Chapter 05

3612 Words
Jimin's Pov "Ok, akin na ang phone mo at ilalagay ko ang number ko. Sempre yung number mo kukunin ko din. Tatawagan kita pagkailangan na kita." Sabi ni Yeona at inabot ko ang phone ko. Nahawakan nya ang kamay ko. Napansin atang mainit ako. "May lagnat ka pala.. Dahil ba yan sa pagkakahulog mo sa pool?" Ngiting sabi nya. "Hindi. Hindi to dahil don.." "I'm sorry.." Sabi nya at yumakap sakin. Ano nanaman bang ginagawa nya? Inalis ko sya sa pagkakayakap sakin. "Ano bang ginagawa mo?" "Mahal mo ba si Lica?" "Oo. Mahal na mahal.." Bigla syang tumawa. May mali ba sa sinabi ko? "Dahil sayo, hindi na nya pakakasalan ang kapatid ko. Kaya nandito ako para paghiwalayin kayo. Tandaan mo, selosa si Lica. Mag-ingat kang magkamali sa harapan nya.." "Hindi ako magkakamali. Hindi ko sya lolokohin." Sabi ko at bigla nanaman sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko, Baka dito pa ako ma-block-out. Hindi pwede. Kailangan ko ng makaalis dito at makapagpahinga. Hindi nato maganda. "Magpahinga ka na. Ang init-init mo na kasi e.. Tatawag na lang ako pag ok ka na." Pagkasabi nya nun, tinalikuran ko na sya at muling lumabas. Babalik na ako sa kwarto ko para makainom ng gamot. Sa daan, nakasalubong ko si Lica. "Jimin!!" Sabi nya at sabay yakap sakin. Nagtaka sya at tumingin sakin. "Ang init mo. May lagnat ka ba? Halika. Kailangan magamot ka na." Hinawakan nya ako sa kamay ko para pumunta kami sa clinic. "Hindi na kailangan. Iinom lang ako ng gamot at magpapahinga ng konti." "Kailangan kang magamot agad. Nag-aalala ako para sayo.." Pumasok kami sa clinic. May nakaupong doktora. "Good morning po. May lagnat po kasi ang boyfriend ko, pakitingin po para mabigyan na po sya ng gamot." Sabi ni Lica. Nahiya ako nung pinakilala nya ako bilang boyfriend nya. Lumapit sakin ang doktora at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Naiilang at nahihiya tuloy ako kaya hindi ako makatingin. "Pakitanggal ang maskara mo" sabi ni doc. Dali-dali ko namang sinunod ang utos nya.Hinawakan ako ni doktora sa noo at leeg. "Sobrang taas ng lagnat mo. Buti nakakaya mo pang maglakad? Nahihilo ka ba?" "Opo" Binigay sakin ni doktora ang gamot na iinumin ko. Pagkatapos kong inumin, pinagpahinga nya muna ako sa bakanteng kama. "Salamat po" sabi ko. Nahiga na ako. Napatingin ako kay Lica ng hawakan nya ang kamay ko. "Pagaling ka.." "Salamat, Lica.." "Wala yun. Normal lang mag-alala ang girlfriend sa kanyang boyfriend^^" Sabi nito at ngumiti. Matagal ang pagkakatitig ko kay Lica. Naalala ko kasi ang sinabi ni Yeona na may pagkaselosa si Lica. "Lica, may tanong ako." "Ano yon?" "Totoo bang selosa ka?" "Ah? A-e.. Oo naman. Kung pagmamay-ari ko naman, may karapatan akong magselos noh. Eh bakit mo naitanong?" "Wa-wala naman" Totoo palang selosa sya. Hindi dapat ako magkamali lalo na sa harapan nya. Ayokong dahil sa selos, mawala sya sakin. "Tabi tayo. Sasamahan kitang matulog dito. Buti malaki ang kama nila. Kasya tayo^^" sabi nya at humiga sa tabi ko. Ngayon, halos magkapantay na kami sa higaan. Nakatingin lang sa isa't-isa. Hinawakan nya ako sa pisngi ko habang nakatitig sakin. "Ingatan mo ang sarili mo, Jimin. Nag-aalala ako para sayo.. Selosa ako lalo na kung ikaw ang pinag-uusapan. Ayokong may ibang kumuha sayo dahil sakin ka lang inilaan.." Napangiti ako sa sinabi nya at hinawakan ko sya sa mukha nya. "Salamat,Lica. Magtiwala ka lang sakin ah? Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at wala ng iba pa." Sabi ko at hinalikan ko sya sa noo nya. Mahigpit na yakap naman ang iginanti nya sakin.. ........... Lica's POV Ang sweet nya talaga. Nang halikan nya ako sa noo ko, mahigpit na yakap ang isinukli ko. Halos nakadikit na mukha ko sa dibdib nya habang yakap ko sya. Ang init-init ng katawan nya. Tinitiis nya ang sakit nya kanina pa. Kuwawa naman ang mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo hanggang sa bumaba ang lagnat mo.. Ilang oras ang lumipas, Nakatulog din pala ako. Napatingin ako kay jimin, ang himbing ng tulog nya. Muli ko syang niyakap, hindi na masyado mainit ang katawan nya. Bumaba na ang lagnat nya. Mabuti naman. Maya ay may humawak sa balikat ko. Napalingon ako. Si doktora pala ang humawak sakin. "Oras na para pumasok ka sa klase mo. Ako ng bahalang tumingin sa kanya" Ok. Dahan-dahan akong bumangon. Ingat na ingat ako sa galaw ko para hindi magising si Jimin. Nakalapag na ang mga paa ko sa sahig at pinagmasdan ko ang boyfriend ko. "Isang Maid guy ang boyfriend mo?" Tanong ni doktora sakin. "Opo." "Galing ka sa mayamang angkan. Sa tingin mo ba, papayag ang pamilya Killmer na mapangasawa ng unica hija nila ay isang maid guy? Sisirain lang nila ang buhay ng lalaking to.." Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi nya. Anong akala nya sakin? Hahayaan kong gawin nila yon kay jimin? Ipaglalaban ko ang mahal ko noh. "Kaya ko silang talikuran kung kinakailangan makasama ko lang ang lalaking magpapasaya sakin." Napahingang malalim si doktora. Halata ko yon e. "Bata ka pa pero sana nga magawa mo syang ipaglaban. Dahil wala syang laban sa pamilya mo lalo na at isa lang syang maid guy.." Sabi nito at umalis na. Hinawakan ko ang kamay ni jimin. "Pagaling ka..jimin" sabi ko at pahakbang pa lang para umalis ng marinig kong mag-ring ang phone. Hinanap ko kung saan. Narinig ko na sa bulsa ni jimin nanggagaling ang tunog. Kinuha ko ito sa bulsa nya para tignan kung sino ang tumatawag. Pero nagtaka ako sa nabasa ko. "Si Yeona ang tumatawag kay jimin?" Napatingin ako muli kay jimin ng may halong pagtataka. Bakit may number sya ni Yeona? Ano bang meron? Pinatay ko ang call at muling ibinalik sa bulsa nya ang phone. Siguro nagkataon lang to. Ayokong mag-isip ng masama sa mahal ko. Ang mabuti pa, papasok na ako sa klase ko. Nagkataon lang to.. Pumasok na ako sa klase ko. Shock ako ng makita ko si Yeona. Classmate ko sya? Bakit kaya nya naisipang pumasok dito? Nakita na ata nya ako at ayon kumakaway na. Nilapitan ko sya. "Nag-aaral ka na din pala dito? Kailan ka pa nagsimulang pumasok?" Tanong ko. "Kahapon lang. Gusto ko kasing makita ang kaibigan ko" sabi nya at ngumiti sakin. "Ganun ba?" "Sabay tayo maglunch mamaya. Magpapadala ako ng dalawang lunch box para satin. Yung maid guy ko ang magdadala." "Ok. Sure." Naupo ako sa tabi ni Lian. Maya ay dumating na ang teacher namin. Tinawag ang pangalan ng mga bumagsak sa exam. Lica, BAGSAK!!! ouch! Sakit sa pandinig yun ah.ako agad ang pambungad? Bagsak ulit? Narinig kong tumatawa si Lian. "Bakit ka tumatawa?" "Hahaha. Wala ka pa rin pinagbago. Bagsak ka pa din.hahaha" sabi ni Lian. Lian, BAGSAK!! HAHAHA. Makatawa sya wagas, bagsak din pala.hahaha "Bleh! Bagsak din.bleh bleh!.hahaha" pang-aasar ko. "Magkaibigan nga kayo. Noon pa ganyan na kayo. Nagkokopyahan pa ba kayo?hahaha" pangbibiro ng isa pa naming classmate. Teacher: bibigyan ko kayo ng chance. Mag-eexam ulit kayo pero dapat maipasa nyo nato. Sabay kaming sumagot ni Lian. "Opo!!" Lunch time, Nakita ko si Yeona na nakaupo na. Tinawag nya ako. "Dito Lica. Dito ka maupo" Umupo ako. Kaharap ko sya sa upuan. "Wait lang. Tatawagan ko lang ang Maid Guy ko para dalhan nya tayo ng Lunch" "Ok" Nag-ring na ang phone nya. May sumagot na sa kabilang Linya. "Hello. Ok ka na ba?... Mabuti kung ganun. Dalhan mo ako ngayon ng dalawang lunch box. Hihintayin kita. Bilisan mo." Pagkatapos inOFF nya ang phone nya. At natuon ang atensyon nya sakin. "Balita ko, hindi na matutuloy ang kasal nyo ni Yeol?" "Oo." "Nakakalungkot naman. Ano ba ang nagustuhan mo sa maid guy na yon?" "Mabait sya, maalaga at mapagmahal"sabi ko at kinikilig ako^^. "Ganun? Mukhang masaya ka nga sa kanya. Pero, kilalanin mo pa sya. Di natin alam, baka pinaiikot ka lang nya dahil alam nyang anak mayaman ka.." Kakaiba si Yeona. Babala ba yon? "May tiwala ako sa kanya.." Sabi ko. Ngumiti lang sya sakin. Maya ay napatingin sya sa likuran ko. May kinawayan sya. "Buti dumating ka na. Dito mo ilagay ang lunch namin." Napalingon ako sa taong kinawayan nya. "Ji-jimin?" Sambit ko at kahit sya ay parang nabigla din. "Li-Lica?" "I-ikaw ang maid guy ni Yeona?" "Hindi nya ba nasabi sayo,Lica? Sya ang maid guy ko" Maid guy nya si jimin? Anong nangyari sa kambal? Bigla nanamang sumagi sa isip ko ang number nya sa phone ni Jimin. Bakit ganito? Nagkataon lang ba to? "Ilapag mo na yan dito, Jimin. Kakain na kami." Inilapag ni Jimin ang mga lunch box. Habang inilalapag, nahawakan ni Yeona ang kamay ni Jimin. Nagkatinginan silang dalawa. "Sorry, jimin." Sabi ni Yeona at parang ang sweet ng tono ng Boses nya. Nakakaramdam ako ng selos. Pero Mali to. May tiwala ako kay jimin ko. "Tara na, kumain na tayo Lica" nakangiting sabi nya. "Oo sige." Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na si Yeona pero kasama si Jimin. Bago sumunod si Jimin kay Yeona, hinawakan ko sya sa kamay nya. "Jimin, magkita tayo mamayang gabi sa hardin ng mga maid guy ah? Maghihintay ako." Tumango lang sya sakin at sumunod na sya kay Yeona. Kinagabihan, Nandito na ako at naghihintay kay jimin. .......... Yeona's POV Anong akala nyo sakin, hahayaan ko kayong magkita at magkaoras sa isa't isa? Hindi ko hahayaan yon. Maghihintay ka sa wala, Lica. ... Tinawagan ko si jimin, sinagot naman nya agad. "Hello, bakit ka napatawag?" Tanong nya sa kabilang linya. "He-help me. Nadulas ako sa banyo ko. Di ako makatayo." "Ano?! Sige, pupunta na ako d'yan." Sabi nya at nagmamadaling puntahan ako. Agad bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita nya ako sa banyo. Binuhat nya ako at dinala sa kama ko. "Ouch! Ansakit ng paa ko" Lumuhod sya sa harapan ko para tignan ang bali sa paa ko. "Nabalian ka" sabi nya. Alam ko. Sinadya kong magpapilay para di mo siputin si Lica. Umiyak ako para maiwala siya sakin. "Ansakit ng paa ko.." Agad nya akong inasikaso. Maaasahan talaga sya sa kahit anong sitwasyon. Maya ay nawala na ang sakit. Nakabenda na ang paa ko. Tumayo sya mula sa pagkakaluhod. "Ok na. Nagamot ko na. Kailangan ko ng umalis." Sabi nya. Syempre hindi pwede. Hinawakan ko sya sa braso nya at agad niyakap. "H'wag mo akong iwan. Natatakot akong mag-isa." "Pasensya na. May kailangan pa akong puntahan." Tinanggal nya ang pagkakayakap ko sa kanya. Tinalikuran nya ako at dumiretso sa pinto. "May naghihintay sakin.." Sabi nya. Tumayo ako sa kama at sinubukan kong maglakad. Nagkunwari akong bumagsak sa sahig. "Ouch! Ansakit!! Ansakit talaga!!" Sabi ko at nakita kong nag-aalangan na syang umalis dahil sa sitwasyon ko. Lumapit sya sakin at muli akong pinaupo sa kama ko. Nakiusap sya sakin. "Kailangan kong umalis.. Hinihintay ako ni Lica.." "Hindi. Dito ka lang. Ako ang samahan mo..natatakot ako.." Tila wala na syang nagawa. Sige ka! pag umalis ka, lalabas ako para mapagalitan ka kapag napahamak ako. Nilabas nya ang phone nya. May tanatawagan ata. "Hello, Lica.. Pasensya na, hindi ako makakarating. May emergency kasi. Kailangan kong samahan si Yeona sa silid nya. Nabalian sya sa paa. Babawi na lang ako kapag nagkaoras ako....I love you too." Sabi nya at inOFF na ang phone. Nagawa ko din ang plano ko. Kuwawang Lica, siguro nakakaramdam ka na ng selos. May isa pa akong plano para sumabog ang pagkaselosa mo. Sure, bye-bye Jimin ka na. Lumapit sakin si jimin. "Matulog ka na. Didito na muna ako.." "Salamat jimin..."may pagkasweet na sabi ko. At siya, malungkot siya ngayon. Gusto ko ang nakikita ko. .............. Lica's POV Pabalik na ako ng silid ko. Hindi nakarating si jimin. Bakit ganun? Nawawalan na sya ng oras sakin? Hindi na maganda ang nararamdaman ko.. Miss ko na sya.. Jimin, nagseselos na ako.. Nandito na ako sa kwarto ko. Itutulog ko na lang to. Sana bukas, magkaroon na kami ng oras sa isa't isa. KINAUMAGAHAN.. Ang aga ko pumasok sa klase. Nakita kong parating si Yeona. Inaalalayan sya ni Jimin. Para silang magkasintahan kung pagmamasdan. A-ano ba tong iniisip ko? Ako ang girlfriend ni Jimin noh! Nilapitan ko sila. "Yeona, kamusta na? Nabalian ka daw?" "Oo. Pero medyo maayos na ako ngayon. Magaling kasi ang nag-aalaga sakin. Binantayan nya ako magdamag hanggang sa makatulog ako. Diba jimin?" Sabi nya at tumingin kay Jimin. May tinginan pa silang ganun? Kumuha kami ng mga libro na gagamitin sa lesson namin. Binitbit ni Jimin ang libro ni Yeona. Kinuha din ni Jimin yung akin. "Ako na magdadala ng sayo,Lica.." Sabi niya at ngumiti sakin. "Salamat Jimin." Sabi ko at kahit papaano kinilig ako don. Napangiti nanaman ako dahil sa kanya. Bababa na kami sa hagdan. Bumitaw si Yeona sa pagkakahawak sa braso ni Jimin. "Mauna ka ng bumaba, jimin. Siguro kaya ko ng makapaglakad" sabi nya. Naunang bumaba si jimin bitbit ang mga libro namin. Mga dalawang step ang pagitan nila. Nasa likuran ni Jimin si Yeona at ako naman ang nasa hulihan nila. Nakahawak sa bakal si Yeona habang sinusubukang maglakad mag-isa. Pero nagkamali sya ng hakbang at biglang sumakit ang paa nya. Napabitaw sya sa bakal at nalaglag sa hagdan kaso nasa unahan nya si Jimin at agad siyang nahawakan ng boyfriend ko. Parehas silang bumagsak pababa. Hindi ko gusto ang nakikita ko. Nakadagan si Yeona kay Jimin. At nagkatinginan pa sila habang ganun ang posisyon nila?Nakatayo lang ako sa harapan nila at Parang wala lang ako sa paningin nila. May biglang kumirot sa loob ng dibdib ko. Ansakit. Nasasaktan akong makita silang ganun. Nasasaktan ako. Nagseselos ako... ........... Jimin's POV Buti at dalawang baitang lang ang pagitan ng binaksakan namin. Nakadagan sakin si Yeona. Nagkatinginan kami. Maya ay umiyak sya at yumakap sakin. Napatingin ako sa taas ng hagdan. Nakita ko si Lica na nakatingin samin. Tahimik lang sya habang sapo ng kanang kamay nya ang kaliwang dibdib nya. Hindi maganda to. H'wag mong sabihin na nagseselos na sya? Tumayo kami ni Yeona at nanatili lang itong nakayakap sakin. Bumaba si Lica. Parang may nagbago sa kanya. Mukha nanaman syang mataray. Lumapit sya samin. "Dalhin mo na sya sa clinic. Mauna na ako sa inyo." Sabi nya at paalis na. Hinawakan ko sya sa kamay nya. Kinakabahan ako na Baka may nagbago sa ugali nya. "Lica sandali lang.." Sabi ko at tumingin sya sakin. "Ok lang ako. Sige na, unahin mo na sya.." Lica..sana walang nagbago sayo. Magtiwala ka lang.. Bumitaw sya sa pagkakahawak ko at umalis na. "Dalhin mo na ako sa clinic. Ansakit ng paa ko" sabi ni Yeona. Dinala ko sya ko sa clinic. Habang ginagamot ang paa nya, ako naman ay abala sa pag-dial sa number ni Lica. Kailangan ko syang tawagan. Kinakabahan ako. Ring lang ng ring ang phone. Bakit ayaw nyang sagutin? "Please Lica, sagutin mo.." Lumapit sakin si doktora. "Ok na ang master mo. Ilang araw lang, gagaling na ang paa nya. Pwede mo na syang ibalik sa kwarto nya." "Opo" Hinatid ko si Yeona sa kwarto nya. Inupo ko sya sa kama nya. "Napansin ko kanina sa clinic na parang may tinatawagan ka. Si Lica ba yon? Nagkatampuhan ba kayo?" Tanong nya sakin. "Wala lang to. Magkakaayos din kami." "Ako siguro ang dahilan kung bakit sya nagtatampo. Gusto mo tulungan kitang makipag-ayos?" "Hindi na kailangan. Kaya kong ayusin ito." Baka mas lalong gumulo ang relasyon namin kapag hinayaan ko syang manghimasok. "Ok. Salamat sa care mo." "Ginawa ko lang ang trabaho ko. Ang mabuti pa magpahinga ka na. Kailangan ko ng umalis para magpahinga na din." "Ok. Sweet dreams, Jimin.." ................ Ilang araw din ang lumipas na di kami nag-uusap ni Lica. Nakakalakad na din si Yeona kaya diko na sya kailangan pang alalayan. Galit naman sakin si Lica. Talagang nagselos sya sa nakita nya. Dapat ayusin ko to. Nag-Ring ang phone ko. Si Yeona nanaman ang tumatawag. Bakit kaya? Sinagot ko ang tawag nya. "Bakit napatawag ka?" "Maaga tayong pumasok ah. Gusto ko tayo ang mauna sa room" "Sige.." .......... Lica's POV Papunta na ako sa room ng maka-receive ako ng text mula kay Yeona. PUMUNTA KA SA ROOM. MAY SURPRISE AKO SAYO. SEE YAH! ano kaya ang surprise nya? Makapunta na nga. ................ Yeona's POV Nandito na ako sa room. Isasagawa ko na ang huling plano ko. Malapit na silang magkahiwalay. "Nandito na ako" sabi ni Jimin. Lumapit sya sakin habang nakasandal ako sa teacher's table. Humarap sya sakin. Malapit na din dumating si Lica. "Nakakapagod ng magpanggap. Ang galing ko diba? Nagkakalabuan na kayo ni Lica?" "Ano? Planado mo lahat ng ito?" "Yeah, gusto Kong magkahiwalay kayo. Wala kang karapatan na maging mayaman. Hanggang Maid Guy ka lang!" Sabi ko at hinawakan nya ako sa kaliwang wrist ko. "Ikaw, sumosobra ka na! Ang sama mo!" Galit na sya. Tama yan. Magalit ka lang.. Kailangan kong umarte. Napalingon ako sa kaliwa. Sa bandang pintuan. Narinig ko na ang tunog mula sa yapak ni Lica. Humarap ako kay Jimin habang hawak nya ang kaliwang wrist ko. "Tama na Jimin! Nasasaktan ako!" Sigaw ko. Nagtaka si Jimin sa pagsigaw ko. Pagkakataon ko na. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi nya at agad ko syang hinalikan. Narinig kong nagsipaglaglagan sa sahig ang mga gamit mula sa taong nakakita samin ni Jimin na naghahalikan. "Ji-jimin..?" Nanginginig na sambit mula kay Lica. Napalingon kami kay Lica. Oras na para sa sunod na eksena. Tumakbo ako Kay Lica. "Lica, pinwersa nya akong halikan." sabi ko habang umiiyak. Nagsimula ng umagos mula sa mata ni Lica ang mga luha ng galit. Lumapit si Jimin Kay Lica. "Lica, nagsisinungaling sya. Hindi yon toto-" PAK!! Isang malakas na sampal ang ginawa ni Lica kay Jimin. "Ayokong makinig sayo!! Hindi ka ba nakontento sakin?!" ............. Jimin's POV Nabigla ako ng sampalin ako ni Lica. Ito ang unang beses na ginawa nya sakin ito. Humarap ako sa kanya at nakita kong walang tigil ang pag-agos ng mga luha sa mukha nya. Ibig sabihin nasasaktan sya. Pinilit kong lumapit pero tinutulak nya ako palayo. Tinalikuran nya ako pero hinawakan ko sya sa braso para yakapin sya ng mahigpit. "Please Lica.. Makinig ka sakin. Wala akong ginagawang masama." Sabi ko pero nagpupumiglas sya sa pagkakayakap ko. "Bitawan mo ko!! Ayokong maniwala sayo! Niloko mo ko!" Sigaw nya. "Please.. Huminahon ka. Makinig ka sàkin. Ayokong kamuhian mo ako dahil sa maling akala. Hindi kita niloko." Nagsipagdatingan ang mga studyante at pinaghiwalay kami ni Lica. Hinaharangan nila ako. Ayaw nila akong makalapit kay Lica. Tumakbo palayo si Lica. Inalis ko ang mga kamay ng mga studyante na humaharang sa dadaanan ko. Hinabol ko si Lica. Hindi ko pwedeng palipasin ang araw na ito na hindi kami nagkakaayos na dalawa. Kinakabahan na ako. Ayokong magkahiwalay kami ni Lica.. Mahal ko sya.. Nandito ako sa pinto ng kwarto nya. Kinalampag ko ito at tinatawag ang pangalan nya. "Lica, mag-usap tayo.. Magpapaliwanag ako. Lumabas ka na. kausapin mo ako.." Sigaw ko pero ayaw nya akong pagbuksan.. .......... Lica's POV Ansakit. Ansakit ng nararamdaman ko. Nang makita kong hawak ni Jimin ang wrist ni Yeona pati ang pagkakahalik nya, parang nawasak ang puso ko. Bakit? Ano ba ang kulang sakin at bakit di ka nakontento? Kaya pati kaibigan ko ginusto mo. "Lica, mag-usap tayo" sigaw nya at ayaw pa din tumigil sa pagkalampag sa pinto ko. Ayokong makinig! Sapat na ang nakita ko. Galit ako sayo! Umalis ka na! Umiyak lang ako magdamag sa kama ko habang si jimin ay nasa labas pa din. "Lica..lumabas ka na. Mag-usap tayo. Bigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag sayo.." Sabi nya. Samantala ako, lutang ang isip ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Niloko mo ako, Jimin. Antanga ko na mahulog sa katulad mo. Ayoko nang makita pa. Masasaktan lang ako.. At muli ko nanamang naramdaman ang init ng mga luha ko.. "Magda-drop na ako dito.." Bulong ko hanggang sa nakatulog na ako... ........... Jimin's POV Hindi nya ako pinagbuksan. Malalim nadin ang gabi para gambalain pa si Lica. Natatakot akong mawala si Lica pero pakiramdam ko malapit na syang mawala sakin.. Nasasaktan ako pagnakikita ko syang umiiyak. Pero umaasa akong magkakaayos pa kami. Bumalik na ako sa kwarto ko. Nahiga ako pero di ako makatulog. Aagahan ko ang gising para makipag-ayos sa kanya. KINAUMAGAHAN., Maaga akong gumising at nag-ayos. Sisiguraduhin kong magkaka-ayos na kami ni Lica sa araw na into. Papunta na ako sa building ng mga studyante. May nakita akong itim na kotse. Naghahakot sila ng gamit. Nakita ko si Lica na lumabas sa building ng mga studyante at pumunta sa magandang kotse. Pinagbuksan sya ng body guard nya. May balak ba syang umalis? Bakit pa? Bago pa sya makapasok, tinawag ko sya. "Lica!!" Napalingon sya sakin pero matamlay na ekspresyon ang pinakita nya sakin. "Bakit?" Malamig ang tanong nya sakin. "Saan ka pupunta? Kailangan pa nating mag-usap. Aayusin pa natin ang relasyon natin." Sabi ko at humarap sya sakin. At tinignan ang kabuohan ko bago muling tumingin sa mga mata ko. Parang may nagbago sa kanya. Parang bumalik sya sa dati nyang ugali.. Wag naman sana.. "Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Isang pagkakamali na mahulog ang loob ko sa isang maid guy na kagaya mo." Sabi nya. Hindi totoo ang mga sinabi nya. Nadadala lang sya ng galit niya. Niyakap ko sya pero sa pagkakataong ito, hindi sya nanlaban. Muli syang nagsalita. "Hindi ako nababagay sayo. Jimin, break na tayo.." Natulala ako sa sinabi nya. Pinaghiwalay kami ng body guard nya at sumakay na sya sa kotse nya. Samantala ako, lutang pa din ang isip ko dahil sa sinabi nya hanggang sa maramdaman kong umagos sa mukha ko ang luha ko. "Ang sabi mo, hindi mo hahayaang umiyak ako sa pangalawang pagkakataon dahil sa babae. Pero sa pangalawang pagkakataon na ito, umiiyak ako ngayon dahil sayo.. Lica.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD