Mari's POV “Damn it!” malakas na tinig ng isang lalaki na pamilyar ang boses sa akin. Pero ako ay tuluyan ng nanghina kaya naman napabagsak ako sa lupa. May narinig pa akong may sinasabi ito ngunit hindi ko maintindihan at umiikot na ang aking paningin. Nagkurap-kurap ako nang nanlabo ang aking mga mata. Huli ko na lamang napansin na may sumusuntok sa isang lalaki na nasa sahig. Iyon ang huli kong nakita bago ako tuluyang mawalan ng malay. May humaplos sa aking mukha nang magising ako. Napabalikwas ako dahil sa aking huling alaala ngunit nakahinga rin ng maluwag nang makita ko kung sino ang aking kasama - si Charlie. Nasapo ko ang aking noo at malakas na bumuga ng hininga. “Anong nangyari?” takang tanong ko at hinarap siyang muli. “May umatake sa ‘yo.” And I remembered it all too

