CHAPTER 14 - Why don't you Die

1929 Words
NASA milktea house si Alvin kasama si Muriel nang pumasok si Khalid. Nagliwanag ang mukha ni Muriel nang makita ang huli. "Hey, aalis ka daw." "Yes." simpleng sagot nito sa dalaga bago hinarap ang pinsan. "Mamayang gabi ang alis ko. Balitaan mo ako kung ano ang nangyayari kay Angel dahil mas malapit ang klase mo sa kanya," bilin nito. "Why don't you talk to her?" tanong ni Alvin. Nalungkot si Khalid. Parang hangin na lang si Muriel sa pagitan ng dalawang lalaki. "Nahihiya ako sa kanya. She never bothered to call me either. Bibigyan ko muna siya ng space. Hindi ko alam kung ilang araw ako na mag-i-stay sa Kyoto. Manghihingi ako sa kanya ng sorry kapag nakabalik na ako pero sa ngayon hahayaan ko na muna siya," sagot ni Khalid. Lumalim ang iniisip ni Alvin. "Sigurado na ba iyon? Hantataiga ba talaga ang nagpadala ng red card sa Matsui mansion?" Lumingon si Khalid kay Muriel. Tila nag-aalangan ang binata na magsalita dahil naroon siya sa paligid. "Let's talk about it next time," saad ni Khalid. Tumango si Alvin. Bumilog ang kamay ni Muriel sa ilalim ng mesa. Halatang hindi palagay ang loob sa kanya ng lalaki. Ano ang hindi niya pwedeng malaman? Halos dumiin ang kuko niya sa palad dahil sa lihim na galit na namuo sa dibdib niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mag-isip kung ganito rin ba ang usapan ng magpinsan kung si Angel ang nasa paligid. "I have to go," paalam ni Khalid. "Mag-ingat ka," ani Alvin. "Bye Master Khalid," saad ni Muriel. Saka niya sinundan ng tingin ang lalaki na palabas ng milktea house. "Haay.. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang magtikisan ng nararamdaman nila." napapailing na bulong ni Alvin saka ibinalik ang mata sa screen ng nilalaro nito. "What do you mean?" Nilingon muli ni Muriel ang lalaki mula sa pintuan kung saan lumabas si Khalid. "It's obvious that they like each other. Sa tingin ko lang, hindi pa nila maamin sa sarili nila ang bagay na iyon." Lalong lumamig ang mata ni Muriel sa nadinig. There is no way she will accept Alvin's thought. "Bakit mo naman nasabi?" "May nabalitaan ka na ba na naging nobya ni Khalid? Wala 'di ba? Dahil deep inside, si Angel lang ang gusto niya talaga. Gano’n din si Angel. Alam naming tatlo ang tungkol sa bagay na iyon at hindi lang kami nagsasalita. Kaya nga hindi ko maintindihan si Khalid kung bakit parang kinakabahan siya kay Gavin kung close ito sa kaibigan namin." "Pustahan tayo na kahit manligaw pa si Gavin, sigurado na hindi niya magiging nobya si Angel." "Bakit mo naman nasabi? Paano kung magkagusto si Khalid sa iba?" "I doubt that. Nasa lahi ng pamilya ng mga Han at Kent ang 'First-love syndrome'. Kaya good luck na lang sa iba pang mga babae." Lalong umasim ang mukha niya. Parang nawalan tuloy ng gana si Muriel na makinig pa kay Alvin. "Alis na tayo." "Tara! Pupuntahan ko rin muna si Angel." Itinabi na nito ang gadget at saka nagsimula na iligpit ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa para ilagay sa loob ng bag. Naisip naman ni Muriel na pigilin ang lalaki na puntahan si Angel. Nagbago ang isip niya na humiwalay dito. Dahil wala si Khalid, mas makabubuti pa na galingan niya ang pag-akit sa lalaking kasama.  "Alvin, next time mo na lang puntahan si Angel. Ayain mo si Theodore at Simon. May nakita ako na masarap na kainan na pwede nating puntahan ngayong gabi." Napakamot ito sa pisngi. "But…" Hinawakan niya ito sa kamay. "Sige na please… I just love to eat with you guys." Napakamot ito sa ulo. "Sige na nga. Tawagan ko lang sila." "Thank you. You're the best. This is the reason why I like you." Namula ang pisngi ng binata. "I will do everything for you." SA LOOB ng ilang araw, naaaliw ni Muriel ang triplets. Lihim naman niyang naoobserbahan si Angel dahil katapat lang ng kwarto ng huling klase niya ang theatre kung saan parehas na oras nagp-practice ang Drama Club. Matalim ang mga tingin na ipinupukol niya mula sa kinauupuan tuwing makikita ito na dumadaan sa katapat na building. "Muriel." bigla siyang napalingon sa tumawag na kaklase niya. Katabi niya lang ito sa silya. Bigla rin ang pagkalma niya sa sarili. Para siyang nakabalik sa mundo niya bilang estudyante. "Oh. Yes?" Ngumiti siya dito ng matamis. "Napansin ko kasi na panay ang cross mo ng ballpen diyan sa notepad mo. May problema?" tanong nito. Bigla niyang inilipat ang paningin sa sinulat. Napalunok siya nang makita ang ginawa. Halos mabutas na niya ang papel dahil sa pangigigil habang nakatingin kay Angel Jang sa labas ng bintana. Nag-isip siya ng idadahilan dito. "Ahh… Medyo naiinis lang kasi ako sa direktor namin saka sa manager ko sa opisina. Hindi ko kasi mapagkasya ang oras ko. Hindi nila maintindihan na kailangan kong mag-aral saka magtapos," sagot niya. "Ahhh… why don't you quit and focus on study instead? If you love to act, we have Drama Club here. Just look at Angel Jang. I heard she's good," anito. Pakiramdam niya ay pumakla ang panlasa niya sa nadinig. Hayagan nito na ikinumpara siya kay Angel Jang. Ngumiti siya ng plastik sa kaklase saka nagpaalam na dito. Lumabas si Muriel ng klase niya na matalim ang mga mata. Kahit saan siya magpunta ay may Angel Jang na bukambibig ang kahit sino. Lumabas siya ng gusali at nakita si Angel na kasama si Santa na masayang nagkukwentuhan sa kabilang panig ng kalsada. "Angel Jang, why don't you just die?" mahinang bulong niya. MADALAS na pukulan ng masamang tingin ni Muriel si Angel Jang kapag masaya ito at natutuwa naman siya kapag nakikita na nag-iisa ito at malungkot. Habang tumatagal ay nadadagdagan ang pagkamuhi niya kay Angel Jang kaya naman nakapagdesisyon na siya na lasunin ang dalaga. "Saan mo naman gagamitin ang gamot na ito?" tanong ng PA ni Muriel. Isang maliit na bote ang inabot nito sa dalaga. Nabili nito ang gamot sa nagbebenta ng droga na kakilala rin nito. "Walang makakaalam nito, okay?" malamig na tanong niya sa assistant. "Alam ko, wala naman akong nasabihan." Pero hindi maiwasan na kabahan ito sa plano ni Muriel. Hindi lang ito makapagsalita ng hindi maganda dahil nakikita nito na close siya kay Khalid. Ang alam ng PA ay kaya siyang protektahan ni Khalid kaya hindi ito makagawa ng hindi maganda sa kanya. Nagsimulang bumuo ng plano si Muriel. Palibhasa ay katapat lang ng gusali kung saan siya may klase ang theatre ng drama club. Nakikita niya ang mga nagaganap sa kabilang panig ng kalsada. Tatlong araw nang wala si Khalid sa bansa kaya naman napagdesisyunan niya na gumawa ng aksyon. Ang mga taong katulad ni Muriel na sanay ng gumawa ng masama sa kapwa, lalo na ang pumatay ay hindi na nakakaramdam pa ng takot na umulit muli. Kung nagawa niyang paslangin si May Santos isang taon ang nakalipas, magagawa niya ulit ang bagay na iyon. Ano nga ba ang naganap sa nakalipas na isang taon? ***** NASA isang sulok si Muriel at naghihintay ng tawag mula sa direktor. Matiyaga siyang naghihintay ng oras niya kahit pa nga inabot na siya ng apat na oras sa lugar. Nasa kalapit na probinsiya sila at maliit na parte lang ang gagampanan niya sa buong isang araw na palabas. Sa loob-loob ni Muriel ay minumura na niya ang mga tao sa paligid dahil para lang siyang hangin kung tratuhin ng mga ito. Palibhasa ay hindi siya sikat. Baka nga tatlong segundo lang ilalabas ang mukha niya sa screen para sa isang linggo na pagod niya sa shooting. Hindi tulad ng ate niya na si May na ilang commercial brand na ang nagawa nito. Ilang series na ang ipinalabas na kasama ito, ilang minuto na ang itinagal para ipakilala sa publiko ang mukha nito sa screen at mahal ito ng lahat ng tao sa set dahil mabait ang ate niya. Palakaibigan at talagang maunawain. Hindi rin mareklamo. Hindi rin naman siya nagrereklamo, iyon nga lang ay mahahalata sa mukha niya ang pagkainis. Naipon na sa dibdib niya