CHAPTER 16 - Karapatan

1909 Words
NANG magising si Angel, buong akala niya ay iniwan na siya ng lahat. Binalot muli siya ng kalungkutan nang mag-isa na lang siya sa kwarto. Tumayo siya dahil tinawag siya ng kalikasan kaya nagpunta siya sa CR bitbit ang dextrose na nakaturok sa braso niya. May kaunting hilo rin siya na nararamdaman dahil sa mga gamot na itinurok sa kanya ni Christen.. Nais niya na sanang ipatanggal ang bagay na iyon kaya niya binuksan ang pintuan at baka makakita ng nurse sa labas, ngunit hindi niya inaasahan na makikita na naman si Muriel na kasama ni Khalid na seryosong magkahawak ang mga kamay sa pasilyo. Sinara niya ang pintuan at nilock pa iyon. Ayaw niyang makita si Khalid kung isasama lang din naman nito si Muriel para dalawin siya. Humiga siya sa kama. Hindi na niya inintindi pa ang dextrose. Mas lalo siyang binalot ng kalungkutan dahil sa nasaksihan sa labas. Para kasi iyong larawan na nasave na sa utak niya. Narinig ni Angel ang mga katok sa pintuan ngunit hindi niya iyon pinansin. Nakatingin lang siya sa bintana. Papadilim na ang oras kaya naman parang binabalot din siya ng dilim. Hindi niya maiwasan na mapasinghot. Bigla tuloy niyang naitanong kung gusto ba niya si Khalid kaya siya nasasaktan. She pursed her lips. Hindi naman siya masasaktan ng tulad nito kung hindi, tama? Tinimbang niya ang sarili. Sa ngayon, maayos ang relasyon niya sa binata. Simula noong mga bata pa sila hanggang ngayon ay maayos ang relasyon niya dito dahil simple silang magkaibigan. May karapatan ba siyang magustuhan si Khalid? Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Humigpit ang hawak niya sa puting kumot ng ospital bed. Bakit nga ba hindi niya naisip na madali lang kay Khalid na pabuksan ang pintuan? Isang utos lang nito sa mga staff, sigurado na susundin agad ito. "Salamat," narinig niya mula kay Khalid. Halatang may kausap ito. Nakatalikod kasi siya sa gawi nito. Narinig na lang niya na nagsara ang pinto. "Naiinis na ako sa'yo. Bakit ka nga pala bumangon? Ayos ka na ba? Hindi ba nasaktan ang braso mo sa karayom?" sunud-sunod na tanong ni Khalid. Ang totoo ay masakit ang braso niya. Bahagya nga siyang naiinis sa dextrose at gusto na niyang tanggalin ang bagay na iyon kaya nga siya naghahanap ng nurse. Ngunit sa oras na iyon ay hindi na niya ininda ang sakit ng braso niya. Hindi niya sinagot ang binata. "Angel!" galit na tawag ni Khalid sa pangalan niya. Nagulat siya dito kaya bahagya siyang napapitlag. "I don't want to talk to you," sabi niya nang hindi pa rin ito hinaharap. Umikot si Khalid sa kama kung saan siya nakaharap. Umikot din siya para iwasan ito. "Nag-sorry na ako." halatang naiinis na talaga ito sa kanya. Doon niya na ito hinarap. "Kailangan ko bang tanggapin ang sorry mo dahil nagsorry ka na? Tutal sanay naman ako na mag-isa dito, iwan mo na lang ako," saad niya. Gusto sana niyang itanong dito kung nasaan si Muriel pero pinigil niya ang sarili. Tumabi muli ito sa kanya sa hospital bed saka siya niyakap. "No. I will never leave you. Pagod na ako. Patulugin mo naman ako." halata sa boses nito na napapagod na nga ito. Bumilis ang t***k ng puso ni Angel. Parang may nagrarambulan na mga daga sa dibdib niya dahil sa ginawa nito. Alam niya na nag-init ang pisngi niya. "I-I don't care about you! Mabuti pa, umuwi ka na sa inyo. Magpasundo ka sa isa sa mga chipmunks para makauwi ka na sa kama mo. Mas masarap pa ang tulog mo doon." "H'wag kang malikot. 