CHAPTER 7

2728 Words
I took my time to get myself ready. Hindi ako nagmadaling mag-ayos dahil lang may naghihintay sa akin. Mukhang kumportable naman siya sa sofa nang iwan ko siya ron. Pero nang silipin ko siya sa sala habang nagsusuklay na ako ng buhok, namangha ako sa nakita. Nagku-kwentuhan sila ni Nanay! At may mga pagkakataong nagbibiruan pa silang dalawa! He glanced on where I am standing. Nagtama ang mga mata namin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpasada niya sa itsura ko habang patuloy ako sa pagsusuklay ng buhok ko. Kung hindi lang inagaw ni Nanay ang atensyon niya, siguradong tatagal pa ang tingin niya sa akin. In-invite pa siya ni Nanay mag-almusal kaya nagkasabay pa kaming dalawa sa pagkain. Habang kumakain, dumating ang ilang helper namin sa karinderya. Hindi man nila ipinahalata, alam kong nahihiya sila sa nadatnan nilang ‘bisita’ namin. “Ate Zeny, okay na ba ‘yung pang-almusal? May mga kostumer nang naga-abang sa pwesto!” Tanong ng isang helper namin, si Ate Doreen. “Oo!” Sigaw ni Nanay mula sa kusina. “Kunin mo na rito at kanina ko pa kayo hinihintay!” Tumayo ako para magtimpla ng chocolate drink sa counter top. I saw in my peripheral vision how Sandro shifted on his seat and trailed his eyes on me. Tss. Para namang tatakasan! “Good morning, ‘day!” Bati sa akin ni Ate Jenny, kasama ni Ate Doreen. Binulungan niya ako. “Ba’t nandito ang anak ng amo ni Kuya Roy?” Bulong niya sa akin. Inirapan ko siya. “Ewan ko. Dito gustong mag-almusal.” Pabalang na sagot ko sa kanya. Pabiro niya akong siniko. “Jusko, mas masarap pa siya sa agahan!” Kinikilig na bulong niya sa akin! Pero sigurado akong narinig ‘yon ni Sandro! To confirm my hunch, pasimple kong sinulyapan si Sandro mula sa likuran. I saw him almost finishing his food. At hindi nakatakas sa akin ang nakakalokong ngisi niya. Sinasabi ko na nga ba! “Huwag kang maingay, Ate. Marinig ka pa niyan!” Saway ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya bago ako iniwan. Lihim akong napairap dahil kahit sino, naaagaw ni Sandro ang atensyon ng mga nakakapansin sa kanya kahit wala pa siyang ginagawa. Pagbalik ko sa upuan, muli niya akong tiningnan. “I heard what she said,” he teased me. Napalabi lang ako sa sinabi niya. “Huwag kang maniwala dun.” “Well, I can’t blame her.” Ngisi niya saka uminom ng tubig. Agad na rin kaming nagpaalam kay Nanay pagkatapos naming kumain. Hindi ko na kailangang mangamba dahil kumportable ang magiging biyahe ko. Well, thanks to Sandro. I doubled check my requirements. Sinigurado kong kumpleto lahat iyon. Kaya habang nasa biyahe na kami papunta sa school, nag-iisip na ako ng mga susunod kong gagawin. “What are you thinking?” Si Sandro habang nagmamaneho. Bumaling ako sa kanya. “Kung ano’ng susunod kong gagawin pagkatapos ko sa school.” Sagot ko. “Ay paano nga pala pagkatapos natin sa enrollment? May lakad ka rin?” “Wala. Sasama lang sa’yo maghapon.” Ngumiwi ako. So talagang bubuntot lang sa akin -to for the whole day. “Kung gusto mo…samahan mo akong tumingin ng boarding houses malapit sa school. Balak ko kasing umupa na lang kung papayag si Tatay. Kakainin lang ng pagko-commute ang oras ko, imbes na ilaan ko sa pag-aaral.” “Yeah, we can do that.” He turned left, the gate of the school. “But don’t you want to consider renting an apartment? Mas maganda, mas may privacy.” Humalikipkip ako. “Mas maganda nga,” binalingan ko siya ulit. “Pero wala na kaming pera.” Buti nga’t may discount ang tuition ko dahil sa scholarship program ng kumpanya nila Sir Martin dahil hindi kakayanin ni Tatay ang tuition fee ko. Inalalayan niya ako nang bumaba ako sa sasakyan pagkatapos niyang i-park iyon. I led the way. Kaaunod ko lang siya sa likuran ko. There are professor’s greeting him and having a little chitchat. Nagmamadali pa naman ako. “It’s nice to meet you again, Sir. But we have an appointment to catch.” He said politely to the professor he just bumped in the hallway. “Oh! Sure, sure, Mr. Villanueva! It’s nice to see a former student who became successful in his chosen field,” ani ng matandang propesor. Former student? So dito siya nag-aral noon? Hindi ko alam ‘yon. Well, how would I know? Hindi naman kami nag-uusap noon. Pagdating namin sa registrar’s office, nanlumo ako sa nadatnan. Ang haba na naman ng pila! Bubuno na naman ba ako ng isang araw nito? Gosh, nakakapagod! At saka…iniisip ko ang kasama ko. Pauuwiin ko na lang siguro siya dahil siguradong maiinip lang siya. I sighed. Kumuha muna ako ng number para sa queing system nang maramdaman ko ang paghawak sa akin ni Sandro sa siko ko. “What are you doing?” Tanong niya. I sighed. “Kukuha ng number para sa pila,” nanghihina kong sabi. “Sandro, mahaba ang pila. Mababagot ka lang dito. Iwan mo na lang siguro ako—-“ “Come with me,” putol niya sa akin. “Hah? Saan tayo pupunta? Sandro, kailangan kong pumila!” Protesta ko. He smirked. “Trust me. Halika na,” Bumaba ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa siko ko. He intertwined our hands. I felt my heart tugged as he held me a little firmer. Nag-init ang puso ko, bumilis ang t***k nito. Suddenly, I can’t name my emotions anymore. Kapag ganito kami ni Quino, holding hands were just normal between us. Like a friend enjoying each others’s company. Ni hindi ko mabigyan ng malisya ang mga kilos naming dalawa. Kahit nung nag-usap kami na magiging kami na. But…to Sandro, it’s all new. It’s…unfamiliar but…I like it. I like what I feel. Dumiretso kami sa isang opisina. I read the gold-plated stainless steel just above the door. ‘Office of the School Registrar’ Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Authorized person lang ang pwedeng pumasok dito! Well, unless… “Good morning, Sir…” bati sa kanya ng babaeng naka-uniporme. “We’re here to meet Mr. Roman Tobias.” Tumango ang babae. “This way, Sir…” I tugged his hand to get his attention. Lumingon siya akin. “What are we doing here?” Bulong ko. “You’ll enroll,” sagot niya. “Dito?” Nagtatakang tanong ko. Tumango siya bago kami tuluyang pumasok sa opisinang ‘yon. Unti-unti nagsi-sink in ang nangyayari sa utak ko. Oh no, he used his connection for this. Sinalubong kami nang matandang lalaking pormal ang kasuotan. Nakangiti siya sa kasama ko, like it’s an honor for him to be visited by Sandro Villanueva. “Good morning, Mr. Sandro Villanueva! Oh, it’s my pleasure that you come to my office today!” Mr. Tobias said before he handed his hand. Tinanggap iyon ni Sandro. “Thank you, Sir. I hope we did not interrupt your schedule.” Umupo kami sa visitor’s sofa. Magkatabi kami ni Sandro sa mahabang sofa habang si Mr. Tobias ay sa single couch umupo. I noticed…Sandro did not let go my hand. He’s still holding it, just a little firmer now. “Don’t mind it. Okay lang ‘yon, hijo.” Nakangiti pa ring sabi niya. “Isa pa, this won’t take long.” Tumango ang kasama ko at nilingon ako. “Give me your documents,” “Ah, oo!” Agap kong sabi. I gently withdrew my hand on him. Niluwangan naman niya ang paghawak sa akin. Dahan-dahan kong pinakawalan ang buntonghininga ko dahil pakiramdam ko, parang akong nangulila sa hawak niya. What is happening to me? Nagpatawag si Mr. Tobias ng isang clerk sa loob din ng opisina niya. He instructed his secretary. Kapagkuwan ay umalis din agad. Kinuha ko ang mga dokumento ko sa bagpack na dala ko. I handed it to Sandro, then he handed it to the clerk. “Please process her papers immediately, Mrs. Magtalas.” Sabi ni Mr. Tobias. Tumango siya. “Yes, Sir.” Siya ‘yong tumanggi sa akin kagabi. Dumako ang tingin niya sa akin. Nang magkatinginan kami, nanlaki ang mga mata niya. Siguradong namukhaan niya ako. Tipid akong ngumiti sa kanya. She just nodded curtly before she left us. “I’m sorry if I have to visit your office for this, Sir. We could just fall in line but my girlfriend and I have an unscheduled appointment. It’s important so…” Hindi ko na pinakinggan ang ibang sinasabi niya sa kausap niya. Natutok ang atensyon ko sa salitang binitawan niya sa matanda. Girlfriend? Ako? Girlfriend niya?! “I understand, hijo,” bumaling siya at ngumiti sa akin. “Kumusta ang mga magulang mo? Your sister, Annika, is doing great in her studies, despite her hiatus for almost a year.” “My parents are fine. My Dad will be retiring soon while Mommy is enjoying and busy with her community works. Si Annika naman…” he just shrugged his shoulders. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. Hindi naman ako naiinip kahit hindi ko gaano maintindihan ang iba nilang pinag-uusapan. Lumilipad kasi ang isip ko sa pagpakilala ni Sandro sa akin kanina, at ang pagkwestiyon ko sa sariling nararamdaman. He declared me as his girlfriend to someone close to his family. He may just using it as an excuse for them to facilitate his special request but…I felt surreal when I heard him saying it. It’s like professing his feelings…for me. Well, he told me that he likes me. He even offered me to be his girlfriend. For him to say that to me when I already knew that he doesn’t do girlfriends makes me feel a little…different. I sighed and reprimanded myself. Huwag kang assumera, Quielle. Feeling special ka? Babaero ang lalaking ‘yan. The old man chuckled. “Well, please send my regards to them.” Saktong dumating ang clerk na nagprocess ng enrollment ko. “Okay na po, Sir.” Ibinalik ng clerk ang papel sa matanda. Mr. Tobias handed it to me. “M-Magkano po?” Lakas-loob kong tanong sa kanya. Nagtagal ang tingin sa akin ng babae bago bumaling sa matandang lalaki. Meanwhile, the old man turned to Sandro. Lumapit si Sandro sa akin. He held my hand again and whispered something in my ear. “It’s alright baby. I settled everything,” Natahimik ako sa narinig. Nagpatuloy naman sa pag-uusap ang dalawa. Huh? Settled? Binayaran niya? Ang mahal nang tuition ko ah! Gusto kong magprotesta. Kung wala lang kaming ibang kasama rito, uulanin ko ito ng tanong. Hindi na rin kami nagtagal doon at lumabas na kami ng opisina. Magaan ang loob kong natapos na ang problema ko pero paano ang perang hawak ko na sana ay ibabayad ko sa tuition. Nasa labas na kami ng building nang may maalala. Pinalo ko siya sa braso niya. It’s not forceful but he winced because of pain. “What the…ano?” Natatawang sabi niya habang hinihimas ang brasong pinalo ko. “Oy, ano’ng palabas ‘yon?” Masungit na tanong ko sa kanya. “Ano’ng palabas?” Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa parking lot. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil ang bilis niyang maglakad. Parang iniiwasan ako. “Ba’t sinabi mo dun sa loob na girlfriend mo ako?” “I have to make an excuse so they’ll entertain us.” Nahimigan ko ang hindi niya pagiging seryoso sa boses niya. “In the expense of telling them that I’m your girlfriend? Sandro, baka maniwala ‘yon. Mukhang malapit pa naman sa pamilya mo.” “Eh ‘di maniwala siya,” aniya bago ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse. Lumabi ako at pumasok na roon. When he settled on his seat, may isa pa akong naalala. “Magkano ‘yung binayaran mo sa tuition fee ko?” He started the engine before he glanced on me. “Why?” “Babayaran ko,” matapang kong sabi. Kaso naalala ko, 70k lang ang dala ko. Baka buo niyang binayaran ‘yon! Kulang ang dala ko. “B-Babayaran ko. Installment! ‘Pag nagbigay ulit si Tatay, idi-diretso ko sa’yo—“ “I didn’t ask you to pay me back,” masungit na sagot niya sa akin. “Okay na ‘yon, Quielle. Bakit? Hindi ka ba nililibre ni Quino?” My lips parted. Paano’ng nasali si Quino rito? “Nililibre! Pero hindi ganito kalaking amount!” “Masanay ka na.” He fired back. “Hindi ko tatanggapin ang bayad mo. I paid it willingly. Kahit naman tanggapin ko ‘yan, igagasta ko rin ‘yan sa’yo. So just keep it. Use it to buy things you’ll need. Pwede mo ring ibalik kay Manong Roy. But I bet, he’ll ask you why,” he smirked evilly. “You don’t want him to know it yet unless you’ll tell them my reason.” Natigilan ako. How wise… Bumuntonghininga ako. Ibang klase rin ang logic ng taong ‘to. Tumahimik kaming dalawa. Ramdam ko na nagbago ang awra sa pagitan naming dalawa. I looked at his face. He looked pissed. Magkasalubong ang dalawang makapal na kilay niya. I think, I hit his ego. “T-Thank you,” lakas loob na sabi ko sa kanya. Gumalaw ang panga niya. His veins on his neck protruded. Nakita ko ring humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Is he mad? “Kung wala ka, siguro…baka maghapon akong nakapila.” Dagdag ko. “Yung tungkol sa tuition fee ko, itatago ko na lang para sa susunod na semester.” Hindi siya umimik pero alam kong nakikinig siya sa akin. “M-May alam kong ice cream parlor, palagi kami ni Quino dun. Gusto mo—-“ “Ayoko,” sagot niya nang hindi pa ako pinapatapos sa pagsasalita. I sighed again. “Coffee?” I tried again. Umiling lang siya. “Sige…ano, ahm…” kinamot ko ang sentido ko dahil hindi ko alam kung paano siya susuyuin. “Ganito na lang…gusto mo pa ba akong samahan maghanap ng boarding house?” Hindi siya umimik. Hayy, mukhang na-badtrip ko na yata. Suko na ako. Baka nasira ko na ang araw niya. “S-Sige kung a-ayaw mo, ano…” lumunok ako. Parang may bumabara sa lalamunan ko. “A-Ano’ng gusto mong gawin natin?” Guilt dripped on my heart. Para akong maiiyak na. Nasaktan ko yata talaga ang damdamin ng taong ‘to. Ang gaga ko kasi. Nagrereklamo pa ako eh tumulong na nga ‘yung tao. I looked away to hide my unshed tears. Baka makita niya. Isipin pa niyang nagpapaawa ako. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Suminghap ako at nilingon siya. He looked at me intently. May kaunting bahid pa rin ng iritasyon pero lamang ang pagiging concern nito. “Sorry na,” sabi ko. “Sige na, sa susunod kapag nilibre mo ako, hindi na ako aangal.” Umiling siya. “Kung labag naman sa loob mo ang pagtanggap ng mga ibibigay ko, hindi ko na ipipilit.” “Hindi…ayos lang. Hindi na ako aangal. Malaking tulong ‘to. Pwede kong ibayad sa susunod na semester o kaya…ipangpupuhunan ko sa negosyo.” Tumaas ang isang kilay niya. “Gusto mong magnegosyo?” Tumango ako. “Parttime lang. Gusto kong kumita ng galing sa pagod ko.” “Gusto mo—-“ Itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. “Gusto mo magsine na lang tayo? Libre kita.” He bit his lower lip. Lumiwanag ng bahagya ang mukha niya. “Ginagawa niyo ba ni Quino ‘yon?” Nangunot ang noo ko. “Nakakahalata ako sa’yo. Panay ang tanong mo kay Quino. Bakit? Nagseselos ka?” “Oo,” he said breathily. Literal akong nahinto sa paghinga. I did not expect it from him. Kahit nga ‘yong offer niya na maging kami na lang, hindi ko sineseryoso. “H-Hindi kami nagsisine,” pagliligaw ko sa sagot niya. “Noong sinabi niyang magsi-sine kami, hindi ‘yon natuloy.” I don’t know how to react on his answer, nor what to say. Baka magkamali ulit ako. O kaya…baka…mahulog ako sa sariling kilos ko. He rested his back on his seat and nodded. I saw his lips stretched because he smiled. “Fine. We’ll watch movies and later, we will find you a place to rent.” Nahimigan ko ang saya sa boses niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD