CHAPTER 15 - Suicide

1939 Words
NANG gabi na iyon, nataranta ang magulang ni Muriel at May nang makita na nangingisay ang panganay na anak sa kwarto nito. Narinig kasi ng dalawa ang pagbagsak ng katawan ng panganay na anak. Mabilis na tumawag ng emergency si Mr. Santos. "W-what did you do honey?" usisa naman ni Mrs. Santos. Lumuhod ito para suportahan ang anak. Nagsimulang mamasa ang buong pisngi. "Honey, dadalhin kita sa ospital." Nakatingin si May kay Muriel. Hindi niya mabasa kung ano ang mga nasa mata nito dahil wala siyang pakialam kung ano ang nararamdaman nito sa ngayon. "I… I killed… myself, Mom..." mga huling saad ni May bago binawian. Namumula ang mata ni Muriel dahil sa pinipigilang pagluha habang nakatingin sa ate niya na nagkaroon ng nagsimulang bumula ang bibig. Mas nanaig ang pagkapootg sa puso niya. Bakit hanggang sa mga oras na iyon ay nagawa pa nitong itago ang katotohanan sa magulang nila? "No... no! no! honey…" Humagulgol ng iyak ang Mommy niya habang natataranta naman ang Dad niya dahil tuluyan nang nakadilat lang ang mata ng ate niya. Mabilis na dumating ang emergency sa tahanan ng mga Santos dahil kilala si May sa publiko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mabilis na umaksyon ang emergency hotline na tinawagan ng Daddy niya. Ibinalita na rin ng mga ito na patay na ang dalaga. "Papupuntahin namin ang imbestigador Mam." "No! Dalhin niyo ang anak ko sa ospital! Buhay pa siya! Buhay pa ang anak ko!" humahagulgol na saad ni Mrs. Santos. "Huminahon po kayo. Kailangan hintayin ang mga imbestigador dahil kakaiba po ang pagkamatay ng anak niyo." "Utang na loob, nagpakamatay ang anak ko, hindi namin kailangan ng imbestigador!" galit na saad ng Daddy niya. Walang nagawa ang mga ito kung hindi ang isakay si May sa emergency. Sumama ang mag-asawa sa paghatid sa panganay na anak sa ospital. Naiwan naman si Muriel sa tahanan ng mga ito na nag-iisa. Bahagya siyang kinakabahan habang nag-iisa sa bahay ng mga Santos. Nangangatog ang buong katawan niya at panay ang lakad sa living room. Hindi siya mapalagay. Hindi alam ni Muriel kung ano ang gagawin ngayong namatay ang ate niya. Bumalik siya sa kwarto niya para mag-isip. "Baby Khalid, anong gagawin ko? Help me… You will help me, right? It's her fault! Sinaktan ka niya. Kung hindi ka niya sinaktan, wala sanang mamamatay," mga usal ng dalaga habang yakap ang standee ni Khalid. Nagpasalamat na nga lang siya at sinabi ni May na pinatay nito ang sarili. Kailangan niyang gamitin ang puntos na iyon para hindi siya mapaghinalaan. Ilang saglit pa ay dumating ang mga imbestigador para suriin ang tahanan ng mga Santos. Nakasisilaw ang liwanag ng pulang ilaw nito sa uluhan ng sasakyan. Hindi lang ang imbestigador ang dumating kun'di pati ang grupo ng mga reporter dahil mabilis na nabalitaan ng mga ito ang pagkamatay ni May Santos.  Mariin niyang kinagat ang mga labi habang nakadungaw sa bintana. Madami na ang tao sa labas. May mga kapitbahay pa na nakikiusyoso din. Paano kung mahuli siya ng mga ito na siya talaga ang salarin? Ayaw niyang makulong! Ayaw niyang mahiwalay kay Khalid. Uminom muna ng tubig ang dalaga bago niya hinarap ang mga ito. Hinarap niya ang salamin at saka umiyak para magpatuloy sa pamumula ang mga mata niya bago niya binuksan ang gate. "A-ano po iyon?" tanong niya sa magkaibang grupo. Palibhasa artista si Muriel, kaya niyang harapin ang ibang tao sa kakaiba niyang pag-arte. "Hello Miss Muriel Santos, magtatanong lang po kami kung ano po ang naganap dito." tanong ng imbestigador. Napalunok si Muriel pero kumuha ng tissue at pinunasan ng paulit-ulit ang mga mata. "May nagreport din kasi na kapitbahay na may naririnig silang kumosyon na naganap dito," sabi ng isa pang pulisya. Tumango siya. "Yes po. Nagtalo lang kami ng ate ko. N-nasira ko po kasi 'yung gamit sa kwarto niya. Pero simpleng away-magkapatid lang po iyon," sagot niya. "Muriel, tatanungin ka namin. Ano ang naganap kay May? Pinatatanong ng mga fans niya," anang isang reporter habang pilit na itinatapat sa bibig niya ang mic na hawak nito. Bahagyang kinabahan si Muriel pero hindi siya nagpahalata. Kinuha niya ang mic ng isa at saka hinarap ito. "Sa mga fans, hindi ko rin po alam kung ano ang nangyayari sa ate ko. Pero sana po ay suportahan niyo po ang pamilya ko." Bigla siyang humagulgol ng iyak. "Mahirap po ang nangyayari na ito para sa magulang ko, para po sa pamilya ko." Nagpunas muli siya ng basang pisngi. "Nais naming makita kung saan siya huling binawian," seryosong saad ng imbestigador. "Sir, nababaliw na po ang ate ko. Hindi lang namin masabi sa publiko," sabi niya. Napasinghap ang reporter. "Muriel?" "Muriel?!" pilit na nag-uunahan sa pag-interview sa kanya ang mga reporter. "Kami ang magtatrabaho! Papayagan namin ang isang reporter na sumama dahil hindi pwede ang madami," galit na saad ng isa. "Malalaman niyo rin kung ano ang naganap dito. Kumalma lang kayo," sabi ng isa pa. Sumunod sa kanya ang tatlong imbestigador at isang reporter. Dinala niya ang mga lalaki sa kwarto niya at ipinakita ang mga larawan ni Khalid na nakakalat sa loob ng kwarto. Handa siya na magsimula sa scratch sa pag-ipon ng larawan ni Khalid kaysa makulong siya. Napasinghap ang reporter habang seryoso na kinukuhanan ng isang reporter gamit ang digicam ang kabuuan ng kwarto. "Anong ibig sabihin po nito?" tanong ng reporter na hindi makapaniwala. Sumabad si Muriel. "Hindi alam ng lahat pero patay na patay po ang ate ko kay Master Khalid. Iyon po ang dahilan kung bakit kami nag-audition sa MGM. nagsuicide po siguro siya dahil nahihirapan na siya.. D-dahil hindi siya pinapansin ni Master Khalid." Nang gabing iyon nabulabog pati ang nananahimik na buhay ni Khalid. ….. MASAYA na sana si Muriel kung hindi lang niya nabalitaan kay Alvin na nakaligtas si Angel Jang sa gamot na pinainom niya dito. Tinawagan niya ang lalaki para sana lihim na makibalita. "I heard that something happened to Angel. Kumalat sa buong school ang nangyari sa kanya kanina," saad ni Muriel. "Yeah. Mabuti na nga lang at ayos na siya ngayon. Papunta kami ng airport para sunduin si Khalid," saad ni Alvin sa kabilang linya. Tila lumukso ang puso niya sa narinig. Narito si Khalid. Hindi niya maiwasan na maisip kung bakit napakabilis naman nito na makabalik sa Pilipinas. Sa loob ng isang araw na naospital si Angel Jang ay makakabalik na agad ang lalaki sa Pilipinas. Ganito ba talaga kaimportante si Angel Jang sa lalaki? "We are in trouble. Hindi namin nabantayan ng mabuti si Angel. Kung may masamang nangyari sa kanya. Lagot kaming tatlo pati na rin si Khalid." halatang kinakabahan ito sa kabilang linya. "B-bakit?" "Angel Jang is not a simple person. Nasabi ko na sa'yo ang tungkol doon, tama?" tanong ni Alvin sa kabilang linya. "Yeah. N-nasabi mo na nga ang tungkol sa bagay na iyon," sagot niya dito. "Mabuti na lang at tumawag din si Angel sa clinic kaya siya naligtas. Sigurado na magagalit sa amin ni Uncle Kai ngayon na may nangyaring masama sa kanya, baka madamay pati ang magulang namin, tapos muntik pa kaming mawalan ng isang kaibigan." "Hey! Don't share things with her! Alam mong sikreto ang mga nangyayari sa atin!" narinig niyang reklamo ni Theodore sa kabilang linya. Humigpit naman ang hawak niya sa cellphone. Sa mata ng mga kapatid ni Alvin, hindi pa rin siya mapagkakatiwalaan, hindi pa rin sasabihin ng mga ito ang mga sikreto sa pamilya ni Khalid. Ang alam lang ng mga estudyante ay magpinsan si Khalid at ang tatlong lalaki pero sa kung sino ang magulang ng mga ito, hindi nila alam. Basta ang sabi ay magpipinsan ang mga ito. Hindi niya rin iniintindi kung sino ang magulang ni Angel. "C-can I go with you?" tanong niya dito. "Sa susunod na lang. Hindi rin kasi kita maaasikaso. Pero tatawagan kita mamaya," sagot ni Alvin sa kabilang linya. Nagsimulang kabahan si Muriel matapos ang tawag. Nakaligtas si Angel Jang sa plano niya. Ano ang gagawin niya ngayon? Hindi naman niya pwedeng ulitin kaagad ang masamang ginawa niya dito dahil sigurado na mapaghihinalaan siya. Matapos ang mahigit isang oras, tumawag din naman agad si Alvin kay Muriel para ipaalam sa dalaga na pinaalis ni Khalid ang mga ito sa ospital. "Nasaan si Master Khalid?" tanong niya dito. "Nasa ospital para samahan si Angel." "Ahh.." kumuyom ang kamao niya sa narinig. "Magkita na lang tayo," aya ni Alvin sa kanya sa kabilang linya. "Sorry, may gagawin pa kasi ako," katwiran niya dito. Halatang nalungkot ito sa kabilang linya. Samantalang malamig ang mata ni Muriel. "Gan'on ba? K-kailan ka libre?" tanong nito. Umikot ang mata ni Muriel. "Hindi pa ako sigurado. May shooting din kasi kami saka kailangan ko pang magreview. Namimiss na rin naman kita. Tatawagan kita kapag free ako," sagot niya. "Okay." pinutol na niya ang tawag dito dahil bahagya siyang nakaramdam ng inis. Marahas na inihampas niya ang cellphone sa sofa saka mainit ang ulo na umupo doon. Mabilis din naman na nagbago ang isip niya na umalis ng apartment at tumawag ng taxi para magpahatid sa ospital. ….. NABIGLA si Khalid na makita si Muriel na papalapit sa kwarto ni Angel. Mas ikinabigla niya na nag-iisa ang dalaga at hindi nito kasama si Alvin. "What are you doing here?"  usisa niya. "Kakamustahin ko lang si Angel saka kakamustahin din kita. Matagal kang hindi nakapunta sa opisina," sagot ng dalaga. Tumango si Khalid. Napansin naman niya na may mangilan-ngilan na sumisilip sa gawi nila dahil napansin ng mga ito si Muriel. "Pasensya na pero mas mabuti kasi na sa susunod ka na lang bumalik. The atmosphere in this hospital is not good. Saka baka makilala ka rin ng iba pa." Tumalikod na si Khalid para sana bumalik sa loob ng kwarto ni Angel. Hinawakan siya sa braso ni Muriel. Nakakunot ang noo na nilingon niya ang dalaga. "May kailangan ka pa?" Napakamot ito sa ulo saka tila nahihiya. "Master Khalid, m-may sasabihin sana ako sa'yo kung ayos lang na mag-usap muna tayo sa garden," hiling ng dalaga. Bahagyang nag-isip si Khalid. "Saglit lang, mga 3 minutes," pilit nito. Tumango si Khalid dahil mukhang importante ang sasabihin ni Muriel. Pero ayaw niyang umalis sa tapat ng kwarto na iyon. Idagdag pa na napapagod na talaga siya. "Kung ano man iyon, dito mo na lang sabihin." Tinuro niya ang mga upuan na nakalaan para sa mga dalaw na hindi pinapayagan na makapasok sa kwarto na nasa pasilyo. Ilang dipa lang ang layo sa pintuan ng kwarto ni Angel. Umupo si Khalid at sumeryoso. Hindi niya alam kung ano ang plano na naman na sabihin ni Muriel sa kanya. "Khalid, I-I like your cousin Alvin," saad ng dalaga. Kumunot ang noo ni Khalid. Hindi kaila sa kanya na may gusto sa babae ang pinsan niya. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya. Bakit sa akin?" Napangiwi si Muriel. Naghanap lang kasi ito ng dahilan para makausap pa ng ilang saglit si Khalid. "M-magpapatulong ako sa iyo para makapagtapat sa kanya. Saka, baka kasi bawal sa kumpanya," sagot nito. Ngumiti lang siya ng simple sa babae. Nakuha niya na kung ano ang struggle nito bilang celebrity. Naisip niya na baka nag-aalangan ito dahil sa MGM. "You don't really need my help. Sabihin mo lang sa kanya kung ano ang nararamdaman mo. He likes you, sigurado na magiging kayo agad." "Kung ganoon salamat." Hinawakan nito ang kamay niya ng mahigpit. "I am so blessed to have you… I mean, the company." Nabigla man si Khalid hindi niya binawi agad ang kamay. Napalingon siya dahil narinig niya na bumukas ang pintuan ng kwarto ni Angel Jang. Sabay sila na napalingon ni Muriel. Lumingon sa magkabilang panig ng pasilyo si Angel. Hindi nakalusot sa mata niya ang magkahawak na kamay ni Khalid at Muriel. Bumalik siya agad sa loob ng kwarto na parang walang nangyari. Malakas niyang sinara ang pintuan. Naisip niya kung inaya ba ni Khalid ang babae na magpunta doon sa ospital dahil bagong dating ang lalaki. She hates the feeling. Bumalik na lang siya sa higaan saka tumagilid na nakaharap sa bintana. She's hurt. Hindi niya pa naranasan ang ganito na parang may kumukurot sa dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD