CHAPTER 12

2285 Words
Quielle Hindi ko man tinugon ang mga halik niya, aminado akong apektado ako ng husto dahil ramdam ko sa sarili kong nagbago ang temperatura ng katawan ko. I felt hot and feverish. I even shivered when he tried to part my lips using his tongue. He licked and bit it gently. Nang hindi ako gumanti, hinila niya ang pang-ibabang labi ko gamit ang mga ngipin niya. “Kiss me back,” he said pleadingly. As much as I wanted to feel him more, nanaig ang tamang huwisyo sa utak ko. Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib niya. Umiling ako. “Tama na, nakailan ka na.” Pero hinabol niya pa rin ang mga labi ko. He kissed me again, this time, he sucked my lower lip. “Please,” he said in between his kisses. Nangiti ako. Ang desperado naman nito sa halik. Parang mauubusan siya kaya kailangan niyang sulitin iyon ng husto. Itinulak ko ulit siya sa dibdib, medyo may kaunting pwersa na ngayon. Nagtama ang mga mata namin. Namumungay ang kanya, namumula ang buong mukha pababa sa kanyang leeg. Ganoon din ang kulay ng kanyang mga labi. Kita sa kanyang itsura ang kaunting iritasyon dahil sa pagpipigil. At…malalim ang kanyang paghinga. “Tama na,” I said again. “Nanliligaw ka pa lang pero panay na ang halik mo,” Doon yata siya natauhan sa sinabi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil pakiramdam ko na-offend ko yata siya sa sinabi ko. But he only bowed down and shook his head. “I-I’m sorry…” his raspy voice told me. “I just carried away,” aniya. I smiled and just nodded. “Hindi ka galit?” It sounded worry and pained. Umiling ako. “Hindi,” “Did it turn you off?” Umiling ulit ako. “You’ll stop me now for courting you?” Nagkibit-balikat ako. “Just behave next time,” sabi ko na lang. Inabot ko ang labi niyang may bahid ng lipstick ko. I pouted as I tried to erase some of its remnants. Kinuha ko ang wipes sa may bag ko at pinunasan ang tira doon. “I thought my lipstick is kissproof. Peke yata yung nabili ko,” wala sa loob kong sabi sa kanya habang pinupunasan ko gilid ng labi niya. He smirked. “I can be your tester,” Hinampas ko ng bahagya ang braso niya. “Heh! Magtigil ka!” Saway ko sa kanya. He chuckled. When I satisfy myself, we settled down again from watching TV. Natuloy ang dinner namin sa gabi. Filipino dishes in a fine dining restaurant. Namasyal pa kami sandali sa mall pagkatapos. Pero sumaglit ako sa cosmetic section ng department store. “Titingin lang ako,” sabi ko dahil wala akong budget para doon. Nalulula ako sa mga presyo eh. Buti na lang, may mga tester. Kung may magustuhan ako, pag-iipunan ko na lang bago ko bilhin. Natuon ang atensyon ko sa isang lipstick na cherry red ang kulay. The color attracted my attention. Agad kong kinuha ang tester at pinahid sa palapulsuhan ko. Ang ganda. Bagay ‘to sa’kin. “Nakapili ka na?” Si Sandro. Ipinakita ko sa kanya ang napili ko. “Ang ganda, ‘no?” Tiningnan niya ang pulsuhan ko. Kapagkuwa’y sinulyapan ang lips ko. “It suits you,” he said. Tumango ako habang nakangiti. “Sabi ko nga,” “Bilhin na natin.” Yaya niya. Umiling ako at ibinalik ang tester sa rack. I grimaced when I looked at him. “Mahal eh, tingin tayo ng mas mura.” Yaya ko sa kanya. Hinila ko siya sa ibang mga pagpipilian pa. I even tested some perfume pero wala akong nagustuhan sa mga ‘yon. Walang tatalo sa baby cologne ko. Gusto ko talaga yung lipstick pero anak ng tokwa, three thousand pesos ang isa! Pang isang buwan ko nang bayad ‘yon sa kasera. Kung pag-iipunan ko, pwede rin. Pero aabot siguro ako ng tatlo hanggang apat na buwan. Tumitingin naman ako ng skin care nang lapitan ako ni Sandro. Dumapo ang kamay niya sa baywang ko. Bahagya pa akong nakiliti sa paraan ng paghawak niya. “I’ll just go get something,” bulong niya sa akin. Tiningala ko siya. “Saan?” I said worriedly. Umiling siya. “Sandali lang ako,” aniya. Ibinalik ko ang hawak kong toner sa estante at nilingon siya. “Magtatagal ka ba? Sama na lang ako sa’yo.” Umiling siya. “Choose whatever you want, Quielle. We’ll buy it. Sandali lang ako.” “Hindi naman ako bibili, tumitingin lang ako.” Dinikit niya ang labi niya sa buhok ko. I felt him smelling my hair. Humugot ako ng hangin dahil pakiramdam ko natataranta na naman ako sa lakas ng kabog ng puso ko. “I’ll be right back.” Paninigurado niya. Humiwalay siya sa akin. He looked at me assuringly. “Hmm?” He smiled. I pouted then nodded. “Bilisan mo, wala akong kasama.” Humirit pa siya ng halik sa noo bago ako iniwan doon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Madali lang naman siyang mapansin pero lumiko na siya sa direksyong pinanggalingan namin kanina. Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pagtingin-tingin. Naaaliw ako sa mga nakikita. Ang ibang sales lady ay inaalok pa akong ayusan gamit ang mga produkto nila pero magalang akong tumanggi. Wala naman akong balak bumili. Nakakahiyang abalahin pa sila kung wala silang mahihita sa akin. Nakaabot na ako sa women’s clothing section. Tumitingin-tingin ako ng mga blouses ng isang mamahalin na brand. Inabot ko sa racker ang naka-hanger na chained strap top na kulay gold blouse. “Ang ganda,” bulong ko. Sinipat ko ang tela nito. It’s velvety. Naalala ko ang black leather na mini skirt ko. Babagay yun sa blouse na ito. “Pwede mong isukat, Ma’am.” Nakangiting sabi sa akin ng sales clerk. Ngiti ang tinugon ko sa kanya. “Saan po ang fitting room?” Iminuwestra niya sa akin kung nasaan iyon. I nodded at her and smiled again. Tumingin-tingin pa ako ng ibang pwede kong isukat. Tutal, nandito na rin lang naman ako. Eh ‘di susulitin ko na ang mag-window shopping! Nakasipat pa ako ng kulay pulang sweetheart top na strapless at puff sleeve dress na kulay pink. Pumasok ako sa fitting room at isa-isa kong sinukat ang mga napili kong damit. Inuna ko yung chained strap top. At hindi ko akalaing sakto sa akin ang sukat no’n! “Shet,” I said giddily. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Naka-mini skirt na denim lang ako pero bumagay pa rin sa akin. Na-emphasize ang kurba ng katawan ko at dahil medyo mababa ang neckline nito, na-highlight din ang hulma ng dibdib ko. Sinunod ko naman yung sweetheart top na color red. Ganoon din ang kinalabasan, lamang ay mas kita ang cleavage ko rito. But it complimented to the color of my skin. I also liked the dress I chose. It’s giving a sweetheart and adorable girly vibe. Medyo maiksi ito kaya hantad ang hita ko. It can also be paired with a skirt but if I were to be asked, kahit hindi na. I sighed as I put back my clothes and looked at the dresses I chose. Ang gaganda nila. Pero ang mamahal kasi. Libu-libo ang abot ng isang piraso nito. Nanlumo ako ng kalkulahin ko sa isip ko ang total nito. It would cost up to five digits! Sayang. Pero…sorry na lang sa’kin. Wala akong pambili. Ibinalik ko sa dating ayos ang mga damit at binitbit ito palabas sa fitting room. Pagpihit ko sa pintuan, napatalon ako sa gulat nang makita kong nakatayo si Sandro sa gilid. My heart jumped a bit. Napahawak pa ako sa dibdib ko. “Ginulat mo ako,” usal ko sa kanya. Umayos siya sa pagkakatayo. “Nakapili ka na?” I chuckled. Ipinakita ko sa kanya ang mga nagustuhan kong damit pero umiling ako. “Ito. Pero ibabalik ko na. Wala akong pera.” Natatawang sabi ko at nauna na sa paglalakad. He chuckled, too. Sinundan niya ako ng isinabit ko iyon sa dating kinalalagyan niya. “Nagustuhan mo ba Ma’am?” Nakangiting salubong sa akin ng sales lady. I nodded. “Pero sayang, kulang ang budget ko.” Palusot ko para hindi mahalatang wala akong pambili. “Balikan ko na lang sa susunod.” Dagdag ko pa. Natawa ako sa sarili, at the same time, nanghinayang. Hindi ko na mababalikan ang mga ‘yon. Pero atleast, naranasan kong isuot. She nodded. “Next time po,” and smiled a bit. Hinila ko na si Sandro palabas ng department store. Ang dami kong nakikitang magagandang bagay! Gusto ko pa sanang tumingin-tingin pero kung ganitong wala akong pambili, parang nalulungkot lang ako. “Uwi na tayo,” yaya ko sa kasama ko. “Tired already?” Binitawan ko siya saka tumango. “May klase pa ako bukas eh.” Sinipat ko ang relo sa pulauhan ko. “Late na rin kasi.” Siya naman ngayon ang kumuha sa kamay ko at hinawakan ‘yon na parang tatakas ako. “Let’s go then,” he said and gently tugged me. He casually slid his fingers on the spaces between mine. Na parang normal niya iyong gawain. Hindi naman kami nagmamadaling maglakad kayabsa bawat hakbang ko, ramdam ko ang pagwawala ng isip ko dahil sa halu-halong nararamdaman ko. Masaya ako. Kumportable akong kasama siya. Pero ang higit sa lahat, kinikilig ako! I pouted. I wonder if he did this to other women? Imposibleng ako pa lang na naka-date niya. Playboy ‘to eh. Maliban sa babaeng naiuwi niya sa mansyon noon, naririnig ko rin ang kwentuhan ng mga maids sa mansion tungkol sa kanya. Pero agad kong iwinaksi ang iniisip. Umiinit ang ulo ko habang nagtatagal. Ang bigat sa pakiramdam. I don’t want to entertain such ideas. Nababadtrip lang ako kung patuloy ko pa yon iisipin. Pinasakay niya ako sa shotgun seat ng sasakyan niya. When he buckled my seatbelt, tiningnan niya ako sa mga mata ko. “May kakausapin lang ako sandali,” sabi niya. Nangunot ang noo ko. “Sino?” Naalala ko tuloy yung mga babaeng naiisip ko kanina. Babae kaya ang kakausapin niya? Unknowingly, I frowned at that thought. He chuckled and pinched my chin. “Ba’t nakasimangot ka?” Umiling ako, salubong pa rin ang mga kilay. “Ano’ng iniisip mo?” Tanong niya ulit sa akin. “Wala,” sagot ko. Iniwas ko na ang tingin sa kanya. “Sige na, kausapin mo na yung kakausapin mo.” Pagtataboy ko sa kanya. Sandali pa niya akong pinagmasdan. I felt him closely watching me. Pinagaaralan niya ang itsura ko, ang reaksyong gumuguhit sa mukha ko. Siguradong nagtataka ‘to kung bakit biglang umasim ang mood ko. But I never glanced at him. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ako mapakali kaya kinuha ko ang phone ko at tumingin ng kung anu-ano ro’n. He chuckled and closed the door. Nang maisara niya ‘yon, I snapped in annoyance! Lumabi ako habang tinatanaw siya sa bintana. Arms crossed, isinandal ko ang sarili sa upuan. Sino kayang kinatagpo niya kanina nung iwan niya ako? At iniwan pa talaga ako ah. Sa tagal ko sa clothing section kanina, ang tagal naman nilang mag-usap. Lumabi ulit ako sa ere, iniisip na kaharap ko pa rin siya at inaaway pa rin. Nasa ganoong pagmumuryot ako nang madapo ang tingin ko sa bintana ng sasakyan. May kausap siya sa cellphone. Pagkatapos ng tawag, nakita kong kinausap niya ang bodyguard niya, si Kuya Ben. Nangunot ang noo ko. May problema ba? I decided to text him. Ako: May problema ba, Sandro? Ano kayang nangyayari? Hindi naman ako nabuburyong kung maghihintay man ako dahil kumportable naman ako rito sa loob. He turned on the engine for the aircon. Pero hindi naman siya lumalayo. Parang may hinihintay lang. I sighed. Baka importante lang. I opened my phone and checked my social media accounts. Pero hindi rin naman ako nagtagal nang biglang bumukas ang pintuan sa driver’s seat ni Sandro. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Sa nanlalaking mga mata, nakita kong bitbit niya ang iba’t-ibang paper bags na may nakaimprentang mamahaling bag. “Ano ‘to?” Halos bulong kong tanong sa kanya. Napansin ko ang pamilyar na brand ng paper bag. Ito yung sa clothing section kanina. Kinutuban ako pero ayokong mag-expect. “I bought it for you,” he handed it to me. My lips parted when I saw how amused he is while looking at my reaction. Nasurpresa ako! Iniisip ko lang kanina kung paano ko mabibili ang mga ito pero ngayon, nasa harapan ko na! Marahan kong tinanggap ang mga iyon. “A-Akin ‘to?” Nanginginig ang boses ko. He nodded. Dahan-dahan kong tiningnan ang bawat laman ng mga paper bag na inabot niya sa akin. Hindi lang ‘yung damit ang nakita ko, even the skincare…and the lipstick I checked awhile back! I looked at him, now, he looked a bit blurry in my vision. Then I realized, my tears formed on the sides of my eyes! Damn, tears of joy! Tinanggal ko ang seatbelt sa katawan ko para maabot ko siya. Mahigpit ko siyang niyakap! I am so happy at this moment I couldn’t easily contain it! “Thank you!” I said giddily. Sa sobrang saya ko, nahalikan ko pa siya sa pisngi. “Thank you!” I said again. “Gustung-gusto ko ang mga ‘to!” Nakangiting sabi ko. Humiwalay ako sa kanya para harapin siya. He was already smirking at me. Tila amuse na amuse sa itsura ko. “All for you, baby…” he said softly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD