MULA sa Matsui Mansion sa Kyoto ay mabilis na tumungo si Khalid sa airport at nag-book ng pinakamabilis na trip papuntang Pilipinas nang mabalitaan niya na nalason si Angel.
Maghapon siyang hindi napalagay at dumeretso siya sa ospital pagkalapag pa lang ng eroplano kaya naman masyado siyang nabuwisit nang makita si Gavin sa loob ng kwarto nito. Lalo na at nabalitaan niya na mula sa Drama Club ang salarin.
Seeing her crying makes his heart uneasy. He doesn't like to see her like this, being lonely. Namasa ang dibdib niya dahil sa mga luha nito. He felt her sadness that made his heartache.
Hindi niya maipaliwanag ang sakit. Unang beses nito nagawa na magsabi na nalungkot ito nang mga nakaraang araw. Nakilala niya si Angel habang lumalaki bilang masayahin kahit sa maliliit na bagay kaya naman hindi talaga siya napalagay na malaman na nag-isa ito at nalulungkot.
"You don't like seeing me with Gavin, but what can I do? He is the only friend I have. He was the first person who came here. You are being unreasonable," mga saad ng dalaga habang umiiyak.
Humigpit ang yakap niya sa dalaga. All he could say is "sorry".
Tila pumapasok sa kaibuturan ng dibdib niya ang mga hinanakit nito.
Matagal bago nakabawi si Angel sa mahabang pag-iyak nito. Parang napagod naman ito sa mahabang pag-iyak kaya mabilis itong nakatulog.
Tinignan niya ang namumula nitong mga mata habang nakapikit. Kumuha siya ng tissue sa ibabaw ng cabinet na nasa gilid ng kama nito at pinunasan niya ang luha nito sa mata.
Parang tinatarak ang dibdib niya sa mga oras na iyon. Napatunayan niya tuloy sa sarili na hindi siya ganoon kalakas. Mahina pa siya dahil hindi niya magawa na protektahan ang dalaga.
Napapagod na rin si Khalid dahil sa haba ng biyahe niya pero sinuri niya ang katawan ng dalaga. Nakita niya na nagkulay asul na ang braso ni Angel dahil sa karayom na nakatusok dito. Mukhang na-dislocate na ang tusok ng karayom kaya bumaba siya ng hospital bed para tumawag ng nurse.
Napansin niya ang basket ng prutas nang mapadaan siya dito. Sigurado siya na galing ang basket na iyon kay Gavin dahil si Angel na rin mismo ang nagsabi na ang lalaki ang una nitong bisita, kaya naman binitbit niya iyon at tumungo sa nurse station.
"Hello, sino po ang nurse ni Miss Angel Jang?" tanong niya.
Mabilis naman na tumayo ang mga nurse na babae nang makita si Khalid. Tila nagkaroon ng mga puso ang mga mata nito nang makita siya.
"H-hello po. A-ko po ang nurse," saad ng isa na parang nataranta nang makita siya.
"Pakicheck ng dextrose niya. Saka…" inabot niya ang basket ng prutas dito. "Sa inyo na ito. Bawal kumain ang kaibigan ko, tama?"
Hindi naman siya sigurado sa bagay na iyon at pinagbasehan niya lang na nalason ang dalaga kaya inisip niya na bawal.
"Yes po, Sir. T-thank you po!" Halata na kinikilig ito.
Mabilis itong kumilos na kinuha ang gamit at saka sumunod sa kanya na tumungo sa kwarto ni Angel. Hindi nakaligtas dito ang namumulang mata ng dalaga na halatang nanggaling sa mahabang pag-iyak.
"H'wag mo siyang gigisinging," banta niya sa nurse. Sumunod naman ito na inayos ang nakaturok na karayom sa braso ni Angel. Nagpaalam din naman ito agad.
He looked at her deeply. Inayos niya ang kumot ng dalaga.
Lumabas si Khalid para tawagan si Simon. "The boys must come here tomorrow para bisitahin siya. Masama talaga ang loob niya sa lahat. Bakit hindi niyo siya nagawang kamustahin ng mga nakaraang araw?"
Halatang nahirapan si Simon na magbigay ng dahilan sa tanong ni Khalid.
"I'm sorry. Naaaliw kami kay Muriel nitong mga nagdaang araw. Isinama niya kami sa shooting at kung saan-saan pa. Hindi na namin naalalang ayain si Angel. She said, Angel doesn't like her kaya 'wag na namin siyang ayain. So, we thought it's not nice na pagsamahin sila sa iisang lugar. Kaya hindi na namin siya naaaya."
"Madalas naman namin siyang nakikita na may kasamang babae kaya hindi namin akalain na malungkot siya," katwiran nito sa kabilang linya.
"I want to know kung sino ang naglason kay Angel."
"Malabo na si Miguel ang salarin dahil may nag-utos talaga sa kanya. I hacked his phone. 'Yung telepono na ginamit ng salarin ay nakuha ko rin. Iisang pipitsugin na cellphone ang nakuha ko malapit sa theater. Not sure kung sino ang nagtext kay Miguel na lagyan ng gamot ang Yakult ni Angel."
"Kung maaari ay h'wag mong sabihin sa kahit na kanino ang tungkol sa bagay na ito. We need to know kung sino ang taong nagtatago sa dilim."
"Do you think may nakapasok na miyembro ng Hantataiga sa school?" tanong ni Simon sa kabilang linya.
Hinilot ni Khalid ang sentido niya. Ayaw niyang isipin na may nakapasok nga na kalaban sa loob ng school at nagpapanggap bilang estudyante.
Kumunot ang noo niya nang makita si Muriel na papalapit sa kanya kaya nagpaalam na siya kay Simon.
"Hi Khalid."
"What are you doing here?"
"Nandito ako para dumalaw," sabi nito.
Natahimik naman si Khalid. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang nawalan ng tiwala sa babae.
Madalas kasi na sa tuwing magagalit siya kay Angel Jang, ito ang nagsasabi sa kanya na magkasama ang kaibigan at si Gavin sa iisang lugar.
She's like Angel's stalker and at the same time, pretending to be in love with his cousin Alvin. Hindi niya tuloy maiwasan na maisip na kinuha ng babae ang atensyon nilang lahat para maiwan na mag-isa ang kaibigan.
….
NAMUHAY si Muriel na bunsong anak ni Mr and Mrs. Santos bilang isang anino ng ate niya na si May. Hindi siya napapansin noon dahil madalas na ang ate niya ang nagiging sentro sa mata ng mga tao. Isang taon lang ang pagitan ng edad nila.
Sabay sila na pumasok at nag-audition bilang celebrity sa MGM Corp. ngunit mas naunang makilala ang ate niya at sumikat.
Mas maganda kasi sa kanya si May kaya nga hindi na siya nagtaka nang ligawan at maging nobya ito ni Gavin Yong. Naging modelo ang ate niya sa kumpanya ng pamilya Yong.
Nagmamay-ari ng kumpanya ng mga sasakyan ang pamilya ni Gavin mula sa Singapore.
Kaya hindi rin nakapagtataka na makaramdam siya ng pagkapoot sa nakatatandang kapatid lalo na at madalas niyang marinig na ikinukumpara siya kahit ng ibang mga tao sa ate niya. Mas mabilis ang pag-angat ng career nito noon.
Naging sandalan niya ang standee ni Khalid sa loob ng apat na taon kahit na hindi niya pa nakikilala ng personal ang lalaki. Nakuha niya iyon sa opisina ng MGM. Ipinuslit niya iyon mula sa mga props na ginagamit.
Nang dalhin ni May sa bahay ang nobyo nito na si Gavin, puro papuri ang natanggap ng magulang nila dito kaya naman isinumpa niya sa sarili na lagpasan ang ate niya.
Hindi naman siya nabigo na makakita ng taong ipangtatapat kay Gavin. Hinihintay niya ang araw na makilala ng personal si Khalid. Hindi naman siya nabigo na makilala ang lalaki nang mamatay ang ate niya na si May.
Akala niya noon ay sa kanya lang malapit si Khalid. Iba kasi ang pakikitungo nito sa ibang mga babae kumpara sa kanya. She felt special sa atensyon na ibinigay nito sa kanya.
Kaya naman ginawa niya ang lahat para mapalapit sa lalaki. Ngunit hindi niya akalain na magkakaroon ng sagabal sa katauhan ni Angel Jeon Jang.
Naramdaman niya muli na pangalawa lang siya nang dumating ang babae. She's pretty. She's jolly. She's friendly.
Nasa shooting siya nang makita ang babae. Bahagya siyang nakaramdam ng selos nang makita ang mukha nito. Maganda at makinis ang mukha ni Angel na nababagay sa pangalan nito. Sobrang kinis at puti nito kahit wala man lang bahid ng makeup.
Samantalang siya ay kailangan pa na maglagay ng makapal na mga kolorete sa mukha para lang masabi na mukha siyang diyosa.
She couldn't help to grit her teeth nang makita ito na inakbayan ni Khalid, umalis at basta siya iniwan. Muli niyang naramdaman ang anxiety na naramdaman niya nang nabubuhay pa ang ate niya na si May.
Nagawa pa naman niya na mag-enrol sa LIU para lalong mapalapit kay Khalid ngunt nakaramdam siya ng inggit habang nakikita ang babae na kasama ang apat na lalaki kahit saan siya magpunta. Usap-usapan ito kahit saan siya manatili sa school.
Akala niya, kapag nakarating siya sa eskwelahan na iyon ay kukuha siya ng atensyon mula sa mga estudyante ngunit parang ordinaryo lang siya sa paningin ng mga ito. Ang mas madalas na maging usapan ng lahat ay si Angel bilang nobya ni Khalid.
Habang nasa klase, nakita niya si Angel na dumaan sa gilid ng gusali na kasama ni Khalid. Nakaakbay pa dito ang binata. Matalim ang mga tingin na ipinukol niya sa babae.
Lahat ng plano niya sa school na iyon ay nasira dahil dito.
Nakagawa naman siya ng paraan nang makita sa klase nila si Alvin kaya nakipagkaibigan siya dito kahit pa nga mahilig ito sa computer games at walang hilig sa iba pang bagay. Bahagya siyang nahirapan na sabayan ang trip nito.
Naakit niya ang lalaki kaya naman nagsimula siyang makipag close dito dahil madalas itong kasama ni Khalid. Nagsimula siyang samahan ito sa mga lakad nito para lang makasama rin si Khalid.
Habang nakikipaglaro kay Alvin ng Mobile Legend, nalaman niya na ayaw ni Khalid na makipagkaibigan si Angel kay Gavin.
"Maybe he is jealous." Ito ang komento ni Alvin sa kanya noon.
"Master Khalid likes her?"
"I'm not sure. But they are closer than us. Angel is like a princess in our friendship and Khalid is the prince. Aw! I am losing!" sabi nito habang nakatutok ang mata sa mahabang cellphone.
Nawalan na rin siya ng gana na makipaglaro dito kaya nagdahilan siya na magp-praktis ng script niya sa garden. Malamig ang mata niya matapos mawala sa paningin ni Alvin. Sigurado siya na hindi simpleng pagkakaibigan lang ang mayroon kay Khalid at Angel.
Isa araw sa klase, nakita niya muli si Angel Jang mula sa bintana na dumaan kasama si Gavin. Mas lalo siyang napoot sa babae na kahit ang atensyon ng huli na hindi mahilig makipaglapit sa mga babae ay nagawa nitong maging kaibigan. Kahit sa kanya na kapatid ni May ay hindi naging close dito.
Ang ate niya ang huling binigyan ng atensyon ni Gavin.
Ano ba ang mayroon si Angel Jang para mapalapit dito ang dalawang lalaki? Ito ang naisip niya.
Nakita niya na papunta sa canteen ang dalawa kaya naman pinadalhan niya ng mensahe si Khalid.
[Master Khalid, I saw Angel with Gavin. They look sweet like a couple. Nanliligaw ba si Gavin kay Angel? Mukha silang magd-date papuntang canteen.] ito ang una niyang mensahe na ipinadala kay Khalid para mawalan ito ng tiwala sa dalaga.
Nababalita sa eskwelahan na nobya ito ng binata at alam din niya na hindi magkasundo ang dalawa kaya sigurado siya na magkakaroon ng magandang palabas sa pagitan ng tatlo.