Mari's POV
Cloud explained what had happened. Nasira ang phone niya nang mahulog ito dahil sa kanyang pagmamadali. Buong akala niya ay makakahabol pa siya sa date namin kaya lang may isang pasyente siyang biglang kinailangan ng operasyon at tulad ng sabi ni Charlie, sobrang gulo sa emergency area na kailangan nilang mag declare ng code blue.
“I’m sorry…” pagod at malambing niyang turan habang nakayakap sa akin, baon ang kanyang mukha sa aking leeg. Hinaplos niya ang aking braso. “Babawi ako. Promise.”
“I know naman,” tipid kong sagot.
Lagi naman kasing sinasabi ni Cloud na babawi siya. Ilang beses ko na nga ba iyong narinig? Ilang beses na rin ba akong umasa na babawi siya? Ilang beses ko na rin bang pilit sinasabi sa sarili ko na hindi dapat ako magtampo o magselos sa kanyang trabaho pero dumarating na ako sa puntong paulit-ulit ko na itong kinukwestyon sa isipan ko.
“Bakit hindi na lang kaya muna tayo magbakasyon para makabawi ka talaga sa ‘kin? May alam akong private resort na pwede nating puntahan. Nakita ko kanina sa isang website…” Nilingon ko si Cloud pero pikit na ang kanyang mga mata.
Nakatulog agad si Cloud at kita ko ang matinding pagod sa kanya. Nasapo ko na lamang ang aking noo at binalik ang aking ulo sa unan. Pinikit ko na lang din ang aking mga mata at natulog para makausap naman si Cloud bukas. Sana magising ako ng maaga para magkaroon kami ng oras para sa isa’t isa.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may gumalaw sa aking tabi. I blinked away and concentrated my eyes on my husband. He’s naked now, ready to take a bath. Kinuha ko ang aking phone sa bedside table at tiningnan ang oras. 4:00 a.m. pa lang at sobrang aga pa nito para sa oras ng trabaho ko. Baka kung mag-asikaso ako at umalis ng maaga ay maunahan ko pa ang guard sa company namin. Pwede akong bumalik sa pagkakatulog ngunit kailangan kong makausap ang aking asawa.
Hindi muna ako bumangon at hinintay siya na matapos. Bakas pa ang kanyang naging gulat nang madatnan akong nakaupo sa dulo ng kama namin. Ginulo niya ng tuwalya ang kanyang buhok at nagtataka ang mga mata.
“Ang aga mo naman atang nagising ngayon? ‘Di ka ba makatulog, hon?” takang tanong niya.
Umiling ako. “Nakatulog naman ako. Gusto lang talaga kitang makausap.”
“Tungkol saan?”
“Tungkol sana kung pwede ka munang magtake ng leave at magbakasyon tayo.”
Malakas siyang napabuntong hininga at umiling. “Hindi pwede.”
“Bakit naman?” Napatayo ako nang tumalikod siya sa akin at nagbihis. “Ilang araw na tayong ganito.”
“Anong ganito?” Nilingon niya ako habang binubutones ang kanyang polo. Lumapit siya sa akin pagkatapos. Hinawakan niya ang magkabila kong braso. “Hon, alam mo naman na kailangan ako sa hospital. Malapit na rin naman matapos ang shift ko. Baka next month or two months from now maging maayos naman ang lahat at makapagbakasyon tayo.”
“Ang tagal pa nun. Iyan din ang sinabi mo nung nakaraang dalawang buwan.” Pinilig ko ang aking ulo at huminga ng malalim. “Naiintindihan ko talaga na kailangan ka sa trabaho mo pero tingnan mo ang sarili mo, pagod na pagod ka na.” Inalis ko ang kanyang kamay sa akin at siya naman ang hinawakan ko sa kanyang mukha. “You need to rest. Give yourself a break and you’ll go back to your work again. Tita would understand.”
“But I can’t. Mom would understand but I can’t stop right now.”
“Bakit?”
“I need this to get promoted. Malapit na akong matapos at kailangan ko lang pumunta sa province next week kasi kailangan-”
“Aalis ka?” I cut him off. Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan at inalis ko ang aking kamay sa kanyang mukha. “Aalis ka at hindi mo sinasabi sa akin.” Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. “Next week? Two days na lang before next week at ngayon mo lang sasabihin sa akin?... Hindi. Wala kang balak sabihin sa akin na aalis ka?”
“Kasi ganito ka magrereact.”
“And what do you want me to do?!” Umatras ako at nasapo ang aking noo. Binalingan ko siya at umigting ang kanyang panga habang inaayos ang kanyang sarili para sa paghahanda na pumasok. “Kailan mo balak sabihin sa akin? Next week pa kung kailan ka aalis?”
Malakas siyang bumuntong hininga at inayos ang kanyang necktie. “Sasabihin ko sana kagabi kaya lang nagkaroon nga ng emergency. Balak ko sana ulit mamaya ko sasabihin dahil hindi ako mag-o-overtime.”
I shook my head as I felt the tears trying to flow in my eyes. “I can’t believe you,” halos ibulong ko sabay iwas ng tingin. Lahat naman sinasabi ni Cloud. Ngayon lang ata siya nagtago ng ganito sa akin at matagal bago sinabi. Alam kong maiintindihan naman talaga ni Tita kung sasabihin namin na magbabakasyon siya. Tita wouldn’t mind it! Pero alam kong mahalaga talaga kay Cloud na magkaroon ng sariling pangalan at magsimula sa baba para patunayan ang kanyang sarili.
He didn’t realize he already proved too much that he started not to care about himself.
Hinarap niya ako at pinunasan ang aking luha. “Gusto lang naman kitang makasama. Nakakalimutan mo na ang sarili mo, Cloud.”
He heaved a loud sigh. Napatitig ako sa kanyang mga mata na may malaking eyebags ngunit hindi iyon naging kabawasan sa pagiging maganda niyang lalaki. Naawa na ako sa kanya dahil pinapagod niya ang sarili niya.
“Promise, pagkatapos ko sa mission ko, magbabakasyon tayo kahit isang buwan pa. I really just need this to get promoted.”
Pag-aari na nila Cloud ang hospital pero kung ibuhos niya ang kanyang effort ay tila isa lamang siyang ordinaryong empleyado.
Suminghap ako. “Ilang araw ka dun?”
Kita ko ang matindi niyang paglunok at alam kong may kutob siyang hindi ko magugustuhan ang kanyang sagot. “Two to three months.”
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Umawang ang aking labi at hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Kapag ganito ang sitwasyon namin ay alam kong desidido na siya at hindi ko na mababago pa ang kanyang isipan.
“Pumirma na ako at hindi ko na iyon pwede pang bawiin,” dugtong pa niya.
“And you didn't ask me about it before you decided?”
“I wanted it, Mari.”
“Asawa mo ako,” pagpapaalala ko sa kanya.
“Hindi ko naman ‘yon nakakalimutan.” Tumingin siya sa kanyang relos para i-dismiss ang usapan namin at dahil na rin sa may pasok pa siya. Alam kong kailangan niyang umalis pero hindi ko mapalampas ang isyu na ‘to.
“Cloud…” may pagbabanta sa aking tono.
“I have to go. Pag-usapan na lang natin ‘to ng maayos mamaya kapag nakauwi ako. I promise na hindi ako magtatagal.” I was too stunned to speak. Hinalikan niya ang aking noo bago inalisan ako para kunin ang kanyang gamit at tuluyan na umalis sa kwarto namin.
Ilang segundo rin akong napatulala bago makabalik sa ulirat.
“Cloud naman. Pwede bang magpahinga ka muna?” Sinundan ko siya hanggang sa sala. “Hindi naman tayo kinukulang sa pera kaya bakit mo sobrang pinapagod ang sarili mo? Gusto ko lang naman na magpahinga ka kahit isang linggo. Maiintindihan ka naman nila at hindi lang naman ikaw ang doctor sa hospital na ‘yon,” mahaba kong katwiran. At hindi ako mapapagod na sabihin iyon ng paulit-ulit para lang magkaroon siya ng panahon sa kanyang sarili.
Nilingon niya ako at pagod na tiningnan. “Gusto ko lang na suportahan mo ako at mamaya ipapaliwanag ko sa ‘yo ang lahat.”
“You want me to calm down but you’re hiding your plan from me. And now, gusto mong suportahan kita? Kailan ba ako hindi sumuporta sa ‘yo? I always support you but why are you doing this to me?” naluluha na naman ako. I blinked away the tears and looked away.
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking mukha. Pinatingin niya ako sa kanyang gawi, nagtama ang aming mga mata. “I know you are my number one supporter. Mahal kita, Mari. Sana hindi nito masira ang pagsasama natin. Alam kong may kasalanan ako sa ‘yo dahil hindi ko agad nasabi pero please, pag-usapan natin pag-uwi ko.”
