"THE BOARD OF DIRECTORS of Ace and Hammer Builders, is pleased to announce the appointment of Mr. Zayden Gabriel Montecillo as Chief Executive Officer. Effective January 2, Mr. Montecillo will step into the shoes of our retiring CEO, my Dad. He will oversee budgeting, personnel and strategic planning. Please join me in welcoming him." Pagpapakilala ni Ms. Nicole sa bago naming CEO. Napasinghap ako at halos napako na ang paa ko sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang bago naming Chairman- Zayn Montecillo! Hindi maaari. Lahat ay nagpalakpakan at marami ang kinilig sa mga kababaihang mga empleyado nang lumapit si Zayn, kasama sina Nicco at Art. Sinundan ko siya nang tingin ng tumabi ito kay Ms. Nicole. Ang dalawa niyang kaibigan ay umupo na sa VIP table na nakalaan para sa kanila

