Quielle
“Why are you here?” He asked. Nakatalikod pa rin siyang nakahiga sa direksyon ko.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. For several years that I’ve known him, kabisado ko na siya.
Nagtatampo ito sa akin.
Lumapit ako sa kama niya para maupo roon. Umusod siya kahit may kaunting distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. Ayaw niyang lapitan ko siya. It’s so obvious. But I am persistent to get his attention.
“Quino,” tawag ko sa kanya.
Hindi siya umimik. Nanatili siya sa ganoong ayos. Paano ko ba ‘to makakausap ng matino? Kapag ganito pa naman siya’y hindi nakikinig sa sinasabi ng kahit kanino. Kahit sa akin.
Parang lumalabo ang tiyansa kong makausap siya tungkol sa desisyon kong itigil na naming dalawa ang relasyon naming nabuo lang sa mapaglarong usapan. Pero ang sabi niya, babalik na siya bukas ng hapon sa Academy. This is the only time I’ve got. Kung hindi ngayon, hindi ko alam kung kailan ulit kami magkakausap.
I sighed. Tumayo ako para umikot sa kung saan siya nakaharap. Nadatnan kong nakamulat siya pero nang mahagip niya ako ng tingin ay sumimangot lang.
I chuckled lightly. Parang bata.
“Quino naman! Ayaw mo talaga akong kausapin?”
“Bakit? Eh ayaw mo ngang makipagkita sa akin kahapon.”
Naupo ako sa paanan ng kama niya.
“Eh kasi nga may kasama ako!”
Umahon siya mula sa pagkakahiga. Naglebel ang mga mata namin. Nakasimangot siya habang natatawa ako sa itsura niya.
“Dati naman, kahit may kasama ka, sumasama ka sa akin? Ngayon, hindi na?”
I sighed again. Paano ko kaya ieentrada ang sasabihin ko?
“Quino…” ngumuso ako. “Hindi na tayo mga bata. Lumalaki na ang mundo natin pareho. I’ve got to meet other people, too. Make friends with them. Gano’n ka rin naman, ‘di ba? Huwag mong sabihing hindi ka nakahanap ng mga kaibigan sa loob ng academy?”
Mataman niya lang akong pinagmasdan, tila pinag-aaralan ang bawat reaksyong nakikita niya sa mga mata ko. I smiled to give him something that will make him feel comfortable with my answer.
“But I am your boyfriend, Quielle. Will it hurt you if I’ll ask for some time just to be with you?” May bahid ng sakit sa dibdib ang dating ng tanong niya sa akin.
Tumikhim ako. This is it. This is my chance to tell him what I wanted to happen.
“Quino…tigilan na natin ‘to.” Mahinang usal ko.
Kinakabahan ako. Halos hindi ko masabi ng tuwid ang mga binitawan kong salita. Pakiramdam ko, malulunok ko ang dila ko sa kaba.
Nag-angat ako ng tingin. Nakakunot ang noo niya habang kritikal akong pinagmamasdan. Iniwas ko ang mga mata ko dahil hindi ko kayang makipagsabayan ng titigan.
“Bakit?” Masusing tanong niya sa akin.
Umiling ako. “A-Ayaw ko na, Quino. Itigil na lang natin 'to. 'Di ba sabi mo, pwede namang kumalas kapag ano..." hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.
Nag-igting ang kanyang panga. Iniwas niya ang mga mata niya sa akin. Tila nag-iisip. Pero nang muli niya akong harapin, nadepina ang galit at dilim sa kanyang mukha.
"Do you like someone else?" his voice sounded dangerous.
I gulped. Hindi ako nakasagot.
He scoffed. "Hindi mo lang ako nakakasama palagi, nagkagusto ka na sa iba."
I tiredly exhaled because I cannot bear the guilt I'm feeling now.
"Quino," tawag ko sa kanya. "You are my friend. My best friend. Noong pinag-usapan natin 'to, I-I don't have any special feelings for you..."
Hinawakan niya ang kamay ko. Ginagap niya iyon. Mahigpit, pero ramdam ko ang panginginig nito.
"But I do," nagsusumamo ang mga boses niyang sagot sa akin.
Lumapit siya sa akin, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Ang libreng kamay niya ay sinapo ang pisngi ko.
"Quielle, I have feelings for you ever since. H-Hindi ko lang masabi noon dahil natatakot akong...natatakot akong baka layuan mo ako."
I bit my lip. I didn't notice that before. Hindi ko binigyan ng malisya ang pagiging malapit namin sa isa't-isa. The way he cares for me, I thought it was pure friendship. Siya lang naman ang naging malapit na kaibigan ko kaya espesyal siya sa akin.
But not..romantically.
Not the way...I feel for Sandro.
"Ano bang ayaw mo sa akin? Babaguhin ko." malambing niyang bulong sa akin.
Umiling-iling ako. Unti-unti kong nalalasahan ang pait ng konsensya ko. I cannot do this anymore. We need to stop this now.
"Wala," sinalubong ko ang kanyang mga mata.
He looked miserable now. My heart hurt looking at him this way. I don't want to see my dearest friend hurting because of this. Sana pala nag-isip ako ng maayos. Sana pala hindi na ako pumayag sa sinabi niya noon.
"Then why? Pwede naman nating ituloy pa rin 'di ba? I know you don't like me the way I feel for you but you will fall for me, eventually. Paghihirapan ko ang damdamin mo para sa akin." Nagsusumamo niyang sinabi sa akin.
I saw tears pooled on the sides of his eyes. Nagbabadya na iyong bumagsak. Nang hawakan ko ang kanyang panga para haplusin iyon ay napapikit siya, dinama ang bawat hawak ko sa kanya. Then his cheeks started to drown with his tears.
Tangina! Ano na ang gagawin ko?!
"Please don't be like this, Quino. Kaibigan pa rin kita. Itong relasyon lang na 'to ang ititigil natin. We won't cut cords. I'm still here," gumaralgal ang boses ko dahil naiiyak na rin ako.
Bakit? Bakit ako naiiyak? Dahil ba sa awa?
"Quielle, I'm falling for you..." aniya.
Umiling ako. "Please don't make this hard for me...for us."
Umiling-iling din siya. Hindi niya na dinugtungan pa ang mga sinabi ko. Hindi na rin ako nagsalita pa, marahil ay nag-iisip na siya ngayon sa mga sinabi ko. I know him. Though he's a little persistent, he will understand me. He will realize what I wanted to happen.
Pero...hindi. Mukhang hindi niya naintindihan. Dahil halos hindi pa lumipas ang isang minuto, inatake niya ako ng halik sa labi ko.
I was shocked with what he did. Nanigas ako sa kinauupuan ko. With my eyes widened in fraction and my lips parted, he thought that I like his kisses. His tongue easily made his way to enter my mouth, roaming freely. As I regained my thoughts, my mind immediately told me to push him away from me!
"Uhm!" iniwas ko ang labi ko sa kanya. Pero bumagsak naman ang mga labi niya sa panga ko.
"Quino!" Impit kong sigaw sa kanya.
What is he doing? Damn it!
Bumaba ang kanyang mga labi sa leeg ko. Iniwas ko iyon, pero nagmumukhang parang binibigyan ko pa siya ng espasyo para samantalahin ang pagkakataon. I tried to push him but he was stronger! He freed my hand and wrapped his arms on my back to pull me closer to him.
I was about to shout for his name again to stop him when the door opened widely. Buong lakas ko siyang itinulak. Hindi niya siguro iyon inasahan kaya nabitawan niya ako at nakalayo ako sa kanya!
Abut-abot ang kaba ko nang lingunin ko ang pintuan. Si Ate Yael ang naroon!
"Ate! Kumatok ka naman!" inis na untag ni Quino sa kanya.
Ate Yael chuckled. "I'm sorry, okay? I've been calling you guys pero hindi kayo sumasagot!" nakangisi siyang sumagot sa kapatid niya.
Her gazes went to mine. Napalunok ako. Ramdam ko pa rin ang puso kong sobrang lakas sa pagtahip nito. Nangunot ang noo niya, tila may napagtanto sa itsura ko.
"We're talking! Sana hindi mo na kami pinasok kung hindi kami sumasagot!" Inis na sagot niya sa nakakatandang kapatid.
Nilingon niya ulit si Quino. Napansin ko ang pagdilim ngayon ng itsura niya. Ano 'yon? Galit ba si Ate Yael?
"That not what I saw, bro." medyo nagulat ako sa timpla ng boses niya. "Labas na kayo. Nandyan sila Tita Grae at Tito Alfie. Sandro and Annika are with them, too, together with her husband." may awtoridad na utos niya sa aming dalawa.
Kung kinakabahan na ako kanina, ngayon ay para akong nanghihina. Nasa baba ngayon si Sandro! Hindi niya alam na pumunta ako ngayon dito. Well..he knew my plan about talking to Quino but...not today! And...not that he'll know that I was with Quino on his bedroom!
Ang naiisip ko na lang ngayon ay sana'y hindi niya malamang dito kami nag-usap. I don't want him to know, too, that Quino kissed me. Ayoko na ring gawing big deal iyon. Hindi ko na sisingilin si Quino sa mapangahas na ginawa niya dahil alam kong nagawa niya lang 'yon dahil sa nararamdaman niyang dismaya at desperasyon.
Tumayo ako at inayos ang sarili. Bahagyang nalilis ang pang-itaas na suot ko dahil sa kagagawan ni Quino. Ang nagulong buhok ko ay mabilis kong pinasadahan ng mga kamay kopara suklayin iyon gamit ang mga daliri ko. Quino lazily stood up, too. He went outside first, kasunod ko.
Mabilis ang paglakad niya. Hindi niya ako hinintay. Marahan lang mga kilos ko kaya nang abutin ako ni Ate Yael, alerto akong napalingon sa kanya.
"Quielle, is there anything you want to tell me?" she sounded concerned.
Mataman ko siyang pinagmasdan. I know that she knows something when she entered the room. Naramdaman niya siguro ang pagiging hesitant ko sa kapatid niya nang datnan niya kami sa loob ng kwarto niya. Pero kung sasabihin ko, siguradong malilintikan naman si Quino. I already broke his heart today. I don't want to add up his frustrations.
Knowing Ate Yael, she's stiff and very disciplined. Baka kagalitan niya si Quino.
Buong tapang akong ngumiti at saka umiling.
"Ate, wala 'yon. Ano lang..ahm..." kinamot ko ang sentido ko dahil hindi ko na alam ang idudugtong ko sa sasabihin ko.
Sandali niya akong pinagmasdan. Parang may hinahanap na kung ano sa mukha ko. Then before I can add up something to what I said, ngumiti siya akin.
"Well, it seems like you're both doing fine with each other," I saw her grinned.
Ngumuso ako. "Huwag mo na lang po sabihin sa iba, please..." I said.
Tumangu-tango siya, nakangisi na ngayon.
"Saluhan mo kami sa baba. Ipapahatid kita kay Quino mamaya. Si Dad kasi, kasama niya ang tatay mo."
Umiling ako. I broke up with Quino. The last thing I want to do is to go home now so that I can give him some time to realize what I've said. Saka hindi yata tamang nandito pa ako at makisali pa sa kanila dahil pampamilya lamang iyon.
"Hindi na po, uuwi na po ako. Saka dala ko po ang motor ni Tatay." magalang kong tanggi sa kanya.
"Well, atleast tell to Quino that you're leaving?"
Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan. Bumaba na ako kasabay niya. Nasa living area silang lahat, nag-uusap. Halos hindi na ako makapagsalita sa hiyang nararamdaman ko. Kaya naging mabilis na rin ang pagpapaalam ko sa kanila.
Hindi ko matingnan si Sandro. Ramdam ko ang intensidad ng titig niya sa akin. I felt a familiar feeling. Ganito rin noon ang nararamdaman ko sa tuwing nasa paligid ko siya. Parang tumatagos ang bawat titig niya sa akin.
Iba nga lang ngayon dahil pakiramdam ko, may tinatago akong kasalanan sa kanya kaya halos ayaw ko siyang tingnan.
"Ihahatid na kita," si Quino.
Tumayo siya at inabot ang siko ko. Mabilis kong sinulyapan si Sandro. He looked dark and mad. Bumaba ang mga mata niya sa siko kong hawak ni Quino at nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya bago niya tuluyang iniwas ang mga mata niya sa amin.
"Nag-motor ako." bulong ko.
"Kahit sa labas lang," pilit niya.
I inhaled and nodded to cut the conversation. Nagpaalam siyang lalabas lang sandali. Nang marating namin ang parking area, marahan niya akong hinila para iharap sa kanya.
"Hindi ako pumapayag sa gusto mong mangyari." aniya.
I sighed. "Nakapag-desisyon na ako, Quino."
"Give me a good damn reason so I can accept your decision." mariing sabi niya.
Nainis ako sa tono ng pananalita niya. He's so demanding. Nakakairita.
"Hindi ba pwedeng ayaw ko lang?” Inis na tanong ko pabalik sa kanya.
Tinalikuran ko siya para isuot na ang helmet. Pero bago ko pa mahawakan iyon, sapilitan niyang hinila ang braso ko para lang maharap ko siya ulit.
“Sagutin mo ang tanong ko!” Iritadong sabi niya!
Dahil sa pwersa at higpit ng pagkakahawak niya sa akin, nakaramdam ako ng sakit sa ginawa niya. Ngumiwi ako sa naramdaman at napaigik pa ako.
“Aray! Quino!” Piglas ko.
Nagkapisikalan na rin kami noon pero hindi pa kailanman umabot sa ganitong paraan. Laro lang namin iyon noon at halos hindi ko maalalang nasaktan ako na tulad ng ganito ngayon.
“You’re lying to me!”
Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
“Pwede ba! Bitiwan mo ako!” Tumakas sa boses ko ang sakit na nararamdaman ko.
At sa puntong ito, nakaramdam ako ng pangamba para sa sarili ko. I know that he’s hurt now but I never thought that he would resort to this.
“Quino!” Palag ko sa kanya!
“Bitiwan mo siya!” Narinig ko ang kulog ng boses na pamilyar sa akin.
Pareho naming nilingon ang direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Bumalandra ang madilim at galit na galit na mukha ni Sandro. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Nangangalit ang kanyang panga habang ang mga mata niya’y parang nagpupuyos sa galit.
Mabilis niyang tinahak ang pagitan naming dalawa ni Quino. In just a few seconds, he reached my hand, freeing me from Quino’s hold, and put me behind him. Hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa niya, nanlaki ang mga mata ko nang itulak niya sa dibdib si Quino at bigwasan ng isang suntok sa mukha nito!
“Sandro!” Awat ko sa kanya!
Shit! This shouldn’t be happenning! Iskandalo ‘to! Ayaw ko ng ganito!
Gulantang si Quino nang makabawi siya sa pagkakasuntok ni Sandro sa kanya. Sa lakas kasi no’n, napahandusay siya sa sahig at kitang-kita ko ang pagputok ng labi niya.
My eyes widened as blood started to drip on the sides of his lips. Aaluin ko na sana siya pero pinigilan ako ng matipunong braso ni Sandro.
“Wala kang karapatang saktan siya!” He said with a voice like a booming thunder.
Awtomatikong pumulupot ang mga braso ko sa kamay ni Sandro nang makita kong susugurin pa niya ang pinsan niya. Marahas niya akong nilingon. Umiling-iling ako, naiiyak na sa sitwasyon naming tatlo.
Takot. Iyon lang ang bumabalot sa’kin ngayon. Para sa maraming rason, sa pagitan naming tatlo.
Una, takot akong mas makasakit si Sandro, lalo pa at pinsan niya ito. Ayaw kong magkasakitan sila. Kaya kong palipasin itong nangyari at kalimutan na lang para hindi na lumaki ang gulo.