CHAPTER 9

3205 Words
Quielle Hinatid ako ni Tatay sa eskwela kinabukasan. Nasabi ko sa kanya ang plano kong mangasera dahil napapagod ako sa pagko-commute. Hindi na siya nagtanong pa at agad na sumagot. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil pumayag siya. Ibig sabihin, mas marami na akong oras sa pag-aaral. Tanghali nang matapos ako sa klase ko ngayon. Nag-text si Tatay na susunduin niya rin ako. “Quielle! Sama ka sa amin?” Si Trina, kaklase ko. Ngumiti ako at saka umiling. “Sorry. Susunduin kasi ako ni Tatay.” Pero…pwede naman yata akong magpaalam sa kanya? Sasabihin kong makikipag-bonding ako sa mga bago kong kaklase. Parang gusto ko kasing sumama sa kanila at makipag-kaibigan. When I was in high school, wala akong masyadong nakakasama kundi si Quino lang dahil ilag sa akin ang mga kaklase ko. They even bully me, telling that I’m just befriending Quino because he’s rich and his family is influential. Lumampas ang tingin ko sa iilang kasama niyang kaklase rin namin. Kasama niya sila Camille, Trent, Bryan and Courtney. “Gano’n ba? We’ll go to the mall kasi! Kakain saka magsha-shopping din!” She looked excited. Mukhang na-sense niya ang kagustuhan kong sumama rin. Ngumiti ulit ako pero na-bother ako sa kilos ng mga kasama niya. Halos isang linggo pa lang kaming magka-kaklase kaya nangingilala pa kami sa isa’t-isa. Hindi nakatakas sa paningin at pandinig ko ang masungit na bulong ni Camille. “What is Trina doing? Ba’t niya kinakausap ‘yan?” Ani niya kay Trent. Iniwas ko na ang tingin sa kanya. I sighed and smiled more on Trina. She’s nice, alright. But…I think I can’t get along with her friends. “Sorry, Trina. Next time na lang.” magalang kong tanggi sa kaklase. “Let’s just go, Trina! Baka ma-traffic pa tayo! And besides…” tinapunan niya ako ng maarteng tingin. “I don’t think she has money to go with us.” “Stop it!” Saway ni Trina sa kanya. My breath hitched. I instantly felt awkward in front of them. Hindi ko siya masisisi kung ganyan siya magsalita. Hindi ako kasing porma nang mga kaklase ko. I wear clothes from the thrift store. Kung hindi man ukay ay galing lang sa palengke at murang online shop. It’s decent but cheap. Not like them na puro branded. Even their things looked expensive. And their gadgets…are all in latest model. May ganyan din naman ako but I don’t show it off. Iyong binigay ni Tito Lucas ay latest din naman at nagagamit ko kapag nagre-research ako. Ang cellphone naman na ginagamit ko ay sumusunod din naman sa trend pero hindi latest. Binigay naman sa akin ‘to ni Ate Yael, pinaglumaan niya pero maayos pa rin. I may be studying in this expensive and prestigious university but we’re not rich. Hindi kami pinanganak na mayaman ng mga magulang ko. They work harder to send us to school. At maswerte ako dahil kahit papaano, naipapadala ako ni Tatay dito sa eskwelahang ‘to. Hindi katulad nila na ipinanganak na may gintong kutsara sa bunganga at isusubo na lang sa kanila ang lahat ng gusto nila. Kinuha ko ang cellphone ko. Sandali kong tiningnan ang screen nito. Magpapanggap na lang ako na tumatawag si Tatay. “Uh sige, ah? Tumatawag na kasi ang Tatay ko,” paalam ko kahit hindi naman ‘yon totoo. Nakapagsinungaling pa tuloy ako. Ngumiti lang sa akin si Trina pero hinila na siya ng mga kasama niya. I even put my phone on my ear, showing to them that I really have an incoming call. Bahagya pa nga akong natawa sa sarili ko dahil nag-hello pa ako kahit wala naman akong kausap. Nang makalayo sila, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pero napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang cellphone ko! At dahil nakatapat pa ‘yon sa tenga ko, agad kong inilayo ang cellphone dahil parang akong nabingi sa tunog. “Ay shet! Ano ba ‘yan,” inis kong usal. Tiningnan ko ang screen kung sino ang tumatawag. Nangunot ang noo ko. Unknown number? Tumaas ang kilay ko. Sino ‘to? Hindi pa naman ako sumasagot ng tawag na hindi nakarehistro ang number sa cellphone ko. Tiningnan ko lang ‘yon hanggang sa namatay ang tawag. Pero hindi nagtagal, nag-ring ulit iyon at sa parehong number din! Baka emergency? Sinagot ko ang tawag pero hindi muna ako umimik. Pinakinggan ko ang nasa kabilang linya. May narinig akong mahinang bulong, parang nagmamadaling bulong? “Nueva! Dalian mo!” Narinig kong bulong ng isang boses lalaki sa kabilang linya. Nangunot ang noo ko at saka inilayo ang cellphone sa tenga ko. Huh? Sino ‘to? Ibinalik ko ulit ‘yon sa tenga ko. “Hello. Sino ‘to?” “Bilis! Isang minuto lang ‘to!” Narinig ko pang sabi nila. Ngumiwi ako at akma nang ibababa ang tawag nang… “Hello? Quielle?” Narinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki sa kabilang linya. Namilog ang mata ko nang makilala ko kung sino ‘yon. “Q-Quino?” “I-I missed you,” gumaralgal ang boses niya. “How are you? God! Quielle, I missed you. ” Hindi agad ako nakapagsalita, o mas masasabi kong gulat ako sa naririnig ko ngayon. Akala ko ba, bawal ang cellphone sa loob ng Academy? “Bilisan mo, baka mahuli tayo!” Narinig kong sabi ulit ng lalaki. “A-ayos lang ako, Quino!” Sagot ko sa kanya. “Paano ka nakatawag? Hindi ba’t bawal—-“ “Buddy, tama na. Baka malasin tayo,” sabi ulit ng lalaki. “Sandali lang ‘to. Just cover me up. Akong bahala sa’yo sa susunod.” Si Quino na medyo natataranta na rin. “Quino—-nasaan ka? Kumusta? Nakalabas ka ba?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Quielle, I’m sorry. I’ll call you again. Mag-iingat ka palagi.” And the line went off. Nabitin ako sa ere nang ibaba niya na ang tawag. Ni hindi umabot ng isang minuto ang usapan naming dalawa. But talking to him after a long time of not seeing each other brought comfort to me. A reconnection…to a friend. Bigla akong nangulila sa kaibigan ko. Ni hindi ko siya nakausap nang maayos bago siya pumasok sa Academy. Usapan pa namin noon na sasama ako sa paghatid sa kanya pero hindi na ‘yon nangyari. Kailan kaya siya tatawag uli Umupo ako sa concrete bench malapit sa kung saan ako nakatayo. Kaninong number kaya ‘yon? Sa kanya? Pero ba’t pa siya nagbago ng numero? Humugot ako ng hangin bago ko sinubukang i-dial ang number na ginamit niya para tumawag sa akin. Gusto ko ulit siyang kausapin ng matagal. Gusto kong malaman ang mga nangyari sa kanya sa ilang linggo niya sa loob. Kung kumusta na siya at para masabing nami-miss ko na rin siya. Pero bago ko pa napindot ang dial button, nakatanggap ako ng text sa kaparehong number na ginamit niya. Unknown number: Quielle, don’t save this number. Don’t reply, too. Take life lang ito. I’ll call you if I have a chance again. I miss you. Take life? Ano’ng ibig sabihin no’n? I never heard that kind of term. Baka alam ni Ate Yael? I’ll try ask her if I’ll see her. Napangiti ako sa huling text niya. I miss him, too. Sinundo ako ni Tatay sa eskwela. Dahil tanghali, dumaan na rin kami sa restaurant para kumain. Mabuti na lang at meron siya. Hindi ako gaanong mahihirapan ngayon sa pagko-commute. Pinaghanap niya ako ng mapu-pwestuhan habang nakapila na siya para um-order. Nang makaupo, tsinek ko ang cellphone ko. I smirked when I saw Sandro’s name on my notif. He texted me. Sandro: Done with your class? Nagtipa ako ng reply. Ako: Yup. Mabilis siyang nag-reply ulit. Sandro: Let’s have lunch? Kain tayo sa labas. “Tsk, wrong timing ka,” mahinang usal ko. Ako: Hindi pwede, eh. Sorry. Kasama ko si Tatay. ? “‘Nak, oh.” Tawag niya sa akin. Mabilis kong itinabi ang cellphone at nag-angat ng tingin sa ama ko. Hawak niya ang tray na may lamang pagkain naming dalawa. Dinaluhan ko siya para matulungan. Nang matapos, umupo siya sa kaharap na pwesto ko at nagsimula na kaming kumain. “Oo nga pala, Quielle. May nahanap na akong apartment para sa’yo. Gusto mong silipin mamaya bago tayo umuwi?” Tanong ni Papa sa akin. Tumango ako. “Sige po.” Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Siguradong si Sandro ‘yon. Pero dahil kaharap ko si Tatay at kasalukuyan kaming kumakain, hindi ko muna pinansin ang text na ‘yon. Nagpatuloy kami sa pagkain. Medyo matao ngayon sa restaurant na ‘to dahil lunch time. Karamihan sa customer ay mga empleyado sa mga kalapit na establishimento at iilang estudyante nang university namin. “Buti hindi ka nahirapan sa pag-enroll? Gusto sana kitang samahan noon pero hindi pa ako tapos sa pinagu-utos sa akin ni Sir Lucas.” Naalala ko ang nangyari noong enrollment. Nakakapagod. Buti na lang, tinulungan ako ni Sandro. Pero para hindi na siya mag-alala, sumagot na lang ako ng… “Ayos lang, ‘tay. Natapos ko rin naman po agad.” “Alam ko namang kaya mo na rin ‘yon anak,” aniya at inabot ang basong may lamang tubig para uminom. “Kailan ulit tayo magbabayad ng tuition fee mo?” Nanlamig ako sa tanong niya. Bumalik na naman sa isip ko ang problema kung paano ko sasabihin sa kanyang binayaran na ni Sandro ang buong tuition fee ko para sa buong semester. Hanep naman kasi sa galante ang taong ‘yon! Ibang klase pala siya magkagusto sa ibang babae, magastos! “M-Magsasabi na lang po ako sa’yo ‘tay kung kailan ulit,” kinakabahan kong sagot sa kanya. Ayaw ko namang magsinungaling sa tatay ko. Hindi ko kayang magsinungaling lalo na sa usaping pera. Mahalaga sa akin ang tiwalang binibigay nila ni Nanay kaya dapat ko ‘yong pag-ingatan. Tumango siya. “Sige. Para mapaghandaan ko.” Aniya. Paano ko ba sasabihin? ‘Tay, binayaran na ni Sandro ang tuition fee ko dahil gusto niya raw ako. Gano’n? Tsk. Alam pa naman ni Tatay na boyfriend ko si Quino. Ano na lang ang iisipin niya kapag sinabi kong si Sandro ang nagbayad? Hindi malisyoso mag-isip si Tatay pero siguradong iisipin niyang…nagpapaligaw pa ako kahit na may karelasyon na ako. Sa huli, hindi na ako nagsalita tungkol do’n. Puro tungkol sa pag-aaral ko at sa bago kong tutuluyan ang pinag-usapan namin. Pinuntahan namin ang apartment na nahanap ni Tatay ilang bloke malapit sa university. Unang kita ko pa lang sa building, alam kong maganda na ang lugar. Sampung up and down rowhouses na kulay puti. Magkaharap ito. Lima sa kanan, lima sa kaliwa. “Tay, hindi ba mahal dito?” “Ito ang pinakamurang nahanap ko na apartment type. Fifteen thousand para sa isang unit. Tatlo ang kwarto, dalawang tao sa bawat isa. Kwentahin mo na kung magkano.” Pumasok kami sa loob para hanapin ang landlady. Maganda, matangkad, at…hindi nalalayo sa edad ni Tatay. Nakadaster siya na kulay pula. Lalong kuminang ang balat niyang mestizahin. Ang buhok niyang naka-half ponytail ay nangungulot sa dulo nito. Nakapostura rin kahit na nasa bahay lang. Nabanaag ko ang lipstick at on fleek na kilay. Nadatnan namin siyang naninigarilyo sa pinakadulong unit. Hula ko’y dito siya nakatira. Nang makita niya kami, agad niyang binuga ang usok na hinithit bago dinuldol ang natitirang sigarilyo sa ash tray. Ngumiti siya sa amin…o mas sasabihin kong kay…Tatay? “Roy! Oh? Ba’t bumalik ka ulit?” Aniya nang salubungin niya kami. Nakangiti siyang nakatitig kay Tatay bago lumipat ang tingin niya sa akin. Doon ko napansing magkasing-tangkad kami. She genuinely smiled at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. “Gusto kong ipakita sa anak ko ‘tong unit na pinaparenta mo,” sagot ni Papa. “Ah! Oo, sige. Halika kayo.” Masiglang sabi niya. She led the way towards the 5th unit. Kaharap ng sa kanya. Pagkapasok niya, in-on niya ang light at pinatuloy kami sa loob. Hindi ko maiwasang mamangha sa ayos ng bahay. Kulay puti at krema ang nangibabaw sa kalooban nito. Kumpleto na rin ito sa gamit. Maliit na sofa sa sala na may center table, dining area na pang-apatan. May tokador din sa sala at kusina. At may lutuan pa! “Ito ang sala,” itinuro niya kung nasaan ito. “Dito ang kusina at ang pintuang ‘yon naman ang common CR. May hot and cold shower na rin ‘yan.” May itinuro siyang pintuan sa tabi ng kusina. “Iyon naman ang laundry area, Roy. Kung gusto niyong magdala ng washing machine, walang problema. Lahat ng unit dito ay may sariling kwentador ng tubig at kuryente.” Pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan ng bahay. Wala akong makitang kapintasan sa lahat ng sulok. “Pwede ko pong makita ang banyo?” Tanong ko. “Sure, suit yourself.” She smirked. Pinuntahan ko ang banyo. Kahit dito sa loob, maganda at malinis tingnan. Totoo ngang may hot and cold shower na. May partition na glass wall para sa shower at kubeta. Naka-tiles din ang dingding at may salamin na nakadikit sa pader aa ibabaw ng maliit na lababo. Binisita ko rin ang laundry area. Sakto naman ang laki no’n. Mas malalim na lababo rin doon na yari sa semento at tiles. May espasyon rin doon na para nga sa washing machine. At nang tingalain ko ang taas, kalahati noon ay walang bubong at nasisinagan ng araw. “Most of my tenants here are employees, Roy. Kaya huwag kayong magtaka kung ganito ang set-up ng unit ko.” Nagsimula siyang igiya kami sa second floor ng apartment. Sumunod kaming dalawa ni Tatay sa kanya. Medyo maiksi ang suot niyang bestida kaya sumisilip ang mapuputi niyang legs. “This is fine, Thesa. As long as my daughter is safe.” Sagot ni Tatay. Nagulat ako sa paraan ng pag-uusap nilang dalawa. Magkakilala na ba silang dalawa noon pa? Kanina ko pa napapansing first name basis ang babaeng ‘to kay Tatay. At napaka-kaswal nilang mag-usap. The woman smiled at him when we reached the second floor. Nangunot ang noo ko. I can see the flicker of desire in her eyes. May umusbong kung ano sa utak ko pero hindi ko iyon pinansin. “Oo naman,” nakangiti pa rin siya sa amin. Sinulyapan niya ulit ako. “Ito na ba ang anak mo kay…” Tumikhim si Tatay, dahilan para mapalingon ako sa kanya. Diretso ang tingin niya kay Miss Thesa pero nang mapansin niyang naghihintay ang mga titig ko, inilipat niya ‘yon sa akin at simpleng nangiti. “Oo, Thesa. Panganay ko, si Quielle.” She chuckled. “Ang gandang bata! At ang kinis pa ah? Ano’ng kurso ba ang kinukuha mo ngayon?” Kuryosong tanong niya. “Ahm, HRTM po.” Sagot ko. “You can be a flight attendant like me in the future!” Palatak niya. “Pero pwede ka ring mag-manage ng negosyo. I think it runs in your blood.” Ngumisi siya bago ipinakita sa amin isa-isa ang mga kwarto. Hindi ko maiwasang mag-isip ng ibang bagay. So they really know each other, based with their interactions. Habang ipinapakita pa nga sa amin ni Miss Thesa ang lugar, may mga panaka-nakang kwentuhan sila ni Tatay na hindi ko masundan. Kilala niya kaya si Nanay? Hindi siya nabanggit ni Tatay sa mga usapan nila. At ang marumi kong isip…kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Hindi nakakatulong sa kuryosidad na tumutubo sa utak ko. “Ano, anak? Nagustuhan mo ba?” Tanong ni Tatay sa amin nang matapos ang pagtu-tour ng landlady sa amin sa kabuuan ng unit. Tumango ako. “Maganda po, ‘tay.” Binalingan niya ang kasama namin. “Kukunin na namin ‘tong unit, Thesa.” Pumalakpak ng minsan si Miss Thessa. “I knew it!” Nakangiting sabi niya. “2,500 sa isang buwan pa rin naman ang sisingilin ko sa inyo pero kapag may naghanap ng bakante, io-offer ko pa rin ang unit para makasama ko. Bale 1 month advance, 1 month deposit. Okay lang naman sa inyo ‘yon ‘diba?” Salitan niya kaming tiningnan. “Walang problema,” sagot ni Tatay. “Kailan nga pala siya lilipat?” Bumuntonghininga si Tatay at tiningnan ako na parang ibinibigay ang desisyong sumagot sa tanong niya. Agad naman akong tumalima. “B-Bukas po? Okay lang po ba?” “Hmm…” nag-krus ang magkabilang kamay niya at tumingala na parang may iniisip. “Lipad ko mamayang gabi pero…sige. Ibibigay ko na sa tatay mo ang duplicate key. Ibibilin ko na lang din sa gwardya ang pangalan niya. Wow. Gano’n kalakas si Tatay sa kanya? At talagang FA nga siya dahil may lipad daw siya ngayong gabi. “Thank you po,” magalang na sagot ko sa kanya. Nag-ring ang cellphone ko at nakitang si Sandro ang tumatawag. Oo nga pala, hindi ko na nasagot ang text niya kanina. I excused myself to them. Tumango si Tatay at nagpatuloy sila ni Miss Thesa sa pag-uusap. Lumayo naman ako para sagutin ang tawag. “Hello,” “You seemed busy. Nakauwi na ba kayo?” Si Sandro. “Hindi pa. Pero may tiningnan kaming apartment.” “Nakahanap na kayo?” Sinulyapan ko ang dalawa. Nag-uusap pa rin ang dalawa. Miss Thesa seemed too fondly with what they are talking about. May panaka-nakang tapik pa siya sa braso ng ama ko. Secretly glared at her. “Oo, pero ewan ko. Parang ‘di ako kumportable dito sa may-ari.” Pag-amin ko sa kanya. “Bakit? Lalaki ba ‘yan?” I can sense curiosity and danger in his voice. “Sira! Hindi! Babae! Pero kakilala yata ni Tatay. Ewan ko. Ang lagkit makatingin sa kanya.” Hindi siya kumibo. Ako rin naman. Pero parang naghihintayan kami kung sino ang unang magsasalita. “Well, you can’t help it. Your father is good-looking.” Aniya. I rolled my eyes. At talagang sinulsulan pa niya ang naiisip ko. Nakakabadtrip tuloy. “Maya na lang tayo mag-usap, Sandro.” Medyo yamot na sabi ko. He chuckled. “Fine. I miss you. Take care, Quielley.” Nangunot ang noo ko sa tawag niya sa akin. Quielley? O baka namali lang ako ng dinig at may iba siyang sinabi? “A-Ano’ng sabi mo?” I felt him smirked. “I said, take care.” “Hindi! May sinabi ka pa kanina.” “What? That I miss you?” “Ano’ng tawag mo sa akin? Kanina?” “Quielley,” Ulit niya. Hindi ako agad nakapagsalita. It’s my name. I know it’s my name. Iniba niya lang. But the way she called me that, it felt special. Like it’s only for me. I heard his chuckles on the other line. Tunog nang-aasar. “Everybody calls you by your first name. I thought of calling you differently. And it’s only me who can call you that.” He said possesively. Nag-init ang mukha ko sa narinig. Kasabay no’n ay may kung ano’ng mainit na humaplos sa puso ko. Kahit ang paghinga ko, naguunahan na. “Get it, baby? Only me. ” he said huskily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD