CHAPTER 6

2374 Words
Quielle Dinala ako ni Sandro sa isang mamahaling restaurant. Hindi naman sa hindi ako sanay sa lugar na ito pero sa itsura ko dahil sa pagod, paniguradong out of place ako ngayon. While he looked handsome in his white polo and black slacks, paired with his brown leather shoes. Hindi talaga ako nababagay na kasama siya rito. Inabutan si Sandro nang menu. Tinanggihan ko na ang inabot sa akin ng waiter dahil balak kong siya na ang pag-order-in sa kakainin ko. Tutal, siya naman ang nagyaya. “What’s yours?” He asked after he told his orders to the waiter. “Ikaw na lang ang mag-order,” mahinang sabi ko. Sandali niya akong tiningnan bago bumaling ulit sa waiter. Ipinares niya sa order niya ang akin. He ordered wine for himself. Pero binalingan niya ako nang itanong ng waiter kung ano’ng inumin ko. “May mango juice ba?” Tanong ko. “We have, Ma’am.” Magalang na sagot ng waiter. I nodded. “‘Yun na lang po,” Tumango ang waiter. Sandali niya pang inulit ang in-order namin. Nang masiguro lahat iyon, mabilis rin siyang umalis. Binalot kami ng katahimikan nang iwan kami ng waiter. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin nang normal. Bago pa mangyari ang halikan sa patio, talagang nakaka-overwhelm na ang presensya niya sa akin. Ngayon, dumoble ang intensidad ng nararamdaman ko. I don’t know what to say nor what to do. Ni tingnan siya ng matagal, hindi ko magawa. Kapag nagtatama ang mga mata namin, para akong napapasong iniiwas agad ang tingin ko sa kanya. That’s how he makes me feel troubled. “You okay?” Alerto akong napatuwid sa pagkakaupo. I nodded at him. “Y-Yes,” I answered. He sighed. “You’re not comfortable around me. Simula pa noon. Iniiwasan mo ako kapag nasa paligid mo ako.” I looked away feeling guilty. How did he know that? Was I too obvious? “You’re not as carefree as you are when I’m around, unlike when you’re with Quino.” Dagdag pa niya. I bit my lip. Wala akong masabi. Hind ko maipagtanggol ang sarili ko dahil totoo naman ang mga sinasabi niya. “That’s why I wonder how you welcomed my kisses,” he said mockingly. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya pa iyon sa harapan ko. Pwede bang…kalimutan na lang namin ‘yon?! Pero ipokrita ako kung sasabihin ko sa sarili kong kaya kong kalimutan ang nangyari. Halos hindi nga ako nakatulog ng ilang araw sa kakaisip! “Kailangan pa ba nating p-pag-usapan ‘yan?” Pabulong na tanong ko sa kanya. He chuckled. Inabot niya ang kamay kong nakasandal sa mesa. Agad na natuon ang tingin ko roon. I flinched a bit when he held my hand. He feels warm. And…I cannot explain what I’m feeling right now. I feel safe and secured. How can it be? He looked at me straight into my eyes. “I like you,” he said shamelessly. My lips parted with his utmost confidence. Wala akong makitang bahid ng alinlangan nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Parang normal lang siyang nakikipag-usap aa akin. I wonder if he’s only kidding me or he doesn’t really mean what he said. “S-Sandro…” “Hindi naman seryoso ang relasyon niyo ni Quino, ‘di ba? Break up with him. Tayo na lang dalawa.” Nangunot ang noo ko. Ano’ng akala niya? Gano’n lang kadali ‘yon? Eh hindi ko nga nakausap si Quino bago pumasok sa Academy eh. Saka…ano ba’ng tingin sa’kin neto? Easy to get ako? Tumikhim ako’t mabilis na binawi ang kamay ko sa kanya. I saw confusion in his eyes. And maybe, disappointment, too. “Hindi ‘yon gano’n kadali,” saad ko. He rested his back on his chair. “Ano’ng hindi madali ro’n?” Paano ko ba ieesplika sa kanyang nahihirapan ako sa presensya niya? Of course his kisses are great. Hindi pa ako nahahalikan ng gano’n but I bet he kisses deliciously. Para ngang may sumindi sa kaibituran ko. And I admit it, I like how it made me feel so…alive. Mataman ko siyang tiningnan. He’s waiting for my answer. Hindi nga lang ako nakasagot agad dahil dumating na ang mga pagkain namin. Natakam ako na nakikita. Bumalik ang gutom na nararamdaman ko. Nakalimutan kong kasama ko si Sandro at binabalak ko nang sinimulang kainin ang steak na in-order niya. Pero bago ko pa iyon lantakan, kinuha niya ang plato ko. “Here,” lahad niya sa platong hawak niya. “Para hindi ka na mahirapang maghiwa.” Tiningnan ko ang ipinalit niya roon. Parehong steak lang naman ang in-order niya para sa aming dalawa. But the steak on the plate he’d given me was already sliced up. Ang bilis naman niyang maghiwa ng steak? “Thank you.” ‘Yon na lang ang nasabi ko dahil hindi na ako mahihirapan pa. He only answered me with a smirk. Nagsimula na rin siyang kumain. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi na rin niya ako kinausap. Naging tahimik ulit kami. We were just eating. Kung minsan, nagkakahulian kami ng tingin. Tipid akong ngumingiti sa kanya. Natitigilan naman siya sa tuwing ginagawaran ko siya ng ngiti at nagpapatuloy lang kami sa pagkain. I am so full. Thanks to him. “Gosh, busog na busog ako!” I said. He chuckled. Ubos lahat ng in-order niya. Dinagdagan pa niya iyon ng dessert kaya kahit sigurado akong mahal dito, sinulit ko pa rin para hindi sayang ang ibabayad niya. “You like the food?” Tumango ako. “Oo, sobra. Sulit ang hindi ko pagkain sa umaga at tanghalian.” “Pero huwag mo nang gagawin ulit ‘yan. It’s not good for you to skip meals.” Ngumuso ako nang may maalala. “Ikaw din naman. Sabi mo kanina, hindi ka kumain.” He simply smiled. Unti-unti, nagiging kumportable akong kausap siya. May konting hiya pa akong nararamdaman pero habang nakakausap ko siya, parang nalulusaw din ‘yong paunti-unti. Hindi niya na inulit ‘yung sinabi niya kanina bago kami kumain. I guess, he noticed how I’m uncomfortable to discuss it. Pero umuukilkil sa utak ko nang maalala kong…gusto niya ako. May gusto siya sa akin! “Nasaan ang necklace mo?” He asked out of a sudden. I bit my lip. Hinubad ko muna ‘yon kaninang umaga nang mag-commute ako. Mainit sa mata ng mga kawatan eh. Baka mamaya bigla na lang hablutin. “Nasa bag ko,” simpleng sagot ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. Inilahad niya ang isang palad niya na parang may hinihingi. “Give it to me.” He said. Nanlaki ang mga mata ko. Babawiin niya ba dahil lang sa hindi ko sinuot? Alangan man, binuksan ko ang bag ko at kinuha iyon sa purse ko. Inabot ko iyon sa kanya. Bumuntong-hininga siya na parang problemado. Saka lamang siya pumuwesto sa likod ko at hinawi ang buhok ko. Suddenly, I already have an idea what he’s going to do. “You should wear this always.” Aniya. Tumikhim ako nang maisuot niya na iyon sa akin. Nagtatama ang balat namin dahil sa bahagyang paghawak niya sa balikat ko. It felt ticklish but at the same time…I felt hot. Huminga ako ng malalim para pakawalan ang kabang nararamdaman ko. “Tinanggal ko lang kanina. Siksikan kasi sa jeep. Takaw-tingin sa mga snatchers.” Rason ko. Hinila niya ang upuan at naupo sa tabi ko. Sa isang private room kami kumain kaya kaming dalawa lang ngayon ang nandito. “You know how to drive, right?” Tumango ako. “Tinuruan ako ni Tatay,” “Do you have a license?” Umiling ako. “I don’t have a car to drive so obviously, wala rin akong lisensya.” He smirk playfully. “I have a spare car, gamitin mo muna.” Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya sa gulat. Ano’ng pinagsasabi ng taong ‘to? Papahiraman niya ako nang kotse? “Stop kidding me. Baka patulan ko ‘yan,” pabirong sagot ko. Nagkibit-balikat siya. “I don’t mind. You can have it.” Mukha siyang seryoso. Pero hindi ko pinatulan ang kabaliwan niya. Hinatid niya ako sa bahay pagkatapos naming kumain. Nagyaya pa siyang mamasyal pero tumanggi na ako. Pagod na ako at kailangan ko pang bumalik bukas sa school. Inihinto niya ako sa harapan ng bahay namin. Wala si Tatay ngayon, duty niya sa trabaho. Si Nanay Zeny lang at ang mga kapatid ko ang nasa bahay. Nang tinanggal ko ang seatbelt, nakangiti akong humarap sa kanya. “Salamat sa libre saka sa paghatid,” ani ko. He smiled, too, and nodded. “Bukas, free ka?” Umiling ako. “Babalik ako sa school bukas.” “Bakit?” I frowned. “May kulang akong document. Wala nga akong napala sa school kanina, eh. Hindi ako nakapag-enroll dahil dun.” “Sasamahan kita.” He suggested. Umiling ako. “Huwag na. Mahaba ang pila bukas. Saka…may trabaho ka ‘di ba?” “Don’t worry about it. So…sasamahan na kita bukas,” hindi na iyon tunog suggestion ngayon. I pouted. “Bahala ka. Maaga ang gising ko bukas para iwas sa traffic. Baka hindi mo ako madatnan.” “I’ll be here before you wake up.” Akala ko ay hindi siya seryoso sa sinabi. Inirapan ko lang siya at bumaba na sa sasakyan niya. Pagkaligo, agad akong natulog. Hindi na ako kumain ng dinner dahil busog na ako. Mas nangibabaw ang pagod ko sa maghapong nilakad ko. Pero dahil kailangan kong agahan ang pagbalik ko bukas sa school, gumising na ako ng alas singko ng umaga. “Buti gising ka na. May maaga kang bisita!” Nakangiting sabi ni Nanay sa akin. Inaantok pa ako’t nag-iinat-inat sa harapan niya. Tinutop ko ang bibig dahil sa paghikab. “Sino ‘Nay?” Inaantok kong sabi. “Puntahan mo sa sala,” aniya. Papikit-pikit akong tinungo ang sala. Ni hindi ako nagsuklay man lang. Nakasabit ang tuwalyang gagamitin ko sa pagligo. Pero nabitin ang paghikab ko nang marinig ko ang baritonong boses na bumati sa akin. “Morning,” Dumilat ako sa pagkakabigla. Kilala ko ang boses na ‘yon! Hindi ako nagkakamali! “Ano’ng ginagawa mo rito?” Gulat kong tanong. Prenteng nakaupo sa sofa si Sandro. Humihigop ito ng kape. He looked fresh. Kahit may distansya sa pagitan naming dalawa, amoy na amoy ko ang bango niya. “Sinusundo ka. ‘Di ba sasamahan kita ngayon?” Inosenteng tanong niya. Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Nakita ko si Nanay na nagkakape rin habang nagse-cellphone. Kapag kuwan ay mabilis ko siyang nilapitan. “Hindi ako pumayag!” Nagpa-panic na sabi ko. “Hindi ‘yan ang sinabi mo. Ang sabi mo’y bahala na ako. You gave me an option to choose. And I choose to be with you today.” Tumaas ang kilay ko. “Ba’t mo ako sasamahan?” Mapanuring tingin ko sa kanya. “Because I’m free?” “Talaga?” Lumapit pa ako ng kaunti. Pinagkrus ko ang magkabilang braso ko. “Bakit pakiramdam ko, hindi ka nagsasabi ng totoo?” He smirked playfully. Ininom niya ang natitirang kape sa tasa niya. Nang ibaba niya ito sa center table tumayo siya at hindi pinutol ang titig sa’kin. “I want to spend my day with you. What’s wrong with it?” “Sandro, may boyfriend na ako—-“ “At alam kong naglalaro lang kayo. Come on, Quielle. I know you’re better than this.” He sounds pissed. I licked my lips and gasped for air. Paano ko ba ipapaintindi sa taong ‘to na hindi maganda ang patutunguhan nito? “Nanliligaw ka ba?” Those words came out of a sudden. Hindi ko alam kung bakit ‘yon ang ibinato kong tanong sa kanya. At hindi ko rin alam kung saang lupalop ko kinuha ang lakas ng loob ko magtanong. Pinakatitigan niya ako. Walang nagsalita sa aming dalawa. Pero parang nabibingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. I am really anticipating his answer. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang gusto kong marinig sa kanya na oo, nanliligaw siya, at parang madidismaya ako kung sakaling sabihin niyang hindi? “Did Quino court you?” “Hindi! But—-“ “What makes it different if I ask you to be my girl right now?” He fired back. Umawang ang mga labi ko at natigagal sa sinabi niya. Napatuwid ako sa pagkakatayo ko. Tama ba ‘tong naririnig ko? “Your g-girl?” “I told you yesterday, Quielle. I like you,” I immediately panicked when his voice sounded a little louder. Baka marinig ni Nanay! Sinapo ko ang bibig niya saka ko siya pinandilatan! “Huwag kang maingay!” Saway ko. “Hindi lang tayo ang tao rito!” I felt his lips smirk underneath my palm. Dahil sapo ko ang kanyang matabil na labi, hindi ko naiwasang magdikit ang katawan naming dalawa. Matangkad din akong tulad ni Sandro, ilang pulgada lang ang lamang niya sa akin. Sa taas kong 5’10”, hindi ako nahirapang abutin siya. Hindi ko nga lang napansin agad na nakalingkis na pala ang isang braso niya sa likod ko. At nang maramdaman kong gumalaw ang mga labi niya, na parang…hinahalikan ang palad ko, agad akong kumalas sa ginagawa! “Ano ba?!” Angil ko sa kanya. He smirked again. “You’re beautiful. But I didn’t expect how angelic your face is in the morning.” Tumaas ang gilid ng labi ko. Ang tamis niyang magsalita! Napakahirap paniwalaan ng sinasabi niya! Hindi siya ganito makipag-usap noon sa akin. He was always uptight and strict. Kahit makipag-biruan, hindi namin magawa. Ngayon lang! “Gusto mo ba talagang sumama sa’kin?” Suplada kong tanong. “I won’t be here early if I wouldn’t,” sagot niya. I sighed defeatedly. “Pwes, umayos ka!” Matapang kong utos sa kanya. “At huwag kang maingay, baka marinig ka ni Nanay! Maniwala pa ‘yon sa mga sinasabi mo!” Nakakalokong ngisi ang isinukli niya sa akin. “Eh ‘di maganda. It seems that your mother likes me.” Then he flirtatiously winked at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD