............... Lica's Pov Ilang araw na rin ang lumipas ng magdesisyon akong tumira kay jimin. Aaminin ko, mahirap talaga ang mga ginagawa ng may bahay. Di ako marunong magluto, kapagod maglaba, ok lang ang maglinis. masaya ako sa ginagawa ko dahil kasama ko si jimin. Kaso, itong mga nagdaan na araw parang tinatamad akong kumilos.Pakiramdam ko lagi akong pagod. Ayoko naman sabihin kay Jimin dahil ayokong mag-alala pa sya. May trabaho na din pala sya.Natanggap na sya sa isang restaurant. "Lica, papasok na ako." Sabi ni Jimin. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. "Mag-iingat ka sa pagpasok^^.. " "Oo. H'wag kang magpakapagod dito. Magrelax ka lang" sabi nya at ni-kiss nya ako sa noo ko. Hinatid ko lang sya sa pintuan. Hindi kasi ako lumalabas dahil ayokong may makakilala sakin.

