Quielle
I tried my best to stay normal the following day. Kahit na hindi pa masyadong mabuti ang pakiramdam ko, bumangon na ako sa kama para mag-ayos ng sarili.
Tutal, enrollment week na ngayon. Pupunta na lang ako sa school para mag-enroll at para makuha na rin and schedule ko.
Bihis na bihis na ako papunta sa school, kakain na lang ng almusal. Kapag ganitong oras na, nasa pwesto na ngayon sila Nanay. Ang mga kapatid ko, nasa eskwelahan na, at si Tatay, nasa trabaho naman.
Kung meron mang tao sa baba, iyon ay yung mga kasama ni Nanay na nagluluto pa ng mga ulam na ibibenta sa palengke.
Pero pagbaba ko, nabungaran ko si Nanay sa mesa. Kasalukuyang siyang nagbabalot ng shanghai. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nangiti.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Malambing na tanong ni Nanay sa akin.
“Opo,” humila ako nang upuan sa tabi niya. “Pupunta po ako sa school, ‘Nay. Enrollment po.”
“Ah! Oh sige.” Sagot niya.
Nagsimula akong magsandok ng ulam. Siya nama’y nagpatuloy sa ginagawa. Magwi-withdraw pa pala ako mamaya para sa tuition fee ko. Kaya binilisan ko na ang kilos para hindi na naman ako abutin ng hapon doon.
“Anak, dumaan pala kaninang madaling araw dito si Quino.”
Natigil ako sa pagnguya. Sinulyapan ako ni Nanay at saka tipid na ngumiti sa akin.
“Hindi mo raw sinasagot ang mga text at tawag niya kaya sumadya na siya rito.”
“Nang madaling araw, ‘Nay?” Nagtatakang tanong ko.
Tumango siya. “Gusto ka niyang makausap pero sinabi kong tulog ka pa. Eh aakyatin ka na sana niya para gisingin pero sinabi kong may sakit ka.”
Ang aga naman yata? Kinuha ko mula sa back pocket ng suot kong maong pants ang cellphone ko para ma-check ang mga text niya sa akin.
Ang daming mga unread messages na galing sa kanya. Ito pa siguro yung mga text niya noong nakaraang gabi. Inisa-isa kong basahin ang mga ‘yon habang isinasabay ko ang pagkain.
Quino:
Quielle, mag-usap tayo.
Quino:
Can I go to your house?
Quino:
Sunduin kita, gusto mo? Pasyal tayo. This is my last day of vacation. Babalik na ako bukas ng umaga sa Academy.
Nangunot ang noo ko. Ang bilis naman yata. I checked the time and date of his text. Kahapon pa iyon ng tanghali.
Ibig sabihin, ngayon ang araw ng balik niya sa Academy!
Bahagyang humalakhak si Nanay. Nilingon ko siya. Her chuckles faded but her smile stays the same.
“Ang batang ‘yon, napakamapilit! Ang tigas ng ulo. Kaparehong-kapareho mo ng ugali.” Naiiling na sabi niya. “Kung hindi pa bahagyang dumiin ang boses ko para pigilan siya, hindi siya titigil hangga’t hindi ka nakakausap eh.”
I sighed and dialed his number. Cannot be reach na ito ngayon. I tapped the last message he sent to me this morning.
Quino:
I will be returning to the Academy now, Quielle. Take care of yourself. Please consider my offer. I realized that you’re not just a best friend to me. You’re more than that, Quielle.
“Quielle,” tawag sa akin ni Nanay.
“Po?”
She sighed. “Ang sabi ng tatay mo, boyfriend mo raw si Quino?” Masusi niya akong tiningnan pero bakas pa rin ang pagkamalumanay niya.
Napalunok ako bago marahang tumango.
Inabot niya ang kaliwang kamay ko. Marahan niya iyong pinisil.
“Eh si…Sandro? Yung anak ni Sir Alfie? Ano mo ang batang ‘yon, anak?”
Hindi ako nakasagot. O mas tamang sabihing hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
Umiling ako bilang sagot. Pero kalaunan, nagawa ko rin siyang bigyan ng sagot.
“N-Nanliligaw po siya, ‘Nay.” Kinakabahang sabi ko sa kanya.
She smiled. “Malakas ang loob ng batang ‘yon noong una siyang pumunta rito. Iyan agad ang una niyang ipinagpaalam sa akin.” Nanunudyo niyang sagot.
Umayos ako sa pagkakaupo ko, interesado sa naririnig ko ngayon. Nanay never mentioned to me about that. Nasabi niya kaya kay Tatay?
“Huwag kang mag-alala, hindi ko sinabi sa tatay mo.” At nangiti pa siya.
I pouted. Paano niyang nabasa ang tumatakbo sa isip ko?
“Anak,” tawag niya sa akin. “Hindi sa pinagbabawalan kita sa mga ganyang bagay o ano pa man pero…bata ka pa.” Tipid na ngiting sabi niya. “Hindi mo pa kailangang seryosohin ang mga ganyan. Pagtuunan mo lalo ng pansin ang pag-aaral mo dahil kahit saan ka dalhin ng buhay, ang edukasyon mo ang magsasalba sa’yo. May ipupusta ka kung sakaling magipit ka.”
Pinagmasdan ko ang mukha ni Nanay. She has full of hopes. Hindi siya kailanman nagalit sa akin ng sobra. Ang pag-amin ko sa kanya ng ganito, na akala ko’y magagalit siya, pero hindi naman pala.
“Iyon po talaga ang gusto kong mangyari, ang makapagtapos.” Determinadong sagot ko.
Parang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Para akong nakahanap ng kakampi. I don’t have any friends other than Quino. That’s why it’s kinda relieving to know that someone, especially my mother, understands my inner turmoil now.
Tumangu-tango siya. “At lagi mong piliing maging masaya sa tamang paraan,” makahulugang sabi niya sa akin.
Her words lingered on my mind. Kahit nasa eskwela na ako’y iyon pa rin ang iniisip ko. May ideya kaya siya kung ano’ng nangyari? O baka nakikini-kinita niya lang kung sakaling magpatuloy sa panliligaw si Sandro?
Si Sandro…imposible na sigurong kausapin pa niya ako. Galit sa akin ‘yon. Kaya nga ganun na lang niya ako pagsalitaan noong isang gabi, eh. Hindi ko rin naman kasi siya nasabihan na magkasama kami ni Quino. Ni hindi ko nasabi sa kanyang a-attend ako sa family dinner nila.
I will understand if he’ll stop pursuing me. After all, I’m not worth pursuing at all. Wala siyang makuhang assurance sa akin. So why bother, right?
Kung ako rin ang nasa katayuan niya, sa una pa lang, hindi na ako susugal ng tiyansa.
Pero…sayang. Kung kailan gusto ko na siya, saka naman nangyari ‘to.
“Quielle!”
Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses na ‘yon. The moment I saw her, my forehead creased with curiousity.
“Trina,” ani ko.
Lakad-takbo ang ginawa niya habang palapit siya sa akin. She’s pretty, mas maliit siya kesa sa akin ng isang pulgada. Maputi at mukhang mabait.
“Tapos ka na mag-enroll?” Nakangiting tanong niya sa akin.
“Mm-mm,” tumatangong sagot ko. “Ikaw?”
“Tapos na rin!” Nakangiting sabi niya.
I smiled a bit, too. Hindi na alam kung ano’ng susunod na sasabihin sa kanya.
“Uh…may kailangan ka?” I tried my best to sound approachable.
“I…uhm…” hindi niya matapus-tapos ang sasabihin. “It’s my birthday today!”
My lips parted. “Ganoon ba? Uhm…happy birthday!”
Lalong lumapad ang ngiti niya. “Thank you! I was…wondering if…uh, you could join my birthday party tonight?”
“Hah?”
“I’m inviting you to my party tonight!” She smiled genuinely.
Alanganing tingin ang ipinukol ko sa kanya. Is she really inviting me? Sa buong sem na naging kaklase ko siya, we barely talk. I never had friends with my classmates. Bukod sa puro lahat sila ay mga astang elitista, hindi ko type ang mga pananaw nila sa buhay.
Pero si Trina…well, I can see that she’s nice.
“Saan ba? Sa…bahay niyo?”
Umiling-iling siya. “Nope. Magba-bar tayo! Sa The Lounge!”
Nangunot ang noo ko. “The Lounge?”
Pamilyar sa akin ang pangalan ng bar na ‘yon. Ilang beses ko nang narinig ‘yon eh.
“Yung sikat na bar sa loob ng Luna Royale!”
Sabi na nga ba! Sa hotel nila Sir Martin ang tinutukoy niya.
Pero bakit parang biglaan naman yata ang pag-imbita niya?
“Sumama ka na. I always wanted to be friends with you.” Aniya. “You don’t even talk to us sa classroom. Kung makausap ka lang namin, sa tuwing may group activities lang.”
“Sila…Camille ba? Why don’t you call them?”
Lumukot ang mukha niya, tila disappointed sa tanong ko.
“Kaklase ko sila since senior high school pa. Dito rin sa university na ‘to,” she pursed her lips. “But since we entered college, nagbago sila. I don’t like their attitudes now. Masyado silang nangmamata sa mga kapwa natin estudyante.”
My lips pursed. It’s true. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko iniwasan ang grupo nila noon. I can’t stand people like that, judgemental and such.
May sinasabi rin sa buhay ang pamilya ni Trina. Mayaman din siya katulad ng ibang mga kasama namin. And honestly, I thought she’s just the same with her friends.
Pero nagkamali ako.
Katrina Zarragosa Alcaraz, one of my many rich classmates, is reaching out to me.
Sabagay, wala namang masama kung susubukan ko. First time kong mag-bar kung sakali. May ideya naman ako kung ano’ng ginagawa at kung ano’ng pwedeng isuot sa mga ganoong lugar kaya hindi problema sa akin ang pag-aayos ko sa sarili mamaya.
Sige na nga! Magpapaalam na lang ako kay Tatay. Sa apartment na lang din siguro ako uuwi. Siguradong malalim na ang gabi matatapos ang party niya. Oh baka madaling araw pa!
“Sige, pupunta ako!” I confirmed.
She clapped once. “That’s great!” Kinuha niya ang phone niya. “Here, let’s exchange numbers.”
Susunduin niya ako sa apartment mamayang five pm. Tatawagan na lang daw niya ako. And since it’s almost lunch, sabay na rin kaming kumain sa canteen.
I immediately called Tatay when I got home in the apartment. Pumayag naman siya pero kailangan ko raw siyang i-update from time to time. I was okay with it. Sinabi niyang tumawag lang daw ako kapag mag kailangan ako.
Naglinis naman ako ng apartment noong bago ako umuwi sa bahay para magbakasyon pero dahil mahigit isang linggo rin akong nawala rito, may namuo ng pakonti-konting alikabok.
Sandali akong naglinis. Nagwalis sa loob at labas ng apartment. Naabutan ko pa si Miss Thessa na inaayos ang mga halaman niya. I smiled and greeted at her politely. Gumanti rin siya ng ngiti sa akin.
Nagsimula na akong mag-ayos alas kuwatro pa lang ng hapon. I decided to wear the black chained strap top that Sandro gave to me. I partnered it with black leather mini skirt and black knee-high heeled boots. All black ang peg ko ngayon. Nagsuot ako ng dangling earrings at ang kwintas na ibinigay ni Sandro sa akin. I curled my waivy hair and half ponytailed it. Nag-iwan lang ako ng tendrils sa harap to create drama on mg hairstyle. And lastly, I put on some make-up. Ginamit ko na rin yung binigay ni Sandro sa akin na make-up set. At hindi baby cologne ang ginamit ko ngayong pabango. I put on some perfume on my neck and the rest of my body with vanilla scent.
Saktong alas singko ako sinundo ni Trina. Nasa restaurant na raw ang ibang kasama namin. Sakay ng kanilang SUV, tinahak namin ang papuntang Luna Royale.
“Gosh, Quielle! You look hot with your outfit.” Puna niya sa itsura ko.
I smirked. “Thank you.”
Pagdating namin sa restaurant, nandoon na nga ang ibang mga kaklase namin. Bryan and Courtney are also invited. Pero wala sila Camille at Trent.
Nahuli kong nakatingin sa akin ang ibang mga kaklase ko. Even Bryan. I caught him twice. I politely smiled, he just smirked. Pagkatapos naming mag-dinner, dumeretso na kami sa The Lounge.
Ang daming tao! The neon lights are blinding and the music is really vibing! Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Hindi ito basta-bastang club. I can see familiar faces I can only see on TV. Mga artista, models…you name it. They are all here enjoying!
Iginiya kami ng personnel sa isang exclusive sofa na ipina-reserve ni Trina para sa aming lahat. I have an idea of a place like this pero iba pala talaga kapag sa personal mo nang napuntahan.
Trina ordered drinks for us. Even the champagne and hard liquors. Parang sanay na sanay na siya sa mga ganito. Sabagay, mayaman siya. I bet it’s not her first time clubbing.
“Let’s toast for Trina’s birthday!” Si Bryan nang masalinan lahat ng hawak naming mga kopita.
“Cheers! Happy birthday, Trina!” Sabay-sabay naming bati sa kanya.
Nakita kong inisang lagok nila ang champagne. Ginaya ko sila. Nalukot ang mukha ko nang humagod ang kaunting lasa ng alak sa lalamunan ko. But it’s good. Masarap at manamis-namis!
“Whoo!” Trina shrieked. “Let’s dance!” Yaya niya sa amin.
Umupo muna ako sa malambot na sofa. Wala pa akong balak sumayaw. Nakikiramdam pa ako sa paligid ko kaya minabuti kong magpaiwan.
“Tara?” Yaya sa akin ni Bryan.
I politely shook my head and smiled at him.
“Kayo na lang muna. Manonood lang muna ako sa inyo.” Nakangiting sabi ko sa kasama.
Umupo siya sa kaliwa ko, halos magkadikit na ang katawan namin.
“Come on. Sayang naman ang outfit mo kung hindi mo ibabalandra sa club na ‘to ‘di ba?” He smirked.
I felt awkward. Alanganin akong ngumiti sa kanya. Dinampot ko ang isang shot glass na may lamang vodka at tinikman ‘yon.
Lumukot ulit ang mukha ko nang malasahan ko ang alak. Mas matapang pala ‘to kesa sa champagne.
“Easy, mas malakas ang tama niyan.” Bulong niya.
I felt his right arm rested above the sofa. Parang inaakbayan niya ako. But… I remained calm. It’s not that he’s taking advantage of me, eh?
“You’re so gorgeous, Quielle.” Ani niya pagkalipas ng ilang minutong walang imikan.
“Thank you,” tanging nasabi ko.
“Maganda ka na sa paningin ko noon pa pero iba ang aura mo ngayon.”
Napasinghap ako nang lumanding ang mainit na palad niya sa kanang balikat ko. He made circles on my skin using his finger. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makapalag. Naunahan ako ng takot.
“B-Bryan, yung kamay m-mo.” Ani ko pero hindi niya ako pinansin.
“What? This?” Hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. “It’s okay. Just loosen up and relax.” Ngisi niya.
I was about to take his hands off on me when someone pulled me up. His muscular arm surrounded my body. Awtomatiko akong napahawak doon dahil malakas ang pagkakahatak niya sa akin patayo.
“Get your hands off of my girlfriend,” Sandro said as he looked at Bryan with menacing eyes and roaring voice full of anger.