Oo na, pinagpapantasyahan ko si Sir! Bakit ba? Crush lang naman, e! Alam ko namang hanggang doon lang ako. Meron nang Irene si Sir Ken. Irene na maganda, sopistikada at mayaman. Suntok sa buwan ang magustuhan ng kagaya ni Sir. Isa lang naman akong katulong. Masaya na 'ko na nakikita si Sir araw-araw. Vitamins ang gwapo niyang mukha, ang ngiti niya naman ay energizer para sa maghapong pagsisipag! At saka, okay na 'ko na mabait siya sa 'kin, pati si Miss Irene. Alam ko kung hanggang saan lang ako dapat. Masaya ako para sa kanila ni Miss Irene, walang halong kaplastikan. Higit sa lahat, masaya ako para kay Terence, dahil buo ang pamilya niya. Si Sir ay isang pangarap lang. "Oy Lynette!" napalingon ako bigla. Nagluluto ako no'n ng ulam para sa hapunan. Nang araw na 'yon, hindi ako sumama sa

