HINDI akalain ni Muriel na mababalewala lang ang unang mensahe niya kay Khalid dahil mabilis na nagkasundo ito at si Angel Jang. Nagawa pa ni Khalid na samahan ang babae sa audition nito.
Nakasalubong niya si Alvin na nagmamadali. Tinawag niya ito. "Alvin!"
Lumingon naman ito sa kanya "Hello."
"Oh Hi Muriel! Sorry nagmamadali kasi ako. May barbeque night kami sa White mansion."
Nagliwanag ang mata niya nang marinig ang sinabi ng lalaki. "You mean, pupunta ka sa bahay ni Master Khalid?"
Tumango naman ito sa kanya. "Baka naman pwede akong sumama." Hinawakan niya ito sa kamay dahilan para mamula ang pisngi nito.
"Sige na... gusto kitang makasama ngayong gabi." Pilit niya dito.
"Uhm… hmm… sige na nga. Tara!" Bahagya itong nag-isip pero nagpatianod din sa kagustuhan ni Muriel.
Napangiti naman siya. Nang gabing iyon ay masaya si Muriel dahil kasama niya ang triplets ng school. Masaya siya sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng tatlo.
Nakadagdag din sa saya niya na nakapasok siya sa bahay ng mga Han. Sigurado na hindi siya makakapasok sa bahay na 'yon kung hindi siya didikit kay Alvin. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na sabihin sa lahat na nakapasok siya sa bahay ni Khalid.
Kahit ang mga Managers sa opisina nila ay hindi basta-basta nakakapasok sa loob ng bahay na 'yon. She felt special.
Nakita niya si Angel at si Khalid na dumating na may bitbit na mga pagkain. Kung kanina ay naramdaman niyang espesyal siya, naramdaman na naman niya na hindi siya gano’n kaimportante nang dumating ang babae.
The boys care for her. They treated her like a precious gem, like a princess.
Ngunit hindi niya ipinahalata na nakaramdam siya ng pagkainis na makita ito. Bakit malaya itong nakakapasok sa mansyon na iyon, samantalang siya ay kailangan pang dumikit kay Alvin?
Sinundan niya ito sa kusina at naabutan ito na hinuhugasan ang lahat ng karne. Pinilit niyang kunin ang loob ni Angel, baka sakali kasi na mabilog niya ang ulo nito. Ngunit hindi niya akalain na mas malamig pa ito kay Khalid.
Prangka ang dalaga. Sinabi nito ang mga napansin sa kanya. Wala siyang nagawa kung hindi ang magkunwari na hindi niya intensyon na magpost ng larawan sa bahay na iyon at kay Khalid magpasalamat imbes na kay Alvin.
Literal na hinagis niya ang pagkain nang utusan siya nito na dalhin ang mga karne sa garden. Idagdag pa na lihim siyang nangigigil sa babae kaya nawalan siya ng balanse.
Nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan sa gabi na iyon.
Nagalit sa kanya ang magkapatid na si Simon at Theodore. Pumanig naman sa kanya si Alvin dahil bisita siya nito.
"Pagpasensyahan mo na ang mga kapatid ko," sabi nito sa kanya.
"No problem. Pero halatang ayaw sa akin ni Angel." Malungkot na saad niya dito.
"H'wag kang mag-alala. She's nice. Sigurado ako na magkakasundo rin kayong dalawa," sabi nito.
Ngumiti lang si Muriel kahit pa sa loob niya ay nilalagyan niya ng cross na pulang marka ang mukha ni Angel sa isipan niya.
Hinatid siya ni Alvin sa bahay niya dahil nakatanggap ito ng tawag mula sa kapatid nitong si Simon.
"Pasensya ka na kung hindi na kita maaayang kumain. May importante kasi kaming gagawin."
Ngumiti siya ng matamis sa binata at saka kumaway dito ng pamamaalam. Bumalik ang lamig sa mata ni Muriel nang mawala ang lalaki saka siya pumasok sa loob ng bahay nila.
"Honey, you're here," sabi ng Dad niya na naghihintay sa living room.
"Dad."
"Is that your boyfriend?" Nag-aalala na tanong nito sa kanya.
"He is not. You know very well that I only want Khalid."
