Quielle
Takot. Iyon lang ang bumabalot sa’kin ngayon. Para sa maraming rason, sa pagitan naming tatlo.
Una, takot akong mas makasakit si Sandro, lalo pa at pinsan niya ito. Ayaw kong magkasakitan sila. Kaya kong palipasin itong nangyari at kalimutan na lang para hindi na lumaki ang gulo. Pangalawa, para kay Quino. No matter what he did, he’s still a dear friend to me. I don’t want to see him getting hurt this way. Tama na iyong tinanggihan ko siya at nagdesisyong itigil na ito. Wala kaming patutunguhan dahil hindi ko siya gusto sa ibang paraan. He may be fitter now pero mas malaki pa rin ang kaha ni Sandro. Sa tingin ko, kung magpapatuloy ang gulo rito, lamang na lamang si Sandro kesa sa kanya.
At panghuli, hindi ko makakayanan kung malalaman nilang…may namamagitan sa amin ni Sandro sa ganitong paraan.
It sounded selfish but I don’t think I’m ready for this.
“Tama na,” pagsusumamo ko.
His breathing labored. Matalim at marahas ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Galit siya, alam ko. Pero hindi iyon para sa akin. Para iyon kay Quino.
“Stay away from this, Kuya Sandro!” Sigaw ni Quino sa kanya. “Huwag kang nakikialam sa amin! Away naming dalawa ‘to!”
Marahas niyang binalingan si Quino. Triggered by his words, one step closer to him, Sandro grabbed his collar shirt and give him another punch in the face!
“Oh my god!” I shrieked out.
“You’re lucky, she’s here.” He said dangerously. “I don’t want her to see how violent I am when she’s hurting.”
Kumalabog ang dibdib ko. Hindi niya makontrol ang sarili niya! He might say more things if he won’t stop. Ayaw ko ng ganito! I planned this all along and if they won’t atop fighting, then they will know about us any moment.
Hindi ko na pinigilan pa silang dalawa sa pag-aaway nila. Ako na ang umiwas at iniwan na sila ro’n. I heard both of them calling my name but I didn’t bother minding them.
Mabilis ang mga naging kilos ko. Sumampa ako sa motor at mabilis na pinasibad iyon palabas ng gate ng bahay nila Quino. Ni hindi ko na nagawa pang magsuot ng helmet. Nakalabas ako ng subdivision nila na hinihingal, only to realized that I’ve been breathing irregularly. I was holding my breath because I am nervous. Hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos!
“s**t…” sinuklay ko ang sabog na buhok ko. “s**t!”
I was palpitating the whole time until I went home. Hindi mawala sa utak ko ang nangyari kanina. Nadatnan ko pa silang busy sa pagpe-prepare ng mga ihahanda para sa media noche. They called me but I refused to join them in the kitchen.
I was never so nervous like this my whole life. Parang nakagawa ako ng maaming kasalanan. No…hindi parang…dahil talagang nakagawa ako ng malaking kasalanan at isinasakdal ako. I feel so f*****g guilty knowing that I made my mistake for making Sandro as my boyfriend while I haven’t cleared things with Quino yet.
It’s definitely cheating! I cheated! I am a cheater!
Bumuhos ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. Bakit ba hindi ko naisip ‘to noon? I was so selfish! Sarili ko lang ang iniisip ko. I was aware of it but I was blinded with my feelings with Sandro. I liked him…and eventually…fell in love.
I fell in love.
I scoffed and reprimanded myself. Sigurado nga ba akong mahal ko siya? Hindi ko rin alam. Pero aaminin kong iba ang epekto niya sa akin. I can be comfortable even I’m not in my best. He can make things lighter whenever he’s around. I can be myself when I’m with him. I feel so secured in his arms. His presence in my life gave me another purpose to pursue more. To dream more.
Kay Quino, iba. The belongingness that he made me feel is so pure. I started to believe and accept myself, including my flaws. He witness my inner devils and happy moments. He knew me even before we started to realize that we’re different because of the society that we live in. Ni hindi namin naramdaman sa isa’t-isa na magkaiba kami. Para sa kanya, kapantay niya ako. Hindi ako iba.
At mahal niya ako.
Mahal…naisip ko…
Mahal ba ako ni Sandro?
He told me that he liked me. We kissed. We hugged. We made out in his condo. But…does he has feelings for me?
Nakatulugan ko ang pag-iisip. Napagod ang utak kong magproseso sa mga bagay bagay. Hindi tuloy ako nakatulong sa pagpe-prepare ng handa. Pero sinigurado kong mag-aambag ako sa bahay mamaya.
“Ako na ang maghuhugas ng lahat ng ginamit niyo sa kusina!” Deklara ko sa kanila nang makababa ako at makapag-ayos ng sarili.
Nagbunyi ang mga pinsan ko sa sinabi ko.
“Sa wakas! Makakakain na rin ako nang hindi iniisip ang mga hugasin!” Sabi ng mga pinsan ko.
I giggled and joined them in the party like nothing happened earlier this morning. Nakisaya ako, nakipagtawanan, at nakisali sa mga parlor games na inihanda nila. Pagpatak ng alas dose, nag-ingay na ang lahat dahil sa iba’t-ibang klase ng paputok at kahit ano’ng bagay na pwedeng makalikha ng ingay.
I totally forgot everything that had happened for a while. Kung sasagi man ulit sa isip ko, agad kong binubura iyon, making myself busy again with other things.
“Ate bitawan raw ‘yan,” sabi ni Chico sa akin habang naghuhugas ako ng mga pinggan.
Nilingon ko ang nakababatang kapatid ko. Matapos naming kumain lahat at mukhang wala nang may balak pang matukso sa hapag, nagsimula na rin akong magligpit ng mga ginamit sa kusina.
“Sige lang, Chico. Ako na’ng bahala rito,” sagot ko.
May mangilan-ngilang bula pang dumikit sa kamay ko. Patapos na ako sa mga plato. Isusunod ko na ang mga kutsara. Pero nang inabot niya sa akin ang cellphone ko, tumaas ang kilay ko’t sinulyapan siya ng may pagtataka.
“Kanina pa may tumatawag sa’yo, Ate Quielle. Si Nanay na ang nakasagot kaya ang sabi niya sa’kin, patigilin ka na raw diyan at dalhin ko raw dito sa’yo.”
Nagbuga ako ng hangin. Ilang oras ko ring hindi na-check ang cellphone ko. Sinadya ko ‘yon para hindi ko maalala ang nangyari kanina.
Ayoko nang dagdagan ang iniisip ko. My guilt overflowed my system with what had happened. Kung pwede lang, ayoko na munang makatanggap ng kahit na anong text at tawag mula sa kahit kanino, partikular kay Quino at Sandro.
Pero nag-ring ulit ang cellphone ko. And when I saw Sandro’s name regiatered on my screen, kumabog ulit ang puso ko.
Pinunasan ko ang kamay kong basa pa sa apron na suot ko. Kinuha ko kay Chico ang phone. Pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba ‘yun o hindi. Nandoon pa rin kasi yung takot ko. Baka mamaya pa, hindi ko na alam ang sasabihin at lalo akong mataranta.
“Sige na, Chico. Thank you!” Nakangiti kong sinabi sa kapatid.
Kumaripas ng takbo ang kapatid ko papuntang sala para makipaglaro pa sa mga pinsan kong gising pa. I quickly scanned my notifications. May mga text galing sa mga classmates ko, kay Trina, na paniguradong holiday greetings lang. Iba pa ang mga chats sa group namin.
Missed calls at texts naman kay Quino ang natanggap ko na hindi ko na muna binasa. I don’t want to entertain my thoughts about him yet.
Ganoon din kay Sandro. 21 missed calls at iba pa ang mga messages at chats ang natanggap ko. Hindi ko na rin sana bubuksan iyon pero ang huling text na natanggap ko sa kanya ang pumukaw sa atensyon ko.
Sandro:
I’m here in your subdivision. One block away from your house.
My lips parted when I read his message. Nandito siya! Pinuntahan niya ako!
My heart raced and started to feel nervous. Bakit siya nandito? May sasabihin ba siya? May nangyari bang hindi maganda?
I gulped and checked the time of his text. It was almost twenty minutes ago. Nandoon pa kaya siya? Malamang siguro dahil tumawag lang siya kanina.
“Tsk! Bahala na!” Bulong ko sa sarili.
Isiniksik ko sa back pocket ng denim mini skirt ko ang cellphone ko. Naghugas ako ng kamay para matanggal ang lagkit ng sabong panghugas ng mga pinggan. Mabilis ko ring hinubad ang apron ko at pinasadahan ang sarili sa salamin. Okay naman ang itsura ko. Kaya nang makalabas ako sa bahay, si Nanay agad ang hinanap ko pero si Darwin ang nabungaran ko.
“Si Nanay?” Tanong ko sa kanya.
“Nasa taas, Ate. Pinapatulog si Charlene.” Sagot niya.
Nasa labas pa ang mga lalaki kong pinsan, nag-iinuman sa may garahe. Hindi ko alam kung kanino magpapaalam. Baka tulog na rin si Nanay dahil sa pagod.
“Alis muna ako saglit, ah? May kikitain lang ako.” Paalam ko sa kapatid.
Tumaas ang isang kilay niya. “Saan? Madaling araw na, ah?”
“Sandali lang ako! Promise! Hindi ako magtatagal!” I said impatiently.
“Lalabas ka ba sa subdi? Ihatid na kita.” Alok pa niya.
I panic. Hindi niya pwedeng malaman kung sino ang pupuntahan ko dahil hindi pa naman kami open ni Sandro sa publiko. Aside from the fact that we are in a secret relationship, he also has a name to maintain in the public.
He is first born of the eldest Villanueva. An excellent, young rising magnate, and also, a hot bachelor in town.
“Hindi na! Basta babalik ako agad.” Ani ko.
Hinayaan na ako ng kapatid ko. Dahil pare-parehong may mga tama na ang mga pinsan ko, hindi rin nila napansin ang paglabas ko sa gate. Lakad-takbo ang ginawa ko para marating ang kanto. I saw some familiar vehicles but I couldn’t see Sandro’s car.
Nanghina ako bigla. Naging marahan ang mga kilos ko. I suddenly felt so down. Nainip na siguro ‘yon kaya umalis na.
Bahagya kong sinisi ang sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang kausapin sa cellphone. Hindi ko naman siya kaharap doon kaya siguradong mas malakas ang loob kong sabihin ang mga naiisip at nararamdaman ko.
Ang arte ko kasi! Nakakainis!
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa sa likod ko para tawagan siya. Hindi pa naman siya siguro nakakalayo. Saka dumayo siya rito eh. Siguradong gusto niya akong makita. May sasabihin ‘yon sa akin.
I was about to dial his number when I noticed a black vehicle on the other side of the road. Bumukas kasi ‘yon. Madilim man, alam ko kung kaninong bulto iyon.
Kay Sandro.
Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa. He was standing there, looking so gorgeous. Biglang gusto ko na lang siyang yakapin ng mahigpit at sumiksik sa matipuno niyang katawan. I wanted to hug him, feeling his arms around me. It makes me feel so safe and comfortable. As I rest my head on his chest, it calms me everytime I hear his heart thumping.
Out of frustration, mabilis ko siyang sinalubong ng yakap. Hindi niya ako binigo. Agad naman niyang ipinulupot ang mga braso niya sa katawan ko at sinuklian ang yakap ko ng mahigpit ngunit masuyo.
Hindi ako nagsalita. Ganoon din siya. Nagyakapan lang kami na parang kaytagal naming hindi nagkita. The tears that pooled on my eyes fell on my cheeks. Milagro ring naglaho na parang bula ang lungkot na naramdaman ko kanina.
Damn! This is his effect on me. Something that I haven’t felt with anyone.
“Sorry,” my voice muffled on his hard chest.
He chuckled. “Bakit?”
Bahagya kong inilayo ang sarili sa kanya para salubungin ang kanyang mga mata. Namumungay ang mga ‘yon. He was smiling but his eyes looked hopeless and wary.
“Gaano ka na katagal na naghintay dito?”
He smiled a bit. “Two hours.” Sagot niya.
Sumimangot ako. “Pumunta ka na lang sana sa bahay! Ang tagal mong naghintay!” I said guiltily.
Mabini niyang hinaplos ang pisngi ko. “I thought you won’t like seeing me after what happened earlier. Hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko.”
I regretted that I ignored him. Pwede ko naman talagang sagutin ang mga tawag at text niya pero pinili ko talagang ignorahin siya!
Niyakap ko siyang muli. Para akong batang nagmamaktol. He chuckled and hugged me tighter.
“I’m sorry,” I said again. “But why are you here?”
Isiniksik ko ulit ang mukha ko sa dibdib niya. I always loved his perfume. And his natural scent, it’s addicting to smell. Kaya mas gusto kong laging nakayakap sa kanya, eh.
“I want to see you.” Mataman niyang sagot.
“Para ano? Bumati?” Sarkastikong tanong ko sa kanya.
He smirked. “Today is my birthday, baby.”