Hay naku Inday! Bakit? Sa dami ng lalaki sa mundo, bakit si Sir Ken pa? Mukha akong tangang kinakausap ang sarili ko sa harap ng salamin habang naliligo ako. Hindi ko naman sinasadya, eh! Kasalanan ni Sir kasi masyado siyang gwapo! Masyado siyang mabait. Kasalanan niya! Masyado siyang pa-fall! Pinigilan ko naman pero masyadong malakas ang pagkakapana sa 'kin ni kupido. Baon na baon! Sentrong sentro sa puso ko! Bahala ka Inday. Ikaw rin! Kapag nasaktan ka, 'wag kang iiyak ha? 'Wag kang magsisisi! Bakit? Hindi naman ako aasa, eh! Gagawin ko na lang inspirasyon si, Sir. Promise, hindi ako aasa. Sasarilinin ko na lang ang nararamdaman ko. Sa ngayon, iienjoy ko na lang 'yong pakiramdam, hanggang sa magising ako sa magandang panaginip na ito. Ako na mismo ang gigising sa sarili ko sa oras