ang lahat dahil wala siyang karapatan na magreklamo. "Hey, may gwapo na nagsundo kay May Santos," saad ng isang staff sa set habang nasa likod siya ng isang malapad na puno. Hindi siya napansin ng mga ito. Pero kahit naman wala siya sa likod ng puno at nakaupo sa tabi ng mga ito ay hindi pa rin siya mapapansin. Hindi kasi siya sikat! "Oh talaga? Ang pogi naman," sagot ng isa habang nakatingin sa lalaki na naghihintay sa ate niya sa di-kalayuan. Nakilala niya na si Gavin ang tinitingnan ng staff. Ilang saglit pa ay lumapit si May sa lalaki at niyakap ito sa bewang. Lumitaw ang ngiti sa mukha ng binata. "Aw ang sweet." Halatang kinikilig ang dalawang staff. "Hindi lang siya maganda, gwapo rin ang boyfriend niya." puri ng isa. Ganito ang palaging ganap sa buhay ni Muriel. Hindi lang sa araw na iyon kung hindi araw-araw na ganito ang mga eksena niya. Isang araw na nakauwi siya sa bahay, nakita niya si May na nasa loob ng kwarto niya. "W-what are you doing here?!" galit na tanong niya dito. Kinabahan siya dahil nanlalaki ang mata nitol; halatang hindi makapaniwala sa mga nakikita. "What is the meaning of this Muriel? Bakit madaming larawan si Master Khalid dito sa kwarto mo?" "Wala ka na doon!" "You like him?" "I said, wala ka na doon!" "Where did you get these pictures?" natatakot na tanong nito sa kanya. "He is my boyfriend, natural lang na may picture siya dito sa kwarto ko." Napalunok ito sa narinig. Alam kasi ng lahat na wala namang nobya si Khalid. "Muriel, this cap. Ito ba 'yung nawawala na cap ni Master Khalid nang nakaraan na dumalaw siya sa set?"  tanong nito. "Kailangan natin itong ibalik sa kanya." Dinampot ni May ang cap na maayos na nakalagay sa ibabaw ng mesa. "Isosoli ko ito. May kapatid ba akong magnanakaw? Maybe this is nothing for Khalid pero sa'yo bilang tao Muriel, this is wrong. This standee? Where did you get it? Isosoli natin ang lahat ng ito." Tila binalot ng kung ano si Muriel. Nagdidilim ang buong pagkatao niya. Lahat ng nasa kwarto na iyon ay pag-aari niya. Sa kanya si Khalid. "He is my boyfriend! Don't touch anything here!" singhal niya kay May. Pilit na inaagaw ang cap na hawak ng ate niya. "No! Kay Master ito," sagot nito. "Magpapakamatay ako ate kapag kinuha mo ang kahit ano dito!" Natakot naman si May sa nadinig kaya binitiwan nito ang cap. Dahil sa pwersa, tumilapon si Muriel sa standee at nasira iyon. "Ahhh! Khalid are you okay?" tila nagbabaga ang mga mata na pinukulan nito ng tingin si May na nakatayo malapit sa pintuan. "I hate you, ate! Sinaktan mo si Khalid, I hate you!" mga sigaw ni Muriel na ikinabahala ni May. ibang tao kasi ang nakikita nito sa mga oras na iyon. Umiyak si Muriel. Ilang saglit pa at naroon ang mga magulang nila. Napasinghap ang Mommy niya. "Anong kalokohan ito, Muriel?!" galit na tanong ni Mr. Santos. "Get out!" singhal ni Muriel. "Honey, bumabalik na ba ang sakit mo?" tanong ng Mommy niya. "Get out! Ayokong kausapin kayo!" kinuha ni Muriel ang gunting na madalas niyang pang-gupit sa mga larawan na nasa cabinet. "Magpapakamatay ako! Get out!" Natakot naman ang magulang nila kaya lumabas din ang mga ito ng kwarto. "Khalid, Baby. Are you okay?" nagsimulang tumulo ang luha niya habang nakatingin sa naputol na standee. Niyakap iyon habang umiiyak. Pakiramdam ni Muriel ay nasaktan si Khalid kaya naman ipinangako niya na gaganti siya. Ilang minuto pa ay kinakatok niya ang pintuan ng kwarto ng ate niya. Binuksan naman ni May ang pintuan makalipas lang ang ilang saglit. "Ate, I'm sorry," bungad ni Muriel. Nakita nito na namumula ang mata niya dahil sa pag-iyak. "I'm sorry din. Nabigla lang ako," sagot nito at niyakap siya. "Here. Drink this milk patunay na nagsosorry na talaga ako." Inabot ni Muriel ang isang tasa ng gatas kay May. "Kalimutan na natin ang lahat okay," sabi nito bago ininom ng gatas na nasa baso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD