CHAPTER 11

2849 Words
Quielle Ngumisi ako nang makita ko ang reaksyon niya. He still looked in awe knowing that I cooked for him. Big deal ba talaga sa kanya ‘yon? Kinuha ko ang bitbit niyang ice cream. Hindi naman siya tumutol at inabot pa ‘yon sa akin. “Halika na, ayusin na natin ‘yong mga pagkain.” Yaya ko sa kanya. I led the way to the kitchen. I can feel his presence behind me. Binalewala ko ang reaksyong nakita ko sa kanya nang sinabi kong siya pa lang ang pinagluto ko. ‘Coz it’s true. Tinuruan na ako ni Nanay noon. My siblings judged for my cooking. They say it’s good. Pero sila lang. I don’t cook for others, certainly not with anyone else. So…medyo inaalala ko kung magugustuhan ba ‘yon ni Sandro. Inilapag niya sa counter ang box ng pizza na dala niya. Tinanggal ko sa plastic bag ang isang pint ng ice cream at ipinasok ‘yon sa fridge. Kumuha ako ng mga pinggan sa tokador at ilang pares ng kubyertos para sa aming dalawa. Nang lingunin ko siya, nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa tapat na siya ng lutuan at binuksan ang takip ng kaldero. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa usok na nanggagaling doon, kapagkuway tiningnan ang laman nito. “This smells good,” puri niya sa akin. “Saka mo na ako purihin kapag natikman mo na ‘yan.” “I bet it tastes good, too.” Ibinalik niya ang takip nito at nilapitan ako. I proceeded with what I’m doing. I checked the rice cooker to see if the rice is already cooked. Mukhang okay naman na. Sumandok ako ng kanin. Inilapag ko ‘yon sa maliit na dining table at chineck naman ang ulam na niluluto ko. “Need help?” I looked at him before I smiled. “Hindi na, upo ka na lang dun.” Ininguso ko ang dining chair sa kanya. Hindi siya kumilos. Pero nasulyapan kong bumaba ang mga tingin niya sa labi ko. Bigla akong nailang dahil sa hantaran niyang pagtitig sa mga labi ko. Naalala ko yung gabi sa patio, naghahalikan kami na parang mauubusan. I admit, I dreamt of it a couple of times, doing it again with him. Hindi naman siya ang unang halik ko pero siya lang ang nakahalik sa akin nang ganun. Umiwas na lang ako ng tingin at kinuha ang mangkok. “Natanga ka na diyan,” biro ko sa kanya. He only cleared his throat as a response to what I said. Kumuha ako ng mangkok para magsalin na roon ng sabaw at ng ulam. I still feel his presence stil there. Nang matapos magsandok, I kinda alerted myself because I knew he’s still behind me. Baka masagi ko siya at matapon ang ulam. Napakainit pa naman nito dahil bagong hango sa kaldero. Dahan-dahan akong bumaling sa likod ko. Tama nga ako, nakatayo pa rin siya ron. He yanked his both hands to help me with the bowl full of hot soup and some meat. “Ako na,” aniya. Hindi na ako kumontra. Dahan-dahan kong inabot sa kanya ang hawak. Our fingers touched by that. I shivered. Bigla akong hindi mapakali. Sa simpleng hawak niya sa akin, para akong nakikiliti. I felt a relief when he finally held the bowl and carefully placed it in the dining table. I sighed. Hindi talaga yata ako masasanay sa epekto niya sa akin. “Kain na,” nakangiti kong yaya sa kanya. Umupo na kami sa dining chair at nagsimulang kumain. Nagsimula na siyang magsandok ng pagkain. I immediately scanned the table. Parang may kulang kasi. Then i realized… He glanced at me and nodded. Kinuha ko ang pitsel na may lamang tubig sa ref at kumuha ng dalawangbaso sa tokador. Inilapag ko ang mga dala ko sa mesa nang mapansin kong may laman nang kanin at ulam ang pinggan ko. Nangunot ang noo ko. Ipinagsandok niya ako? “Do you have a smaller bowl for the soup?” He then asked. I looked at him with a question in my eyes. Ipinakita ko talaga ang pagtataka sa mukha ko. But I saw nothing on him, na parang natural sa kanya ang ginawa niya. Ganito rin yung ginawa niya nung kumain kami sa steakhouse. Pinaghiwa niya ako ng steak. Kakainin ko na lang ‘yon. He made sure I eat comfortably. Tumaas ang isang kilay niya. “Quielle?” Bumalik ang isip ko sa tanong niya. “Ah, oo! Nandun!” Turo mo rin sa komedor. Hindi ko na siya pinigilan nang tumayo siya para kumuha roon. I let him served himself. Nagsandok siya ng sabaw para sa aming dalawa. Nagsimula na rin akong sumubo sa pagkaing isinandok niya para sa akin. Tahimik naming pinagsaluhan ang pagkain. Mga kalansing ng kubyertos lang ang naririnig ko sa pagitan naming dalawa. Hindi pa ako masyadong maka-relax ng maayos dahil pinapakiramdaman ko siya. I eyed him sideways and from what I see, he’s enjoying the meal. “Kumusta ang lasa?” Tanong ko. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain. I smirked, wanting to tease him. “Gutom na gutom ka ah?” Dagdag ko. Tinapos na muna niya ang inumin bago niya ako sinagot. “I planned to dine with you in a restaurant I reserved earlier,” sagot niya. Nangunot ang noo ko. Kaya pala tunog disappointed siya kanina nang malaman niyang nakakain na ako ng lunch. Napatuwid ako sa pagkakaupo ko. “Eh ‘di cancelled na yung reservation mo?” Umiling siya. Nakita kong sumasandok pa siya ng ulam at kanin. Wow! Take two! “I moved it for dinner,” saka ulit nagsimulang kumain. Hindi na ako sumagot ulit. Hinayaan ko muna siyang tapusin ang pagkain niya. Tinapos ko rin ang akin. Nangingiti pa akong pagmasdan siya dahil simot ang pinggan niya. “Masarap?” Tanong ko ulit sa kanya. He wiped his mouth using the tissue I provided. Then he nodded. “You should cook more for me,” kaswal niyang sagot. My lips parted in amusement. I even scoff a bit with his answer. “You do realized that my supplies here are limited. Pang-isahang tao lang ang stocks ko, Sandro!” Nagkibit-balikat siya. “I’ll get the groceries for us.” “For us? Sandro, gagastusan mo na naman ako,” “So? I don’t see anything wrong with it. Ipagluluto mo naman ako. Sagot ko na ang groceries natin. I think it’s just fair.” Naiiling-iling ako na natatawa sa logic niya. Ang bilis mag-isip ng palusot! Minsan ko lang pinagluto eh, gusto pa umulit. “Masarap ang luto mo eh,” dagdag niya. Nangingiti ako at naiiling-iling na. “Binola mo pa ako!” Ani ko. “It’s true!” He insisted. Tumayo ako at nagsimula nang magligpit ng pinagkainan. Tumulong din siya sa akin. Hinayaan ko na lang dahil willing naman siyang gawin ‘yon. Nakita kong marami-rami pa ang tirang ulam sa kaldero. Ngumuso ako. May beef steak na sa ref na panghapunan ko pa sana. Ang dami ko nang ulam. Pero naalala kong nagpa-reserve na pala siya sa restaurant para sa hapunan namin. I don’t want to turn him down because he exerted effort and money for it. Kaya…sige na nga, itatabi ko na lang ang mga naluto ko para bukas. Or pwede ring… “Sandro, nag-uulit ka naman siguro ng ulam, ‘no?” Tanong ko sa kanya. He’s on the sink now, wearing my pink apron, while starting to wash the dishes. Hindi ko maikaila sa sarili ko ang pagkamangha dahil isinuot niya ang gamit ko. Lalaking-lalaki siyang tingnan. But he looked cute with my apron. Nilingon niya ako para sagutin ako. “I do. Bakit?” “Gusto mong mag-uwi ng niluto ko? Pero bukas mo na ito makakain dahil magdi-dinner tayo sa restaurant na sinasabi mo. I-ref mo na lang,” I suggested. Ngisi ang tinugon niya sa akin. “I thought you’re going to reject the dinner,” he said and continued with the dishes. Reject? Wala akong maalalang nagprotesta ako nang sinabi niya ‘yon kanina. Pero…hindi ko rin maalalang nag-react ako ron. So…he assumed? “Wala naman akong s-sinabi,” I cleared my throat, trying my best not to get my voice croaked. But it failed when our eyes met. He smiled a bit and nodded. “Pack the food, then. Iuuwi ko mamayang gabi.” Tanging nasabi niya. Tuluyan na akong napangiti sa sagot niya. I started packing the food with a smile on my face. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I am happy doing this to him, like cooking for him and packing his food. Pakiramdam ko, nagwagi ako sa parteng ‘yon. I felt like I made something special for him, like placing a special spot that only me can do it for him. Nasa sala na kami, nanonood ng pelikula sa isang foreign movie channel. Nagyaya siyang lumabas para mamasyal pero magalang ko siyang tinanggihan. Medyo pagod na kasi ako dahil simula nang madaling araw, hindi na ako natigil sa pagkilos. I offered him to stay here instead and take a rest. Sigurado namang mamayang gabi, maisisingit namin ang konting pasyal. I’m glad that he understood my side. Pumayag siya. Kaya heto kami ngayon, magkatabing nanonood ng TV. “Sandro,” tawag ko sa kanya kahit ang mga mata ko’y nakatuon pa rin sa TV. “Hmm?” He said, his eyes were also glued on the TV. I shifted on my seat and turned to him. “Bakit mo ako gusto?” I felt embarrassed after I fired my question. Feeling ko, ang bobo ko sa tanong na ‘yon. Gusto ko lang kasi siyang makausap. I want to break the silence between us because…I don’t know, I just want to talk to him. I get attentive when he glanced at me. His brow arched. Mas kinabahan ako dahil sa prenteng reaksyon niya. “I’m attracted to you,” kaswal na sagot niya. Uminit ang pisngi ko. Ramdam ko ang paggapang ng init mula sa buong mukha ko hanggang sa leeg. Siguradong napansin niya ‘yong dahil ngumisi ang loko habang tinitignan niya ako. Pero hindi, tinapangan ko ang sarili ko para maitawid ko ang usapan namin. Inumpisahan ko ‘to eh! Tatapusin ko. “Bakit?” Tinago ng mapanlinlang na confidence ko ang kabang nararamdaman ko. “Are we really talking about…this?” Tumango ako. “I have to know you more. Sa inyong lahat na magpipinsan, ikaw ang hindi ko nakakausap. Kaya…nakakagulat nang sabihin mong may gusto ka sa akin.” Ani ko. There. I started to unveil what’s on my head. Ito ang pumupukpok sa isip ko noong mga nakaraan, lalo na pagkatapos naming…maghalikan. Umiwas siya ng tingin sa akin. My brows met. Hindi ko inasahan ang ganoong reaksyon sa kanya. “I-I actually do not know why…” “Hah?” Nilingon niya ulit ako. He licked his lips. Bumaba ang tingin ko doon. I felt something on my insides as my memory recalled that night again. “What answers do you want to hear?” My face contorted with shock and amusement. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o maaasar. Kailangan ba, my category ang sagot niya sa tanong ko? “Hindi mo alam kung bakit ka nagkakagusto sa akin?” Umiling lang siya. I scoffed. Ngayon, hindi na naniniwala sa mga sinasagot niya sa akin. “Hindi ko pa nakikita ang mga babaeng lumampas sa’yo pero alam kong milya-milya ang layo nila sa akin. Sa pisikal man at sa estado ng katayuan—-“ “Of course!” He snapped. “And stop compairing yourself to them because you’re incomparable. You’re worth the effort,” Pinakatitigan ko siya. Hindi pa nagsi-sink in ng husto sa utak ko ang mga sinabi niya pero pakiramdam ko para akong matutunaw. Ang mga titig niya sa akin, hindi napuputol. Hinihintay niya ang magiging reaksyon ko. Pero hindi katulad ng kanina, ngayon, mas naitatago ko ng kaunti ang nararamdaman ko. Ngumisi ako, pero bago pa lumapad ang mga ngiti ko, kinagat ko ang gilid ng labi ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paghagod ng mata niya sa labi ko. Feeling ko tuloy, pareho kami nang naiisip kapag tinitingnan namin ang mga labi namin. “Sobrang ganda ko naman sa paningin mo para makarinig ako ng ganyang sagot sa’yo, Sandro.” Nanunuksong sabi ko sa kanya. “You’re beautiful, Quielle.” Inabot niya ang takas na buhok ko at inipit ‘yon sa likod ng tenga ko. “Always beautiful.” I suppressed my supposedly wide smile by smirking teasingly. Hindi ko mapigilan ang nerbyosin. Ang lakas ng kaba ko at parang hinahalukay ng kung ano ang tiyan ko. I feel so giddy, at hindi na makahinga ng maayos! “Eh ako?” He turned to me now. “Do you like me?” Tumaas ang isang kilay ko. Aba! Na “back to you” pa ako! “Ba’t mo ako tinatanong? Ako lang ang magtatanong, Sandro! ‘Getting to know you more’ nga, ‘di ba?” Depensa ko. Ngumuso siya. Ang gwapo. “Fine,” he said defeatedly. I chuckled and continued my questions. “Ilang babae na ang dumaan sa’yo?” I sneered at him. Nagkibit-balikat siya. “Hindi mo alam?!” He smirked evilly. “I don’t count,” “Yabang!” Bulalas ko. “Girlfriend?” “None of it.” He answered confidently. “Hindi ko alam kung matutuwa ako sa’yo o ano eh,” I murmured. “Ito…ano’ng gusto mong ginagawa sa’yo ng mga babae?” Silence reigned us for a couple of minutes. Pareho kaming natigilan. Nagtataka pa ako kung bakit hindi na siya umimik. But when I saw his devilish smile, unti-unting nabuo sa utak ko ang tumatakbo sa isip niya! Pinalo ko ang braso niya! “Hoy! Bawal ang sagot na mahalay!” I warned him. Humalakhak siya. Malakas. Napakurap-kurap pa ako dahil…first time ko siyang nakitang tumawa nang ganito. Ngayon ko naa-appreciate ang pangungulit ko. Nagbago ang pananaw ko sa kanya. Lagi kasi siyang seryoso at mukhang masungit. But looking at him now…my negative thoughts of him vanished instantly! “Ayusin mo kasi ang tanong mo!” Aniya. Natawa na rin ako, bahagyang naaasar sa sarili. “Yung ano…parang…love language! Ganun!” May bakas ng ngiti pa rin sa mga labi niya habang pinapakinggan niya ako. I continued what I’m trying to say. Baka mamaya, magkamali na naman ako! “Sa’kin kasi, iba-iba ang love language ko. Gusto ko, pinagsisilbihan ako kasi gano’n din ang ginagawa ko. I like to receive gifts, too!” I said dreamily. “Kahit na anu-ano lang ang natatanggap ko, masaya na ako sa gano’n. Saka…gusto ko rin ng nilalambing!” Nakangiti akong tumingin sa kanya para makita kung ano’ng reaksyon niya. But all I received was his intent and…soft stares towards me. Nalusaw ang mga ngiti ko. Napakurap-kurap ako dahil hindi ko inaasahang makikita ko siya sa ganitong side niyang ito. He looked soft and…I don’t know if I’m blind or what but he looked angelic despite how he loooked hard and reserve towards others. “Tell me more…” udyok niya sa akin. I smiled again, ngayon, medyo pigil na. “Yun na nga!” Ani ko dahil kung pahahabain ko pa ang isasagot ko sa kanya, baka mabulol na ako. “Where did you learn that?” “Alin? Yung love language?” Tumango siya. “Nabasa ko sa libro,” sagot ko. “And…it’s actually true. Kasi ganito raw pala…kailangan mong malaman kung anong love language ng partner mo kasi kung mali daw ang naibibigay mo sa kanya, hindi niya ‘yon maa-appreciate. Which makes you both incompatible.” I explained. “Baka mamaya, suong lang kayo ng suong sa relasyon tapos magkaiba pala kayo ng gusto, eh baka sa huli hindi kayo magkaintindihan.” “Hindi ba dapat, natututo rin mag-adjust ang isa sa kanila sa mga gusto nila?” I pursed my lip. “May point ka,” sabi ko. “Pero…hindi pare-pareho ang mga tao eh. Hindi mo mapipilit kung ano’ng gusto nilang gawin. So the best possible way is to find a partner na…swak kayong dalawa!” Tumangu-tango siya. “That’s informative, I’ll take note of that. Though, yours are the same as mine.” “Hah? Pareho tayo ng love language?” Tumango siya ulit. “Yeah, pero may kulang.” Sagot niya. Nagungot ang noo ko. “Ano pa?” He smirked. Lumapit siya sa akin. Ayan na naman ang puso kong kumakalabog! Ang lapit-lapit niya na sa akin. Ramdam ko ang init ng katawan niya at amoy na amoy ko ang kanyang natural na bango. I unintentionally licked my lips again. This is not our first time so close like this but…damn! “Sandro, ang lapit mo.” Bulong ko. He licked his lips, too. It turned a bit reddish. “I’ll show you my love language,” he smirked. Then he lowered his head and crashed his lips on mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD