Kinabukasan. Inabutan ni Nanay si Ken ng mga damit na pandagat ni Tatay. "'Yan na lang ang gamitin mo. May mga butas na, luma na kasi. Pagpasensyahan mo na," sabi ni Nanay. "Naku, ayos lang po..." Natawa si Nanay. Napansin niyang nag-aalalangan si Ken kung ano ang itatawag sa kanya. "Nanay na lang," sabi niya Ken nang nakangiti. "Para masanay ka na." Lihim akong napangiti. "Sge po Nanay," masayang sabi ni Ken. Nagbaling siya sa 'kin. "Ikaw na ang bahala sa mga pasalubong natin ha. Ikaw na ang magbigay sa kanila." Tumango ako. "Tayo na!" yakag ni Tatay kay Ken. Nasa labas na ito ng bahay at handa na. Dala nito ang lambat at dalawang sagwan. Tiyak mapapasabak si Ken nito. Nagpaalam na sa 'kin si Ken. Kinawayan na lang namin ang isa't isa. Pagkaalis nila, inasikaso ko na ang mga dal

