CHAPTER 8

2479 Words
Quielle Dahil hindi pa naman bukas ang mga mall dahil medyo maaga kaming natapos sa school, tumingin-tingin muna kami ng mga boarding houses malapit sa eskwelahan. May ilan kaming nakita at agad naming chineck ang kabuuan. ‘Yung iba, maayos pero medyo mahal. Karamihan naman, maraming tenants at aaminin kong medyo magulo roon. “You like it here?” Bulong ni Sandro sa akin nang puntahan namin ang isang apartment na maganda. Huling apartment na namin ito dahil maga-alas onse nang tanghali. Bukas na ang mall. Balak naming mag early lunch tapos manonood na ng sine. Umiling ako. “Maganda sana pero…Parang ayaw ko, hindi yata ako makakapagpahinga ng maayos dahil anim kaming magsisiksikan sa kwarto.” Tumango siya. Tinawag niya ang landlady at magalang na nagpaalam. Nagbigay pa siya ng discount pero si Sandro na ang tumanggi. Kaya dumiretso na kami sa mall. Ako ang pinamili niya ng movie. Pinoy love story ‘yon. Siya naman ang bumili ng snacks namin. Pero nang papasok na kami sa loob ng sinehan, tinawag niya ako. “Why?” I asked. “Malamig sa loob. You need a jacket. Ang nipis pa naman ng damit mo.” I sneered at him before I checked my clothes. Cotton naman ang tela ng blouse ko. I am using a long denim skirt but it has a slit in front of it. I pouted my lips when I realized that he’s right. Pero umiling ako. My outfit wasn’t ready for it. “Wala akong jacket eh,” wika ko. “Bibili ako—“ “Huwag na! Kaya ko naman siguro ang lamig sa loob.” Awat ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya. “I don’t think so.” Inabot niya sa akin ang mga pagkaing binili namin. “Take this, ikukuha kita.” Saka niya ako mabilis na iniwan doon. Agad din siyang bumalik kung saan niya ako iniwan. I noticed a brown paper bag with a name of an expensive clothing brand. Oh right, I surely think he bought it. Kinuha niya ang snacks sa akin bago niya niya inabot ang paper bag. “Go on, suotin mo.” Kinuha ko iyon at titig akong napailing sa kanya. “Thank you,” tipid kong ngiti. Sinuot ko ang maong jacket na binili niya. Sandali kong sinipat ang sarili. Aba, sakto sa’kin ah. “It fits you,” he smirked proudly, na para bang masaya siyang tama ang hula niya sa size ko. “Bagay sa palda ko,” nakangiting sabi ko sa kanya. “I thought so. That’s why I chosed it for you. Tara na sa loob.” Yakag niya sa akin papasok sa sinehan. I enjoyed the movie even though I wasn’t sure if Sandro liked it. I was expecting him to act naughty because the place is cold and dark. Ang dami naming napansin na mga mag-jowa na naglalampungan sa loob! Ako pa ang naiilang. Kung hindi ko lang gusto ang pelikula, baka nagyaya na akong lumabas. But Sandro wasn’t naughty at all. He behaved. Ni humawak sa kamay, hindi niya ginawa. Inasahan ko pang aakbay siya oo gagawa ng paraan para makatsansing pero wala, hindi niya ginawa ang mga iyon. May mga pagkakataon sigurong nahahawakan ko siya kapag inaabot niya ang tissue para punasan ang bibig ko dahil sa pagkain pero hanggang doon na lang ‘yon. It’s not that I expected it because I wanted it to happen. But I appreciated him for not taking advantage with me. As usual, hinatid niya ulit ako sa bahay. Hapon na ‘yon pero hindi pa late. Matapos kong magtanggal ng seatbelt, nakangiti ako nilingon siya. “Salamat sa lahat ah,” sabi ko. His lips pursed, trying to hide a smile. “All for you.” Tanging nasabi niya. I frowned. “You spoil me too much, Sandro.” “I love spoiling you,” then he smiled. “Can I have your number?” Tumaas ang isang kilay ko. He get what I mean already. “I will not be with you tomorrow and the coming days. I’ll be busy.” “Uhmm…” tumatangong sabi ko. I handed my hand so he could give his phone. “Akin na.” He obediently gave it to me. Binuhay ko ang phone niya. Walang password. His phone’s plain. Default ang theme nito at kulay itim lang ang wallpaper. I saved my number. I dialled it, too, so I can save his number on my phone. Para alam kong siya ang kumokontak sa akin. Since then, we’ve been communicating constantly. He would text me if he’s free. I would reply if I’m free, too. Sa gabi, bago matulog, magtatawagan kami ng ilang minuto. Kahit magka-text na kami sa umaga at pinag-uusapan ang mga nangyayari, magkukumustahan kami sa gabi na parang hindi namin alam ang mga nangyari sa nagdaang mga oras. Katatapos ko lang maligo at magpatuyo ng buhok, sinusuklay ko na lang ‘yon nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko. Nangiti ako nang mabasa kung sino ang tumatawag. Inabot ko ang cellphone ko habang sinusuklay ang buhok ko. “Hello,” ani ko. “Busy? I called twice before you answered.” Aniya sa baritonong boses niya. “Sorry. Naligo kasi ako.” Sagot ko. Hindi ko narinig na tumawag pala siya. I should check later after this call. “I texted you, too.” Ngayon, mukhang nagtatampo ang boses. The man I’m talking with now is different from the man I used to know. Ibang-iba. Parang hindi siya. Nabura na nga sa isipan ko kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya. Ang alam ko ngayon, ay isang lalaking malambing at matampuhin. I giggled a bit. Ang laki-laking tao pero parang batang laging nanghihingi ng atensyon. “Oo na. Sorry na nga po,” nakangiting sabi ko kahit alam kong hindi niya ako nakikita. I heard his chuckles from the other line. Lalong lumapad ang ngiti ko dahil ramdam kong nakangiti na siya. Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam kong gumaan ang pakiramdam niya. “Done with your nightly rituals?” He asked. “Naligo lang naman ako saka nag-skin care. Kung makaritwal ka naman, akala mo gabi-gabi kitang dinadasalan.” Pabirong sagot ko. “Bakit? Hindi ba?” He teased me. Ibinaba ko ang suklay sa kama at ibinigay ko buong atensyon ko sa kanya. “Feeling mo! Ba’t pa kita ipagdadasal eh matagal ka nang patay na patay sa’kin?” Mapagbirong ganti ko. He barked a loud laugh. Natigilan ako. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Kahit sa telepono ko lang ‘yon naririnig, pakiramdam ko, kasama ko lang siya. I felt something in a fleeting moment when I heard him laugh. Para akong nagtagumpay sa isang bagay na hindi ko mawari. All I know is that I made him laugh but I know, deep inside me, I felt something deeper than that. I made him happy. “You got me in there,” natatawa pa rin niyang sabi. “Kumusta ang araw mo?” I rolled my eyes. “Parang hindi mo naman alam kung ano’ng ginawa ko.” “Naglaba maghapon. But I wanted to know how have you been. Tambak ang mga damit na nilabhan mo. It must be tiring.” “Gano’n talaga kapag ukay-ukay ang ibibenta. Kailangang malinis pa ring tingnan kahit hindi na bago ang mga damit.” Katwiran ko. Bumili kasi ako nang isang bale ng ukay-ukay. Ito ang una kong subok mag-negosyo. Itinago ko na lang muna ang perang ibinigay sa akin ni Tatay at ibinili ko nito. Hindi ko muna sinabing binayaran na ni Sandro ng buo ang tuition fee ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin o ie-explain sa kanya. Kahit kay Nanay, hindi ko pa nasasabi. “How are you going to sell it?” He asked. “Online,” sagot ko. “Ipi-picture ko tapos ipo-post ko sa mga social media accounts ko.” “Tell me if you need help. Tutulong ako.” I smiled a bit, appreciating him for being helpful to me. “Tulungan mo akong magtinda sa live streaming? Ikaw ang magmodel sa men’s shirts na ititinda ko. Siguradong papakyawin ang paninda ko kapag nilantad mo ang abs mo!” At sinundan ko ‘yon ng malakas na tawa. Hindi siya nakasagot na mas lalo kong ikinatawa. Nai-imagine ko ang mukha niya. Nakasambakol siguro ‘yon habang matalim ang mga titig sa akin. “I will help you but I won’t strip on the camera, Quielle.” “Half body lang! Kahit hindi na kita ang mukha!” Dagdag ko. He groaned. “Even so!” “Kasama mo naman ako! Ikaw sa men’s shirt, ako sa women’s dress. Kailangan kasing makita ng mga bibili—-“ “Isusukat mo lahat ng mga damit sa harap ng camera? With everyone watching you online? How would you do that?” Naninimbang na tanong niya. “Magsusuot lang ako nga tube saka cycling shorts para madaling suotin at hubarin ‘yung mga damit—-“ “No way, Quielle! Buy a mannequin!” “Hindi naman ako maghuhubad sa harap ng camera! Siyempre iiwas ako sa anggulong hindi ako makikita.” Pagdadahilan ko. “Tell me if you’re going to sell it live. I will help. Sasamahan kita.” He sounded stern now. “You’re a busy man, Sandro.” Sagot ko. “Pero sige, kung kakailanganin ko, magsasabi ako.” Ini-ready ko na rin ang mga gamit ko para sa eskwela. Sa lunes na ang pasukan kaya kailangan ko nang ihanda ng mas maaga. Dahil hindi pa ako nakakahanap ng kasera na malapit sa school, nag-desisyon muna akong mag-commute na lang araw-araw. Baka kung sakaling makayanan ko naman ang ilang oras na pagko-commute ay magbago rin ang isip kong umupa pa. Pero nagkamali ako. Hindi pa tapos ang isang linggo simula nang mag-umpisa ang unang araw ng klase, parang gusto ko nang sumuko sa sobrang pagod. Alas siyete ng umaga ang unang klase ko at kailangan ko nang umalis sa bahay ng alas singkoy media ng umaga. Sa hapon naman ay matatapos ito ng alas singko rin. Isa’t kalahating oras din ang ginugugol ko sa pagko-commute. Kung mamalasin sa sobrang bigat ng traffic, isang oras ang dinadagdag nito. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. Biyernes ngayon at dahil rush hour, alas otso na ng gabi ako nakauwi sa amin. Nadatnan ko sila Nanay at ang mga kapatid kong nanonood ng TV. Si Tatay ay naka-duty ulit kila Tito Lucas. Bukas pa ang uwi kaya pwede akong magpahatid sa kanya kung sakali. “Pagod na ako,” naiiyak na sabi ko sa sarili. Gusto kong magmaktol pero ginusto ko ‘to eh. Napabaling ako sa nakasaradong pintuan ko nang makarinig ako ng marahang katok. I closed my eyes and sighed. Hindi na lang sana ako sasagot para isipin nilang tulog na ako pero narinig kong nagsalita ang taong nasa labas. “‘Nak, si Nanay ‘to. Pwede ba akong pumasok?” Marahan akong tumayo para pagbuksan siya. Medyo madilim sa kwarto ko dahil ang maliit na lamp shade ko lang ang binuksan ko. When I opened the door, the smell of warm, delicious food assaulted my nose. “Dinalhan kita ng makakain, Quielle. Tapos nang kumain ang mga kapatid mo.” Aniya habang bitbit niya ang isang maliit na tray na may lamang mainit na kanin at sinigang na baboy. Inilahad niya iyon sa akin. Agad na kumalam ang sikmura ko nang makita ko ang ulam. Gusto ko agad sunggaban. Kaninang alas tres ng hapon ang huling kain ko. Tingin ko nga’y kukulangin pa ako sa inihain ni Nanay. Tinanggap ko ang tray sa kanya at lumabas na rin ako ng kwarto. “Salamat ‘nay. Sa baba na lang po ako kakain. Kumain ka na po?” Nakababa na kami sa unang palapag at tinungo namin ang kusina. Nandun din kasi ang dining table. “Hindi pa, anak. Hinihintay ko ang tatay mo.” “Uuwi po siya?” Akala ko bukas pa ng madaling araw. Inayos ko ang laman ng tray. Inilapag ko ang mga platong may lamang pagkain sa mesa kasama ang basong may lamang tubig. “Mamaya pa. Pauwi na rin ‘yon.” Sagot niya. Tumango ako. Umupo na ako’t nag-umpisa nang kumain. Siya naman ay umupo rin sa bakanteng upuan sa kanan ko, sa kung saan siya madalas pumwesto. “Pagod na pagod ka, Quielle. Ni hindi ka na nakapagpalit ng pambahay, oh.” Sinipat ko ang sarili. Suot ko pa rin ang buong uniform ko. Tinanggal ko lang ang ID lace at ang kulay dark blue na ribbon sa blouse ko. Natanggal ko na rin ang pagkakabutones ng puting blouse ko pero hindi ko ‘yon tuluyang natanggal kanina. Kaya nakahantad ngayon ang puting sando ko. Mabuti pa nga’t nahubad ko na ang sapatos at medyas ko kanina. “Mas napapagod ako sa pagko-commute ‘nay.” Ani ko. “Papayagan niyo po ba ako kung mangungupahan na lang ako malapit sa university? Uuwi po ako rito kapag wala po akong pasok.” Pangungumbinsi ko sa kanya. Tumango siya na ikinatuwa ko. “Akala ko nga’y ‘yan talaga ang balak mo. Wala pa ba kayong nahahanap ni Sandro?” Nagtataka akong tiningnan siya. Teka, hindi ko pa nababanggit sa kanila ni Papa ang paghahanap ko nang marerentahang kwarto. Kanino niya nalaman ‘yon? Nakita niya yata ang pagtataka sa mukha ko sinegundahan niya nang isa pang tanong. “Hindi ba’t ‘yan isa sa nilakad niyo nung isang linggo?” Nagtataka pa rin akong tumango. “Pumunta nga siya rito kanina. Hinahanap ka. Hindi ka raw sumasagot sa mga tawag niya.” Naninudyong sabi ni Nanay. Nag-init ang mukha ko. Nanunudyong ngisi ang binigay niya sa akin. Napasimangot tuloy ako sa ginawa niya. “Nanay naman, eh.” Nakangusong sabi ko. “Ewan ko ba anak. Magaan ang loob ko sa batang ‘yon.” Sabi niya habang nangingiti. Nagkibit-balikat ako. Inabot ko ang basong may lamang tubig para uminom. “Boyfriend mo na ba ‘yon?” Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko. Hindi niya ba alam ang tungkol sa amin ni Quino? Nabanggit ko na ‘yon kay Tatay ah! Imposibleng hindi pa niya naikukwento ‘yon sa kanya. “‘Nay, hindi ah!” Tanggi ko. Humagikhik siya. “Okay lang naman ‘yang boyfren gerlfren, ‘nak. Basta hindi ka makakalimot sa mga bagay na hindi pa pwede ah?” Ngumuso ako. Wala nga siyang ideya. Hindi talaga siguro nabanggit ni Tatay ‘yon sa kanya. “Wala ‘yun, ‘Nay.” Nangunot ang noo ko’t pilit na itinatago ang ngiting sumisilay sa labi ko sa pamamagitan ng pagsusungit. “Magtatapos pa ako ng pag-aaral. Gusto kong may marating sa buhay.” But…deep inside, yeah…I like him. I like Sandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD