Isang gabi ay kinausap ako ni Miss Irene. Maiiwan daw muna sa 'kin si Terence kasi may pupuntahan silang party ni Sir Ken. Baka madaling araw na raw sila makauwi. Naabutan ko pang inaayos ni Miss Irene ang bowtie ni Sir Ken nang tawagin niya ako para umakyat sa kwarto. Para silang mga celebrity sa bihis at ayos nilang dalawa. Sobrang ganda at sobrang gwapo. Lakas talaga ng chemistry ng mga amo ko. Para silang loveteam sa TV. "Ikaw na ang bahala kay Terence ha? Hanggang nine lang siya pwedeng manuod ng TV. At 'wag mong kakalimutang painumin siya ng gatas," bilin sa 'kin ni Miss Irene. "Opo Miss Irene," sagot ko. Nauna na siyang bumaba. Naiwan si Sir sa kwarto dahil nag-spray pa ng pabango. Napaka-masculine ng amoy ng perfume niya. "Ano, pogi na ba?" pinataas baba pa niya ang parehong