Tumango na lamang ako dahil kahit anong sabihin ko ay hindi na rin naman talaga magbabago ang kanyang isipan. His decision is final and I can’t change it anymore.
Pumasok na rin ako sa aking trabaho ngunit hindi maalis sa aking isipan ang nagbabadyang pag-alis ng aking asawa. Nawala na sa aking isipan ang trabaho ko kaya naman hindi na rin ako nagtagal doon at umuwi na. Nakapagpaalam naman ako sa aking boss at pinayagan ako. Buti na lang din ay hindi naman nagpakita si Charles. Masyadong magulo ang aking isipan at hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling magpakita siya matapos nang ginawa ko kagabi.
That was my fault and I hate myself for doing that. Pero kahit ano pang pagsisisi ang gawin ko ay wala rin namang mangyayari dahil tapos na ang ginawa ko. Last night, I came because of my dirty thoughts with him.
Nasa bahay na ako nang madatnan ko si Charlie na nasa tapat ng aming bahay. Nanlaki ang aking mga mata at siya ay binusinahan ko para makuha ang kanyang atensyon. Agad akong bumaba sa aking sasakyan at malakas na sinarado ang pintuan nito.
Seryoso ang kanyang tingin na kinatakahan ko. Dapat magloloko siya o kaya naman aasarin ako bilang pagbati ngunit wala siyang naging reaksyon hanggang sa makalapit ako sa kanya.
“Ano na namang ginagawa mo dito?” Imbes na sumagot siya, labi niya ang binigay niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at tinulak siya ngunit hindi man lang siya natinag at dinala pa ako hanggang sa mapasandal ako sa pader.
Nanghina ako sa kanyang mapupusok na halik at hindi ko na mapigilan ang aking sarili na tumugon. Ngayon lang siya nagparamdam at hindi ko alam kung bakit ganito siya. He confused me so much and this is so wrong. Pero halos mawala na ako sa aking sarili nang ipasok na niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Hindi na ako makalaban pa dahil gusto ko rin naman ang mga nangyayari.
Hindi naman siya lasing kaya alam kong nasa tamang pag-iisip siya para gawin ang mga ito.
Ngunit siya na rin ang kusang tumigil at umatras. Hinihingal kaming dalawa at parehas na namumungay ang mga mata. Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang dibdib ngunit wala namang pinagbago sa t***k ng kanyang puso.
Tulad ng dati, ganun pa rin talaga.
Wala siyang nararamdaman.
“B-bakit mo ‘yon ginawa?” takang tanong ko at tinulak na siya sa akin.
“I want you.”
Natigilan ako sa kanyang sagot. Lumayo ako sa pagkakakulong sa kanyang mga bisig lalo pa’t tinatraydor na ako ng aking katawan. Mainit pa rin sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Hindi ako pwedeng lumapit sa kanya. Tila ngayong nandito siya ay nawala sa akin ang dahilan kung bakit maaga akong umuwi.
Nababaliw na talaga ako.
“Umayos ka nga, Charlie! Ilang beses ko bang sasabihin na may asawa ako-”
“Ilang beses mo rin bang itatanggi na gusto mo ako. We can do it like what we did before.”
“It’s not right! This is fvcking forbidden, Charlie! Naririnig mo ba ang sarili mo?!” singhal ko sa kanya.
Kailangan ko ‘tong labanan. Kailangan kong gawin ang lahat para makalaya sa ganito. Hindi ko pwedeng hayaan na maging magulo ang buhay ko tulad noon dahil na naman sa iisang lalaki. Kahit na may pagtatalo kami ni Cloud kanina ay hindi ko hahayaan na lamunin ako ng init ng aking katawan.
Kailangan kong patayin ang upos na unti-unting sumusunog sa aking pagkatino.
Lalagpasan ko na siya dapat siya. “Umalis ka na dahil maagang uuwi ang asawa ko,” mariin kong sabi.
“No, Mari.” Hinarangan niya ang aking daan at humakbang papalapit sa akin. Halos mabuhay muli ang tensyon ng aking katawan. “Hahanapin mo ako. Hindi mo ako matatagpuan at ikaw mismo ang magmamakaawa sa akin para lapitan mo. You want this and I knew it and your body knows it,” mariin niyang sambit na halos pabulong. “Kung nakikita mo lang ang nakikita ko, malamang malalaman mo na kailangan mo ako, kailangan natin ang isa't isa tulad noon."
Umiling ako bilang pagtanggi sa kanya. "Call me if you need me,” dugtong pa niya.