SALUBONG ang mga kilay ni Khalid. Hindi niya alam ang gagawin niya kung sakali na may gawin si Gavin kay Angel. Dahil sa pag-aalala sa babae ay wala siyang matinong plano kung saan magsisimula. Kanina pa siya naglalakad sa ibabang palapag ng cruise mula sa meeting room para hanapin at puntahan ang mga dinaanan ng dalaga ngunit wala siyang bakas na makita mula rito. “Master, hindi pa rin ayos ang CCTV natin,” pagbibigay-alam sa kanya ng kasamang si Noah. Seryoso pa rin siya at walang emosyon kaya hindi niya ito sinagot. All he wanted to see was Angel. Nagpatuloy sila sa pagtakbo. Kung kailangan na ikutin niya ang buong cruise malaman lang kung nasaan ito ay gagawin niya. “Master, dito!” tawag sa kanila ng kasamang dark guard pagkaliko nila sa isang pasilyo. Tumakbo sila at natagpuan