'Yung braso mo mamamaga na naman dahil sa karayom. Sayang naman ang utos ko sa nurse," saad ni Khalid. Nakakunot ang noo niya sa sinabi nito. Kaya pala parang may naiwan na marka. Pero bakit hindi niya naramdaman? "P-pinapalitan mo sa nurse ang pagkakaturok sa akin ng karayom?" "Yes. Nakita ko na nag-kulay blue na ang braso mo. Let's sleep please. Sobra ang pag-aalala ko sa iyo. Wala pa nga akong tulog simula kagabi. Dumeretso ako dito sa ospital mula sa Matsui Mansion sa Kyoto." Natahimik si Angel dahil sa nadinig. Mabilis din na nawala ang pagtatampo niya dito dahil sa mga paliwanag nito. Hinayaan niya ang sarili na yakapin nito. Gusto niya ang ganitong pakiramdam. She felt safe in his arms. Naalala niya ang basket ng prutas na dala ni Gavin. "Where are my fruits?" "You have fruits?" patay-malisya na tanong ni Khalid na bahagyang ibinaba ang paningin sa kanya. "'Yung dala ni Gavin." "Bulok na agad. Pinamigay ko sa labas. 'Wag ka ngang tanggap ng tanggap ng kung anu-ano sa sa mga tao. Kaya mabilis kang nalalason e. Isa pa, bawal ka munang kumain hanggang bukas ng umaga," sabi nito na pinikit muli ang mga mata. Hinayaan niya na yakapin siya nito. Hindi pa man nagtatagal ay bumukas muli ang pintuan. Nagdilat ng mata si Khalid. Palibhasa si Khalid ang nakatapat sa gawi ng pintuan, nakita niya na pumasok si Muriel. Pinigil nito ang ulo ni Angel para hindi niya silipin ang bagong pasok. "Ahhh…" halatang nabigla din ito sa ayos nila sa kwarto. "Is there a problem?" usisa ni Khalid. "W-wala kasing maghahatid sa akin, Master Khalid. Magpapasabay na sana ako sa'yo kung uuwi ka na." Inilipat nito ang paningin kay Angel na kayakap ng binata. "Wala rin akong sasakyan na dala. Saka hindi ako uuwi ngayon. I will call someone para ihatid ka," saad ni Khalid. Napakamot sa ulo ang dalaga. "No need. I-I will call a taxi." "Okay." Pumikit na muli ito. Parang patalim naman kung tumingin si Muriel sa dalawa saka tumalikod na at lumabas ng kwarto para umuwi. ….. DIS-ORAS ng gabi. Sa iisang parte lang ng kwarto ni Angel ang may ilaw. Tahimik ang buong kapaligiran sa loob at labas ng hallway ng ospital. Nagmulat ng mata si Khalid. Bumungad sa kanya ang magandang mukha ng dalaga na nasa tabi. Gusto niya ang ganitong pakiramdam na katabi nito. Nitong mga nakalipas na araw ay wala siyang maayos na tulog at madalas niyang maisip si Angel Jang. Ngayong gabi ay nakabawi siya ng tulog. Malapit sa mga mata niya ang namumungay na pilik-mata nito. Ngunit hindi niya maiwasan na masaktan nang makita na namumula ang gilid ng mata nito. Halatang nagdamdam ito sa kanya. Bahagya rin na nakaawang ang labi nito kasabay ng pagtaas at pagbaba ng dibdib dahil sa paghinga. Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok ni Angel. Saka dahan-dahan na hinaplos ang pisngi nito gamit ang hintuturo niya. The deepest part of his heart is saying how much he cares for her. He couldn't help to push his head to capture her lips. Magaan lang ang pagdampi ng labi niya sa dalaga. Sakto lang na nakalapat iyon sa labi nito. Walang paggalaw, but he felt the connection between their lips. Pumailanlang sa tahimik na gabi ang cellphone niya kaya halos tumalon ang dibdib niya dahil sa kaba. Para siyang magnanakaw at biglang nag-alarm ang buong kabahayan. Kinuha niya ang cellphone na ipinatong niya sa ibabaw ng cabinet at lumitaw sa paningin niya ang pangalan ni Kai. Palibhasa ay guilty siya kaya lalo siyang kinabahan. Tumayo siya sa hospital bed at saka lumayo sa kama. "H-hello." "Saan ang kwarto ni Angel?" "Nandito po ako uncle." lumunok na muna siya saka sinabi dito ang numero ng kwarto kung nasaan sila. Para siyang aatakihin sa puso matapos maputol ang tawag dito. Para siyang tanga na inayos niya ang dalaga sa kama nito. Ayaw naman niya na may marinig na pangit sa magulang ng babae lalo na at hindi niya naalagaan ng mabuti ang dalaga nitong mga nakaraang araw. Napakamot siya sa ulo. Sigurado na hindi ito mag-iisip ng masama kung mga bata pa sila pero iba na ngayon na mga dalaga at binata na sila ni Angel. Ilang saglit pa at nakarinig siya ng mahinang katok sa pintuan. Bumukas din naman agad iyon at pumasok si Kai. Eksakto rin na naalimpungatan ang dalaga. "Uncle…" Namumungay pa ang mata ni Angel na sinisino ang Daddy nito. "Dad..?" Naiwan naman sa paahan ng kama si Khalid at pinanood si Kai na lumapit sa dalaga. "How's my Angel?" "Dad." Hindi maiwasan na magluha agad ang mata nito. Pinilit ni Angel na umupo. Umupo rin sa gilid ng kama si Kai para mayakap ang dalaga. "Sorry, I'm late. Wala akong ma-book na ticket e," magaan na saad nito habang haplos sa ulo si Angel. "It's okay. I'm fine now. I miss you. Nasaan si Mommy?" tanong ng dalaga. Umupo na muna si Khalid sa couch at pinagmasdan ang mag-ama. Lalo siyang na-guilty. Kinailangan pa tuloy ni Kai na magpunta doon para lang puntahan ang anak nito na muntik nang mamatay. Pumasok naman agad si Bella na may bitbit na kumpol ng bulaklak. "I'm here, hinintay ko lang 'yung inorder ko na flowers." Ibinuka ng dalaga ang mga braso nito para yakapin si Bella, ang Mommy nito. Parang bata na nakakita ng kakampi ang dalaga. Nagkamustahan ang mga ito at tahimik naman si Khalid na nakaupo. Parehas sila ni Angel na nasa ibang bansa ang pamilya, ganoon din ang triplets, kaya nga sila-sila ang nagtutulungan na maka-survive sa school sa loob ng ilang linggo. This all happened because of his selfishness. "Iuuwi ka na namin," saad ni Kai. Sabay na nagulat si Khalid at si Angel. Nagkatinginan silang dalawa. "Uncle…" napatayo si Khalid at gusto niyang magprotesta. Hindi niya hahayaan na umalis si Angel sa LIU. "Dad… I-I want to stay." Hinawakan ni Angel ang kamay ng daddy niya. "Pero hindi mo alam kung ano ang kapahamakan na naghihintay sa'yo dito." katwiran ni Kai. "Dad, Kahit saan may kapahamakan. Hindi natin alam kung nasaan iyon sa paligid at kung kailan darating. I want to stay here with brother Khalid and the triplets, please. They are my friends. My real friends," sagot ng dalaga. Lumingon si Kai sa direksyon ni Khalid. "Let me talk to you outside." Humakbang na si Kai palabas na halatang plano nito na sabunin siya ng todo. Sumunod naman dito si Khalid. Para siyang batang pagagalitan ng principal. Bakas sa mukha niya ang pagkaguilty. Umupo si Kai sa mga silya na nasa pasilyo. "Uncle, I'm sorry," simula niya habang nakayuko. "What happened, Khalid? May nakuha ka na bang lead kung sino ang naglason kay Angel? May Hantataiga ba sa school ninyo?" Wala siyang maisagot dito dahil wala pa siyang nakukuha na impormasyon. Hindi niya pa kasi nakausap si SImon dahil kagigising niya lang din. Kaunti pa lang ang lahat ng alam niya. Nakuha naman nito ang sagot dahil sa pananahimik ni Khalid. "Khalid, I was so disappointed in you. Paano ka susundin ng mga Dark Guards sa henerasyon mo kung ganito ka? I'm sorry but you are really different from Shi Cally... I was 17, Shogun was 18, your Dad was 18 but we followed him since then. You know why?" "Because he is good at everything. He could find anything kahit hindi humihingi ng tulong sa amin. He has too many resources. Hindi siya nag-i-stick sa iisang lead at iisang bagay lang. He can do many things at the same time. If your Dad is on your feet right now, nasisiguro ko na nakatali na ang paa ng kung sino man na may salarin." "It's almost 24 hours nang dalhin dito ang anak ko pero wala ka pa rin alam kung ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin, nagkamali ba ako na pinapunta ko dito si Angel at ibigay sa'yo ang proteksyon niya?" Naikuyom ni Khalid ang kamao niya. Parang mga patalim na tumarak sa dibdib niya ang mga sinabi nito. Parang mantsa iyon sa pagkatao niya kahit noon pa man, ang maikumpara siya sa Daddy niya. He earned millions at the age of four. Pero sa husay at sa galing, wala pa siya sa isang tasa ng kanin kumpara sa kasalukuyang Shi.  Parang gusto niyang umiyak dahil sa mga sinabi nito. "Uncle just give me one last chance…" tangi niyang nasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD