bc

MR. COLD PRESIDENT AND I

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
friends to lovers
heir/heiress
drama
lighthearted
scary
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"He ruled a nation. She ruled the island that changed him."Si Kairo Frost Montenegro, ang pinakabatang naging pangulo ng makapangyarihang bansa ay kilalang perpektong lider na mahinahon, mapagkumbaba at kagalang-galang.Pero ang totoo ay kabaligtaran ng lahat ng iyon.Dahil sa likod ng mga kamera, talumpati, at ng engrandeng pader ng Malacañang, siya ay isang lalaking hindi madaling lapitan, cold, suplado, tahimik at may pusong hindi mabilis magtiwala. Hanggang isang trahedya ang nagpabago sa lahat. Isang plane crash na siyang yumanig sa buong bansa. Lumipas ang mga araw ngunit hindi na natagpuan ang pangulo, walang bakas ng katawan at tanging abo at mga tanong ang naiwan. At saka siya idineklarang patay. Habang nagluluksa ang milyon-milyong mamamayan, nagsisimula namang maglabasan ang mga lihim, kasakiman, at pagtataksil sa loob ng palasyo. At habang unti-unting inaagaw ng kasakiman ang kapangyarihang iniwan niya, isang lihim ang nagsisimulang mabunyag—isang lihim na matagal nang nakabaon sa loob mismo ng kaniyang pamilya.At ang pangulong inakalang patay ng lahat ay buhay pa pala at napadpad sa isla. Sa isla kung saan walang kapangyarihan, walang posisyon, at walang korona, unti-unting masusubok ang lalaking sanay mag-utos ngunit hindi marunong magmahal. Ngunit sa isla ring 'yun napilitan siyang mamuhay bilang isang ordinaryong tao at magpapabago sa matigas niyang puso.Doon niya makikilala ang isang babaeng hindi naniniwala sa mga hari, hindi natatakot sa mga makapangyarihan, at walang balak yumuko sa isang lalaking sanay na sinusunod ng lahat.At habang hinahanap siya ng buong bansa, may mga taong gagawin ang lahat upang manatili siyang nawawala magpakailanman.Ngunit paano kung ang pinakamapanganib pala na laban ay hindi para sa trono, kundi para sa katotohanang maaaring sumira sa lahat ng kaniyang pinaniniwalaan? At kapag dumating ang araw na kailangan niyang pumili, babalik ba siya bilang Pangulo ng bansa, o bilang lalaking natutong mabuhay nang walang korona?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Tahimik pa sa loob ng Presidential Office. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng relo at ang pagkaluskos ng mga papel. Ngunit sa pinakadulong mesa naroon na at nakaupo ang pinakabatang presidente sa kasaysayan ng bansa. Si President Kairo Frost Monteverde. Dalawampu't pitong taong gulang. Nakasuot ng itim na long-sleeves na nakatiklop hanggang siko, may kurbata ngunit bahagyang nakaluwag. Nakatungo siya habang binabasa ang makapal na folder na puno ng ulat. Isang utos lang niya, daan-daang tao ang gagalaw. Isang pirma lang niya, milyon ang maaapektuhan. Isang tingin lang niya nanginginig na ang mga ministro, sundalo, at maging ang mga negosyanteng akala mo walang kinatatakutan. Sa bawat balita, sa bawat pahayagan, sa bawat talumpati, iisa ang larawan ng pinakabatang pangulo ng bansa. "Isang huwarang lider." At sa harap ng mga kamera at telebisyon, ang pangulo ay palaging nakangiti, mahinahon, at mapagkumbaba. Ha! Kung alam lang nila. Ngunit hindi lahat ng nakikita sa kamera ay totoo, At sa likod ng mga ito, ang 27-anyos na presidente ay may permanenteng simangot na parang may utang ang buong mundo sa kanya. Late ng five minutes ang meeting, cancel agad. Kapag maingay, pinapalabas, malamig Ang kape palitan agad. at pag nakipag usap ay aksaya ng oras dahil para sa kanya, ang bawat minuto ay mahalaga. Kaya hindi nakapagtataka na hati ang opinyon ng buong bansa tungkol sa kanya. May mga taong handang ipagtanggol siya hanggang kamatayan. At mayroon ding gustong ipagdasal na sana ay magbakasyon siya, nang matagal. Pero mukhang may mas malaking plano ang tadhana. Sa araw ng isang napakahalagang international meeting, nagkaroon ng aksidenteng hindi inaasahan dahil nagliyab sa himpapawid ang pribadong eroplanong sinasakyan nila at nawala sa radar. At walang katapusang headline ang nangyari sa pangulo. Nalungkot ang buong bansa, at lumipas ang araw at linggo, walang natagpuang katawan o kahit survivor. Tanging mga piraso ng nasunog na eroplano. At doon Idineklara siyang patay. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may isang lalaking nakahiga sa dabi ng dagat. Basa ang damit at magulo ang buhok. At ang malala, pagmulat ng kanyang mga mata, puno ng buhangin ang kanyang mukha. "Anu 'to?" Iritang tanung ng binata habang pinapagpag ang sariling mukha. Tahimik ang buong paligid walang bodyguard, walang sekretarya, walang tumatakbong aide. At lalong walang sumisigaw ng, "Mr. President!" Dahil sa mga oras na iyon ay nasa gitna siya ng isang malawak na isla. "Ay, gising ka na pala." Wika ng isang matandang lalaking mangingisda na napadaan lang. "Teka! Sandali, saan ka pupunta? Humingi ka ng tulong ako ang pangulo!!" Sigaw nito. "Edi, congratulations!" Sambit lang nito at nagpatuloy lang sa paglakad. At doon magsisimula ang pinakamalaking trahedya sa buhay ng lalaking sanay utusan ang lahat. Dahil sa islang iyon wala ni isang may pakialam kung sino siya. At mas lalong wala ni isang susunod sa utos niya. Lalo na sa isang dalagang unang bumungad sa kanya, nakapamaywang, nakasimangot, at may hawak na walis tingting. "Hoy, ikaw! Dahil gising kana, magsibak ka ng kahoy! Hindi 'yung matutulog ka nalang buong maghapon." "Excuse me?" Na hindi makapaniwala at bahagyang pumagting ang tenga sa narinig. "Anung excuse me? Pasalamat ka at tinulungan ka nila papang, dahil kung hindi baka palutang lutang kana sa dagat ngayon. Kaya bilang ambag mo, magsibak ka ng kahoy!" "Inuutusan mo ako? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang pangulo ng bansang ito!" Galit na sabi nito. Tumawa ng malakas ang dalaga at insulto iyon para sa pangulo. "Talaga ba? Pwes, wala akong pakialam! Kung presidente ka ako naman prinsesa." Ibinagsak nito sa harap ng binata ang palakol. At sa kauna-unahang pagkakaton ang Pangulo ng isang makapangyarihang bansa ay napahiya sa isang babaeng hindi man lang alam ang pangalan niya. At unang taong magpapaluhod sa kanyang matigas na pride. At mas masaklap? Hindi niya alam kung paano magsibak ng kahoy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.9M
bc

The Silver Wolf

read
718.3K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.3M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
938.7K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.4M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook