Chapter 07

3225 Words
Lica's Pov Kamalas-malasan naman. Ngayon pa nasira ang kotse. Naku, tumatawag ang Lolo ko. Sagutin ko nga. "Hello po? Lolo?" "Nasan ka ba apo? Nandito na ako sa mansyon." Ano raw? Anjan na sya agad? Bilis naman? "Wait lang po,Lolo. Nasa party pa po ako. Mamaya pa po uwi ko." "Ok. See you later." "Sure,Lolo" Kailangan ko ng makita si Jimin e. No choice, maglalakad ako papunta sa kanila. Alam ko dito ang daan e. (Makalipas ang isang oras) Nasaan na ba ako? Wag mo sabihin na naliligaw ako? -_____- Aha! Alam ko na! Tatawagan ko si Jimin^^ Dial* Nagri-ring lang ang phone nya. Hindi nya sinsagot. Galit padin siguro sya sakin.. (Nagsimula ng pumatak ang ulan) Gosh! Wrong timing naman. Dun muna ako sisilong sa magandang garden na yon. Ito yung garden na pinuntahan namin noon. Basa na ako bago pa ako makasilong sa maliit na bahay nato. Tatawagan ko ulit sya. Dial*ring* Bakit di nya pa rin sinasagot? Magte-text na lang ako. JIMIN, NANDITO AKO SA MAGANDANG HARDIN. PUNTAHAN MO AKO. NALILIGAW AKO. PLEASE... *SEND* sana mabasa nya. Nilalamig na ako... ............... Jimin's POV Ansarap maligo^^. Napansin ko ang phone ko. Kinuha ko. "10 missed call?.. Kay Lica? Bakit naman sya tatawag?" May text sya.. NADITO AKO SA MAGANDANG HARDIN. PUNTAHAN MO AKO. NALILIGAW AKO. PLEASE.. naliligaw?! Naku, baka kung mapano pa yon. Mapuntahan na nga. Pagkalabas ko, Anlakas ng ulan. Kailangan ko ng payong. . . . . . Nandito na ako sa Hardin. Nasaan sya? Matawagan nga. Dial*ring* Bakit di naman nya sinasagot? Kinakabahan ako.. Kailangan ko syang mahanap pero saan ako magsisimula? Uunahin ko yung pwede nyang pagsilungan. Andaming maliit na bahay dito. Inisa-isa ko ang mga yon pero diko sya makita. Tatawagan ko sya ulit. Dial*Ring* Narinig ko ang tunog ng phone niya. Sa kanya yon. Tumakbo ako sa isang maliit na bahay at nakita ko din sya sa wakas. Nakatulog sya. Ibinaba ko ang dala kong payong at lumapit sa kanya. Basang-basa siya dahil sa ulan. Pinagmasdan ko sya. Napangiti ako dahil nakita ko ulit sya. Hinawakan ko ang pisngi nya. Anlamig nya. Nilalamig sya... ............ Lica's POV Ang init sa pakiramdam. Pamilyar sakin ang init nato. May yumayakap sakin? Pero sino? Dumilat ako at may yumayakap sakin. Sino ba to? Gumalaw ako ng kaunti. "Nilalamig ka pa ba?" Sabi ng taong nakayakap sakin. Ang boses nayon. Gusto ko laging naririnig yon. Sumagot ako sa tanong nya. "Hi-hindi na.." Humarap sya sakin na nakangiti.. "Jimin.." Sambit ko. Masaya akong makita ka ulit. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Nagsorry ako sa kanya. "Sorry.. Sorry kung hindi ako naniwala sayo.sorr-" Pinunasan nya ang mga Luha ko. Hinawakan nya ako sa pingi ko at ngumiti sakin. Unti-unting lumapit ang mukha nya sakin at naglapat ang aming mga labi. Hinalikan nya ako. At humigpit ang pagkakahawak nya sa bewang ko. Na-miss ko ang halik nato. Ang halik na mula sa kanya. "Lica, na miss kita.." Sabi nya at hinalikan ako sa noo ko. Napangiti ako sa sinabi nya.. "Ako din, namiss din kita jimin.." "Umuwi na tayo^^" sabi nya at agad akong sumang-ayon sa kanya. . . . Nandito ako sa bahay ni Jimin. Naligo ako sa banyo dahil naulanan ako kanina. Dahil sa wala akong dalang damit, damit ni Jimin ang suot ko. Nahiga na ako sa papag na tinulugan ko dati. Tulad ng dating gawi, si jimin sa sahig. Namiss ko to. Oras na ang pagtulog. Napatingin ako kay Jimin habang nakahiga ito sa sahig. "Jimin..gising ka pa ba?" Mahinang tanong ko pero hindi sumagot. Tulog na ata sya. Bilis nya talaga matulog! Tinitigan ko lang syang matulog habang nasa papag ako. Masaya ako sa kinalabasan ng lahat. Nagkabalikan kami ulit.. Bumaba ako mula sa papag at umupo sa sahig na kinahihigaan ni Jimin. "Jimin.." Tawag ko ulit. Tulog na talaga sya. Dahan-dahan kong iniangat ang braso nya at doon ako humiga. Niyakap ko sya. Dinikit ko ang tenga ko sa dibdib nya. Rinig ko ang t***k ng puso nya. Parang musika sa pandinig ko. Sensya na, adik lang. Adik lang sa lalakeng 'to^^. Nakatingin lang ako sa mukha nya habang sya naman ay himbing sa pagtulog. "Simula ngayon, sayo lang ako magtitiwala. H'wag mo akong iiwan ah, jimin.." Bulong ko at sinimulang ipikit ang mga mata ko. ................ Jimin's POV Rinig ko ang mga sinabi nya kasi hindi pa naman ako tulog. Sumugal na ako para sayo kaya bakit pa kita iiwan? Ako ang dapat magsabi nyan sayo. Tumingin ako kay Lica. Napakaganda nya at nakakahanga. Kahit wala akong yaman tulad ng iba, handa niya parin talikuran ang lahat para sakin.. "H'wag ka sanang mapagod na magtiwala at magmahal sakin. H'wag mo na akong iiwan ah, Lica.." Bigla syang sumagot.. "Oo, mahal ko.. Pangako." Napangiti na lang ako dahil parang nangyari nato. " I love you Lica." "I love you too, Jimin.." .................. Samantala, Yeol's POV Gabi na at pinatawag pa din ako ng Lolo ni Lica. Akala ata kasama ko Si Lica. Sumisigaw sya. Nakakatakot talaga sya. "BAKIT DI MO KASAMA SI LICA?!! FIANCE MO SYA PERO WALA KA SA TABI NYA?!" "pasensya na po." Sagot ko. Nasaan nga ba si Lica? Lumapit sakin ang Lolo nya at hinawakan ako sa balikat ko. "Pagdating ni Lica, ako na ang magpapasya ng araw ng kasal nyo!" "Opo. Salamat po." Ngayon Lica, paano ba yan? tayo parin ang tinadhana para sa isat isa... ............. Lica's POV Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Masakit din ang ulo ko at medyo nauubo. Mukhang magkakasakit ako.. Teka? Anong oras na pala? Umaga na.. OMG!!! Umaga na nga! Yari ako. Hindi ako nakauwi. Siguradong high blood na si Lolo sa pag-aalala sakin. Nasaan ang cellphone ko? Bumangon ako at kinuha ang phone sa papag. "Oh my!! Andming call ni Lolo." Magte-text na lang ako.. SORRY PO LOLO, NALASING PO AKO AT NAKATULOG DAHIL SA PARTY NG FRIEND KO . BUT I'M SAFE NOW. PAHINGA LANG PO TAPOS UUWI NA LANG PO. *send* Siguro ok na yun..opss, nagreply agad sya. GANUN BA? TAKE CARE. PAGDATING MO, MAY PAG-UUSAPAN TAYO.. Ano naman kaya pag-uusapan namin? "Hinahanap ka na ba sa inyo?" Tanong ni Jimin habang nakaupo sa silya at tila may sinusulat sa mesa. Diko sya napansin dun ah? "Oo. Hinahanap nga ako pero nagtext na ako sa kanila" sabi ko at lumapit ako sa ginagawa nya. Aba, Resume pala yon. May balak syang mag apply. "Resume pala yan. May balak ka palang magtrabaho ulit?" "Oo. Kailangan kasi e. Natanggal ako don sa isa kong trabaho sa restaurant. Ewan ko kung bakit nila ako tinanggal." Naalala ko tuloy yung waiter na nakaharap ko sa restaurant. Tama nga ako. Si Jimin nga yun. "Ibig sabihin, ikaw yung waiter na nakausap ko?" Namula sya sa sinabi ko. E bakit? "A-e.. Oo ako nga. Kahit anong pag-iwas ang gawin ko, talaga yatang pinagtatagpo pa rin tayo^^" Hahaha. Siguro nga^^ kasi bagay tayo. "Gusto mo tulungan kitang makahanap ng work? Marami akong kakilala na pwedeng makatulong.." Pero nawala ang ngiti sa mukha nya. Tahimik lang sya na nakatingin sakin. May Mali ba sa sinabi ko? Tumayo sya sa harapan ko at hinawakan ako sa magkabilaang balikat ko. "Hindi na kailangan, Lica. Ok lang ako. Makakahanap din ako ng trabaho sa sarili kong sikap. Nakakahiya naman kung aasa pa ako sa Girlfriend ko diba?" "Gusto ko lang makatulong sayo.." sabi ko at napasimangot tuloy ako. "H'wag ka ng magtampo. Gusto Kong patunayan sayo na hindi ka magsisisi dahil ako ang minahal mo." Niyakap nya ko pagkatapos nyang sabihin yun. Biglang kumalam ang sikmura ko. Kakahiya! Lakas ng tunog. Natawa sya ng marinig ang kalam ng tyan ko. "Tara, kumain na tayo" pang-aalok nya. "Sure^^" Pagkatapos namin kumain, nag-ayos na ako ng sarili dahil uuwi na ako. Sabay kaming lumabas ng bahay. Nakatayo kami sa kanto ng kalsada habang hinihintay ang kotseng magsusundo sakin. Si Jimin naman ay maga-apply sa isang napakasikat na restaurant sa napakalaking Company. Sana matanggap sya. Dumating na ang kotseng susundo sakin. Bago ako tuluyang pumasok sa loob, hinalikan nya ako sa noo. Aba, kinaugalian na ah^^ "Lagi akong bibisita sayo, Jimin" sabi ko dahil baka ma-miss ko sya. Mabuti na lang at walang nakakaalam kung Saan sya nakatira. Kaya malaya akong makipagkita sa kanya. "Ok. Aasahan ko yan" sagot nya. At sumakay na ako sa kotse pagkatapos kong magpaalam sa kanya. Sa mansyon naman, naghihintay ang lolo ko.... .................... Jimin's POV Kailangan makapasok ako sa trabahong ito. Para may maipagmalaki ako kay Lica. Sumakay ako ng taxi at baka mahuli ako sa pag apply. Ibinaba ako sa harap ng napakalaking building. Nakakalula ang taas. Malawak pa. Kinakabahan ako. Hindi pa naman ako nakatapos ng pag-aaral dahil si Erika ang inuna ko noon. Binasa ko ang nakasulat sa company building.. "DEL GREY COMPANY" kailangan makapasok ako dito.. Lumapit ako sa guard na nasa gilid ng entrance door para magtanong. "Good morning po manong. Nabalitaan ko pong nagtatanggapan sa company nato. Maga-apply po ako." "Ganun ba? Ok, sumunod ka sakin" sabi nya at sumunod ako. Habang naglalakad kami sa hallway, nakita ko yung lalaking nakabundol sakin noon. Yung laging galit at sumisigaw. Sana lang hindi kami magkaharap.. "Nandito na tayo. Ayon ang office. Dyan ka pipila sa kanila" sabay turo sa mga applicant na nakapila. Ibinigay sakin ni manong ang isang Form. Sagutan ko daw at isama sa resume na ipapasa ko. At pagkatapos sagutan, pumila na ako. Mabilis umandar ang pila at nakapasok na ako sa office. Nakaharap ko ang Ma'am. First interview na ito. "Good morning ma'am" greet ko. "Have a seat" sabi nya at naupo na ako. Habang tinitignan nya ang data form ko, panay ang tingin nya sakin. May problema ba sa mukha ko? Maraming tanong ang itinanong sakin at nasagot ko naman ng maayos kaya nakapasa ako. Sunod, nag-exam ako at naipasa ko rin. Naipasa ko ang 2nd interview ko. Masyado pa lang mahigpit dito.. Gay ang nag interview sakin. Biniro pa ako. Kung may time daw ako, date daw kami. Sempre tumanggi ako. Babae ang hanap ko at kontento na ako sa Lica ko. May sinabi pa sakin yung si Sir Gay, kahawig ko daw ang madam ng Del Grey company. Minsan naman daw yung Boss nila ang hawig ko. Natawa ako sa sinabi nya kasi Nagmana ako sa nanay at tatay ko dahil sa kanila ako nagmula. Ito na ang Final interview ko. Haharapin ko na ang Boss ng Del Grey company. Kinakabahan ako dahil baka makilala nya ako. Ayokong masayang ang mga pinagdaanan ko. Nandito na ako sa Office ng Boss. Ayaw pa din mawala ng kaba ko..kainis!! Huminga ako ng malalim.. "Bahala na.." Kumatok ako sa pinto. "Pumasok ka." Boses palang nakakatakot na. Pumasok ako sa loob at nag good morning sa kanya. Pagkakita sakin, pinagmasdan nya ang kabuohan ko. Please, sana di nya ako makilala. "Umupo ka." "Salamat po." Binasa nya ang data form ko. "Jimin Genesis ang name mo at 21 years old ka na.." Sabi nya at muling pinagpatuloy ang pagbabasa sa Info ko. Antagal naman nyang magtanong. Kanina pa sya nagbabasa e. Bigla nyang inabot ang form ko. Pero bakit? "Pasensya na. Hindi ka pasado para sa company ko. Makakaalis ka na." Natulala ako don. Bakit? Hindi ko maintindihan.. "Sir, bakit naman po? Wala pa po kayong tinatanong sakin. Baka pwede pa pong magbago ang isip nyo.." "Hindi na magbabago ang isip ko. Makakaalis ka na.." Mahinahon nyang sabi. Tumayo ako sa harapan nya. "Bigyan nyo po ako ng dahilan kung bakit hindi ako nakapasa." "Dahilan? ..sige.. Una, undergraduate ka sa college. Ang hinahanap ng company ko ay mga nakagraduate. Pangalawa, kulang ang karanasan mo sa trabaho para makapasok sa malaking kompanya. Huli, ayoko sa mg taong pabaya sa sarili" "Po? Pabaya?" "Oo.pabaya. naalala kita. Ikaw ang nabundol ng kotse ko dahil lutang ang pag-iisip mo. Ayoko sa empleyadong ganun. Nasagot ko na ang tanong mo. Makakalabas ka na" Natahimik ako sa sinabi nya. Parang nanghihina ako ngayon. Bumagsak ako sa trabahong inaasahan ko. Yumuko ako Boss para magbigay galang habang hawak ko pa din ang data info ko. "Naiintindihan ko po. Salamat po." Palabas na ako ng pinto ng pumasok ang isang pamilyar na lalake. Si Yeol. Pati ba naman dito, may koneksyon pa rin sya? Tumingin sya at ganun din sa hawak Kong papel. Napangiti sya. "Naga-apply ka?" tanong nya. "Oo.." Nailang ako sa sagot ko kasi nga hindi ako natanggap. "Pwede ba tayong mag-usap mamaya? Importante ang sasabihin ko." Tumango na lang ako kasi nakatingin na samin ang Boss. Lumabas ako para doon maghintay.... .............. Lica's POV Nasa hapag-kainan ako ngayon. Kasabay Kong kumain ang lolo at magulang ko. Tahimik lang kami hanggang sa magsalita na si Lolo. "Ngayong kompleto tayo, gusto Kong pag-usapan ang kasal mo kay Yeol, Lica." "Po? Kasal?" Gulat na tanong ko. "Oo. Ako na ang magtatakda ng araw. Next month. Dapat paghandaan na ang lahat para sa nag-iisa kong apo" sabi ni Lolo at agad din sumang-ayon ang magulang ko. Nahilo ata ako.. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Habang hawak ang ulo ko. "May problema ba, Lica?" "Sumakit lang po ang ulo ko. Papanik na po ako sa kwarto ko. Maiwan ko na po kayo" Pumanik ako sa kwarto ko at agad na tinawagan si Jimin. Nagri-Ring lang ang phone nya. Siguro nasa interview pa sya.. ................ Jimin's POV Kaharap ko ngayon sa mesa si Yeol. Nadito kami ngayon sa restaurant ng Del Grey company. Yung trabahong inaaplayan ko. Kaso bigo. "Mabuti nagkausap tayo Jimin. Nabalitaan mo na ba? Nandito ang lolo ni Lica para ayusin ang kasal namin. Alam kong nagkikita pa kayo ng fiance ko. Kung maaari, tigilan mo na sya dahil sakin sya nakalaan." "Kahit gustuhin ng lolo nya na makasal sya sayo, mapipilit nyo ba sya sa gusto nyo?" Napangiti ulit sya. "Kaya nga ikaw ang kinausap ko. Ikaw ang lumayo. Ikaw ang dapat magtaboy sa kanya para tumigil na sya sa kakahabol sayo.." "Paano kung ayoko?" May kinuha syang nakasobre sa bag nya at binigay sakin. "Pera yan. Paunang bayad para tigilan mo na ang pakikipagrelasyon mo kay Lica." Ibinalik ko ang pera sa kanya. "Hindi ko kailangan yan.." "Kulang pa ba yan? Pwede Kong dagdagan o kaya tutulungan kitang makapasok sa company nato. Ok ba yon?" Ngumiti ako sa harapan nya. "Hindi mababayaran ng pera ang pagmamahal ko kay Lica. Hindi ko sya ibibigay sayo." Sabi ko at tumayo na para umalis. "Jimin, darating ang araw na tatanggapin mo ang perang ito at kusa mong ibabalik sakin si Lica.." "Hindi mangyayari yon." Umalis ako at iniwan ko sya sa restaurant.. Lumabas na din ako ng Del Grey Company at umupo sa gilid ng parking area. Nag-aalangan pa akong umuwi dahil diko pa alam kung paano sasabihin kay Lica na hindi ako natanggap. Hindi ko pa nasagot ang tawag nya kanina dahil kausap ko si Yeol ng mga oras na yun. Nakakatamad ang tumambay dito. Napatingin ako sa tatlong lalaki na nakatambay din sa isang kotse. Antotoo nyan, kanina pa sila dun e. Biglang nag vibrate ang phone ko. Tumatawag ulit si Lica. Ngayon, dapat ko na itong sagutin. "Hello, Lica. Bakit napatawag ka?" "Nangangamusta lang sa mahal ko^^. Kamusta ang pag-apply mo? Nakapasa ka ba?" "Ang totoo, hindi ako natanggap." "Pero bakit? Anong nangyari?" "Napag-initan lang ng Boss. Hahaha" sabi ko para hindi na mapag-usapan pa. "Ganun ba? Anong plano mo ngayon?" "Maghahanap na lang ulit. Kung hindi ako sinwerte dito, baka sa iba palarin na ako" Biglang natahimik si Lica sa kabilag linya. Rinig ko ang pagbuntong hininga nya. May problema sya at nililihim nya lang ito sakin. "Lica, may problema ba?" Tanong ko. "Oo e. Malaki.. Pupunta na lang ako sa inyo mamaya. Tatawag ako ulit. Bye muna. I love you Jimin.." "Sige. Hihintayin ko ang tawag mo. I love you din, Lica.." At naputol na ang linya. Parang alam ko na ang problema nya. Ang kasal nila ni Yeol. Tumayo na ako. Ready na ako para umuwi. Ang konti ng mga tao dito sa paligid. Nandoon pa din yung tatlong lalaki. Diba sila napapagod tumayo at tumambay? Hayss.. Makaalis na nga. Napalingon ako ng mahagip ng paningin ko yung Boss ng Del Grey Company kasama ang bodyguard nya. Patungo sila sa kotse na kinatatayuan ng tatlong lalaki. Bodyguard din nya siguro yon. "Iba na talaga pag mayaman. Lahat nakukuha ang gusto.." Sabi ko at sinimulan ko na ang paglalakad. "SINO KAYO?!! ANONG KAILANGAN NYO?!!!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yon. May masamang nangyayari. Nilingon ko sila at nakita kong nakasandal sa kotse yung Boss at napapalibutan ng tatlong kalalakihan habang bagsak sa lupa ang bodyguard nito. Akala ko bodyguard din nya ang tatlong lalake na 'yon? Muli ko silang tinalikuran. Ayokong makielam. Uuwi na ako. Isa pa, binagsak nya ako kaya wala akong trabaho ngayon. May ibang tutulong naman sa kanya d'yan. "SINO NGA KAYO?!! BITAWAN NYO AKO?!!" "TUMAHIMIK KA TANDA!! TATAMAAN KA ULIT SAMIN!!" rinig ko pa din ang pinag-uusapan nila. Pati ang malakas na pagkalampag ng kotse. Muli akong napalingon sa dereksyon nila. Duguan na ang bibig ng Boss. Hindi na maganda to. Ansama nila!! Huminga ako ng malalim. At muling tumingin sa kanila. "Bahala na. Kailangan ko syang tulungan!" Lumapit ako sa tatlong kumag nato. Hinawakan ko sa balikat ang isa para humarap sakin. Agad ko syang sinuntok. Ganun din sa dalawa. Kahit mabait ako, hindi pa din ako pahuhuli sa bakbakan. Pero dahil sa tatlo sila, nakakalusot pa rin ang ganti nila. Nasipa ako ng isa sa tiyan ko kaya napasandal ako sa may kotse. Napatingin tuloy ako kay Boss. Ganun din sya at nakatingin sakin. Nakita kong papalapit ang suntok ng isang lalake sakin. Agad akong yumuko at nabasag ang bintana ng kotse ni Boss. "Naku, sorry Boss ah. Sya ang may kasalanan at hindi ako." Sabi ko. Lugi talaga ako e. Tatlo laban sa isa? Lumapit sakin ang isa at muling nakibugbugan. Andaya pa ng pangalawa at binato sakin mga bubog kaya napahawak ako sa mata ko. Pwersahan akong niyakap ng pangatlong lalaki at napasandal kami sa kotse. Naramdaman ko na lang ang pagbaon ng matulis na bagay sa tiyan ko. Hindi lang isa, kundi dalawa. Binitawan nya ako habang nakahawak ako sa duguang tiyan ko. Napatingin ako sa lalaking sumaksak sakin habang hawak pa din nya ang duguang patalim na ginamit sakin. Napaluhod ako sa lupa dahil sa sakit ng tama sakin. Umatras ang tatlong lalaki ng mapansin ang unti-unting pagdami ng mga tao. Nakararamdam na ako ng hilo at pagdidilim ng paningin hanggang sa bumagsak na ang buo kong katawan sa lupa. Anskit ng tama ko..namimilipit na ako sa sakit. Andaming dugo ang nawawala sakin. Lumapit sakin ang Boss. May sinasabi sya pero diko na sya marinig. "H'wag kang matutulog! Panatilihin mong gising ang sarili mo!!" Hindi ko talaga sya marinig. Hanggang sa ma-blackout na ako.. ........... Boss Jaruz's POV Agad naming dinala ang binata sa hospital. Nawalan na ng malay ito at patuloy ang pagdurugo ng sugat nito. Ipinasok agad ito sa emergency room. Maya ay lumabas ang doctor at nagtanong. "Kayo po ba ang ama ng pasyente?" Ama? Ako? Bigla kong naalala ang anak ko. Kaya... "Oo. Ako nga. Anong problema doc?" "Kailangan namin ng dugo na ka-match ng sa anak nyo." "Ano po ba ang type ng dugo nya?" "Type AB" "Tamang-tama. Type AB ako. Ako na lang ang kuhaan nyo.." Sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD