Mari's POV
Naiwan akong nakatulala hanggang sa umalis si Charlie. Halos manghina ako nang pumasok sa loob, marahil sa labis kong pagkatulala ko ay hindi ko na namalayan ang takbo ng oras at nalaman ko na lang na nandito na ang asawa ko. I was still fazed by Charlie’s action and those words that haunt me because of his lust… No. Nangyayari ang lahat ng ito dahil ramdam niya na gusto ko rin naman kung anong sinasabi niya.
Binubuhay niya lamang ang apoy na pilit kong pinapatay sa aking loob dahil natatakot ako sa aking aksyon at desisyon. Totoo naman at hindi ko alam kung paanong titigil kung magsisimula ito.
“Mari, are you even listening?” Napabalik ako sa aking ulirat nang may humawak sa aking balikat, bahagya akong inalog. “Masama ba ang pakiramdam mo?” Nilagay niya ang likod ng kanyang palad sa aking noo para alamin sa temperatura. “Hindi ka naman mainit. Are you okay, hon?”
Kita ko ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha.
Tipid akong ngumiti at inalis ang kanyang kamay sa aking noo. “Maayos lang ako. May iniisip lang.”
“Tungkol ba ito sa pag-alis ko?” Lumapit pa siya lalo sa aking tabi para mawala ang natitirang maliit na espasyo sa pagitan naming dalawa. “I really am sorry for not telling you right away. Alam kong hindi ka papayag pero kailangan ko itong gawin.”
“Wala naman na akong magagawa. You signed a contract and I know you will do it with or without my approval.” Hindi ko maitago ang aking pagkadismaya. Hinawi ko ang aking buhok at umiwas saglit para makapag-isip. To be honest, wala sa kanya ang problema ko ngayon kundi sa panggugulo ni Charlie. Napasok niya ang aking isipan lalo na ang aking katawan at hindi ko alam kung paano titimbangin ang lahat ng ito.
Tungkol sa pag-alis ng asawa ko at tungkol sa paglapit ni Charlie sa akin.
Kapag umalis si Cloud, malamang mas magiging malapit sa aking si Charlie at alam ko kung anong klaseng tukso ang kanyang dala. The seduction he has that I was familiar with is something I should be wary of.
“I wanted it.” Iyon lamang ang kanyang naging sagot. Naging malungkot ang kanyang mukha.
Ang pag-uusap na ito ay para lang talaga sabihin sa akin na kahit anong maging desisyon niya ay wala na rin naman talaga akong magagawa. Whatever it is, Cloud decided for his ambition and wants me to accept it even though it feels so unfair on my side. Asawa niya ako pero never akong naging priority ng samahan na ito.
I smiled at him. Kahit masakit, tatanggapin ko na lang din.
Lumiwanag ang mukha ni Cloud nang masabi ko sa kanya ang desisyon na gusto niyang marinig mula sa akin.
We made love after it but I felt guilty after that when there was one person who was still lingering in my mind. Mukhang huli na ako para pa pakalmahin ang patalim na dapat ay maiwasan ko. It just happened too fast that I wasn’t aware of. Baka aware naman ako pero tinatanggi ko lang kaya ganito ang kinahantungan.
Malalim na ang gabi nang maalimpungatan ako, samantalang si Cloud ay tulog na tulog.
Sinubukan kong bumalik sa tulog ngunit hindi na ako dalawin pa ng antok. Bumangon ako at kinuha ang aking phone. Hindi ko alam kung bakit ko pa ginawa ‘yon ngunit hindi ko rin gusto itong maiwan sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Walang kalatis na pumanhik ako palabas ng pinto. Dumeresto ako sa kusina. Nanatili ako doon hanggang sa pakiramdam ko ay huminahon na ang aking pakiramdam.
Naguguluhan ako, iyon lamang ang tamang salita para ipaliwanag ang aking nararamdaman.
Mayamaya ay nabagot na ako kaya nagpasya na rin akong bumalik sa aming silid. Pagtapat ko sa pinto ng silid ay kusang huminto ang aking mga paa. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone. Matindi akong napalunok at hindi agad nakagalaw sa aking kinatatayuan. Walang duda na tama ang aking hinala kung sino ang magpapadala ng text sa ganitong oras.
Isang tao agad ang pumasok sa aking isipan. Nakaramdam ako ng takot ngunit hindi ko maitago ang aking pagkasabik. Humigpit ang aking kapit sa phone habang nagtatalo ang aking isipan.
Malakas akong napabuntong hininga nang marahan kong iangat ang aking phone para tingnan kung ano ang text niya.
Unknown number:
Hope you’re sleeping well. Sorry for the late text but call me if you need me. I heard na aalis pala ang asawa mo.
I smirked and turned off my phone.
Never in my life na muli na naman akong maiipit sa ganitong sitwasyon. Buong akala ko tapos na ako sa phase na mababaliw ako kay Charlie. It was over and gone during my college year. Anong nangyayari ngayon? Bakit ganito ako? Bakit naiisip ko siya imbes na dedmahin na lang ang lahat dahil may asawa na ako at ilang taon na rin namang kasal?
I mentally shook my head as if it would rub out his memory in my mind. Binuksan ko ang pintuan at sinilip ang aking asawa na malalim pa rin ang tulog. Nilapag ko sa bedside table ang aking phone. Tumabi akong muli sa kanya, niyakap siya ng mahigpit at binaon ang aking ulo sa kanyang leeg. Inamoy ko ang mabangong amoy ng aking asawa para maalala ang kanyang scent na hindi ko pwedeng makalimutan kahit na umalis pa siya. Hindi ako pwedeng makalimot kahit na ano pa ang mangyari sa kanyang pag-alis. Kailangan kong magpakatatag kahit na sobrang lapit ni Charlie sa buhay ko.
Handa na lahat ng gamit Cloud. Ihahatid ko na siya mamaya sa airport at kanina pa rin ako palihim na umiiyak at minsan ay nahuhuli pa niya ako kaya ilang beses niya rin muna akong pinakalma. Hindi naman na ako natatakot na mag-isa o kaya naman umalis siya dahil para naman ito sa kanyang pangarap. Humupa na ang pagtatampo at pag-aalala ko para doon. Ang kinakatakutan ko ngayon ay kapag ako na lang, hindi ko alam kung anong gagawin. Maiiwasan ko ba? O mas lalo ko lang papalalain ang sitwasyon ko?
Marahil hindi na dapat ito tanong ngunit anong gagawin ko kung biglang mag-iba ang ihip ng hangin?
Natatakot ako sa aking sarili.
“I love you so much, Mari. Tatawag ako lagi sa mga oras na vacant ako. I’ll miss you,” malambing na bulong ni Cloud sa akin.
Tumango ako at tumingkayad para halikan siya bago muling umayos sa aking pagkakatayo. “Mag-iingat ka doon. Hihintayin ko ang mga tawag mo.”
He kissed the top of my head and I caught Loida looking away. Hindi ko na pinansin ang kanyang naging reaksyon dahil baka naging awkward lang siya sa ginagawa namin ngayon ni Cloud. Loida is a college friend and colleague of my husband. Silang dalawa ang magkasama sa loob ng dalawang buwan. May tiwala naman ako sa kanilang dalawa at hindi ko kaya o wala akong karapatan na magkaroon ng kahit anong paghihinala gayong ako itong may pagtatalo sa aking isipan.
Ang hirap panuorin ang taong mahal mo habang papalayo sa iyo at malalaman mo na gigising ka tuwing umaga na wala siya sa iyong tabi. Alam ko naman na madalas ay wala ang presensya ni Cloud sa bahay ngunit iba ngayon. Matindi ang aking pangungulila na hindi ko masukat ng kahit anong lambing na galing lamang sa phone.
Walang duda na mahal ko siya pero wala ring tanong sa aking puso na gusto ko rin ang binibigay na atensyon ni Charlie.
Makalipas ang ilang araw na pagtityaga na maiwasan si Charlie ay naging magaan kahit papaano ang aking loob. Hindi na rin naman niya ako masyadong kinukulit na yayain na sabay kaming kumain o umuwi. Hindi ko maisip na wala si Cloud ngayon dahil para akong nasa isang digmaan at nangangailangan ng backup para makaligtas sa matinding kapahamakan.
