni Jimin sa kwarto ko. Hinalikan niya ako sa noo ko bago siya umalis. Naninibago din ako sa sarili ko. Nawala na ang dating mataray na si Lica at dahil iyon sa Maid guy na nakilala ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, isinara ko ang pinto. Kinilabutan ako ng may yumakap sakin at bumulong siya sa tenga ko.
"Siya na ba ang pinili mo..?" Sabi niya at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa akin.
Antotoo,ansakit na. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nakapulupot sa katawan ko. Pero ang lakas niya. Gusto kong sumigaw Pero tinakpan niya ang bibig ko at pwersahang ibinato sa kama ko.
Napahiga ako dahil sa lakas ng pagkakabato niya. Napatingin ako sa kanya. Dahan-dahan ang paglapit niya. Natatakot ako.. Natatakot akong makita siyang ganito kaseryoso.
"Yeol..?" Sambit ko sa pangalan nya.
Lumapit siya sakin at dinaganan ako habang nakahiga sa kama ko. Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko.
"Tama nga ako, mahihirapan akong kunin ka sa kanya.. Pero makikita mo, kusa ka niyang ibabalik sakin" sabi niya at ngumiti.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa takot. Hahalikan sana niya ako pero iniwas ko ang mukha ko.
Maya ay nawala ang bigat ng pagkakadagan sa katawan ko. Tumayo na siya at nakatingin lang sakin.
"Ipapakita ko sayo kung hanggang Saan ka lang nya kayang ipaglaban" sabi nito at tinahak na ang daan palabas ng kwarto ko.
Ano ang balak nyang gawin kay Jimin?
..........................
Jimin's POV.
Hindi pa din ako makapaniwala na mahuhulog ako sa kanya. Parang kailan lang para kaming aso't pusa kung mag-away. Ngayon.. Nagmamahalan na kami kahit may ibang inilaan para pakasalan siya.
Kaya ko nga bang sumugal para sa pag-ibig? Kung magkaiba kami ng katayuan sa buhay?
Nag-emo nanaman ako. Ang mabuti pa tapusin ko na ang pagsasampay ko.
............
Yeol's POV
Alam nyo ba kung nasaan ako ngayon? Nandito ako kung saan naroroon ang Maid guy nato.
Mukhang abala siya kaya di nya ako napapansin na nasa likod nya.
Napapangiti ako sa inis. Nakakita ako ng mahabang kahoy. Kinuha ko ito at pinagmasdan.
Habang pinagmamasdan ko ito, napapatingin ako sa maid guy na ito.
Parang may bumubulong sakin na ihampas ito sa kanya habang nakatalikod pa sya.
Unti-unti akong lumapit sa kanya habang hawak ko ang kahoy.
Wala syang kamalay-malay sa gagawin ko. Handa na ako para iwasiwas ito sa Maid guy na umagaw sa fiance ko, pero nahinto ako sa gagawin ko..
Hindi naman kasi ako criminal. Dahil may iba akong plano para sa kanya.
Binitawan ko ang kahoy na hawak ko at nalaglag ito sa lupa.
Napalingon siya ng marinig niya ang kahoy na bumagsak. Doon, nakita nya ako sa likuran nya at muli kaming nagkaharap.
"Nagulat ba kita?" Tanong ko sa kanya at napansin kong napatingin siya sa kahoy bago bumaling sakin.
Biglang nagbago ang awra nya at tumingin ng masama sakin.
"Anong kailangan mo?" Tanong nya.
"Nandito ako para batiin ka. Ang galing mo, naagaw mo ang fiance ko"
Halatang natahimik sya sa sinabi ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat.
"Sa ngayon lang yan. Dahil ibabalik mo din sakin si Lica pagdating ng araw na yon."
Ibabalik mo siya sakin at darating araw na iyon..
Pagkatapos ay tinalikuran ko na sya para umalis na.
Iniwan ko sya na para bang wala sya sa sarili niya.
.......
Jimin's POV
Anong ibig nyang sabihin? May balak ba syang gawin na masama?
Hindi ako makakapayag na manalo sya. Hindi ko ibibigay si Lica.. Hinding-hindi..
"Jimin!!!" Tinatawag ako ng isang pamilyar na boses. Si Lica.
Patakbo siyang pumunta sakin. Hingal syang nakarating at humarap sakin.
"Kamusta? Nagkita na ba kayo ni Yeol?"
Nagtaka ako sa bungad na tanong nya. Kinausap din kaya sya ni Yeol? Halata sa kanya ang pag-aalala.
"Hindi pa.." Ang sagot.
Napapangiti ako kapag nakikita ko sya. Hinawakan ko ang magkabilaang balikat nya at sinabing..
"Kahit anong mangyare, mamahalin pa rin kita.."
Niyakap ko sya ng mahigpit kahit halata ko na nagtataka sya sa sinabi ko hanggang sa maramdaman kong napanatag na siya at yumakap din sa katawan ko.
Bahala na.. Ang mahalaga sakin ngayon ay ang realidad. Ang realidad na kasama ko pa sya..
...........
Yeol's POV
Nandito ako sa mansyon nila Lica. Pinatawag ako ng magulang nya. Siguro para mapag-usapan ang kasal namin ng anak nila. Ang magulang ko at ang magulang ni Lica ay magka business partner. Arranged marriage ang ginawa nila samin kaya may karapatan talaga ako kay Lica.
"Kamusta ang pagpunta mo sa Royal academy? Napag-usapan nyo ba ni Lica ang tungkol sa kasal nyo?" Tanong sakin ng Mama nya.
Siguro mas maganda kung malalaman na nila na may ibang nagugustuhan ang anak nila. Ano kaya ang gagawin nila sa Maid guy na yon? Iniisip ko pa lang, natutuwa na ako.
"Hindi po namin napag-usapan ni Lica ang kasal namin. May iba kasi syang kinaaabalahan." Sagot ko.
Lumapit sakin ang Papa nya at hinawakan ako sa balikat ko.
"May iba syang kinaaabalahan? Ano naman iyon? Sa pagkakaalam ko malaki ang pagkakagusto sayo ng anak ko. Kaya uunahin ka nyang asikasuhin." Sabi nito.
Talaga lang ah.
"Ganun po ba? Pero iba sya nung bumisita ako.. Bakit di nyo sya bisitahin para malaman nyo kung ano ang kinaaabalahan nya.?" Sabi ko at tila napaisip sila.
"Sige, bibisitahin namin sya pag nagkaoras kami."
Nang marinig ko iyon, nagpaalam na ako para umalis. Hihintayin ko na lang na malaman nila na nakikipagrelasyon ang anak nila sa isang hamak na Maid guy.
.............
Jimin's POV
Pinatawag ako ni Lioner sa kanyang Office.
"Bakit nyo po ako pinatawag, President?" Tanong ko.
Inilapag niya sa kanyang mesa ang isang sulat.
"Sulat para sayo. Galing sa bahay ampunan."
Lumapit ako at kinuha ang sulat. Binasa ko ito.
Sulat galing sa sister ng bahay ampunan na kinalakihan ko. Nakasulat dito na nakita na nila ang magulang ko. Di ako makapaniwala sa balitang natanggap ko.
"Pinapayagan kitang lumabas ng Academy para makita sila." nakangiting sabi ni Lioner sakin.
"Salamat po.."
Lumabas ako ng office . Pumunta ako sa hardin ng mga Maid guy at umupo sa tabi ng malaking puno. Pinagmamasdan ko pa din ang sulat na hawak ko.
Pupuntahan ko ba sila? 10 yrs old ako ng iwan nila ako sa bahay ampunan at doon nakilala ko sila Erika at Lezance. Lumipas ang 11 yrs, magkikita ulit kami ng magulang ko?
Nalilito ako kung dapat ko bang kilalanin ang magulang ko. Hindi ko namalayan ang pagdating ni Lica at agad kinuha ang sulat mula sa kamay ko.
"Aba, sulat para sayo? Kanino galing?" Tanong niya.
"Ah??? Wa-wala yan. Di importante!."
Pilit kong kinukuha ang sulat ko mula sa kanya.
Agad naman tumayo si Lica para iiwas mula sakin ang sulat.
"Pabasa muna" sabi niya at patakbong lumayo habang binabasa nito ang sulat ko.
Tumayo ako para habulin siya.
"Teka lang! Wag mo basahin!"
Naghabulan kaming dalawa. Nagawa kong hawakan siya sa braso niya. Nahinto kami sa pagtakbo. Pero nabasa na niya ang nilalaman ng sulat ko.
"Oh! Nabasa ko na." Sabay abot sakin ng sulat.
"Ikaw talaga, pasaway ka parin"
Napayakap siya sakin.
"Sorry na^^ pupuntahan mo ba sila?"
"Di ko pa alam.."
"Puntahan mo na. Sasama ako. Gusto ko din sila makilala. Mag-date narin tayo" pangungulit niya at humigpit pa ang pagkakayakap niya sakin.
Matagal ang pagsagot ko. Nakatingin lang siya habang hinihintay ang sagot nito. Hanggang sa nainip siya.
"Ayaw mo ata akong kasama e? D'yan ka na nga. Hmptss!" Pagtatampo niya at umalis sa pagkakayakap sakin. Tinalikuran nya ako.
"Ah? E teka lang!" Agad ko siyang hinawakan sa kamay niya at iniharap ito sakin.
"Lica! Sandali lang."
"Baket?!"
"H'wag ka ng magalit. Sige na. Isasama na kita. Ayoko sa lahat yung magagalit ka sakin. Ayokong mawala ka.."
Gumuhit sa labi niya ang isang magandang ngiti.
"Ako din naman, ayokong mawala ka.. Gusto ko makasama ka^^"
Muli niya akong niyakap ng mahigpit.
................
Pinayagan din si Lica na sumama sakin. Ngayon lang ulit ako magtatanggal ng maskara sa labas ng academy. Magdamag na nakatitig sakin si Lica habang naglalakad kami.
Naiilang ako tingin niya. May dumi ba ako sa mukha?
"May sakit ka ba?" Tanong ko.
"Wa-wala naman"
Nakatitig pa din siya habang nakakapit sa braso ko.
"Talaga? Malapit na akong matunaw sa kakatitig mo e -___-"
"Ang gwapo mo kasi.. Di mo ba alam na na- loved at first sight ako sayo nung unang makita ko ang mukha mo? Ang gwapo mo pa din kahit umiiyak ka nun *^_^*"
"Ibig sabihin, pinanuod mo talaga ako habang umiiyak dahil sa isang babae?"
"Oo. Pero, di ko na hahayaan na muli kang umiyak dahil sa isang babae.."
Lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa binitawan niyang salita.
"Bakit? Parang nahinto ka ata? May mali ba sa sinabi ko?"
"Wala.. Walang mali.."
Muli naming pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan nakatira ang magulang ko. Kumatok ako sa pinto. Pinagbuksan ako ng isang babaeng may edad na. Agad akong nakilala ng babae at niyakap ako nito.
"Jimin,Anak ko? Anak!!" Sabi ng nanay ko at tuluyan ng lumuha pagkakita sakin.
Walang reaksyon ang nagmula sakin. Napansin yun ni Lica at sinita ako.
"Uy, bakit ganyan reaksyon mo? Yakapin mo din.. Umiyak ka din.."
"Eh??? -_-?"
Napansin ng nanay ko si Lica.
"Siya ba ang girlfriend mo anak?"
"Opo.. Siya po si Lica"
"Ako po si Lica. Nice to meet you po"