Chapter 16

1001 Words

MABIGAT ANG katawan kong bumangon ngayong araw para pumasok. Magulo pa rin ang isip ko. Parang wala ako sa sarili at nakalutang ang isip ko sa maraming bagay. Kinatok ako ni Nanay sa kwarto namin ni Zayrene. Tulog na tulog pa ang anak ko. Alas sais pa lang ng umaga, alas nuebe ang pasok ko sa opisina. Mga alas otso ay susunduin na ako rito nina Jared. Pero ito ako ngayon, tinatamad at hindi pa rin kumikilos para maghanda na sa pagpasok sa opisina. "Anak?" Tawag sa 'kin ni Nanay habang palapit siya sa higaan namin. Naka-upo lang ako sa gilid ng kama at nag-iisip. Napalingon ako kay Nanay sa pagtabi niya sa akin. "Nay." Hinawakan ni Nanay ang noo ko at leeg. "Wala ka naman sakit. Bakit parang matamlay ka? May problema ba? May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD