Boss Jaruz's Pov
Maayos na naisagawa ang operasyon. Ligtas na ang buhay ng binata. Ngayon ay hinihintay na lang ito na magkamalay.
Habang walang malay na nakahiga ang binata, nasa kaliwang side naman ako nakahiga. Private room ang kinuha ko para kahit papaano ay mabantayan ko ang binatang ito.
Nakatingin lang ako sa kanya habang natutulog pa ito. Tila may kakaiba akong nararamdam. Parang nakita ko na siya noon..
Pumasok naman ang asawa kong si Azalea.
"Honey, kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?"
"Wala, honey. OK na ako. Iniligtas ako ng binatang ito." sabi ko sabay turo sa binata.
"Siya yung binata na nabundol ng kotse natin diba?"
"Oo,honey.. Iniligtas nya ako kahit na may atraso ako sa kanya. Naisip ko, napakasama ko na siguro kaya marami ang nagagalit sakin.."
Hinawakan ako sa balikat ng asawa ko.
"Honey, may panahon pa naman para bumalik ka sa dati."
Napansin ng asawa ko na nakatingin ako sa binatang iyon.
"Naalala mo ba ang anak natin sa binatang 'yan, tama ba?"
"Oo. Kaedad nya ang anak natin .. Para sa anak natin ang lahat ng naipundar ko kaso ninakaw siya satin. Kaya Hindi Ko namamalayan na nagbabago na pala ang ugali ko. Pag nawala na tayo sa Mundo, sa charity mapupunta ang mga pag-aari natin. Gusto kong makita ang anak ko. Gusto kong ibigay ang laha ng ito sa anak ko.." Sabi ko at pumatak mula sa mga mata ko ang luha ng pangungulila.
"Honey ko. Matatanda na tayo para malungkot pa.. Kung gusto mo, mag ampon tayo tulad ng matagal ko ng hinihiling sayo.."
"Kung kinakailangan, pumapayag ako.."
Dumating naman ang mga police at ibinigay sakin ang mga gamit ng Binata.
"Mga gamit po yan ng binatang si jimin. Patuloy parin po ang pag-iimbistiga namin sa mga nangyari." Sabi ng police.
"Salamat sa lahat."sagot ko.
Kinuha ko ang Bag ni Jimin.at Lumabas naman ang police.
Binuksan ko ang bag at nakita ko ang resume ng binata pati ang cellphone nito. Ibinigay ko sa asawa ko ang resume ni Jimin.
"Kunin mo ito.."
"Resume ng binata ito. May balak ka na bang ipasok siya sa company natin?" Tanong ng asawa ko.
"Oo. Bilang pasasalamat.."
...........
Lica's POV
Nandito na ako sa bahay ni Jimin. Pero sabi ng nanay nya, Hindi pa daw ito umuuwi. Bakit kaya? Anong oras na ah?
Pinapasok na lang ako sa loob ng bahay ng nanay nya dahil baka matagalan pa ang paguwi ni Jimin. Matawagan na nga at nag-aalala na ako sa kanya.
Nagri-Ring na ang cellphone nya. Ok, sinagot na nya.
"Hello,jimin. Nasaan ka na ba? Bakit antagal mong umuwi?"
"Pasensya na pero hindi ako si Jimin." Sabi sa kabilang linya.
Bakit iba ang boses? Nasaan si Jimin?
"Sino po ito? Bakit kayo po ang sumagot ng cellphone ni Jimin? Nasaan po siya?"
"Ako si Jaruz. Ang Boss ng Del Grey Company. Nasa hospital kami ngayon. Wala pa syang Malay. Nasaksak siya dahil sa pagliligtas sakin. Ang mabuti pa, puntahan mo siya dito at ibibigay ko sayo ang kinaroroonan namin."
Kinakabahan ako. Sana ok lang si Jimin. Ang mabuti pa ipaalam ko na ito sa nanay niya.
.
.
.
.
.
.
"Nasaksak si Jimin?!" Gulat na tanong ni Nanay Miya.
"Opo. Sumama po kayo sakin at puntahan natin siya."
"Bakit siya nasaksak?" Tanong nya ulit.
"Niligtas nya po yung Boss ng Del Grey Company"
"Del Grey Company..?"
Tila natahimik si nanay Miya. Anong problema?
"Susunod na lang ako. Balitaan mo ako pag ok na si Jimin. Hihintayin ko lang ang tatay nya at susunod na lang kami."
"Ganun po ba? Ok po. Magtetext na lang po ako sa inyo. Mauna na po ako."
Nakakapagtaka naman siya. Dapat mas mag-alala siya ng husto kay Jimin pero parang kinakabahan siya..
Sumakay na ako ng taxi at baka maligaw pa ako. Mahirap na e.
.
.
.
(Private hospital)
Nandito na ako. Agad kong tinungo ang room nila. Nakarating na akosa lugar. Nakita ko si Jimin na nakahiga sa kama. Tulog siya. Nilapitan ko siya.
"Jimin ko. Gumising ka na ah? Nandito ako sa tabi mo. Hihintayin ko ang paggising mo at may mahalaga akong sasabihin sayo.." Sabi ko at hinalikan ko siya sa noo nya. Kumuha ako ng upuan at itinabi ko sa kama nya.
" babantayan kita.."
Pumasok naman ang dalawang mag-asawa. Si Mr. At Mrs. Del Grey.
"Lica?" Bungad sakin ni Mrs. Azalea.
"Kamusta po kayo" pagbati ko.
"Dalaga ka na.bakit ka nandito?"
"Dinalaw ko po ang boyfriend ko. Si Jimin po."
"Ikaw pala ang nakausap ko kanina?" Tanong ni Mr. Jaruz.
"Opo. Ako nga po."
"Nakakatuwa naman. Nainlove ka sa isang simpleng binata?"
"Opo e. Na-love at first sight po kasi ako^^v"
"Sayang. Kung nandito lang ang anak ko, kayo sana ang ipagkakasundo ko.."
"Po?"
Bigla kaming natahimik. Kung Hindi nyo naitatanong, kababata ko ang anak nila. Kasundo ko yon sobra. Parang si Jimin ko. Hinahabol ako nun pagnagagalit ako. Pero, may kumuha sa kanya e. At Hindi na nakita pa..
"Ito nga pala ang gamit nya. Magkasama sila ng asawa ko dito kaya may nagbabantay sa kanya."
"Salamat po."
Nahiga na sa kama ang asawa ni Mrs. Azalea at uminom ng gamot.
Napansin ko lang, magkahawig pala si Jimin at si Mrs. Azalea? Oo nga. Magkahawig talaga..
Muli akong tumingin kay Jimin at hinawakan ito sa kamay.
Naramdaman kong gumalaw ang kamay nya. Nagigising na si Jimin.
Unti-unti syang gumising at napatingin sakin..
Ngumiti siya ng bahagya ng makita nya ako.
Sa sobrang saya ko, niyakap ko sya. Napayakap din sya sakin. Naramdaman ko ang kamay nya sa likuran ko.
"Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Nagugutom ka ba? Ano?"
"Medyo masakit lang ang sugat ko. Nadadaganan mo kasi ako.. "
"Ay, sorry"
"Pero kaya ko naman ang sakit kasi nakita na kita.."sabi nya at muling ngumiti sakin.
Naku, namumula na mukha ko *^_^*
Nakita kong nakatingin si Mrs. Azalea kay Jimin. Habang natutulog naman si Mr. Jaruz.
"Salamat sa pagtulong mo sa asawa ko. Utang na loob namin yun sayo" sabi nito at hinawakan ang kamay ni Jimin.
"Walang anuman po yun."
"Bilang ganti, pinapayagan ka na namin makapagtrabaho sa company. Pasasalamat namin yon sayo."
"Po? Talaga po? Salamat po"
Nahalata kong sumaya si Jimin dun . pero si Mrs. Azalea medyo kakaiba ang tingin kay Jimin ngayon. Bakit kaya?
"Maaari ba kitang yakapin?" Sabi nito.
Ano raw? Yakapin?-____-
.................
Jimin's POV
Yayakapin? Ok lang naman. Yakap lang naman e.
"Ok lang po.." Sabi ko
Lumapit sya sakin at niyakap ako habang nakaupo ako sa kama. Humigpit ang pagkakayakap nya sakin. Parang may naalala lang ako sa yakap nato. Naramdaman ko na 'to dati. Napaka-pamilyar nito para sakin.anggaang sa pakiramdam. kaya nasabi ko ang..
"Ma.."
Napatingin sakin si Mrs. Azalea. Kahit ako ay nabigla rin ng sabihin ko 'yon.
"Tinawag mo akong Ma?"tanong nya.
"Ah? E naalala ko lang po ang nanay ko." Sabi ko at iniwas ang tingin ko.
Kahit ako naguguluhan sa sinabi ko.Humarap ako kay Lica at tinanong kung pupunta ang nanay ko para dalawin ako..
"Na-text ko na si nanay. Papunta na daw sya." Sagot nya.
Maya ay muling nagsalita si Mrs. Azalea.
"Maiwan ko muna kayo. May kailangan lang akong asikasuhin." Sabi niya at umalis na.
Bakit nga ba nasabi ko yun sa kanya?
.
.
.
Tumayo si Lica.
"Susunduin ko lang si Nanay mo. Nandyan na sya sa labas."
"Ok."
Bumaba na si Lica para sunduin si nanay. Mukhang mahimbing naman ang tulog ni Boss.
Pagkalias ng ilang minuto, bumukas ang pinto at nakita ko si nanay.
"Anak ko.."sabi nya at napatingin sa natutulog na Boss ko.
Kinausap nya ako ng mahina ang boses.
"Anak, umuwi na tayo ngayon. Sa bahay ka na lang magpagaling. Pakiusap."
"Nanay, Hindi pwede. Nakakahiya naman sa pamilya del grey. At tsaka, tinanggap na nila ako sa company nila.."
"Wag kang papasok don. Sa iba ka na lang mag apply o bumalik ka sa pagiging maid guy."
Nagtataka tuloy ako sa nanay ko.bakit ayaw nya akong magtrabaho doon? Umiiyak na sya.
"Umuwi ka na sa bahay. Tayo na. Wag ka na magpaalam sa kanila.anak, makinig ka sakin.."
Hindi ko naman sya matitiis kaya tinanggal ko ang pagkakatusok ng karayom sa kamay ko. Nagpalit na rin ako ng damit at lumabas kami ng hospital. Pinauna kami ni nanay sa pagsakay sa taxi.
Nakita kong papalapit si Mrs. Azelea at hinawakan si nanay.
Isinara ni nanay ang pinto ng taxi kaya hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila. Pero base sa itsura nila, parang nagtatalo sila. Nahihiya tuloy ako sa pamilya del grey.aalis ako ng di nagpapaalam.
Binuksan ni nanay ang pinto ng taxi at mabilis na sumakay.
"Manong, umalis na tayo" sabi ni nanay.
"Nay, ano ang pinag-usapan nyo ni Mrs. Azalea?" Tanong ko sa kanya.
"Nagpasalamat lang ako anak.. dahil pinagamot ka nila." Sagot nya at muling tumahimik sa loob ng taxi.
Makalipas ang isang oras, nakauwi na kami sa bahay. Pumasok ako sa kwarto kasunod si Lica. Andaming gamit sa loob ng kwarto ko. Ano to?
Bigla akong niyakap ni Lica.
"Magtanan na tayo. Simula ngayon, dito na ako titira kasama mo^^"
Ano raw? Tanan?
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Magtatanan tayo?"
"Oo. Gusto kong makasama ka. Manirahan dito. Ayokong mawala ka pa."
"Bakit bigla kang nadesisyon?bakit naisip mo to na hindi man lang pinapaalam sakin?"
"Ikakasal na ako kay Yeol next month. wala na akong ibang maisip na paraan. Ayokong makasal sa kanya. Gusto ko, ikaw. Ikaw ang gusto ko makasama sa habang buhay. Kaya, ito ang naiisip ko. Ang lumayas at sumama sayo. Kasi nga mahal kita.."
"Lica.."
Mas humigpit ang pagkakayakap nya sakin.
"H'wag mo akong ibibigay sa kanila. Ayokong magsisi sa huli kung pakakawalan pa kita..kaya kong talikuran ang lahat para sayo, jimin."
Hindi talaga ako makapaniwala sa kanya. Magagawa nyang talikuran ang lahat para lang sa katulad ko?
Napangiti tuloy ako bigla. Tagos sa puso ko ang mga sinabi nya. Talagang pinapahanga nya ako. Kaya mas lalo ko syang minamahal e. Kasi, kakaiba sya at malakas ang loob.
Tinitigan ko sya sa mga mata niya habang nakatingala sya sakin at nakayakap.
Nangungusap ang mga mata nya na para bang pinapapayag ako nito na sumang-ayon sa gusto nya.
"Jimin..?" Sabi nya pero hindi ko magawang magsalita dahil nakatitig lang ako sa maganda nyang mukha.
Hinawakan ko ang malambot nyang pisngi at pinagmasdan ang magaganda nyang mata, matangos na ilong at mapupula nyang labi.
Sya ang pinakamagandang babae na nakilala ko sa buhay ko. Wala na akong makikita pa na tulad nya.
Napabuntong hininga ako dahil sa gagawin kong desisyon. Alam kong mali pero mahal ko sya. Ayokong mawala sya sa buhay ko. Gagawin ko ang napagdesisyunan ko.. Magsasama kaming dalawa. Yun ang mangyayare..
"Lica, ayoko din na makasal ka kay Yeol. Ayokong magdusa ka sa lalakeng hindi mo mahal. Kaya, pumapayag na ako sa gusto mo. Magsasama tayo dahil mahal na mahal kita..hindi kita ibibigay sa kanila.." Pagkasabi ko nun, bigla niya akong hinalikan.
Himbis na pigilan, sumabay na ako sa ginawa nya at gumanti ng halik sa kanya..
Pagkatapos ay muli nya akong niyakap na mahigpit..
"Walang bibitiw satin ah?" Sabi nya.
"Oo. Hanggang sa makakaya ko, hindi ako bibitiw sayo.."
Pero hindi mawala sa isip ko ang kaba. Siguradong si Yeol lang ang makakaisip na magkasama kami ni Lica. Nakatatak sa isip ko ang mga sinabi nya, na kusa kong ibabalik si Lica sa kanya.. Sa papaanong paraan nya gagawin yon?
Biglang sumakit ang sugat ko. Kaya napahawak ako sa tiyan ko.
"Anong problema, jimin? Sumasakit ba ang sugat mo?" Tanong ni Lica.
Itinaas ko ang damit ko.. At nakita kong dumudugo ang sugat ko. Hindi na rin ako nagtataka na mangyari ito dahil pinwersa ko ang sarili ko na umalis sa hospital. Hindi ko rin maintindihan si nanay kung bakit kailangan naming umalis. Para syang may iniiwasan.
"Naku!dumugo ang sugat mo! Kailangan nating gamutin yan!" Sabi nya at agad tumakbo palabas ng kwarto.
Natawa ako sa reaksyon nya habang natataranta^^..maganda parin sya kahit natataranta na.
----------------------
Yeol's POV
BAKIT NAGAWA TO NI LICA?!!! NAGLAYAS SYA AT SUMAMA SA MINAMAHAL NYA?!! AKALA KO BA, IKAW ANG MINAMAHAL NYA?!!
galit na galit ang lolo ni Lica sakin. Kasalanan ko ba na makipagtanan ang apo nya? Kaasar na ang matandang to!!
Siguradong magkasama nanaman si Lica at Jimin. Dahil sa ginawa ni Lica, ako ngayon ang sinasabon ng lolo nya.
"Hahanapin ko na lang po si Lica at ibabalik ko sya rito."
"SIGURADUHIN MO! ISAMA MO NA RIN ANG LALAKENG KINAKASAMA NYA!!"
"opo"
Ibabalik ko talaga si Lica dito at matutuloy ang kasal namin..
........................
Lica's POV
Nataranta talaga ako ng makita kong dumudugo ang sugat ni Jimin sa tyan nya. Grabi, takot talaga ako sa dugo. Pero si Jimin ang pinag-uusapan kaya bawal ang matakot sa dugo. Eto na at kumuha na ako ng gamot panlinis sa sugat nya. Paiinumin ko rin sya ng gamot para mawala ang p*******t ng sugat nya. God!!! First time kong manggagamot. I hope magawa ko to ng maayos.
Pumasok na ulit ako sa kwarto bitbit ang mga gamot at basong may tubig. Nakita ko syang nakaupo sa papag.
Oh my!! Bumabakat na sa damit nya ang dugo ng sugat nya. Dugo @_@!!!
Inalis ko ang takot at lumapit ako sa kanya.
"Inumin mo muna tong gamot para mawala ang p*******t ng sugat mo" sabi ko.
"Salamat." Sagot nya at kinuha ang gamot sa kamay ko para inumin.
Nang inumin na nya, ready na rin ako para maging nurse nya. Kinakabahan ako sa dugo. Dugo yon e T____T
"Osya, hubarin mo na damit mo. At gagamutin ko na ang sugat mo." Sabi ko. Para matapos agad!
"Sure ka?" Tanong nya.
Kailangan pa bang magtanong? Paano ko kaya gagamutin yan kung may damit pa? Haler!
"Oo, sure ako noh!"
"OK. Sabi mo e"
Pagkasabi nya nun, hinubad nya ang damit nya sa harapan ko. Nanlaki mata ko sa nakita ko. Abs?? . hindi na ako kinakabahan sa dugo, pero sa Abs naman!! T___T
"May problema ba? Kanina ka pa nakatulala. Akala ko ba gagamutin mo ko?" Sabi nya with evil smile.
Aba! Natutuwa ata to sa reaksyon ko ng maghubad sya ah. Iniwas ko ang tingin ko. Nagba-blush na ako dahil sa nakita ko *>_<!!! Lumapit ako sa kanya para kunin ang cp ko kaso tinaas nya ang kamay nya para diko makuha. Andaya!!! Matangkad kasi sya e!!
Binasa na nya. Wala na ..
Tumingin sya sakin at inabot ang cp ko.
"Hindi mo kailangan ilihim to sakin.importanteng malaman ko ang ganitong bagay lalo na kung may koneksyon sayo.." Seryoso ang boses nya.
"Sorry, ayokong mag-isip ka pa ng kung ano da--" bigla nya akong niyakap kaya diko natuloy ang sasabihin ko.
"Sabay natin haharapin ang mga problema. Di mo kailangang solohin ang lahat. Alalahanin mo nandito pa ako.Hindi ako papayag na makasal ka kay Yeol.."
Pero paano kung makita nya kami at pwersahang paglayuin? Ayokong mangyari yun. Isa lang ang paraan na naiisip ko...
"Jimin, gumawa tayo ng baby.."
"Baby??"
"Kung magkaka baby tayo, wala na silang magagawa para paghiwalayin pa tayo, diba..?"
Natawa sya sa sinabi ko..anong Mali sa sinabi ko?
"Lica, hindi natin kailangang magmadali..may ibang paraan pa.."
"Anong paraan?" Tanong ko.
"Magpakasal tayo.."
Oh my!! Kasal? Uunahan namin si yeol at kami ni jimin ang magpapakasal.
Kinuha nya ang kamay ko at isinuot sakin ang isang sing-sing.
"Sa araw nato, Engage na tayo.." Sabi nya.
Sa tuwa ko, niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa labi. Hinalikan nya ako pabalik hanggang sa nahiga na kami sa sahig. Tumigil ako sa paghalik sa kanya at tumingin sya sakin habang nakadagan sakin. Mahal ko talaga sya e. Ayoko namang magmadali kaso gusto ko, sya ang una ko..
"Jimin, gusto kong ibigay ang sarili ko sayo ngayon.. Gusto ko, ikaw ang first ko. Pakiramdam ko bilang ang oras natin. Gusto kong sulitin ang oras na kasama ka.. Mahal talaga kita.."
Hindi sya sumagot. Ngumiti sya sakin at hinalikan ako pero ang halik na yon ay kakaiba kumpara sa dati. Talagang nadadala ako at ganun din sya..
Medyo nakararamdam ako ng kaba pero kung ibibigay ko ang sarili ko sa isang lalaki, syempre sa taong mahal ko na.
Unti-unting ng natanggal ang mga suot namin. Tila uhaw kami sa pagpapalitan ng mga halik. Nanatili siyang nasa ibabaw ko.
Ang halik niya sa labi ko ay bumaba sa leeg ko. Ang init sa pakiramdam nito. Napapahingang malamin ako sa ginagawa niya..
Nakaramdam ako ng sakit sa isang parte ng katawan ko. Isang parte na parang napunit. Halos maluha ako sa sakit na iyon. Napansin iyon ni Jimin at pinunasan ang luha ko.
"Sorry.." Bulong niya sa tenga ko.
At muli niya akong hinalikan at gumanti ako sa halik na iyon. Nawala ang sakit parteng iyon. Parang nasasanay na ako at hinahanap-hanap ko na iyon..
Naramdaman ko na lang na may kung anong mainit ang nasa loob ko. Sobrang init pero masarap sa pakiramdam.. Hindi ko na lang sinabi kay Jimin dahil alam naman niya ang ginagawa niya. At ayoko rin masira ang pinakamagandang araw ng pag-iisa naming dalawa..
"I love you jimin..." Bulong ko.
"I love you too, Lica.." Sagot niya at hinalikan ako sa noo ko..