Charlie’s trap of seduction.
“Miss, may naghahanap po sa inyo,” bungad ng aking secretary.
Nahinto ako saglit sa aking ginagawa, bumuntong hininga. “Bakit daw?” tanong ko dahil alam ko na kung sino ito.
“Gusto niya raw po kayong makausap. Siya raw si Archt. Charlie at magkaibigan daw po kayo.”
Umiling ako. “Wala akong kaibigan na ganun ang pangalan.” Sabay ngumiti. Kinuha ko ang aking phone at tiningnan kung may text ba mula kay Cloud.
Kanina pang umaga ang text niya na good morning at ang ten minutes call namin. Iyon lang madalas ang routine namin dahil lagi siyang nasa rural area para magtrabaho. Isa pa, nahihirapan din siyang mag-update dahil madalas walang signal sa lugar nila.
“Papaalis ko na po ba, Miss?” tanong pa niya.
“Yes. Sabihin mo busy ako. I won’t entertain anymore if it’s not about the business.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya at binaba ang aking phone para muling humarap sa aking laptop.
Hindi na naman nagtanong pa ang secretary ko at umalis na. Bumalik lamang siya ulit para sabihan ako na umalis na ang naghihintay sa akin.
I took a deep breath and sigh in relief. Ngunit nagkusa ang kamay ko na mapatingin sa aking phone. Hindi ko alam kung sino ang hinihintay kong text.
Halos mapatalon pa ako nang biglang may lumabas na notification sa aking phone. Isang message galing kay Charlie.
Still, hindi ko pa rin sini-save ang kanyang number.
Unknown number:
Hanggang kailan mo ako iiwasan?
Nilapag kong muli ang aking phone at bumalik sa aking trabaho. Hindi ako nagpa-late ng uwi. I’m so exhausted with a lot of things in my hand. Missing your husband is the worst of all. Nagsend ako ng message sa kanya ngunit hindi pa rin niya ito nababasa dahil malamang wala na namang signal sa kanila o kaya naman busy siya at hindi niya mahawakan ang kanyang phone.
Pagkatapos kong maligo ay muli na naman akong nakatanggap ng text mula sa parehong numero.
Unknown number:
Let’s talk.
Hindi ko na iyon pinasin. Iyon lamang ang aking paraan para malaban ang tukso. Kahit na alam ng aking katawan na may hinahanap ito ay hindi ako pwedeng magpalamon sa kahit anong temptation.
Lumabas ako dahil naubusan na pala ako ng soju dito sa bahay. Hindi ko gusto ang wine dahil hindi agad ako malalasing. Hindi mataas ang aking tolerance pero hindi rin naman mababa. Ito lang ang mabilis na paraan para makatulog ako.
I wore Cloud’s jacket and I just decided to walk since I want to feel the night. Paglabas naman ng aming subdivision ay may convenient store naman. Tumawid lamang ako at bumili ng dalawang bote ng soju. Hindi rin naman ako nagtagal doon at nagpasya na umalis agad lalo pa’t napansin ko ang kakaibang tingin ng isang lalaki sa akin. The way he scanned my whole body was annoying and scary.
Hindi naman ito sumunod sa akin. So, I think it was just my illusion. Baka masyado lang akong nagbibigay ng masamang kahulugan sa lalaking iyon. Pero nanatili akong aware sa paligid ko nang maramdaman kong tila may nakasunod sa akin. Umihip ang malakas na hangin at napapikit ako saglit para pakalmahin ang sarili ko. Nang magmulat ay naging mabilis ang aking paglalakad. Hindi ko kilala ang lalaking iyon at ngayon ko lamang ito napansin. Hindi rin naman ako nagpapalagi sa store na 'yon kaya hindi ako pamilyar.
Bumilis ang t***k ng aking puso na tila lalabas na ito sa aking dibdib.
Ngunit bumilis din ang galaw ng lalaki, malapit na ako sa subdivision namin, malapit na akong makahingi ng tulong kaya lang nagulat ako nang may humablot sa aking braso. Nanlaki ang aking mata at bago pa ako makasigaw ay tinakpan na ang aking bibig ng isang panyo at tuluyan na nanlabo ang aking paningin.