Quielle
Napalunok ako sa narinig. Na nami-miss niya na ako. He was always transparent to his feelings towards me. Lagi niyang sinasabi kung ano ang nararamdaman at kung ano ang iniisip niya. Simula noong umamin siya sa aking gusto niya ako, lagi niya akong sinasabihan ng mga matatamis na salita.
Pero…kahit pala ganoon, pakiramdam ko, sa bawat pag-amin niya sa akin, hindi ako kailanman masasanay.
Tumikhim ako para sana kalmahin ang puso kong bumilis bahagya ang pagtibok.
“Sandro, s-second name ko ang ‘Quielle’,” at bahagya akong humagikhik para man lang pagtakpan ang kabang nararamdaman ko.
Sandali siyang natigilan. Kapagkuwan ay mahinang napamura.
“Yeah! I’m sorry,” palatak niya.
I smiled widely like as if he’s infront of me.
“Lilipat na ako bukas dito sa apartment. Hindi ko lang alam kung ano’ng eksaktong oras.” Napalunok ako. Naalala ang lunch na tinanggihan ko kanina. “G-Gusto mo…labas tayo pagkatapos kong maglipat?”
I held my breathing. Ito ang una kong. Pagyaya sa kanya. He’s a busy person, I know. May trabaho siya. Kung libre nga lang ang oras ko kanina, iyon ang unang pagkikita namin pagkatapos ng ilang araw na hindi kami nagkita.
Pero hindi ko pa naririnig ang isasagot niya sa akin, nalalasahan ko na ang pagtanggi niya.
“Miss me?” Tudyo niya sa akin.
The side of my lips rose. Hindi ko alam kung maaasar o matatawa ako. Pero lamang ang pagkamangha ko sa dalawang salitang binitawan niya.
Narinig ko ang nakakalokong tawa niya sa kabilang linya. I laughed a bit, too. Sandali kong sinulyapan sila Tatay pero busy pa rin siya sa pakikipag-usap kay Miss Thessa.
“Paano kung sabihin kong oo?” Hamon ko sa kanya.
“Pupunta ako,” walang gatol niyang sagot.
“Eh paano kung sabihin kong hindi kita nami-miss?”
I heard his smirk from the other line. I can even imagine him right now.
“Pupuntahan pa rin kita.” Sagot niya.
Gumuhit ang pigil na ngiti sa mga labi ko. Naglaho na sa isip ko ang namuong kurot ng disappointment dahil sa page-expect kong tanggihan niya.
“Ite-text kita,” sabi ko. “Sandro, ite-text kita.” Ulit ko.
I feel excited! Hindi ko alam kung kailan ako huling nakaramdam ng ganito. Parang gusto kong hilain na ang oras para magkita na kami kinabukasan.
Kahit no’ng pauwi na kami ni Tatay, may mga panaka-nakang ngiting gumuguhit sa mga labi ko. Ano kaya’ng magandang gawin bukas? ‘Yong hindi naman kailangan gumastos. Waldas pa naman ang taong ‘yon. Kung ano’ng maisip bilhin, hindi niya na tinitingnan ang presyo.
Pagkarating namin sa bahay, maayos na iginarahe ni Tatay ang motor na ginamit niya. Bumaba ako pagkatanggal ko sa helmet na suot ko. Inabot ko ‘yon kay Tatay. Pero bago pa ako makahakbang papasok sa loob ng bahay, tinawag niya ako sa pangalang malimit na itawag niya sa akin.
“Viennise,”
It sounded weird. Hindi naman kasi ako sanay na tawaging ganoon. I prefer to be called by my second name. Sandali pa akong natigilan dahil hindi ako sigurado kung ako ba ang tinatawag. Pero kaming dalawa lang naman ang nandito kaya mabilis ko ring na-realize ‘yon.
Nilingon ko si Tatay. Nakatitig siya sa akin. He looked a bit worried but knowing him, he is always calm.
“Bakit po?”
He sighed. He nodded once and motioned me to get nearer to him. Lumapit ako sa kanya. Sinulyapan niya ang pintuan ng main door ng bahay namin bago niya ibinalik ang mga mata sa akin.
“Huwag mo na sanang iku-kwento sa nanay mo ang nakita mo kanina, anak.”
Now, he’s worried. His voice sounded so concern. But, it felt different. He’s worried, but I can’t see that he’s worried for himself. Bumalik sa isip ko ang namumuong duda kanina habang nag-uusap sila ni Miss Thessa. I can’t shrugged it off. I needed to ask this from him.
I swallowed hard, trying to drown my brewing nervousness of knowing the real score between the two of them.
Dahil kung totoo ang hinala ko…na may kung ano sila ni Tatay, baka hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.
“‘Tay, ba’t gano’n siya makipag-usap sa’yo? Parang matagal ka na niyang kilala,” kuryoso kong tanong sa kanya.
Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi ko siya makitaan ng pag-aalala sa tanong ko, o kahit takot man lang na napansin kong…may kakaiba sa kanilang dalawa kanina.
“Dati ko siyang kaibigan,” sagot niya.
I rolled my eyes upon hearing his answer.
“Tay naman eh,” humalukipkip ako. “Hindi gano’n ang tingin ko sa paraan ng pakikipag-usap niya sa’yo.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Bakit? Ano ba’ng iniisip mo?”
Kumalas ang mga braso ko sa tanong niyang ‘yon. Paano ko ba tatanungin sa kanya sa paraang hindi ko siya inaakusahan?
Hinanap niya ang mga mata ko. “Iniisip mo bang…may relasyon kaming dalawa ni Thessa?”
There. I sighed. Atleast, it won’t be hard on my part for asking him about it.
I simply nodded at him. He nodded, too. But my brows furrowhen I saw a ghost of smile on his lips.
“Bata pa ako noon, anak. Kalakasan ng pagiging binata ko. Noong magsimula akong magtrabaho sa mga Villanueva, lumawak ang mundong ginagalawan ko.”
Tinitigan ko lang siya, hinintay kong mag-explain pa siya sa akin.
“Isa si Thessa sa mga nakilala ko noon. Dalaga siya, binata ako. Madalas siya sa mga clubs na madalas ding pinupuntahan nila Sir Alfie, Sir Martin at Sir Lucas. At—“
“Naging girlfriend mo siya?” Putol ko sa kanya.
His lips parted. Naningkit ang tingin ko sa kanya. Pinakita kong nagdududa talaga ako.
“Anak, hindi ko siya kailanman naging nobya. Ang nanay mo lang ang naging nobya ko.”
Ako naman ngayon ang natahimik. Hindi niya naging nobya si Miss Thessa pero dati niyang kaibigan. Baka naman dating kakilala lang talaga?
“Eh ba’t ang lagkit makatingin sa’yo ‘tay?”
Ngumiti siya. Ngayon, mukha siyang nahihiya.
“Dating may namagitan sa amin,”
My eyes widened in shock. So…my father had…Miss Thessa is his…
Totoo ba ‘tong mga naririnig ko?
“Malaki ka na anak. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Matalino kang bata. Katulad ka rin ng iyong ina. Kaya ipapakiusap ko sana sa’yong huwag mo na sanang babanggitin sa nanay mo ang mga ikinilos ni Thessa sa harapan ko. Ayokong sumama ang loob ng Nanay Zeny mo.”
My lips pursed thinking about my mother being sad. Mahal na mahal niya si Tatay. Saksi ako sa pagmamahal na ibinibigay ni Nanay sa kanya. Anim kaming magkakapatid pero walang mintis ang pagsisilbi niya sa amin. Sa tuwing uuwi si Tatay galing sa trabaho, pinagsisilbihan niya pa ito sa lahat ng kailangan niya. Pinagagayak rin niya ito kapag papasok na ulit sa trabaho.
Mahal na mahal din naman siya ni Tatay. Malambing ito sa kanya. Tinutulungan sa mga gawain dito sa bahay. Madalas ko pa nga silang nakikitang naglalambingan lalo na sa kusina. They aged but they remained sweet and affectionate.
“Alam naman nating pareho na—-“
“Selosa si Nanay.” Putol ko ulit sa kanya.
Na siyang totoo. Gwapo at matikas pa rin ang pangangatawan niya para sa kanyang edad. Dahil na rin siguro sa linya ng trabaho niya. They always need to be presentable, agile, and fit. Pero si Nanay, dala na rin ng ilang beses na panganganak at walang oras para asikasuhin ang sarili niya, ay nagbago ng itsura. May mga pictures siya na kung saan iba pa ang itsura niya noon sa ngayon. She was petite when she was younger. Pero ngayon, lumaki na ang katawan niya.
She still looked beautiful. But her insecurity towards her looks is eating her up everytime she sees Tatay talking to other women.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Naiintindihan ko na. “Pero ‘tay, hindi mo naman niloko kahit minsan si Nanay ‘di ba?”
Ngumiti rin siya bago umiling. “Hindi ko magagawa ‘yon sa Nanay mo.”
Nagkibit-balikat ako. “Okay, wala akong sasabihin. Pero paano po bukas? Ihahatid niyo ako sa apartment. Eh ‘di magkikita kayo ulit ni Miss Thessa? Eh kung lumingkis ulit sa’yo ‘yun?” Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
Doon na siya humalakhak.
“Isasama natin siya. Agahan natin ang paglilipat para madatnan pa ni Thessa. Titigilan na ako no’n kapag nakita niya ang nanay mo.”
Inakbayan niya na ako papasok sa bahay. Nagpatianod na ako. Atleast, naliwagan na ako tungkol sa kanila. Hindi na ako mag-iisip pa ng kung anu-ano.
“Ang Nanay Zeny mo pa naman, parang tigre kung magalit!” Medyo malakas ang boses na pagkakasabi ni Tatay.
“Ano ‘yon?!” Sabat ni Nanay.
Nasa loob na kami ng bahay. Dahil medyo malakas ang boses ni Tatay kanina, siguradong narinig niya ang biro niya kay Nanay.
Bumitaw si Tatay sa akin at dumiretso siya
“Naku, nandito pala ang pinakamatapang na asawa ko!” Biro ni Tatay sa kanya.
Niyakap niya si Nanay bago pinatakan ng halik sa pisngi. Nanay is aggresive, her eyes were sharp when looking at Tatay. Pumiglas pa siya sa yakap sa kanya ni Tatay pero tinawanan lang siya nito.
“I love you, mahal!” Si Tatay. “Ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin ko.” Sabay halik nito ulit sa pisngi.
“Nakuuuu, Roy! Sinasabi ko sa’yo talaga…”
Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Si Nanay na galit na naman pero nadadala sa mga paglalambing at biro ni Tatay sa kanya. They looked cute together. They really love each other.
Maha na mahal ko ang mga magulang ko. Hindi ko kayang masaktan ang sinuman sa kanilang dalawa. Lalo na si Nanay. Hindi ko yata kakayaning makita siya siyang malungkot at nasasaktan.
I went upstairs to rest and fixed my things.
Wala pang alas otso ng umaga kinabukasan, nasa apartment na kami nila Nanay at Tatay. Naiwan ang mga maliliit kong kapatid kay Darwin, ang kapatid kong sumunod sa akin.
Bitbit ko ang malaking maleta kong puno nang mga personal na gamit ko. Si Nanay naman ay bitbit ang bayong na may lamang mga kumot, kobre kama at mangilan-ngilang unan. Si Tatay naman, mga kitchen utensils na wala pa sa kusina ng apartment.
Dala namin ang pick-up ni Tatay. Nadatnan pa nga namin si Miss Thessa. Maiksi ang suot niyang sleeveless na bestidang puti. Malapad ang mga ngiti niya nang makita kami niya kami ni Tatay pero nang makita niya si Nanay ay nag-iba na ang mood niya.
Dahil may spare key naman na siyang ibinigay kay Tatay kahapon, magalang na lang siyang nagpaalam sa amin at sinabing kami na ang bahala sa apartment.
“Roy, ‘yang mata mo ah!” Saway ni Nanay sa kanya nang makapasok na kami sa loob.
“Bakit mahal? Ano’ng problema sa mata ko?” Inosenteng tanong ni Tatay sa kanya.
“Kung saan-saan na naman nakatingin!”
Tumalim ulit ang mga mata ni Nanay. Natawa ako sa reaksyon niya. Inakbayan ko siya para kunin ang atensyon niya.
“Wala ‘yan ‘Nay, mas maganda ka ro’n!” Sabay kindat ko sa kanya.
Nilingon niya ako. She smiled a bit and sighed. Hindi na siya nagsalita pa pero nakita ko ang pagpasada niya sa kabuuan ng apartment ko.
“Maganda rito ah? Kumpleto ang gamit.”
Tumango ako. “Opo, kaya kaunti lang ang dinala kong mga gamit.”
Dala ko rin ang mga paninda ko. Lahat ‘yon ay ordered na. Ipapa-ship ko na lang at ‘yung iba ay for pick-up na lang.
Tinulungan nila ako sa pag-aayos at paglilinis. Naubos ang halos dalawang oras dahil doon. Nagluto pa si Nanay ng pagkain ko para sa tanghalian at hapunan ko na rin.
“Kailangan mo nang matutong magluto anak dahil mag-isa ka na lang ngayon dito.” Si Nanay habang hinahango ang lutong beef steak sa kawali.
“Opo, may konti naman na po akong alam.” Sabi ko.
“Mainam ‘yan. Mas maganda kapag lutong ulam anak. Mas masustansya sa katawan. Hindi ‘yung puro fastfood. Nakakatipid ka pa,” nakangiti niyang saad.
I smiled at her, too, and nodded.
“Nagdala na kami ng tatay mo ng mga karne at gulay. Isinalansan niya na sa ref kanina. Kung kukulangin ka pa, magsabi ka. Oh kaya’y aralin mo na ang mamalengke rito. May nadaanan tayong palengke kanina.”
Tumango ulit ako, itinatatak sa isip ang lahat ng mga habilin niya.
Pagkatapos ng maagang pananghalian, umalis na rin sila. Pero bago ‘yon, ipinakilala ni Tatay si Nanay kay Miss Thessa. She looked shock but thankfully, she politely introduced herself as the landlady of the apartment.
Nang mapag-isa na ako, doon ko naramdaman ang matinding pangungulila sa bahay.
Nakaka-miss ang ingay ng mga kapatid ko kapag nag-aagawan sila ng laruan. Si Nanay na malakas ang boses kapag sinasaway niya ang mga ‘to. Si Darwin na malakas ang music habang nabukas din ang TV, at ang amoy ng mga pagkaing niluluto ni Nanay sa kusina.
Naho-homesick ako.
Nagdadalawang-isip ako kung kaya ko ba talaga ‘to? Living independently while studying and trying to make an income at the same time. Wala na akong ibang aasahan kundi ang sarili ko na lang. Ako na ang magluluto ng sarili kong pagkain, maglalaba, maglilinis, bibili ng mga kailangan ko sa grocery, at kung anu-ano pa.
Kaya ko ba?
Uuwi-uwi pa rin naman ako pero ang isiping mas gugugol ako ng mga panahong mag-isa ko na lang ngayon, para akong natatakot.
Pero hindi pwedeng ganito. Malakas ang loob kong kinumbinsi ang mga magulang ko na umalis at maging independent. Mamamatay ako sa pagod sa pagko-commute kung hindi ko gagawin ‘to. Kaya dapat panindigan ko ang naging desisyon ko.
I sighed shook my head.
“Kaya mo ‘to, Quielle.” Sabi ko sa sarili.
In-on ko na lang ang TV at naghanap ng palabas na pwedeng pumatay sa boredom ko. I settled on a noontime musical show on a local channel. Sandaling natoon ang atensyon ko roon.
Then suddenly, I remembered him.
I took my phone and texted him.
Ako:
Lika na.
Tinext ko kung ang address ng apartment ko. Agad siyang nagreply. Napangiti ako nang mabasa ang message niya.
Sandro:
I’m on my way. I’m buying food for us. What do you want?
Napaisip ako ng pwedeng kainin. Kaso busog pa ako. May mga naluto pa si Nanay na ulam para mamayang hapunan. Iinitin na lang. Pero sobra-sobra pa iyon para sa akin.
May naisip ako pero hindi ko sigurado mung gusto niya ‘yon.
Ako:
Nag-lunch ka na ba?
Sandro:
Not yet. That’s why I’m buying food for us.
Ngumuso ako. Gastos na naman.
I dialled his number. Two rings and he immediately answered the call.
“Hello,”
“Sandro, may pagkain na rito. Gusto mo dito ka na lang kumain?” Alok ko. “Beef steak ang ulam. Magsasaing na lang ako ng kanin.”
“Kumain ka na?” I sensed the disappoinment in his voice.
“Hmm…oo eh. Dito na kasi nananghalian sila Nanay at Tatay.”
“How about snacks?” Alok niya.
Pwede rin.
“Sige. Ice cream?”
“Alright. Donuts? Pizza?”
I giggled. “Bahala ka. Mananaba tayong pareho sa mga inaalok mo.”
“Alright. Malapit na ako. Wait for me there.”
Nangunot ang noo ko. Malapit? Ang layo ng Taguig dito ah? Doon ang condo niya eh.
Ibinaba ko na ang tawag at nagtungo na sa kusina. Hinayaan kong bukas ang TV. Mabilis akong nagsalang ng sinaing sa rice cooker. Inilabas ko naman sa ref ang container na may lamang beef steak. Tiningnan ko iyon. It looks delicious but I remembered how his voice sounded a while back. Mukhang nabigo siya dahil siya na lang ang kakain sa tanghalian.
I sighed. Sabayan ko na nga lang ulit siya kumain.
Pero ayoko ng beef steak dahil ‘yon na ang kinain ko kanina.
Ibinalik ko ang ulam sa ref at naglabas ng karne at mga gulay. Magluluto na lang ako ng nilagang baboy. Kung may
Mabilis kong ginayat ang mga ingredients saka isinalang ko sa kaldero. Ito ang unang itinuro sa akin ni Nanay dahil mas madali raw lutuin ang mga sinabawan kesa sa mga masarsa na ulam. Kahit sa pagpiprito noon, medyo hirap pa akong tantiyahin. Mabuti na lang at natutunan ko rin kalaunan.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan.
I scrambbled upon checking myself. Maayos naman ang damit ko. Pambahay. Tshirt na puti at maiksing denim shorts. Disente namang tingnan kaya pwede na.
Tinungo ko ang pintuan. I sighed and readied myself before I open the door. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Eh si Sandro lang naman ‘to!
I sighed again. Bahala na!
I gently opened the door. Agad kong naaninag ang gwapo niyang mukha. He looked neat and manly with his dark blue v-neck shirt and denim pants. Mabilis kog pinasadahan ang kabuuan niya. It’s paired with his black boots. Nakasuot din siya ng wayfarer at relong pambisig. At nanunuot sa ilong ko ang pabango niyang panlalaki.
Damn, so handsome.
Ngumiti siya. Lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. His dimples were also visible. Mas lalo akong namamangha sa kagwapuhan ng taong ‘to.
“Hi,” he said.
Bitbit niya ang plastic bag na may nakatatak na mamahaling grocery store. Sa kabila naman ay ang pizza at donut na binili niya.
Agad kong niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok siya sa loob ng apartment. Tutulungan ko na sana siya sa mga bitbit niya nang magsalita siya.
“Are you cooking?” He asked.
Tumango ako. “Sasabayan ulit kitang kumain.” Ngumisi ako.
“Pinagluto…mo ako?” Namamanghang tanong niya ulit sa akin.
I looked at him intently. Hindi ko makita ang mga mata niyang nangungusap dahil sa wayfarer na gamit niya. Bahagya akong tumingkayad para tanggalin iyon. Hindi siya kumilos, hindi siya nagprotesta.
I saw his eyes, in so much awe. Titig na titig siya sa akin. Ni hindi kumukurap. Na parang mawawala ako kung sakaling gawin niya ‘yon.
“Quielle, you cook…for me?”
I smiled a bit and nodded.
“Oo,” sagot ko. “And don’t sulk again, ikaw pa lang ang pinagluto ko.”
I saw him bit his lower lip before he submissively nodded at me like a puppy.