Quielle
We stayed in the exclusive room for a while. Nakaharap ako sa glass wall habang pinapanood ang mga taong nag-eenjoy sa baba. Meanwhile, Sandro’s behind me, wrapping his arms around my waist, as he rested his chin on my shoulder blades.
He almost made it to my neck, inhaling every part of it. His nose traced my skin from my shoulder up to my ear, then slightly kissed it.
I smiled as I winced from the ticklish sensation I felt from what he had done. Tinampal ko ang kamay niyang nakapulupot sa katawan ko.
“Tigilan mo ‘yan! Nakikiliti ako!” Natatawang sabi ko.
He chuckled sexily. Nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya, kasabay ng nakakalokong pagtawa niya. His voice sounds so low and sexy. Ang sarap pakinggan, hinding-hindi ka magsasawa.
“Sorry,” he kissed my bare shoulder. “Ah, you’re mine now.”
Nalusaw ang ngiti sa mga labi ko. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Kaya ko ba talagang panindigan ‘to? Kaya ko bang sumugal para sa relasyong pinapasok ko?
I cleared my throat to get his attention.
“Sandro,”
“Hmm?”
“P-Pwede bang…tayo lang muna ang makaalam…nito?”
Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng hawak niya sa akin. I took it as an opportunity to move and face him. Sinalubong niya ako ng nagtatakang mga tingin. I smiled a bit to lessen the brewing nervousness I am feeling now.
“Pwede ba ‘yon?” Ulit ko.
He gulped. Ramdam ko ang pagtutol niya sa gusto kong mangyari. But I think this is the best thing to do right now, even for the moment. Everyone from their family knows that I have a relationship with Quino right now. Kahit sa pamilya ko, ‘yon din ang alam.
Ayoko munang may makaalam ng tungkol sa amin ni Sandro habang hindi ko pa naaayos ang tungkol sa amin ni Quino.
Akala ko, tututol siya. Pero nang makita ko ang unti-unti niyang pagtango, para akong nabunutan ng tinik.
“Fine…but only for now, while we fix things right.”
I sighed in relief.
“Thank you.”
He pulled me again for a hug. I felt him kissing the top of my head. He inhaled the scent of my hair as I felt his large and warm hand caressed my back.
“Ihahatid na kita,” alok niya sa akin.
Nasa sasakyan niya kami ngayon. Nagpaalam na rin ako kalaunan kay Trina pero hindi niya na alintana ang presensya ko. She’s a bit tipsy. I don’t want to leave her at first but she told me that it’s alright, she has bodyguards.
“Saan ka uuwi?” He asked after he settled from his seat.
Aabutin ko na sana ang seatbelt pero naunahan niya ako. He swiftly pulled the belt and locked it around me. Ang lapit ng mukha niya sa akin, probably why my heart skipped again.
Mas kumabog ang dibdib ko nang hindi pa rin niya inilayo ang sarili sa akin. His face remained in front of me, his lips just a few inches away from me.
“Sa apartment,” sagot ko.
He smirked. “Alright,”
I closed my eyes when he pulled himself away from me. I thought he would…kiss me! But he didn’t. I cleared my throat to erase the unknown humiliation. Akala ko, sanay na sanay na ako sa presensya niya. Pero sa tuwing magkakaroon kami ng mga ganitong eksena, para pa rin akong mabubuwal sa kaba.
Nagsimula siyang magmaneho. He looked gorgeous as he drive his sleek black car. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Cleaned-cut ang kanyang buhok, Ang makapal na kilay niya ay bumagay sa nangungusap niyang mga mata. Ang prominenteng tangos ng kanyang ilong ay nagsasabing may halong banyaga ang kanyang dugo. His red lips…well, is very sexy and alluring.
Sa dilim ng paligid namin, nakuha ko pang purihin siya ng ganito.
The night after I agreed to have a relationship with Sandro, everything changes.
All my mornings begin with his presence by calling me for good morning greetings. I can feel his presence fot the whole day with his reminders. My nights are incomplete without seeing him, joining me for dinner as my day ends.
And for our free time, we always see each other; visiting every places we could go and spending the remaining hours until the following days.
May mga panahong exam week at kailangan kong tutukan ang pag-rereview. We can’t go out because I have a lot on my plate; projects, researches, and other compliances. Hindi niya ako kinukulit. But Sandro will always be Sandro. He would visit my apartment and lend a help with the things I cannot do because I have a lot of things to do.
I yawned as I finish another research for my major subject. It’s almost midnight. Sa sala ako nakasalampak at nakakalat doon ang mga gamit ko.
He’s also on the long couch, as he attentively works on his laptop. Nandito ulit siya at sinasamahan akong magpuyat.
Nag-inat ako ng katawan dahil sa ngalay. Ilang oras akong nakaupo at nakatutok lang sa ginagawa. Buti nga at natapos ko na itong isa dahil sa totoo lang, sumusuko na ang katawang-lupa ko sa pagod.
Hindi bale, patapos naman na ang semester. Bakasyon na ulit. Makakapagpahinga na ako kahit papaano.
Binalingan ko siya. Tulad ko, naging abala din siya sa pagta-trabaho. I smiled inwardly as an idea crept on my mind.
Tumayo ako para tumabi sa kanya. He looked up on me then he smiled warily. Umupo ako sa tabi niya. His left arm automatically wrapped on my waist while maneuvering his laptop using his right hand.
Sinulyapan ko ang ginagawa niya roon. I can see emails and graphical reports. Gusto kong magtanong sa kanya tungkol doon pero dala na rin ng pagod, hinayaan ko na lang siyang panoorin kahit wala akong naiintindihan.
Sumiksik ako sa kanya at isinandal ko ang ulo ko sa malapad at matigas niyang dibdib. He let me do what I want, then I felt him kissing the top of my head.
“You done, baby?” Malambing niyang tanong sa akin.
Tango lang ang isinagot ko. Niyakap ko siya sa tagiliran at bumuntong-hininga para mapakawalan ang pagod na nararamdaman ko.
“Pagod na ako,” mahinang reklamo ko.
He chuckled. In-enjoy ko ang init ng dala ng katawan niya habang nakayakap ako sa kanya. I inhaled his manly scent. Ang bango niya talaga. He’s just wearing a white tshirt and gray sweat pants. Nakapambahay na rin siyang tulad ko. But unlike the previous nights that he’s here, hindi siya inabot ng ganito ka-late.
“You should rest.” Aniya. “Uuwi na ba ako?”
My eyes remained on his laptop. Umiling ako dahil pakiramdam ko, ayokong mag-isa ngayong gabi.
“It’s late,” ani ko.
He saved the files he’s working then he turned off his laptop.
“I should get going then,” sabi niya.
But I hugged him tighter. He remained unmoved, though. Ayoko pa siyang pakawalan. Gusto ko lang na nakayakap sa kanya.
“Stay for a little while, please…” sabi ko.
We stayed there for a couple of minutes. Wala kaming imikan pero ramdam ko ang marahang paghaplos niya sa balikat ko. Para akong hinehele at ramdam na ang antok ko.
Lumipad ulit ang isip ko sa ibang bagay. Tulad ng…
What if he confessed to me earlier? Like…before Quino and I had that deal? Mas magaan siguro sa pakiramdam, ‘no? Wala akong ibang naiisip. Walang guilt na biglang susulpot sa isip ko. I will not worry for us to be caught. Dahil sa ilang buwang naging kami, hanggang ngayon, wala pa kaming napagsasabihan tungkol sa aming dalawa.
“Baby?” I called him in my raspy voice.
I felt him stiffened. I smiled inwardly. Minsan ko lang siyang tawaging ganito pero iba pa rin ang epekto no’n sa kanya.
“Hmm?”
“Ano’ng balak mo sa birthday mo?” Tanong ko sa kanya.
His hand stop carressing me for a while, but he resumed as he sighed.
January ang birthday niya. December ngayon. Christmas is approaching. After this week, bakasyon na namin. I will be staying home and spend my days with my family again.
“Do you have any plans in your mind?” Balik-tanong niya sa akin.
I want to spend time with him. Bakasyon naman. Pero hindi ‘yon magiging madali dahil hindi naman kasing libre ko ang oras niya. He has a work to do. Hindi niya basta-basta maiiwan ‘yon kung mag-ungot akong lumabas kami para mamasyal ulit kahit sa mall lang na medyo malayo rito sa amin.
He knows and understand why I request to go places a bit far from here is because I don’t want people we know to see us. I’ve been very discreet and that’s another reason why I prefer home dates with him.
My body remained rested on him but I looked up to see his face. Nagtama ang mga mata namin. He looked at me softly as he crouched to reach and kiss the tip of my nose.
“Pwede ba tayong lumabas?” I suggested.
Tumango siya. “Where do you want this time?”
I sighed. I know that this is hard for him. This is hard for me, too. But I want to do this, kahit ngayon lang.
“Yung malapit lang. Alam kong magiging busy ka rin. Hindi ba mag-oopen kayo ng branch sa Visayas next year?”
Bumangon siya mula sa pagkakasandal niya sa sofa. Maingat ang mga kilos niya. Bumaba ang kamay niya sa likod ko para masuportahan ang bigat ko.
“Sa malapit lang?” Nagtataka niyang tanong.
Tumango ako. I can see confusion in his eyes. Nag-isip tuloy ako ng ibang bagay. Ayaw din ba niyang sa malapit na lang? Tulad ko rin ba siyang ayaw niya na may makakita sa amin dahil nangangambang mag-isip ng kung ano?
Napagtanto kong…masakit pala ‘yon. My heart hurt. Knowing that I want us to keep a secret. But when I realized as I put myself on his shoes, hindi ko rin pala gusto ang ideyang ‘yon.
“A-Ayaw mo ba?” Nag-aalalang tanong ko.
Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Nangunot ang noo ko. Gusto niya?
“Gusto ko. Gustung-gusto ko,” sagot niya. “Where do you want us to go?”
I pouted. Ako na ang tinatanong niya sa magiging plano sa birthday niya. Sabagay, ako naman ang nagyaya. Kahit isang araw lang. Yung kaming dalawa lang.
“Naalala mo si Trina? ‘Yung kaklase ko. Sinama niya ako minsan sa isang hotel—“
“Hotel?” Putol niya sa akin.
I snorted. Mahina kong tinampal ang dibdib niya. Parang alam ko na ang pumapasok sa isip niya.
“Patapusin mo muna kasi ako!”
He barked a laughter. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa suggestion ko.
“Staycation! Overnight lang kami pero ang ganda ro’n sa napuntahan namin. Kumpleto sa amenities.” I explained.
Pinakatitigan niya ako, tila sinusuri ang bawat sulok ng mukha ko. What? Does my idea sounds ricidulous?
“You want us to book a hotel and stay there overnight?”
“Oo,” kaswal na sagot ko. “May swimming pool doon. We can go swimming. May mga restaurants din, pwede tayong kumain doon. May mall pa nga roon, eh! Pwede tayong mamasyal! And it’s near, hindi na natin kailangang lumayo.”
He smirked. “You want to spend overnight with me?”
Aha! Sa dinami-dami ng sinabi ko, ito lang ang napansin niya?
“Oo. Boyfriend naman kita. Saka may tiwala naman ako sayo!” Natatawang sagot ko. “I know you won’t do anything I don’t like.” Makahulugang sabi ko.
He smirked meaningfully. Sandali siyang nag-isip. Ngumuso naman ako dahil pakiramdam ko, ayaw niya sa ideyang sina-suggest ko.
“Ayaw mo ba?” I asked him again. “Sige isip ako ng iba—“
“I like it,” agap niya. “Use my card and book it earlier. I’ll clear my schedule for those dates.”
My lips formed into thin line to suppress a wide smile.
“I’ll go home now,” paalam niya sa akin.
I want him to stay for a few minutes. But it’s past midnight. Alam kong pagod din siya. Ang layo pa ng sa kanya.
“Dito ka na matulog,” suhestiyon ko.
His brow shot up.
“You sure?”
Tumango ako. “Practice mo ‘to sa self-control mo para sa overnight staycation natin.” I teased.
He sighed heavily, mukhang problemado na siya sa mga sinasabi ko.
“Damn!” He cursed softly.