"Daddy is going on a business trip," sabi ni Ken kay Terence. 'Yon ang naisip niyang alibi. "Kailan ka pa nagsimulang magkaroon ng business trip? Hindi yata ako update," sabat ni Miss Irene. Tiningnan siya ni Ken at mabilis naman itong nakaunawa. Sa inis, ay nag-walkout si Miss Irene. "Hindi ko alam ang nagustuhan sa 'yo ni Ken. You look boring!" sabi niya sa 'kin nang magkasarilinan kami sa kusina habang nagluluto ako. "Talaga?" sabi ko. "Baka naman, ikaw ang boring kaya nagkagusto sa 'kin si Ken." Napasinghap siya sa sinabi ko. Mukhang uusok na naman ang ilong. "Hindi mo 'ko mapapantayan Inday. Lalong lalo nang hinding hindi mo 'ko mahihigitan!" "Hindi pa ba?" bara ko sa kanya. Lalo siyang nainis. "Kawawa ka naman. Look at yourself, ginagawa mo ang lahat just to fit into his worl

