CHAPTER 10

3374 Words

Ilang segundo na nakalapat lang ang labi ni Sir sa labi ko. Wari bang tinatantiya niya kung hahayaan ko siya o aalma ako. Nang maramdaman niyang ang kawalan ko ng pagtutol ay unti-unti siyang kumilos. Naging masuyo siya sa paghalik sa akin at naramdaman ko ang unti unti-unting pagtakas ng lakas sa aking mga tuhod. Patawarin ako ng Diyos, pero matatawag ko yata lahat ng Santo. Parang sasabog na ako sa nararamdaman ko! Ang sarap ng halik ni Sir. Nakakalunod. Nakakawala sa sarili. "Napakalambot ng labi mo," pabulong na sabi niya sa 'kin. Nalalanghap ko ang mabango niyang hininga. "Napakasarap..." Hinalikan niya 'ko ulit habang hinahaplos ang mga braso ko. Mariin ang pagpikit ko. Pero nang maramdaman kong lumipat ang halik niya sa leeg ko, marahan ko siyang itinulak. Umiiling ako haban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD