Quielle
Gulat akong tumitig sa kanya. Ano’ng ginagawa niya rito?
Bryan stood up with his both hands up, surrendering to Sandro’s words.
“My bad,” his lips were into thin line and his forehead creased. “Sorry.” At saka kami iniwan doon.
Anger is very evident on Sandro’s face. With his jaw clenching repeatedly and sharp eyes like daggers, gusto pang sundan si Bryan na ngayon ay papunta na sa dance floor para sumama na sa ibang kasamahan ko.
Kung hindi ko pa siya nahila at napigilan, aabutan pa niya si Bryan at hindi ko ma-imagine ang pwede niyang gawin.
“Tama na,” I begged.
Marahas niya akong nilingon. My hands were wrapped on his waist, trying to tame him. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay kong nakapulupot sa katawan niya bago niya ako tingnan ng madilim sa mga mata ko.
I quickly realized what I’m doing. Bumitaw na ako sa kanya. Should I stay? Ang talim ng mga titig niya sa akin. Ramdam na ramdam kong nagpipigil lang siyang hindi ako pagbuntunan.
“Salamat pero hindi mo na sana ginawa ‘yon,” ani ko para lamang makapagbukas ng pag-uusapan.
Kaso mali yata yung mga nabitawan kong mga salita.
“He could do worse if I haven’t done anything!”
“Aalisin ko na rin sana ang kamay niya sa balikat ko. Nauna ka lang dumating…” katwiran ko.
Salubong pa rin ang mga kilay niya. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Matigas na tanong niya sa’kin.
Naupo ako sa sofa dahil hindi ko na naman kinakaya ang presensya niya, lalo pa’t ganito siyang kagalit ngayon! He never lashed out on me before. This is the first time!
Kung noong isang gabi ay nagawa kong umiyak na lang nang taasan niya akong boses at pagsalitaan ng kung anu-ano, ngayon, malakas ang loob kong sagutin na siya. Kahit man lang nagkukunwari ako!
“Having fun with my friends,” kaswal na sagot ko sa kanya.
“Having fun?” Patuya niyang tanong. Itinuro niya kung saan naglaho si Bryan. “That boy’s touching you! Is that how you make fun, huh?”
I scoffed. “Nauna ka lang dumating. Tatanggalin ko naman—-“
“Hindi ‘yon ang nakita ko kanina!”
Umiling ako bago ko kinuha ang shot glass na may kulay asul na likido. Hindi ko na alam kung ano’ng tawag dito. Pero inisang lagok ko iyon tulad ng pagkakainom ng ibang kasama ko kanina.
Malakas ang tugtog sa club pero hindi ko na narinig pang nagsalita si Sandro. He remained standing there, watching me closely with his dark stares.
I gulped. “Let it pass, Sandro. Wala namang nangyari sa akin.” I said cooly. “And why did you tell him that you’re my boyfriend?” Umiling-iling ako.
Hindi siya nagsalita. Naiilang na naman ako sa presensya niya. Kung umalis na lang kaya ako rito?
Tumayo ako ulit. Pero bago ako humakbang, tinungga ko pa ang isang laman ng shot glass. Sasamahan ko na lang sila Trina sa dance floor. Baka sakaling maghiwalay na kami ulit ng landas ng lalaking ‘to.
He held me firmly on my arm as he stop me from walking away. Hindi iyon masakit, pero mahigpit. Tiningala ko siya. Kung kanina ay galit na galit ang itsura niya, ngayon, nabawasan ang pagiging suplado niya.
“Let’s talk,”
Gusto ko rin siyang kausapin. Pero hindi ko alam kung paano ang magiging approach ko. I owe him an explanation, I think? Pero how would I say it?
I sighed. “Fine. May sasabihin din ako sa’yo.” Ani ko.
Nakitaan ko ng pagkakataranta ang itsura niya. He blinked a couple of times. He sighed too and licked his lips before nodding. Parang bumagabag ang mga huling sinabi ko sa kanya.
He called a waiter and asked for an exclusive room for us. Iginiya kami nito sa isang glass-walled exclusive room. Exclusive ba ‘to? Naririnig ko pa rin ang ingay mula sa labas ng silid na ‘to at dahil yari ‘to sa salamin, siguradong nakikita rin kami ng mga tao sa labas.
“Don’t worry, it’s a one-way glass room. People won’t see that we’re here,” aniya na parang sinasagot ang mga tanong sa utak ko.
Tumango ako. Lumapit ako sa dulong bahagi ng silid na iyon. I watched the people from above. They were enjoying the party. Walang taong hindi nakapostura rito. They all look expensive and glamorous. Thanks to my new found friend, I was able to experience this first hand.
I felt his presence behind me. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. It fanned my bare skin. Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang init nito. Grabe. Hininga pa lang niya, ang lakas na ng epekto sa akin. Ano pa kaya kung…
“This is unfair…” aniya sa mababa niyang boses.
Nangunot ang noo kong humarap sa kanya.
“Huh?”
He licked his lips and looked at me attentively. Na parang balewala sa kanya ang mga nasa paligid namin.
“I should be mad but…one single touch from you and my anger melted in a snap.” He said raspily.
Nakipagpaligsahan ako sa pagtitig sa kanya. Trying to process what he’s saying.
“Ilang araw kitang tinikis dahil galit ako sa’yo. Tapos…” umiling-iling siya. “Makikita kita ritong ganito kaganda? At hawak pa ng iba?”
I gulped. Ramdam ko ang sakit at dismaya na hatid ng boses niya. Ako ang nasasaktan para sa kanya. Tumatagos sa puso ko ang ipinaparamdam niya sa akin ngayon.
“I thought I got a chance when Quino left,” umiling siya. “You let me kiss you. You unveiled a part of your life to me. We spent time together. Ni hindi naman talaga totoo ‘yang relasyon niyo pero kung makadikit siya sa’yo noong isang gabi, akala mo kung sino siyang makaangkin sa’yo.”
I bit my lip to suppresed a giggle. Para siyang batang nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto. Bumalik na ulit siya sa dati.
Bumalik na ang Sandro ko.
Inangat ko ang isang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. But the brute only avoided my touch. Inabot ko naman siya sa kabilang pisngi. Sinubukan niyang umiwas ulit pero nasapo ko ulit ang pisngi niya sa kabila.
“Ikaw nga kanina, kung makadeklara kang girlfriend mo ako, parang totoo?” Nanunuya kong sabi sa kanya.
Umiwas siya ng tingin sa akin. Hindi ko napigilang kumawala ang munting halakhak sa akin. Hawak ko pa rin siya sa magkabilang pisngi pero nayuko siya ngayon.
“Kahit doon man lang…” he murmured.
I tilted my head as I examine his emotions that mirrors on his face. He looked hopeful and a bit annoyed. Ako naman, hindi ko maesplika ang nararamdaman. Nagdiriwang ngayon ang puso ko habang nakikita siyang ganito. Ang sama ko naman yata para maging masaya habang halos mabwisit na siya sa nararamdaman niya.
Oh I really like this man. And I can’t stop myself if ever…I’ll fall for him.
He made me feel something I’ve never felt before. Iba ang hatid sa akin ng atensyong ibinibigay niya sa akin. I feel loved and belonged. He lets me decide for my own. I feel bare when I am with him, with liberty and no pretensions.
“Sandro,” kuha ko sa atensyon niya.
Ibinalik niya ang tingin sa akin.
“What?”
I smiled a bit, took a deep breath and reach for his lips. I kissed him tenderly. Ibinuhos ko lahat ng emosyong naramdaman ko noong mga nakaraang araw. I longed for him. I felt guilty for not telling him that I am with Quino. For letting his hopes high when I gave him hints that I feel the same way for him and later be dismayed because I wasn’t able to tell him that I was with my ‘boyfriend’.
Bumitaw ako sa pagkakahalik ko sa kanya. Our eyes met, his were soulful and full of mystery. It reflects every emotion he feels. Intimidated ako sa kanya, but when he’s like this, madali lang siyang basahin.
“Sorry,” hinaplos ko ang pisngi niya. “Hindi kita nasabihan tungkol sa pagkikita namin ni Quino.”
He sighed. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at mabini iyong hinalikan. Nalulusaw ang puso ko habang pinagmamasdan ko siyang ganitong kalambot. He looked so vulnerable, so gentle. Ibang-iba sa Sandro na nakasama ko noong nakaraang araw.
“I’m sorry, too, for being rude the other night.” Aniya. “I couldn’t contain my anger and disappointment.”
I pouted. “Magdamag akong umiyak no’n. I know that you’re mad and—-“
“Umiyak ka?” Namamanghang tanong niya.
Hah! Kung alam mo lang!
I crossed my arms around me, trying my best to look aggressive.
“Sino’ng hindi maiiyak dun?” Annoyance filled me. “You lowkey insulted me. I understand your reaction and anger pero ang sakit pa rin nun.”
Bumalatay naman ngayon ang pag-aalala sa kayang mukha. Ganyan nga. Makonsensya ka rin tulad ko.
“I-I’m sorry…” tanging nasabi niya. “I’ll try my best to control myself when I’m mad.”
I pouted. “You should do something about that.”
Tumango siya. Wala na akong masasabi pa kaya muli ko siyang tinalikuran para pagmasdan ang view mula rito sa taas.
This is relieving. Clearing things with him made my mind lighter. Para akong nabunutan ng tinik. Atleast we’re okay now.
Naalala ko si Quino. Matagal ba ulit siyang makakalabas? Gusto ko nang klaruhin sa kanya ang tungkol sa amin. Hindi na kami nakapag-usap ng maayos. Akala ko magtatagal pa siya.
Ayoko namang buksan ang ganitong usapin kung tatawag siya sa akin. He called me once before and it was mere a minute. Ni hindi kami nakapag-usap ng maayos.
Lalo na ngayong nalaman ko ang consequences ng pagtawag niya, I won’t risk doing that.
“Give me my chance, Quielle.”
Hindi ko siya sinagot. Nanatili akong nakatingin sa glass wall.
“Make me your boyfriend.” He firmly said.
Nahigit ko ang hininga sa narinig. With parted lips, I turned around to see if he’s kidding. But his serious and intense stares towards me says otherwise.
“Sandro, hindi pa kami nag-uusap ni Quino.” Marahang sagot ko.
Hindi siya nakasagot. Parang may tumusok sa dibdib ko nang makita kong nadi-disappoint na naman siya.
Pero…thinking about he’s offer, ‘langya! Gusto ko ng bumigay sa kanya!
But right now, I want to be honest with him.
“Hindi pa kami nag-uusap.”
“Pero gusto mo?” Agad niyang tanong sa akin.
“Ang alin?”
Lumapit pa siya lalo sa akin. Halos magkadikit na ang mga katawan namin. I can almost feel his heart beating so loud. I almost skip a breath. My anticipation is killing me!
“Ang alin, Sandro?” Ulit ko dahil hindi na siya nakapagsalita ulit.
“Do you want me to be your boyfriend?”
I calmed myself because I can feel the excitement raging on my nerves. Oo, Sandro! Gusto ko!
I shook my head. “Hindi ko pa nakakausap si Quino. Kahit sabihin mong hindi naman seryoso yung sa amin, kailangan ko pa rin siyang sabihan—-“
“Quielle, that is not my question.” He cut me off.
Pinakatitigan ko siya. I get it, okay? Alam ko ang ibig niyang sabihin.
He licked his lips went closer to me again.
“I am asking if you if you want me to be your boyfriend.”
Hindi ako makapagsalita. Parang may bumabara sa lalamunan ko dahil sa malakas na pintig ng dibdib ko.
I nodded slowly, and looked away…
“Say it,” he commanded.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Oo…” mahinang sabi ko. “Gusto ko, Sandro.”
He bit his lower lip. There, I said it. Nasabi ko rin!
“Ano?” Maangas na tanong ko. “Hindi ka na nagsalita!”
He smirked and held me on my chin.
“Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, Quielle. Make me your boyfriend now. I’ll fix everything for you. We’ll put things right.”
Susugal na ba ako?
“Just…make me yours. And let me do the rest.” He said with his voice full of temptation.