"Handa ka na ba?" tanong sa 'kin ni Ken habang mahigpit na hawak ang kamay kong kasing lamig na yata ng yelo. Nakakapanibagong tawagin siya sa pangalan niya, pero ang sarap din sa pakiramdam. Parang akin na akin na talaga siya. Bumuga ako ng hangin. Kabadong kabado ako. Iwinisik ko ang mga kamay ko para mabawasan kahit papaano ang nerbyos ko. Ilang araw rin kaming magkasama ni Ken sa Baguio. Ayaw ko na sanang matapos ang mga araw na 'yon pero hindi naman pwedeng habang buhay na lang kaming tumakbo sa mga taong maaaring maging hadlang sa relasyon namin. Natapos na ang ilang araw na pantasya ng buhay namin. Oras na para bumalik sa realidad. Nasa harap kami ngayon ng gate ng bahay ng mga magulang ni Ken. Ipapakilala niya na ako sa kanila bilang nobya niya. Ilang beses ko na rin silang nak