Bumalot ang lungkot sa mata nito. "Honey, the doctor called... Please come with us tomorrow. You need the treatment."
Mabilis na nagpalit ang anyo ni Muriel. "I'm not sick!"
"Honey… I am worried about you," saad nito. Bahagya siyang nakaramdam ng takot.
"I'm not sick… I'm not sick… I'm not sick!" singhal niya dito. Pinaghalong galit at takot ang nasa loob ng mga mata.
Napayuko ito at walang nagawa. "Honey, kapag nalaman ng MGM--"
"They will not! Wala silang malalaman kung wala kayong sasabihin."
"Honey…" tawag ng Mommy niya na kalalabas lang sa kwarto ng magulang niya.
"Don't talk to me! Hindi ko kayo mapapatawad kapag sinira niyo ang reputasyon ko. Marami ang humahanga sa akin ngayon. Mahal nila ako, mas minahal nila ako kaysa sa inyong dalawa! End of discussion!" Matigas na sabi niya at saka siya pumasok sa isang silid.
Sumalubong sa kanya ang isang madilim na kwarto. Binuksan niya ang ilaw at bumulaga sa kanya ang napakaraming larawan ni Khalid na nakadikit sa pader. Sinasakop ng larawan ni Khalid ang apat na sulok ng kwarto na 'yon, kahit ang kisame.
Gumaan ang mata ni Muriel nang makita ang lahat ng larawan ng lalaki at saka nilapitan ang standee ni Khalid sa gilid.
"Did you miss me?" Niyakap niya ang standee.
NAPADAAN si Muriel sa klase ni Angel at Gavin. Binati siya ng isang estudyante at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkumpol ng dalawa malapit sa bintana. May isinusulat si Gavin sa notebook nito at panay ang tango naman ni Angel sa lalaki. Napangiti siya.
Ngumiti siya sa estudyante at nagpaalam na pupunta muna sa susunod na klase niya.
"I have to go. See you later!" paalam niya dito. Nagh-hymn pa si Muriel habang naglalakad na halatang masaya ang mood niya.
Darating ang araw na mawawala rin sa landas niya si Angel Jang. Hindi na mangyayari ulit na pangalawa lang siya.
Hindi naman siya nabibigo na makatanggap ng balita kay Angel at Gavin. Palibhasa ay popular si Gavin sa school na iyon kaya mabilis niyang nalalaman kung ano ang ginagawa ng lalaki, kung nasaan ito at kung sino ang kasama nito.
May kaklase kasi siya na may crush kay Gavin at may secret group chat ang mga ito. Nagkataon pa na katabi niya ito sa upuan.
Isang araw nalaman niya mula sa kaklase na nasa Library ang dalawa. Para makasiguro nagpunta siya doon para manghiram kunwari ng libro. Lihim niyang kinuhanan ng larawan ang dalawa habang magkalapit ang ulo ng mga ito at ipinadala kay Khalid.
[Master Khalid, I am concerned about Angel. Hindi ko alam kung ano ang tinuturo ni Gavin sa kanya. My sister killed herself because of you and Gavin...]
Hindi sumagot si Khalid. Nagpadala muli siya ng mensahe dito.
[Sorry master, hindi ko dapat binanggit ang ate ko. I am missing her.]
Malapit na siyang mawalan ng pag-asa dahil hindi ito nagre-reply sa kanya hanggang sa makita niya ito na papasok sa library. Napangiti siya ng lihim.
Hindi siya napansin ni Khalid dahil malalaki ang hakbang nito na hinanap si Angel at Gavin sa Library. Nasaksihan niya ang lahat ng naganap sa tatlo. Umalis si Khalid na madilim ang mukha. She was enjoying this drama.
Sumaya ang mood niya dahil dito. Tinungo niya ang building kung saan naroon ang mga gamit niya sa huling klase. Napadaan naman siya sa kwarto kung saan niya nakita si Gavin at Angel na magkasama nang mga nakaraang araw. Walang tao sa loob ng kwarto. Lumingon na muna siya sa pasilyo para masiguro na walang tao bago siya pumasok sa loob.
Walang buhay ang mga mata ni Muriel na huminto sa tapat ng silya ni Angel Jang. May nakapatong na mga notebook sa desk ng dalaga. Sa mesa ay may nakadikit na sticker at nakasulat ang "Angel Jang". May cartoon version din ang dalaga doon.
Kinuha niya ang market nito na kulay pula at saka minarkahan ang pangalan ng dalaga. Parang nababaliw na sinalutan iyon ng paulit-ulit hanggang sa mapatungan ng pulang marka ang buong pangalan ni Angel.
Patuloy siya sa pag-hymn mula sa paglabas ng kwarto hanggang pakalabas ng gusali.
Tinawagan niya si Alvin matapos iyon para tanungin kung nasaan ito.
"We are in a KTV, napagtripan naming magkakapatid." sagot nito sa kabilang linya.
"Pupuntahan kita kung ayos lang."
Halatang nagdadalawang-isip ito sa kabilang linya. Nahihiya na rin kasi si Alvin na isama si Muriel sa lakad nito at ng dalawang kapatid.
"I am missing you," saad niya sa binata.
Nagtagumpay naman siya dahil sinabi nito ang lugar kung nasaan ito. Nakisabay siya sa kaklase niya na palabas ng school at nakiusap na magpahatid kung saan naroon si Alvin. Syempre pa at ginamit niya ang alindog niya para pumayag ito.
Nadaanan pa ng sasakyan nila si Angel na tumatakbo patungong gate ng school.
"Tsk tsk…"
"Why?" tanong ng kaklase niya.
"Nothing. I just thought I saw Angel Jang."
"Yeah, she's pretty. I have a crush on her." puri nito.
Hindi niya ipinahalata na sumimangot siya sa sinabi nito. Sooner ay mawawala ang magandang mukha na iyon sa eskwelahan nila.
MABILIS na nagtagumpay si Muriel na maagaw ang atensyon ng tatlong lalaki. Hindi rin naman kaila sa kanya na busy si Khalid dahil halos wala itong oras na sumama sa triplets.
She likes the attention na binibigay ng magkakapatid. Nakakatanggap siya ng kung anu-ano mula sa mga ito.
"I miss Angel… hindi ba natin siya pwedeng ayain?" tanong ni Theodore isang araw habang nagb-barbecue sa bahay ng triplets na malapit sa school.
Tumingin sa kanya si Alvin. "Ahh.. truth is, hindi sila close ni Muriel." sagot nito sa kapatid.
"But she is the only one who can make delicious barbecue." sagot ni Theodore. Palibhasa ay mahilig itong kumain. "The one we have is super dry."
Tumikhim si Alvin. "Si Muriel may gawa n'yan, you are being rude sa bisita natin."
"No, it's okay. I agree that it's dry," sabi ni Muriel kahit pa nga sa loob nito ay nakaramdam ito ng inis hindi lang kay Angel kun'di pati na rin kay Theodore.
"Sorry."
"Look what I have here." nilabas ni Simon ang ilang sobre mula sa bag nito. "Love letters ng mga kaibigan ko kay Angel."
"Hindi mo binibigay sa kanya?" usisa ni Alvin.
"I don't have plans. Baka pagalitan ako ni Khalid. Si Gavin nga na hindi nanliligaw ay ayaw niya. Heto pa kaya?" napapailing na lang si Simon.
Nagpaalam na si Muriel sa tatlo dahil sumama lang ang mood niya.
Ngunit lumipas ang mga araw at madalas na marinig ni Muriel ang pangalan ni Angel.
"Her ballet is super pretty. Nakikinood ako sa practice nila." narinig niya mula sa kaklase.
"I know right. I asked someone dahil gusto ko si Angel Jang. mukhang nobya siya ni Khalid. Wala ka nang pag-asa."
Nakaramdam siya ng inis nitong mga nakaraan dahil madalas niyang marinig ang pangalan ni Angel. Naintriga tuloy siya na magtungo sa theatre para silipin ang drama club.
Nakaramdam siya ng inggit nang makita ang maganda nitong pagsayaw sa entablado.
Malamig ang mga mata na nakatingin siya dito. Pinaghalu-halong mga emosyon at kung-anu-ano ang mga pumapasok sa utak niya habang nakatingin sa babae.