NANGINGITI si Angel sa CR nang mag-isa. Para siyang dinadala sa alapaap ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ganoon yata kapag in-love ang isang tao. Iba ang saya na ibinibigay sa kanya ng relasyon niya kay Khalid. Nangako ito sa kanya na iikot sila sa siyudad sa araw na iyon. Plano nila na bumisita sa chicken house ni Mr. Kim. Kasalukuyan lang nitong tinatapos ang meeting nito kaya napagdesisyunan niyang mag-ikot-ikot sa cruise. Nais niya rin na magpunta pa sa ibang lugar. Kumain ng mga lokal na pagkain, ayain si Khalid na magtungo sa Jagalchi fish market o kaya ang mga street noodles sa Gukje Market. Doon siya kumakain nang mga nakaraang buwan. Hindi naman kasi niya kayang kumain sa mga mamahalin na restaurant, at ang mga bagay na iyon ang hinahanap niya ngayong nakabalik siya sa

