Chapter 04

3012 Words
Jimin's Pov "Nice to meet you din iha.. Pumasok muna kayo sa loob. Pagpasensyahan nyo muna ang bahay kung maliit." Pumasok kami at pinagmasdan ang kabuuhan ng loob ng bahay. Naunang umupo si Lica. Hinayaan niya akong makausap ang Nanay ko. "Binata ka na anak.. Lumaki kang magandang lalaki..natutuwa akong makita kang muli." "Salamat po..ako din po, masayang makita kayo.." sagot ko. Napansin ng Nanay ko na tila ilang pa ako sa kanya. "May galit ka pa ba samin ng tatay mo?" Tumingin ako ng derekta Kay Nanay. "Medyo lang po.. Bakit nyo ako iniwan sa bahay ampunan? Bakit hindi nyo ako binalikan..? Bigla na lang kayong nawala." "Dahil kailangan naming magtago, anak.." Sagot ng isang lalakeng kapapasok lang ng bahay. Napalingon ako sa lalaking yun. Nakilala ko ito kahit may edad na siya. "Tatay?" "Patawad, jimin. Nagtago kami dahil sa pagkakautang sa mga tao. Gusto ka naming iiwas para di madamay sa galit nila samin." "Yun lang po ba ang nangyare?" May halong pagtataka. "Mahal ka namin kaya namin nagawa yon.." Dugtong pa nito. Napabuntong hininga na lang ako. Naguguluhan parin ako sa mga sinabi ng magulang ko pero mas pinili kong magpatawad.. Dahil sa tuwa nila, ipinaghanda nila kami ni Lica ng makakain. Magkatabi kami ni Lica sa upuan habang kaharap namin sa hapagkainan ang magulang ko. Laging napapatingin ang Nanay ko kay Lica.Nahalata agad nito na anak mayaman si Lica dahil sa kaputian at kakinisan ng balat nito. "Dito muna kayo matulog kahit isang gabi lang. Kung pwede sana.." Sabi ni Nanay. Nagkatinginan kami ni Lica. Ngumiti siya sakin at muling humarap Kay Nanay. "Pwede po. Nagpaalam naman po kami ni Jimin e. Diba jimin?" Sabi niya. "Oo.. Ok lang.." Nang matapos na kaming kumain, tinulungan ko ang Nanay ko na magligpit ng pinagkainan. Dinala ko ang mga pinggan sa kusina. Mula sa kusina, natatanaw ni Nanay si Lica. "Mukhang anak mayaman ang girlfriend mo, anak. Legal na ba kayo sa magulang nya?" "Hoh? Hindi ko pa po nakikilala ang magulang nya." "Anong apelyido nya?" "Killmer. Lica Killmer po sya.." "Kilalang mayaman ang pamilya nya. Nasisiguro kong hindi ka nila matatanggap dahil sa katayuan mo. Natatakot ako sa kahahantungan ng relasyon nyo. Habang maaga pa, putulin nyo na ang relasyon nyo, anak.." "Hindi.. Ayoko po.." "Anak, natatakot lang akong masaktan ka. Habang maaga pa, layuan mo na sya.." Napalingon ako kay Lica. Napansin niya na nakatingin ako sa kanya kaya kinawayan nya ako. Muling bumaling ang paningin ko kay Nanay. "Hindi ko po magagawa yon. Hindi ko sya lalayuan. Ipaglalaban ko sya kahit anong mangyari.." Hindi na nagawa pang kumontra ng Nanay ko at talikuran ko na sya para puntahan ang kasintahan ko. Tinanggap ng magulang ko ang desisyon ko na makasama si Lica. Itinuro sa amin ang tutulugan namin. Isang kama lang ang nandun. At dahil maliit lang ang bahay, medyo may kaliitan din ang kama at sakto lang para sa isang tao. "Dito ka na lang matulog sa papag. Ako dito sa sahig." Sabi ko. "Papag? Anliit, masikip..?" "Bakit?malikot ka ba matulog?" "Hehehe. Medyo lang. Pero ok lang. Isang gabi lang naman tayo dito e. Titiisin ko^^" Agad humiga sa papag si Lica. Naglatag naman ako sa sahig malapit sa kama niya. Pagkatapos ay nahiga na din ako. "Sayang, anliit kasi ng higaan e. Sana tabi tayo" sabi niya. "Eh? Mas ok na to. Babae ka at lalake ako. Magkahiwalay dapat matulog ang dalawa." Sagot ko at tinalikuran ko siya sabay nagkumot ako. "Ah ok. Wala naman malisya yon dahil boyfriend kita" Hindi na ako sumagot pa. Medyo ilang na ako lalo na at dalawa lang kami sa kwarto. "Gising ka pa ba? Jimin?" Tanong niya at hindi ko siya sinagot. "Hmptss! Bilis mo naman makatulog. Hays.. Makatulog na nga din.." Lumipas ang isang oras, Tulog na ata si Lica. Hindi pa rin ako makatulog dahil sa kakaisip. Nakatanaw lang ako sa kisame ng bahay habang nakapatong ang kanang kamay ko sa noo ko. Hindi pa din maalis sa isip ko ang sinabi ni Nanay. Hindi ko pa nakikilala ang magulang ni Lica. Tama sya sa sinabi nyang magkaiba kami ng antas ng pamumuhay ni Lica at baka hindi nila ako magustuhan para kay Lica. Darating kaya ang araw na sila mismo ang hahadlang samin ni Lica? Pero ayokong isipin na mangyayari yon. Gusto kong makasama si Lica habang buhay. Lakas talaga ng tama ko sa kanya. Mahal ko talaga sya... Nakakaramdam na ata ako ng antok.. Napapapikit na ako... Ng bilang.. "Aray ko!!" Sigaw ko. Ansakit! Ano bang bumagsak sakin? Napaawang ang bibig ko dahil sa nakita ko. "Lica..?" Bumagsak siya sa katawan ko at heto himbing padin sya sa pagtulog at nakadagan pa sakin. Aalisin ko sana sya sa pagkakadagan sakin ng maramdaman kong yumayakap sya sa katawan ko. Feeling nya tandayan ako e -_-" Inalis ko pa din sya sa pagkakadagan sakin at inihiga sa gilid ko. Magkapantay kami ngayon sa higaan habang pinagmamasdan ko syang matulog. Inalis ko ang buhok nya na humaharang sa mukha nya at inipit ito sa tenga nya. Diko maiwasang mapabulong habang kaharap sya. "Napakaganda mo,Lica.. Hindi ako mapapagod na mahalin ka.." Sabi ko at hinalikan ko sya sa noo nya. Niyakap ko sya tulad ng pagkakayakap nya sakin at natulog kami ng magkasama. ........ Lica's POV Ayoko pang gumising. Ang ganda ng panaginip ko e. Yakap ko daw si Jimin? Ih!!! Kinikilig ako!! Kaso nakakahiya kung huli ako magising. Dapat ang babae ang mauunang gumising sa umaga. Eto na, Isa.. Dalawa.. Kaso nakakatamad dumilat e. Anlabot pa ng kayakap ko at tinatandayan ko. Hmm? Teka lang, May tandayan ba ako sa papag? Parang wala akong matandaan. OK! Didilat na ako. Isa -_- , Dalawa -.- ..Tatlo o.o "Whuahht?!!--" agad kong tinakpan ang bibig ko nang pagdilat ko kaharap ko si Jimin! Hindi pala panaginip yon? Omg!!! Sya ang kayakap-yakap at tanday-tandayan ko? Paano ako napunta sa sahig? Nahulog ba ako? Nahulog nga T_T !!! Nahinto ako ng bigla syang gumalaw at napahigpit ang yakap sakin. Gosh!!! Namumula na pisngi ko. Magkaharap lang kami. Napansin ko lang, ang cute nya din pala kahit natutulog. Pinagmasdan ko lang sya magdamag. Ang gwapo nya talaga. Mukha syang anghel.. Naku! Lumalakas nanaman ang kabog ng dibdib ko. Nag-iinit na ang pisngi ko. Nararamdaman ko nanaman ang paggalaw ng pagkakayakap nya sakin. Nagulat ako ng yakapin nya ako ng husto papalapit sa kanya. Nakadikit na ang mukha ko sa dibdib nya. Feeling ata nito unan ako e. Gumalaw ako ng konti. Dahan-dahan lang at baka magising ko sya. Ayan at nakaharap na ulit ako sa mukha nya. Anlapit ko talaga sa kanya. Mga 1 inch lang ang pagitan. Ang sarap nyang pagmasdan habang natutulog sya. Parang ayokong matapos ang oras nato.. "Sana bumagal ang oras habang kasama kita..." Bulong ko sa harap nya. Natulala ako sa kanya ng dumilat sya at tumingin sa mata ko. Whuah!!!! Kanina pa ba sya gising?! Nakakahiya! Gusto kong matunaw sa harap nya. Malay ko bang gising sya!!! Napangiti sya sakin habang ako tulala pa din. Pumikit ako kasi nahiya ako sa sinabi ko e. Siguro Alam nyang pinagmamasdan ko sya kanina pa. ih!! Kahiya talaga!! Napadilat ako ng maramdaman kong hinalikan nya ako sa noo ko. Napatingin ako sa kanya habang nakahiga pa din kami.. Nakangiti sya sakin.. Hinawakan nya ako sa pisngi ko. Nakatulala pa din ako sa kanya. Napansin kong nagtataka na sya kaya napabangon ako. Hindi ako makatingin e. Bumangon rin sya at tinanong ako. "May problema ba?" Naku wala! Puso ko may problema e. Lakas ng tama sayo T_T. Hinawakan nya ako muli sa pisngi ko at iniharap sa kanya. Lumapit sya sakin at dinikit ang noo nya sa noo ko sabay bumulong. "Ako rin.. Sana bumagal ang oras habang kasama kita.." Oh my!! Kung nakamamatay lang ang kilig, siguro kanina pa ako namatay. Ano ba, jimin! Di ko na nga Alam ang gagawin ko pag kaharap kita -////- tapos ganyan ka pa magsalita!!! Maya ay tumayo na sya. "Mauna ka ng maligo. Kakain muna tayo bago umalis.." Sabi nito at lumabas na ng kwarto. Agad akong naligo para makaligo na din sya. Nagsuot agad ako ng damit at palabas na ng pinto. Pagkabukas ko, nakita ko syang naghuhubad ng damit. Half naked na sya. Humarap sya sakin na ganun ang itsura nya. Napatingin ako sa katawan nya.ih!! may Abs sya. Nanlaki mata ko don ah? Ngayon ko lang natitigan este, napansin to e. Lumapit sya sakin habang ako naman paatras. Bakit kasi ngayon pa ako nakaramdam ng ilang sa kanya. Napasandal ako sa pader ng banyo at nacorner nya ako. Hinawakan nya ako sa ulo ko. At ngumiti sya. "Maliligo na din ako. Para makauwi na tayo." Sabi nito at pumasok na sa loob ng banyo. Kinabahan ako don ah? Akala ko mauulit yung nangyare sa Gas station. Ano ba! Asa naman ako.^^ Pagkatapos naming ayusin ang sarili, Sabay kaming nag-agahan kasama ang magulang nya. Bago kami nagpaalam, may inabot syang something sa nanay nya. Ewan ko kung ano yon. Tapus nagpaalam na kami. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad pabalik ng academy. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Bagay siguro kami talaga. Habang naglalakad, nakakita ako ng magandang garden. Ang lawak parang garden ng palasyo na nakikita ko sa Television. "Ang ganda. Pasok muna tayo sa loob ng garden." Sabi ko at agad naman syang sumang-ayon. Pagpasok namin, puro Lovers ang nandoon sa loob. Ang sweet nilang pagmasdan. Andaming tao at mga tinda. May nakita akong malaking Fountain. Lalapit pa lang kami doon ng biglang may yumakap kay jimin na isang Babae. Nanlaki mata ko at napataas ang isang kilay ko dahil don. "Jimin, sweety. Buti nagbalik ka dito" sabi ni babae. Tumingin ako ng masama kay Jimin. Hindi lang ba ako ang jowa nito? Naiinis na ako sa nakikita ko. Nakayakap pa din si babae. Maya bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kamay ni Jimin at naunang naglakad papuntang fountain. Napansin na ata nyang badtrip ako. "Pasensya na miss. Hindi kita kilala.." Nakita kong papalapit na sya. Hinawakan nya ako sa balikat ko at nagulat sya nung pumalag ako sa pagkakahawak nya. Galit ko syang hinarap. "Bakit ba?!" "Galit ka ba?" Tanong nito at nakukuha pa nyang maging mahinahon. "Oo! Sino yung babaeng yon? May pasweety-sweety pa kayo. Tayo nga wala pang tawagan e." "Sa tingin mo karelasyon ko ang babaeng yon?" Sabi nito. "Oo. Ano pa nga ba?" Malay ko ba, baka hindi lang kami dalawa. Baka marami pa kaming babae nito noh. "Hindi totoo yon. Hindi ko nga sya kilala e. Makinig ka naman saki--" "Ayoko makinig!!" Sigaw ko at halatang natahimik sya. Aaminin ko, selosa ako. Nagseselos ako sa babae kanina. Tumakbo ako at natulala talaga sya sa pagsigaw ko. Bahala sya! Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Pero ngayon ko lang napansin, naliligaw na ata ako... -------------------- Jimin's POV Nagalit sya? At talagang sinigawan pa ako. Yari! "Lica!!" Sigaw ko sa pangalan nya. Bilis naman tumakbo nun? Nawala agad. Andaming tao dito. Mahihirapan ata akong hanapin sya. Habang nakatalikod ako, biglang may bumangga sakin at napalingon ako sa kanya. Isang babae. "Sorry." Sabi nya at humarap sya sakin. Napalunok ako bigla ng makilala ko sya. Ngumiti sya pagkakita sakin. "Ikaw pala yan, Jimin" sabi ng babaeng nakabanggaan ko. Ang babaeng una kong naging master sa Royal academy. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba ng makita ko sya dahil hindi naging maganda ang nakaraan ko sa kanya. "Kamusta na? May hinahanap ka ba?" Tanong ni Yeona. "Oo. Hinahanap ko ang girlfriend ko." Sagot ko pero diko magawang makatingin sa kanya. "Anong name nya?" Pag-uusisa nito. "Lica.." "Lica Killmer ba?" Napatingin ako bigla sa kanya. Paano nya nalaman ang apelyido ni Lica? Hanggang ngayon pa din ba, may balak pa rin syang guluhin ako? "Si Lica killmer ang unica hija ng mga Killmer. Ang swerte mo naman at ikaw ang naging boyfriend nya. Biglang yaman ba?" Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi pera ang habol ko kay Lica. Mahal ko talaga sya. Pero bigla akong naguluhan. Paano kung yun din ang isipin ng nakararami tungkol sakin? Lumapit sakin si Yeona. Balak nya akong hawakan sa mukha. Hinawakan ko ang wrist nya bago nya pa ako mahawakan. Napangiti sya sakin. Pero hindi ko gusto ang mga ngiting yon. Sya ang klase ng babaeng mahilig manira ng buhay. Sya ang naaalala ko kay Yeol. Mahilig manghagis ng pera. "Natatakot ka pa rin ba sakin?"natatawang tanong nya. "Hindi" "Gusto mo bang makipaglaro ulit?" "Ayoko. Hindi mo na ako Maid Guy para gawin ang mga gusto mo." Naging seryoso ang mukha nya at tumingin sakin. "Gusto ko e. May magagawa ka ba?" Binitawan ko ang wrist nya. "Gawin mo gusto mo, wala akong pakealam." Sabi ko at tinalikuran ko na sya. Kailangan ko ng hanapin si Lica. Siguro naligaw nanaman yun. Iniwan ko si Yeona at pinagpatuloy ang paghahanap kay Lica. Sa wakas at nakita ko din sya. Nakaupo sya malapit sa pool. May pool pa pala dito sa garden? Nilapitan ko sya. "Lica.." Tumingin sya sakin. "Antagal mo naman dumating!" Sabi nya at may namumuong luha sa mga mata nya at malapit ng umagos. "Sorry.. Galit ka pa din ba sakin? Magtiwala ka sakin. Wala akong ibang girlfriend. Ikaw lang ang girlfriend ko" sabi ko at napayakap sya bigla sakin. "Alam ko. At naniniwala ako.." Buti naman at nagkaayos na kami. Tinignan ko sya sa mga mata nya at hinawakan ko ang kamay nya. Sumagi nanaman sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Yeona. Ano ang gagawin ko kapag may komontra na sa amin ni Lica? "Bitawan mo sya!!" Sigaw ng isang babae at tinulak ako papuntang pool at nahulog ako. Nabasa ako at napatingin kung sino ang tumulak sakin.. Sya? Nanaman? "Ayos ka lang ba Lica?" Tanong niya kay Lica. "Yeona? Oo, ayos lang ako" sagot ni Lica at napatingin sakin. Nakita ko ang nakangiting ekspresyon ng mukha ni Yeona. Ano nanaman ba ang gagawin nya? Umahon ako mula sa pagkakalaglag sa pool. Basang-basa ako. Lumapit sakin si Lica. "Ayos ka lang? Basang-basa ka na" pag-aalala ni Lica. "Magkakilala ba kayo?" Tanong ni Yeona. "Oo. Boyfriend ko sya. Sya si jimin" "Oh my God!! Sorry. Akala ko kasi may balak kang masama sa kaibigan ko e" sabi nito at balak punasan ang damit ko. "OK lang.." "By the way, I'm Yeona Hera. Mas kilala sa pangalang Yeona King" Inilahad nya ang kamay nya sakin para makipagkamay. Nakipagkamay ako. Ang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko habang nakangiti sya sakin. Kainis.. Yeona Hera ang pagkakakilala ko sa kanya. Yeona King pala ang tunay nyang pangalan. Kapatid nya si Yeol King. At kaibigan nya pa si Lica. Ngayon, balak nyang magkunwari na hindi kami magkakilala? Napahingang malalim ako. Medyo giniginaw na din ako. At bumitaw sa pakikipagkamayan sa kanya. "Dito muna kayo ah. Bibili lang ako ng damit para masuot mo jimin." Sabi ni Lica at paalis na ng bigla ko syang hawakan. "H'wag ka ng umalis. Kaya ko naman ang lamig." "Basang-basa ang suot mo baka magkasakit ka" "Mas gugustuhin ko pang magkasakit kaysa maligaw at mawala ka ulit" Muling napayakap sakin si Lica kahit na basang-basa ako. "I love you, jimin.." Napansin kong irita na si Yeona. "Kailangan ko na palang umalis. Pasensya na sa nangyari jimin. And Lica, dadalaw-dalawin na lang kita sa academy. Bye" sabi ni Yeona. "Take care, Yeona" Umalis na si Yeona. Inaya ko na din umuwi si Lica. Ginaw na talaga ako. Salamat at nakauwi na din kami. Hinatid ko si Lica sa kwarto nya pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga. ............ Kinaumagahan, medyo masama ang pakiramdam ko marahil dahil sa pagkakahulog ko sa pool at matagal nababad ang basang damit sa katawan ko. Kaso, kailangan kong gawin ang trabaho ko kahit hilo ako ngayon. Bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang kasamahan kong maid guy. "Pinapatawag ka ng Head maid guy.."sabi nito. "Bakit daw?" "Tungkol ata to sa twin na master mo." "Sige . susunod ako.." Tumayo ako pero mas lalo akong nahilo. Napahawak ako sa higaan ko. Nilapitan ako ng kasamahan ko. Hinawakan nya ako. "Ang init mo naman. May lagnat ka ata? Uminom ka muna ng gamot bago ka pumunta sa head maid guy." "Salamat. Mamaya na lang." "Kaya mo ba?" Tumango ako sa kanya. Lumabas ako at tinungo ang office ng head maid guy. Ano kaya ang dahilan para ipatawag nya ako? Nasa tapat na ako ng pinto. Kumatok ako at agad din pinagbuksan. "Pinatawag kita dahil ito sa twin master mo. nagbakasyon ang magkambal dahil na-heart attack ang daddy nila. Matagal silang mawawala. Dahil ikaw ang may bakanteng posisyon, ini-assign kita sa isang transfer student para maging maid guy nya. Dati na syang pumasok dito at kilala mo na sya noon" sabi ni Head Kuru. Kinabahan ako sa sinabi nya. Kilala ko na noon? Isang tao lang ang natatandaan ko. Sumasakit nanaman ang ulo ko. "Puntahan mo sya sa silid nya. Eto ang data nya" Sabay abot sakin ng papel. Binasa ko to. Tama nga ako sa hinala ko. Si Yeona Hera ang magiging master ko ngayon. "Pupuntahan ko na sya" lumabas ako at nagsimulang tunguin ang kwarto nya. Habang naglalakad, naalala ko ang pagkakaiba ni Lica kay Yeona. Una Kong nakita si Lica,nakikipagsabunutan sya kay Lian sa classroom, mataray at mapanglait pa. Nahawa lang sya sa mga ugali ng mayayaman pero ang totoo mabait sya. Pero si yeona, unang kita ko palang umaapoy na ang awra nya dahil sa kasamaan ng ugali. Ngayon, sya ulit ang master ko.. Sobrang sakit na ang ulo ko.. Nandito na ako sa tapat ng silid nya. Kakatok pa lang ako ng buksan nya ang pinto. "Andyan ka na pala, jimin" sabi nya at ngumuti sakin bilang pambungad nya. Hindi ako nagsalita. Pinapasok nya ako sa loob ng silid nya. Naupo sya sa kama nya habang nakatayo ako malapit sa pinto. "Dahil ikaw ulit ang Maid guy ko, tulad pa rin ng dati ang gagawin mo. Kahit saan ako magpunta, kasama ka. At lahat ng utos ko, gagawin mo. Deal?" "Deal.."sagot ko. ...............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD